Tumgik
my-hecate · 2 years
Text
June 29, 2022 - 11:36 AM
June 02, 2022 nang lumuwas ako ulit para magpa-clearance sa trabaho ko dati. Nag-commute lang ako dahil sobrang mahal na ng gas ngayon. Almost 100 pesos na. Pati ang pamasahe nagmahal na rin.
Nagkita rin kami nila Luiza at ilan sa mga katrabaho ko dati. Medyo mabilis naman ang pagkaka clearance ko kaya bandang hapon ay nakarating na ako ng Antipolo. Birthday kasi ni Patreng kinabukasan kaya pumunta na rin ako.
Mas gumaan na rin ang pakiramdam ko kila Jose. Komportable na rin akong kausap ang Mama at mga kapatid niya at mas lalo kaming naging close ng mga pamangkin niya. Kinabukasan ay tumulong kami sa pagluluto ng mga handa ni Patreng. Doon nakilala ko na rin ang mga tito at tita niya. Nakakapagod pero sobrang nag enjoy ako at ramdam ko na welcome ako sa pamilya niya. Alagang alaga rin ako ni Jose lalo na ni Tita na lagi akong niyayayang kumain. Sobrang dami ko ngang nakain kaya hindi na kami kumain nang hapunan. Hahaha. Ang sarap magluto nila Kuya Brian ng palabok at kung ano ano pa.
Umuwi rin ako kinabukasan. Ang saya lang kasi ramdam ko talaga na tanggap ako sa pamilya niya. Never kong na-feel yung pakiramdam na pinaparamdam ni Nanay sa mga taong dinadala ko sa bahay.
Hindi judgemental ang pamilya ni Jose. Sobrang hospitable nila at tatanggapin ka talaga nang buong buo. Mas lalo kong naramdaman ang pinagkaiba ng pamilya namin sa ibang pamilya.
0 notes
my-hecate · 2 years
Text
June 29, 2022 - 10:50 AM
Medyo natagalan ako sa pag a-update dahil wala rin naman akong gana sa life ko. Pero gusto ko pa rin ilagay dito lahat ng mga nangyari sa'kin at thoughts ko.
I'll continue our first meeting. Sumama sa akin si Jose pauwi ng Bulacan. Itinuro ko na rin sa kanya ang mga dapat niyang sakyan at daanan in case na siya na lang mag isa ang bumyahe. Natatawa nga ako kasi nagkapalit na kami nang sitwasyon. Siya na ang kinakabahan habang nasa byahe na kami. Maaga ko na siyang pinaalalahanan tungkol kay Nanay at in-assure naman niya na iintindihin niya na lang 'to.
Wala pang alas dose nang tanghali ay nasa byahe na kami. Sila bunso ang unang nakakita sa kanya kasi nasa terrace lang sila. Tapos pinakilala ko siya kay Mama. Nakakapagsalita naman si Jose pero halata sa kanya ang kaba. Ramdam ko rin na okay naman sa kanya si Mama pero may halo rin 'tong gulat. Pero alam ko naman na susuportahan niya ang relasyon namin ni Jose.
Kumain kami kaagad tapos after noon tinulungan namiin si Mama na maghanda nang panahog sa spaghetti para mabaon namin kinabukasan sa beach. Habang nagpuputol siJose ng noodles, tinanong naman siya ni Nanay ng kung ano ano. Kagaya na lang kung ilang taon na 'to at kung anong natapos. Which is kinainis ko dahil unang una kung ako si Jose ang dating sa akin noon ay basehan ba ang edad at tinapos para sa halaga ng isang tao?
Pagkatapos namin tumulong kay Mama umupo muna kami sa may sala para magpahinga. Maya maya ay tinawag ako ni Nanay na nasa kusina. Expected ko na 'yon kaya pumunta na lang ako. Ang tanong ba naman niya sa akin ay, "Sigurado ka na ba dyan?" Yung pagkakatanong niya parang dismayado na hindi mo maintindihan. Inaasahan ko na rin 'yon dahil kahit naman si Steven na ex ko pinintasan niya. Or should I say buong buhay ko lahat na lang pinipintasan ni Nanay.
