Text
Kinda hurt. Kinda offended.
Nanginig ang kalamnan ko. Para akong binuhusan ng malamig at mainit na tubig. Ang sakit e.....Sobra. Nakakainsulto.
Ang sakit Julius.........hindi ko akalain na masasabi mo 'yan. Hindi naman kita sinisingil ah......iba yung dating sakin Julius e. Iba......Nakakainsulto. Sobra. "Babayaran ko wag ka mag-alala" "Tutubuan ko na lang din"? Para saan? Bakit? Julius naman e.......natanggap ka lang sa trabaho ganyan mo na ako pagsalitaan. Mukha ba akong pera sa paningin mo.......parang hindi mo naman ako girlfriend kung makapagsalita ka ng ganyan.........
Ito yung pinakunang pagkakataon na natulungan kita sa pag-aapply mo.....ngayon lang ako nakatulong sayo e......dahil noon wala man lang akong maitulong sayo.....pakiramdam ko lalo akong walang kwenta sayo dahil sa sinabi mo....... Congrats na natanggap ka na.....masaya ako para sayo.
Ang himbing himbing na siguro ng tulog mo sa mga oras na 'to..... Samantalang ako eto.....nasasaktan...nagmumukmok......
Nakakasama ng loob......nakakainsulto........hindi ako makapaniwala.
Mahal mo pa kaya ako?.............
0 notes
Text
Ang pinakamasayang tatlong araw sa buhay ko.
Tatlong araw tayo nagkasama sa bundok......nagkaron tayo ng sariling mundo panandalian....at yun ang pinakamasayang tatlong araw ng buhay ko.....ang makasama ka na walang iniisip na iba.....na umpisahan ang araw na ikaw agad ang unang makikita at kasama, ang tapusin ang araw na ikaw ang huling makikita bago ipikit ang mata..... At kung merong time machine? Ibabalik at ibabalik ko ang tatlong araw na 'yun. Hindi na ako makapaghintay na habang-buhay sa araw-araw ganun na lang palagi ang scenario......gustong gusto kita makasama sa araw-araw, oras-oras, minu-minuto, segu-segundo.... Mahal na mahal kita, mahal ko. Mahal na mahal.
Sana maappreciate mo na ko....
0 notes
Photo
The reason behind my happiness, my sadness, my anger and my pain. I love you so much, my Julius Caesar. I miss you :(
0 notes
Text
Your words haunts me everyday
Ang sama ng loob ko sayo Julius e......ang sama sama ng loob ko sayo.... Sobrang sakit. Sobra.
March 5, 2017
Bago ka umalis.....ang sabi ko nalulungkot lang ako at mamimiss kita hindi man lang ako nakayakap sayo. Pero sandamakmak na masasakit na salita yung natanggap ko sayo....ang sabi mo pa bakit gumagawa ako ng eksena. Pinamukha mo sa akin na wala akonng kwenta. Na napakalaking pagkakamali ang pagpili mo sakin, na ako girlfriend mo, na pinagsisisihan mo lahat ng ginawa mo para sa akin. Yan ang naramdaman ko nun Julius.......sobrang sakit ng lahat ng sinabi mo. Hindi ko akalain na ganun pala yung nasa isipan mo.......na para bang wala akong nagawa o naitulong sayo. Hindi ko akalain na masasabi mo lahat yun. Na wala lang pala lahat sayo ng paalala ko noon. Walang gabi na hindi pumapasok sa isipan ko lahat ng sinabi mo sa akin. Nagkibit balikat ako......inisip ko na lang na galit ka kaya mo nasabi yun. Na may problema ka, na ang bigat ng dinadala mo. Saan ba ko nagkulang? Saan ba ko nagkamali? Bakit hindi mo pa rin ako maappreciate Julius? Bakit hindi mo pa rin makita yung mga tamang nagawa ko para sayo.....para sa atin? Yung mga sinabi mo sa akin....yung mga nasa isipan mo......mali naman lahat yun Julius e. Hindi kita ipinagdadamot sa pamilya mo.....paulit-ulit kong sinasabi sayo noon pa na kailangan maging malakas ka para sakanila at kailangan ka nila......noon ko pa yan sinasabi sayo....... Pero hindi mo natandaan na sinabi ko yan. Ni hindi siguro pumasok sa isipan mo kaya kung ano-anong masasakit na salita ang sinabi mo sa akin.
Matagal kang nawala....masyadong matagal para sa akin ang sampung araw na wala ka....Akala ko marerealize mo lahat ng sinabi mo, akala ko marerealize mo na nasakatan ako sa mga nasabi mo.
Ang sabi mo babawi ka.....isa lang naman ang gusto ko Julius e.....ang mawala lahat ng yan sa isipan mo.....na maappreciate mo naman ako....na alalahanin mo naman lahat ng tamang nagawa ko para sayo, para sa atin......na sana palaging mas mangibabaw yung pagmamahal mo sa akin kaysa sa galit......SANA.
Hindi ko na kasi alam kung ano pang gagawin ko para lang mawala lahat ng 'yan sayo Julius e. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para mawala sa isipan mo na ipinagdadamot kita sakanila, na sa akin lang umiikot ang relasyon na to. Ako tong hindi alam ang gagawin kung paano ko maalis lahat yan sa isipan mo.....
Hindi ako perpektong kasintahan pero maniwala ka ginagawa ko yung best ko para sayo, para mapasaya ka, para ma-appreciate mo ako, ;para hindi mo na masabi na sa akin lang umiikot ang relasyon na ‘to. Gustong gusto ko ‘yan alisn sayo :( Sorry....eto lang ako.
Sana maging okay na ang lahat para sa’yo....para sa inyo. Nandito lang ako lagi para sa’yo. Mahal na mahal kita. Hindi ako susuko, kakapit at kakapit ako sayo......sa atin. Sobrang miss na miss na miss na kita, suot ko nga tong tshirt mo oh :(. Umuwi ka na please.......gustong gusto na kita makita :(
Mahal na mahal kita, mahal ko. Mahal na mahal. Ikaw..........mahal mo pa ba ako?
0 notes
Text
Gustong gusto na kita makita
Content Not Allowed
0 notes
Photo
0 notes
Text
SASALUBUNGIN NATIN ANG KINABUKASAN
Content Not Allowed
0 notes