Makabagong Paraan ng Pagsulat, Mga Estruktura ng Salita, Pangugusap, at Wika. /Jade Danielle Agravante, Nina Abegail Eloisa Go, Charlene Miraflor at Allyn Joy Salvadora/
Don't wanna be here? Send us removal request.
Photo
MGA MAKABAGONG PARAAN NG PAGSULAT O ESTRAKTURA NG SALITA,PANGUNGUSAP, AT WIKA.
4 notes
·
View notes
Photo
MGA MAKABAGONG PARAAN NG PAGSULAT O ESTRAKTURA NG SALITA,PANGUNGUSAP, AT WIKA.
0 notes
Photo
MGA MAKABAGONG PARAAN NG PAGSULAT O ESTRAKTURA NG SALITA,PANGUNGUSAP, AT WIKA.
0 notes
Photo
Maituturing na kambal-katinig o dígrapó ang dalawang magkadikit na katinig na pinatutunog sa loob ng isang pantig, gaya ng SK (SC) sa Ingles na desk, disc, brisk, ng ST sa Ingles na test, contest, pest, post, artist, ng KT (CT) sa Ingles na aspect, subject, correct. Pansinin: Nása dulo ng mga salita ang mga inihanay na kambal-katinig. Malimit kasing natitilad ang mga ito sa dalawang pantig kapag nása gitna o umpisa ng salita, gaya sa naging bigkas Filipino sa scholar (iskólar) at stand (istánd).
1 note
·
View note
Photo
Ngunit sa abakadang Tagalog noon, hindi pinatutunog ang ikalawang katinig sa mga binanggit na mga kambalkatinig, kayâ “des” noon ang desk at “kontes” ang contest. Sa mga ginanap na forum mulang 2015 hanggang 2013, pinagtibay ang pangyayari na pinatutunog sa Filipino ang SK at ST. Sa gayon, maaari nang baybayin ang desk at disc na desk at disk. Samantala, tinatanggap na sa Filipino ang anyong test, kóntest, pest, post, ártist.
0 notes
Photo
Gayunman, hindi tinanggap ang KT (CT) dahil hindi diumano pinatutunog ang T sa tabi ng K sa loob ng isang pantig. Sa gayon, áspek ang aspect, korék ang correct, at maaaring sábjek ang subject. Narito pa ang ilang halimbawa:
ábstrak (abstract)
ádik (addict)
konék (connect)
kóntrak (contract)
0 notes
Photo
Ang digrapo ay kambal-katinig na binibigkas nang may isang tunog, gaya ng CH sa cheese, check, chopstick, at ng SH sa shooting, shampoo, shop, workshop, ambush, brush. Ang CH ay matagal nang tinapatan ng TS sa Tagalog kapag nanghiram sa Espanyol. Kayâ kung isasa-Tagalog ang tatlong halimbawa ng CH mulang Ingles ay magiging tsis, tsek, tsap-istík ang mga ito. Ganito rin ang mangyayari sa rich (rits), peach (pits), pitcher (pítser). Tinatapatan na ng TS ang ganitong tunog sa mga wikang katutubo, gaya sa “tsidát” (kidlat) ng Ivatan at “tsánga” (sistema ng patubig sa payyo) ng Ifugaw. Ang totoo, dapat tapatan ng TS sa halip na CH ang ganitong tunog sa mga balbal na imbentong gaya ng “tsansa,” “tsaka,” “tsika,” “tsitsà,” at “tsibug.” Narito pa ang mga halimbawa mulang Espanyol at Ingles.
tsismis (chismes)
tsapa (chapa)
tsampaka (champaca)
títser (teacher)
swits (switch)
tsart (chart)
Ngunit tigib sa alinlangan hanggang ngayon ang pagtanggap sa digrapong SH kung pananatilihin o tatapatan ng tunog Tagalog. May nagnanais panatilihin ito, gaya sa “shampu.” May nagnanais tapatan ito ng SY, gaya sa “syuting.” Ngunit may nagsasabing nawawala ito sa dulo ng salita kayâ dapat “ambus” ang ambush. Pansamantalang nakabukás hanggang ang kasalukuyang gabay para sa mananaig na eksperimento hinggil dito.