Sabi ko, "Oo, mabait naman siya at maalaga. Sobrang sipag din niya." Ang sabi ba naman tinanong niya lang daw para masigurado niya. Which is hindi ko pinaniwalaan dahil alam ko naman ang tumatakbo sa isip niya.
Ang gusto lang naman niya ay mayaman at gwapo. Doon lang naman umiikot ang criteria niya kaya hindi na ako magtataka kung bakit nahirapan mag asawa si Mommy Amy.
Anyway, bandang hapon ay nagpunta kami nila Mama sa All Home. Si Micha, ako, Paul at Jose. Nag grocery kami ng konti para sa baon sa beach. Nakita pa nga namin sila Tito Mel kasama si GA na nag grocery din. Pinakilala ko rin si Jose kay Tito Mel, natawa na lang ako nang sinabi niya na may boyfriend pala daw ako. Hahaha.
Buong gabi ay naglaro lang kami ni Jose ng ML. Hindi na rin kami nakatulog noon kasi alas dos pa lang umalis na kami para bumyahe papuntang Aurora. Hindi sumama si Ate kasi may pasok siya noon. Habang nasa byahe, lagi kong tinatanong si Jose kung okay lang ba siya kasi alam ko ang pakiramdam nang nag iisa kasama ang mga taong ngayon mo lang nakilala.
Hindi rin kami nakatulog nang maayos sa byahe kasi nasa gitna kami naupo katabi si Mama. Alas otso na ata nang makarating kami sa Beach. Kasama namin ang buong pamilya ni Mama. Kaya naipakilala ko na rin si Jose sa kanila.
Mabuti pa sa side ni Mama, walang kwestyon kwestyon. Basta kung sino lang ang pinakilala mo, tanggap agad nila. Ang tanging tinanong lang nila kay Jose ay taga saan siya sa Antipolo at kung saan kami nagkakilala.
Sobrang proud ako kay Jose kasi ang sipag niya talaga. Siya mismo ang nagsa-suggest na mag ihaw at gumawa ng kung ano ano. HIndi rin siya nahihiyang makisalamuha sa mga tita at tito ko.
Mas naramdaman ko na siya na talaga.
In-enjoy lang namin ni Jose ang beach. Naghanap pa kami ng mga magagandang bato na naiwan lang din naman namin. Hahaha. Puro tawanan lang ang ginawa namin at sobrang nag enjoy talaga ako.
Alas tres na nang mag ayang umuwi si Lolo. Sa likod na kami naupo ni Jose para makatulog kami. Parang nga mas mahaba ang byahe namin pauwi. Halos mag a alas dose na ata nang makauwi kami at ramdam ko kaagad ang pagod. Sumakit pa ang lalamunan ko at nagkasingaw pa ako sa dila.
Naglaro pa kami ni Jose bago matulog. As usual nayamot na naman ako at nahiga ako nang hindi man lang natutulog sa kanya. Ang childish ko talaga. Pero dahil sa guilt ko, kahit nakapikit na siya lumapit ako sa kanya tsaka ko siya kiniss. Mali rin naman ako kasi laro lang naman 'yon tapos totoyoin ako. Buong araw ginawa niya ang best niya para mapasaya lang ako.
Kinabukasan ay kumain kami kaagad ng almusal at naligo. Nagpahatid na kami kila bunso sa Trinoma para maihatid ko si Jose sa LRT kasi hindi pa niya masyadong kabisado ang mga dadaanan niya.
Sinulit ko na ang bawat minuto na kasama ko siya. Bawat lapit namin papuntang LRT nararamdaman ko ang lungkot. Nang nasa LRT na kami at papasok na siya saloob, niyakap ko siya at hinalikan. Medyo naiiyak pa ako noon kasi ayoko pang mahiwalay sa kanya pero kailangan na niya umuwi.
