Text
#JustSaying
Ang init. Maalinsangan, nakakapanlagkit, hindi ka mapakali dahil sa sobrang init. Tapos may mga tao na sasabayan pa ang init ng panahon dahil sa pagbibigay nila ng "personal opinion" na di naman kailangan. Gets mo ba? Ang init na nga ng panahon, iinit pa ung ulo mo sa mga unwanted opinions na galing sa kanila.
Yes, most of opinions matters since we have the freedom to speak, write, and whatever but please don't forget about the word LIMITATIONS and BOUNDARIES.
Nagkaroon tayo ng freedom to speak or whatsoever to share our opinions na hindi nanghahamak at nangaapak ng dignidad ng ibang tao. Mas lalo na ibaba ang self confidence and self esteem nila. Set your limits and boundaries on every words you have to speak, write, or interpret.
Yes, you are not entitled na maging standard sa ibang tao but at least be decent and be appropriate on your platform kasi di lang naman adults and young adults ang nakakanood or nakakarinig sa inyo. Mas maraming minors ang gumagaya sa mga ganyang mindset na hindi talaga tama sa paningin ng tao.
If you have a platform and have hundreds and thousands of followers, always remember think before you speak, think before you click. Be a role model not a foul model.
Let's spread good vibes on everyone. Ang init na nga ng panahon, mas magandang magshare na lang ng recipe ng homemade halo-halo kesa sa mga unimportant at halo-halong negative opinions niyo.
1 note
·
View note