1 note
·
View note
Photo
Ang malaking problema, isang lehitimong tunog ang SH sa mga wika sa Cordillera. Sa wikang Ibaloy, natatagpuan ang SH sa umpisa, gitna, at dulo ng salita. Halimbawa, shuwa (dalawa). Sa 2013 forum, ipinasiya na isaalang-alang ang SH bilang isang tunog ngunit hindi tutumbasan ng katapat na bagong titik. Ang ibig sabihin, mananatili ito sa anyo nitó ngayon bilang katutubong digrapo at babaybayin sa mga titik S at H, gaya sa sumusunod na mga salitang Ibaloy:
shuhol (nahiga)
sadshak (kaligayahan)
savishong (lason)
peshen (hawak)
0 notes
Photo
Isang bagong pasok na kaso ang pagpapatunog sa H, na kumakatawan sa nagaganap na aspirasyon o pahingal na pagpapatunog sa katinig o patinig, sa digrapong TH at KH. Sa lumang abakadang Tagalog ay hindi pinatutunog ang aspiradong H ng TH at KH. Kayâ iniispeling noon na “maraton” ang marathon. Ngunit binago ito; ang ibig ngang sabihin, tinanggap sa 2013 forum upang gamitin ang aspirado o pahingal na bigkas sa H. Hindi ito dahil sa Ingles na gaya ng aspiradong bigkas sa tin at khan. Ang higit na mahalagang dahilan, naririnig ang bagay na ito sa wikang katutubo na tulad ng Mëranaw:
thínda—magluluto
thengéd—pinsan lítha—gulay
khabádot—mahuhugo
pekháwaw—nauuhaw
kalókha—pansamantalang pagtigil
Ang totoo, sa Mëranaw, mahalaga ang pagpapatunog sa H sa TH at KH upang maibukod ang mga salitang TH at KH sa mga kahawig na salitang walang aspiradong T o K. Halimbawa:
matháy (matagal, patagalin)—matáy (mamatay)
lítha (gulay)—litâ (dagta)
khan (kakain)—kan (kumain)
khalà (tumawa)—kalà (laki)
0 notes
Photo
Wala namang batas hinggil sa nagaganap na pagpapalit ng E sa I at ng O sa U. May ilang tuntunin lámang ang Balarila kung kailan ito nagaganap at umiral ang paniwalang isang natural na pangyayari sa mga wikang katutubo sa Filipinas ang gayong pagpapalit. Maaari din itong ugatin sa pangyayari na tatlo (3) lámang ang titik ng baybayin para sa mga tunog ng patinig. Sa naturang sitwasyon, nagsasalo sa isang titik ang E at I gayundin ang O at U. Maaaring ito ang sanhi ng nakaugaliang pagdausdos ng dila sa pagbigkas ng E at I at ng O at U gayundin ang nagkakapalitang pagsulat sa dalawang tila kambalang mga patinig.
Alam ito ni Tomas Pinpin. Kayâ noong isulat niya ang aklat na Librong pagaaralan nang manga Tagalog nang uicang Caftilla (1610) ay nag-ukol siya ng mga leksiyon hinggil sa wastong pagbigkas ng E o I at O o U kalakip ang babala na hindi dapat ipagkamali ang E sa I o ang O sa U sapagkat may mga salita sa Espanyol na magkatulad ng baybay ngunit nagkakaiba ng kahulugan dahil sa may E ang isa at may I ang ikalawa o may O ang isa at may U ang ikalawa. Ibinigay niyang mga halimbawa ang pecar at picar, queso at quizo, peña at piña, modo at mudo, at poro at puro.
Kahit ngayon, maaaring idagdag ang pagkakaiba sa isa’t isa ng “penoy” at “Pinoy,” ng “saleng” at “saling,” ng “meron” at “mirón,” ng “balot” at “balut,” ng “Mora” at “mura.” Kahit sa hanay ng mga kabataan, ibinubukod ng E ang ekspresyon niláng “Hanep!” sa ibig sabihin ng orihinal na “hanip.”
0 notes
Photo
Bahagi sa pagdisiplina sa ating dila ang tuntunin upang maibukod ang E sa I at ang O sa U. Pahihintuin ng naturang disiplina ang balbal na ugaling gawing I ang E sa umpisa ng mga salita, gaya sa “iskandalo” sa halip na “eskandalo,” “istasyon” sa halip na “estasyon,” “istilo” sa halip na “estilo,” “minudo” sa halip na “menudo,” atbp. Bagaman nakapagtatakang hindi napalitan ng I ang unang E sa “estero,” “estranghero,” “erehe,” at “eredero.”
Kung didisiplinahin, mapipigil ang paabakada kunong “liyon” sa halip na “leon,” “nigatibo” sa halip na “negatibo.” Mapipigil din ang ugaling palitan ng U ang O sa gaya ng “kuryente” sa halip na “koryente,” “Kuryano” sa halip na “Koreano,” “dunasyon” sa halip na “donasyon,’ “murado” sa halip na “morado,” “kumpanya” sa halip na “kompanya,” “sumbrero” sa halip na “sombrero,” “pulitika” sa halip na “politika.”