Hindi muna ako bumalik ng Trinoma hangga't hindi pa siya nakakasakay ng train. Nagchat pa siya na napansin niya na maiyak iyak ako noong nagpaalamanan kami.
Wala pang isang oras pero gusto ko na siya ulit makasama noon.
Sobrang mahal ko ang taong 'to.
Maraming salamat po, Lord, kasi hinayaan niyo siyang dumating sa buhay ko.
0 notes
my-hecate · 2 years
Text
May 31, 2022 - 03:33PM
Itutuloy ko na ang kwento ko about sa pagpunta ko kila Jose para sa 1st Anniversary namin.
Hindi ako masyadong nakaidlip kasi narinig kong dumating ang isa pa sa mga pinsan ni Jose. Dumating si Angel kasama ang boyfriend nya na si Aldrin.
Bandang hapon naman ay pumunta kami sa bahay nila Ate Diane, ang panganay sa mga kapatid ni Jose. Nanay rin ni Patreng. Excited akong sumama kay Jose kasi gustong gusto kong makita si Patreng. Sobrang cute niya kasi sa nga sinesend na pictures ni Jose. Kaya gusto ko rin siyang maka close. Ang kaso pagdating doon ay wala pa pala sila. Kaya ang napuntahan lang namin ay ang bahay nila Angel kung saan nakita ko na rin si Adeng, kapatid ni Angel.
Nakakatuwa nga kasi paalis na dapat kami ang kaso tinawag pa ni Adeng si Jose tapos ang narinig kong sinabi ni Adeng ay ang ganda ko daw. First time na may nagsabi sa akin na ibang babae na bago ko lang nakilala na maganda daw ako. Hindi ko naramdaman na bola lang 'yon or what. Kaya sobrang kinilig at natuwa ako. Plus the fact na mukhang pasado na ko sa angkan ni Jose.
Kinagabihan, 6PM pa lang pero kumain na kami ng hapunan. Hindi ako sanay kasi sa bahay ang kain namin 8PM pa. 😂 Pero alam ko na rin naman na maaga talaga sila naghahapunan para na rin maaga makapahinga sila Tita.
Adobong manok ang ulam namin. Sabay sabay kaming kumain lahat. Tinulungan ko rin si Jose na maghugas ng mga pinagkainan. Sumunod na rin ako kila Tita na maligo dahil ramdam ko yung lagkit ng katawan ko dahil sa dami ng nilakad ko kanina. Naglaro din kami ni Jose ng CODM at ML bago matulog. Sa sala natulog si Jose kasama ang Papa niya habang ako sa kwarto nila katabi sila Cally, Eara at Tita.
Kinabukasan, May 14, 2022, ginising ako ni Jose ng mga 7AM. Naglaro muna ako ng ilang ML Classic games tsaka kami nag almusal. Pagkatapos kumain ay naligo na rin ako. Maaga kaming gumayak ni Jose para pumunta sa Antipolo Cathedral.
Naabutan pa kami ni Tita na galing sa zumba. Tinuruan niya kami kung paano kami pupunta sa simbahan at nagpabili rin siya ng medyas.
Sumakay kami ng mini bus sa may SM Masinag tapos bumaba kami sa may Walter para sumakay ng tricycle papuntang simbahan. Medyo malayo rin pala ang Antipolo Cathedral sa kanila.
Ang nakakainis ay naiwan ko pala ang isang wallet ko kung nasaan ang iba ko pang pera. Kaya ang nadala ko lang ay ang wallet na pampamasahe. Mabuti na lang at nakapag send si Mama sa Gcash ko at may nahanap kami ng pwedeng mag - cash out na tindahan.
Hindi ganoon karami ang tao. Nagdasal kami sa loob ng simbahan tapos pumunta kami sa may tindahan ng mga suman at kakanin. Ang dami naming biniling suman para pasalubong kila Mama.
Pagkatapos ay naghanap kami nang mabibilhan ng maiinom at nauwi kami sa isang coffee/milk tea shop na worth 35 to 45 pesos lang.
Hindi namin alam kung saan kami sasakay pauwi ng Masinag. Mabuti na lang at naglakad lakad muna kami at nakita namin ang terminal papuntang Cubao.
Sa palengke nila Jose kami naghanap ng medyas ni Tita. Wala kaming mahanap na puting medyas na mahaba. Puro iba ang kulay. May nahanap kami ang kaso may guhit na itim. Yun na lang ang binili namin dahil wala na talaga kaming makita. Bumili na rin kami ng isda para may maiulam.
Pasado ala una na ata kami nakauwi. Niluto kaagad ni Tita ang binili naming isda at kaagad kaming pinakain. Ang dami ko ngang nakain kasi ang sarap tapos ang laki pa ng isda. 😂
Hindi bet ni Tita yung nabili naming medyas kaya kinailangan naming bumalik sa palengke bandang hapon matapos tumila ang malakas na ulan.
Bago kami umalis ay dumating na si Kuya JJ. Ang isa pa sa kapatid ni Jose. Kinabahan din ako kasi nakakalaro ko naman siya sa ML pero iba pa rin talaga kapag kakausapin mo nang personal. 😂
Pagbalik namin sa palengke, niyaya ko na sa 167 si Jose. Nandoon lahat bg klase ng paninda kaya baka kako may medyas din doon. Mabuti na lang at nakahanap kami. Bumili na rin kami ng baboy para ma-adobo ni Tita pati na rin tokwa dahil balak namin magpainom sa mga pinsan niya.
After maghapunan, dinalhan namin sila Ate Diane ng suman tapos sinundo na rin namin sila Angel tsaka ang bebe niya. Bigla pa nga akong pinakilala sa Tita ni Jose. Mangatog ngatog pa nga ako. 😂
Pagtapos naming bumili ng alak, pumunta na kami kila Nani. Sumunod rin si Kuya JJ kasi sabi ko magpapainom kami ni Jose.
Nag enjoy akong kabonding ang mga pinsan niya. Lahat sila mababait at masayang kasama.
Noong medyo nagkakatama na ako naging madaldal na ako. Lahat kinukulit ko na. Mabuti na lang medyo bumagal ang pag inom at hindi ako ganoon kalasing. Baka bigla akong magkalat doon kapag nagwalwal pa kami. 😂
Alas dose na ata nang bumalik kami sa bahay nila Jose. Magkatabi lang naman ang bahay nila kaya hindi naman kami nahirapan umuwi.
Naglinis muna ako bago kami natulog ni Jose. As usual, sa sala siya kasama sila Kuya JJ at sa kwarto naman ako katabi sila Eara.
Kinabukasan, maaga kami gumising ni Jose. Uuwi na kasi kami ng Bulacan. Kasama siya kasi gusto ko rin makilala siya nila Mama at may plano rin kami mag beach sa Aurora.
Late na rin kami nakagayak. Alas dyis na ata noong nakaalis kami. Syempre nagpaalam ako nang maayos kila Tita. Nakakatuwa lang kasi naging close kami kaagad ni Eara tapos si Cally medyo nag rerespond na sa akin. Baby pa kasi siya.
Next post na lang ang mga sumunod na events. 💙
0 notes
my-hecate · 2 years
Text
May 25, 2022 - 09:55 PM
Ngayon lang ako ulit nakapag Tumblr. Ngayon ko lang din makekwento lahat nang nangyari sa akin the past few days. Lalo na ang mga importanteng bagay.
Last May 13, 2022, after more than a year of playing games together, every day calls and video calling, nagkita na rin kami ni Jose.
May 13, 2021 ang Anniversary namin and noong April, nakapag-decide kami na magkita na since maluwag na rin naman na ang Covid 19 Alert. May madaling byahe na rin papunta sa kanila.