0 notes
Photo
Sa kaso ng E-I, magiging senyas ang E sa mga salitang Espanyol na nagsisimula sa ES upang ibukod sa mga salitang Ingles na halos katunog ngunit nagsisimula sa S, gaya sa sumusunod:
eskándaló (escandalo) iskándal (scandal)
estasyón (estacion) istéysiyón (station)
espesyál (especial) ispésyal (special)
esmárte (esmarte) ismárt (smart)
eskuwéla (escuela) iskúl (school)
estandárte (estandarte) istándard (standard)
estílo (estilo) istáyl (style)
eskolár (escolar) iskólar (scholar)
0 notes
Photo
Sa kaso ng O-U, ipinahihintulot ang pagpapalit ng O sa U kapag nagbago ang kasunod na katinig sa loob ng pantig. Nagaganap ito sa pagpapalit ng N sa M kapag pag-uumpisa ang kasunod na pantig sa B/V at P/F. Halimbawa, ang anyong “kumperensiya” ng conferencia. Napalitan ng U ang O kaugnay ng naganap ng pagpapalit ng kasunod na N sa M dahil sumusunod sa P/F. Ito rin ang katwiran sa pagpalit ng U sa O orihinal ng salitang Espanyol sa sumusunod:
kumbensiyón (convencion)
kumpisál (confesar)
kumbénto (convento)
Kumpórme (conforme)
kumportáble (confortable)
kumpiská (confisca),
kumpiskasyón (confiscacion)
kumpéti (confeti)
Hindi sakop ng tuntuning ito ang “kumpanya” at “kumpleto” na dapat baybaying “kompanya” at “kompleto” dahil compañia at completo ang orihinal sa Espanyol. M na talaga ang kasunod ng O sa orihinal. Kaugnay ng tuntunin, malinaw din na hindi dapat gawing U ang O kung N ang orihinal na kasunod sa mga salitang gaya ng “monumento’ (monumento), “kontrata” (contrata), “kontrobersiya’ (controvercia), at “konsumo” (consumo).
0 notes
Photo
Nagiging I ang E at nagiging U ang O kapag nása dulo ng salita at sinusundan ng hulapi. Halimbawa, ang E sa “babae” ay nagiging I sa “kababaihan”; ang O sa “biro” ay nagiging U sa “biruin.” Halimbawa pa:
balae—balaíhin
bale—pabalíhin
tae—nataíhan
onse—onsíhan
kalbo—kalbuhín
pasò—pasùin
takbo—takbuhán
tabò—tabùan
Ngunit tandaan: Nagaganap lámang ang pagpapalit kapag binubuntutan ng hulapi ang salitang-ugat.
0 notes
Photo
Taliwas sa lumaganap na akala, hindi awtomatiko ang pagpapalit kayâ hindi nagaganap sa ibang pagkakataón, gaya sa sumusunod:
(1) Hindi kailangang baguhin ang E at O kapag sinundan ng pangatnig na –ng. Tumpak ang “babaeng masipag” at hindi kailangan ang “babaing masipag”; tumpak ang “birong masakit” at hindi kailangan ang “birung masakit.”
(2) Hindi kailangang baguhin ang E at O kapag inuulit ang salitang-ugat. Wasto ang “babaeng-babae” at di-kailangan ang “babaing-babae”; wasto ang “biro-biro” at hindi nararapat ang “birubiro.” Maaaring nagaganap ang pagpapalit ng I sa E o ng U sa O sa karaniwang pagbigkas ng mga Tagalog ngunit hindi kailangan isulat, maliban kung bahagi ng realismo sa wika ng isang akdang pampanitikan. Ang ibig sabihin pa, hindi kailangan ang tuntunin hinggil sa pagpapalit dahil may mga Tagalog na hindi isinasagawa ang gayong pagpapalit sa kanilang pagsasalita. Bukod pa, isang bawas na tuntuning dapat isaulo ng mga di-Tagalog ang tuntuning ito mula sa Balarila. Tandaan pa ang sumusunod:
“ano-ano” hindi “anu-ano”
“alon-alon” hindi “alun-alon”
“taon-taon” hindi “taun-taon”
“piso-piso” hindi “pisu-piso”
“pito-pito” hindi “pitu-pito”
“palong-palungan” hindi “palung-palungan”
“patong-patong” hindi “patung-patong”
0 notes
Photo
Sa kabilang dako, nagaganap ang pagpapalit ng I sa E at U sa U kapag walang gitling ang inuulit na salita at nagdudulot ng bagong kahulugan, gaya sa “haluhalo” na iba sa “halohalo.” Isang popular na pagkaing pampalamig ang “haluhalo”; paglalarawan naman ng pinagsáma-sámang iba’t ibang bagay ang “halohalo.” Narito pa ang halimbawa ng salitang may gitling at walang gitling:
salo-salo—magkakasáma at magkakasabay na kumain
salusalo—isang piging o handaan para sa maraming tao
bato-bato—paraan ng paglalarawan sa daan na maraming bato
batubato—ibon, isang uri ng ilahas na kalapati
0 notes