Thursday, May 12, 2022, tumulong muna ako sa Clinic nila Ate. Bumili na rin ako that day ng mga dadalhin kong chicharon kinabukasan. Iyon ang naisip kong gawing pasalubong sa pamilya ni Jose dahil for sure magugustuhan nila 'yon. Bumili rin ako kay Lola Rosie ng dalawang bote ng atsara.
Gabi bago mag Friday, sakto lang ang nararamdaman ko. Masaya ako pero hindi kinakabahan. Inayos ko lahat ng mga dadalhin ko at sinigurado ko na wala akong maiiwan. Sa pagkakatanda ko ay maaga rin kaming natulog ni Jose. Pinilit kong makatulog nang maaga pero bandang huli ay paggising gising ako at panay ang tingin sa orasan. Medyo nakakaramdam na ako ng excitement. Hehe.
4 AM, bumangon ako kaagad at dumiretso sa kusina. Nagtimpla ako nang mainit na gatas at nagluto ako ng Lucky Me Curly Spaghetti na sobrang paborito ko. Medyo nababad pa nga ako sa pagse-cellphone kaya hindi ko namalayan ang oras.
Bago maligo ay binigyan ko na muna ng pagkain ang mga tuta. Medyo matagal rin akong naligo dahil gusto ko talaga fresh ako kapag nagkita kami ni Jose. Tipong kahit pagpawisan ay mabango pa rin. 😂
Ang tagal ko rin atang gumayak kaya mga 06:30 AM na ako nakaalis. Nakasakay naman ako kaagad ng jeep at P2P na bus pa-Trinoma. Mabilis lang ang naging byahe ko dahil wala namang traffic. Pagdating ko ng Trinoma, sa sobrang haba ng pila sa MRT, tinamad akong sumakay doon. Kaya nag-book na lang ako ng Angkas.
Noong una, nahirapan akong mag-book dahil first time ko lang din talaga mag Angkas at rush hour din noon kaya walang malapit na rider. After 5 minutes, nakapag book ako ang kaso malayo daw masyado si Kuyang rider kaya pina-cancel niya sa akin. Next booking, success naman. Tumawag si Kuyang rider at ilang minutes din ay huminto na siya sa harap ko. Noong nakakalayo na kami, tinanong niya ang pangalan ko. Nagulat sya dahil mali daw pala ang nasakay niya pero number ko ang naka-register sa natanggap niyang booking. So, it means nagkaroon ng syncing issue ang app ng Angkas. Baka sa dami nang nagpapa-book, nagloko na ang system nila. Mabuti na lang at mabait si Kuyang rider at hinatid pa rin ako sa kung saan ako pupunta. Dinagdagan ko na lang ang bayad sa kanya since medyo napalayo kami at tip na rin dahil mabait si Kuya.
Mga 8 AM nasa LRT Cubao na ako. Mabilis rin akong nakasakay. Tinawagan ko pa si Jose kasi kinakabahan ako. Baka kung saang station ako bumaba. Baka imbis na SM Masinag ako bumaba, Marikina lang pala ako makarating. Mabuti na lang at last stop talaga ang Antipolo which is tapat mismo ng SM Masinag.
Wala pang 9 AM nasa SM Masinag na ako. Tinawagan ko ulit si Jose at sinabi niya na nagluluto pa siya ng agahan nila Eara kaya naghanap muna ako nang mauupuan sa may SM. Mabuti na lang may bakanteng bench doon.
Medyo nakakaramdam na ako ng excitement na makita si Jose. Finally, magkikita na rin kami. Hindi na lang sa picture, video or calls.
Past 9 AM, dumating na siya. Sobrang saya ko. Pagtayo niya sa harap ko niyakap ko kaagad siya. Kagaya ko, mataba rin siya at huggable talaga. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Pero alam kong sobrang saya ko that time. 🤗💙
Tumblr media
Picture namin sa may bench
SM Masinag, Antipolo City
May 13, 2022
Finally, we met.
Nagkwentuhan muna kami habang inaantay namin magbukas ang mall. Wala kaming nahanap na malapit na Unli wings kaya napag desisyunan na ang namin na sa Mang Inasal na lang kumain.
Ang sad part lang sa pagkain namin sa Mang Inasal ay walang chicken oil. 😂 Pero nakakain kami nang marami lalo na si Jose. Ang lakas magkanin. Lugi Mang Inasal sa kanya. 😂
Past 11 AM, sumakay na kami ng E-Tric. Iyon kasi ang meroon doon. Sa looban pa daw ng Cupang ang may Tricycle. Habang nasa byahe ay tinuturo ni Jose ang mga lagi niyang pinupuntahan. Ako naman si tuwang tuwa kasi pakiramdam ko mas lalo kong nakikilala si Jose.
Pagbaba namin ng E-Tric, naglakad naman kami papuntang Market para bumili ng ulam. Medyo nahirapan ako maglakad kasi pagod rin ako sa byahe pero kinaya ko. 😂 Bumili kami ng manok para maluto ng Adobo. Pagkabili namin ay sumakay naman kami ng Tricycle papunta sa kanila. Nagulat ako kasi medyo malayo tapos iyon daw ang madalas lakarin ni Jose kapag bumababa siya sa Market. Naloka ako bigla. Paano niya nalalakad 'yon nang balikan. Nakakabilib talaga' tong taong 'to sa isip ko.
Naramdaman ko na rin ang kaba. Kaba na harapin ang mga magulang ni Jose. Nandoon daw ang Mama at Papa niya. Pagbaba namin ng Tric bumili muna kami ng ice cream para naman kila Eara at Cally, mga pamangkin ni Jose.
Sobrang payapa ng lugar nila. Ang dami kasing halaman at mga puno at mataas ang kinalalagyan nila kaya kita kaagad ang mga buildings sa kalapit na siyudad.
Pagpasok namin sa bahay nila, bumungad kaagad ang Papa at Mama niya. Kaagad akong nagmano sa kanila. Sobrang naramdaman ko kaagad na welcome ako. Simple lang ang bahay nila Jose, kahit hindi ganoon kalaki, ramdam mo na mababait silang lahat at hindi mapanghusga.
Kakaupo ko pa lang ay narinig ko na ang mga boses ng mga pinsan ni Jose. Sunod sunod na silang dumating. Nakilala ko si Clang clang, Ate Chlorie at lalo na si Nani na madalas naming makalaro sa ML. Nakakatuwa dahil ang friendly nilang lahat. 💙
Pag alis nila at dahil na rin sa sobrang init ay nakaramdam ako ng sakit ng ulo. Mabuti na lang at natulog muna sila Tita kaya sabi ko kay Jose hihiga at iidlip muna ako sandali dahil ang sakit talaga ng ulo ko. Napakainit din kasi that time dahil pasado ala una na ng tanghali.
Itutuloy ko na lang bukas ang pagjo-journal ko dahil napakahaba pa nito at gusto ko one day, mababasa ko ulit 'to at mapapangiti na lang ako. ☺️
0 notes
my-hecate · 2 years
Text
May 11, 2022 - 11:40PM
Simula nang matapos ang election, tuwing umaga na lang kung sino sino tinatawagan ni Nanay na kamag anak nya sa mga Marcos at kino-congrats. Sinubukan pa nga niya kong asarin pero hindi ko na lang siya masyadong pinansin. Hindi ko makayanan na binoto ng pamilya ko si Marcos. Kahit anong paliwanag mo sa kanila, wala. Ang lagi nilang sinasabi "Respetuhin mo na lang yun ang gusto nila" like, hello? Privileged kasi kayo kaya nasasabi niyo 'yan.
Nasusuka ako dahil may dugo ako ng mga MARCOS.
Magfo-focus na lang muna ako sa gala ko sa Antipolo since unang pagkikita namin 'yon ni Jose. Sana maging maayos ang lahat. Pero magpapagod muna ako bukas sa Clinic nila Ate. Gustong gusto ko talagang tumulong doon kahit wala akong bayad. Hehe.
0 notes
my-hecate · 2 years
Text
May 11, 2022 - 09:37AM
Hindi ko kinakaya ang mga nangyayari. Grabe ang anxiety ko sa election. Nangunguna si Marcos as per Comelec reports pero may bali balita na nagkakadayaan dahil sobrang daming irregularities na nangyari at sobrang nakakapagduda ang statistics na binibigay. Consistent 68% kay Bongbong Marcos habang 32% lang kay Leni.
May 09, 2022 nangyari ang electionat almost 3hrs akong pumila. Tyinaga ko hindi lang para manalo si Leni kung hindi para na rin sa magandang kinabukasan ng mga taong nasa laylayan.
Ano pa ang mas nakakatawa? Nangunguna sa Senatorial slate si ROBIN PADILLA. Jusko, hindi na nagtanda ang mga Pilipino. Isama mo pa sila Jinggoy Estrada na buong Pilipinas alam naman na nakulong na siya pero ayon, nakasama pa rin sa mga nangunguna. Napakahirap ipaglaban ng Pilipinas.
Nagkakaroon ngayon ng manual counting ang PPCRV kasama ang ilang mga volunteers. May balita na nangunguna doon si Leni-Kiko at pinapatigil ng Comelec ang bilangan. Hindi ko na alam kung ano ang papaniwalaan ko pero lagi kong idinarasal na sana mapunta ang posisyon ng pagka presidente sa mas may kakayahan na linisin at ayusin ang Pilipinas.
Mukhang ilang araw pa bago malaman ang pinaka final counting dahil sa dami nang nangyayari.
0 notes
my-hecate · 2 years
Text
May 03, 2022 - 12:42 AM
Ganitong oras talaga ako nakakapag Tumblr. Hahaha. Laging puyat kasi naglalaro at nag VC pa kami ni Jose. Nakakatuwa rin dahil hindi ako masyadong nag overthinj ngayon at thank you kay Jose kasi buong araw akong masaya at nakatawa. Napagplanuhan din namin na pupunta ako sa kanila sa May 13 para ma-celebrate namin ang 1st Anniversary namin tapos birthday din ng Papa niya sa May 14 kaya baka dalawang araw ako sa kanila. Nakapagpaalam na ako kay Mama tapos si Jose nagpaalam pa lang sa Mama niya na susunduin niya ako sa may SM Masinag. Hahaha. Kailangan pa niya magpaalam na doon ako matutulog. Pasaway kasi puro pa kalokohan noong nagpapaalam sya. Hahaha.
Pero masaya ako at excited kasi finally may chance na kami na magkita. Next week na rin 'yon at gusto ko na makapag enjoy kami kasi for sure matatagalan na ulit bago kami magkita.
Nakapag decide na ako na pipiliin kong mag-focus sa mga bagay na nagbibigay sa'kin ng saya. Mga taong mas pinapahalagahan ako at mas pinaparamdam kung ano ang deserve ko. Mas pinipili ko na magkaroon ng peace of mind para tuloy tuloy na rin ang paggaling ko. Alam ko, soon enough, and in God's will, Siya mismo ang gagawa ng paraan para maging okay ang lahat.
0 notes
my-hecate · 2 years
Text
May 02, 2022 - 01:38AM
Nangako ako sa sarili ko na yung iyak ko last Saturday night, April 30, 2022, ang huling iyak ko dahil sa hindi matuloy tuloy na pag uusap at pagbibigay sa akin ng closure ni Steven. Bumabalik na naman kasi ako sa pagiging mahina at nakakalimutan ko na naman na hindi ko deserve magmakaawa sa isang bagay na hindi kayang ibigay sa akin. Mas masaya tanggapin ang isang bagay na kusang ibinibigay sa'yo. Hindi na dapat ako mag demand ng kahit ano. Dahil kung may plano o balak talaga siyang ibigay sa akin ang closure na kailangan ko para mag-heal na talaga ako, mangyayari at mangyayari 'yon kung gugustuhin niya.
Pagod na kong umasa at mag demand tapos Madi-disappoint lang din naman ako dahil as usual, hanggang plano na naman ang lahat. Pero siguro nga, hindi pa ito ang tamang panahon at may dahilan si Lord kung bakit hindi matuloy tuloy. Ipinapaubaya ko na kay Lord ang lahat.
Ayoko na rin ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya dahil mukhang nagiging sagabal lang ako sa kanila ni tinay. Babae ako kaya alam ko na kahit sabihin niya kay Tinay na mag bestfriend lang kami, magkakaroon pa rin ng duda kay Tinay.
Gusto ko na lang din ng peace of mind. Gusto ko na mag heal. Gusto ko nang sumaya.
Sana mawala na ang bigat na nararamdaman ko kahit wala akong closure na matanggap.
0 notes
my-hecate · 2 years
Text
"Does it make you feel sad that the love that you're lookin' for is the love that you had?"
- I Bet You Think About Me, Taylor Swift
0 notes
my-hecate · 2 years
Text
"But you keep my old scarf from that very first week 'cause it reminds you of innocence and it smells like me. You can't get rid of it 'cause you remember it all too well.
Cause there we are again when I loved you so back before you lost the one real thing you've ever known.
It was rare, I was there.
I remember it all too well."
- All Too Well, Taylor Swift
0 notes
my-hecate · 2 years
Text
"They say all's well that ends well, but I'm in a new hell every time you double-cross my mind."
- All Too Well, Taylor Swift
0 notes
my-hecate · 2 years
Text
"And you call me up again just to break me like a promise. So casually cruel in the name of bein' honest. I'm a crumpled-up piece of paper lyin' here 'cause I remember it all, all, all too well."
- All Too Well, Taylor Swift
0 notes
my-hecate · 2 years
Text
May 01, 2022 - 12:36AM
Hindi ko na talaga kaya kapag hindi ko nailabas or nailagay man lang dito ang mga nangyari nitong nakaraan. Kaya rin siguro hirap na hirap ako at sobrang bigat ng loob ko kasi kinikimkim ko lahat.
Last April 27, 2022, meroong rally si VP Leni sa Bulacan Complex sa Malolos. Umattend ako kasi siya talaga ang suportado kong tumatakbong presidente. Kasama kong bumyahe noon sila Ate Min at Ate Rose. Kahit sobrang init noon ay tumuloy pa rin kami. Pupunta rin doon si Paolo, kaklase ko noong college ang kaso late na sya dumating kaya nauna na kami sa event area.
Sobrang daming tao pagdating namin doon. Kaagad kaming humanap ng pwesto para hindi kami masyadong malayo sa stage. Nag-start naman siya kaagad ng 1PM ang kaso, biglang umulan nang malakas. Hindi kaya ng payong namin ang ulan kaya naghanap sana kami ng masisilungan kaso ang dami nga ng tao kaya mabilis napuno ang mga masisilungan. Wala kaming nagawa nila Ate Min kung hindi ang umasa sa mga payong namin. Naghihintay lang kami na tumila ang ulan.
Basa na ang sapatos ko pati ang likod ko nang tumawag sa akin si Steven, ang ex ko (Iron man). In-invite ko rin siya pumunta kasi Leni din siya at pupunta naman ata talaga siya dahil pupunta rin ang kapatid niya. Noong tumila na ang ulan, bumalik na kami sa may gilid ng stage at doon na siya sumama sa amin. Wala rin kasi siyang payong. Sa amin na rin sumama ang kapatid niya at mga kaibigan nito.
Hindi naman kami awkward sa isa't isa pero ramdam ko yung konting galak na nagkita kami ulit.
Halos mag alas tres na nang magsimula ulit ang program dahil pinatuyo pa ng mga organizer ang stage. Panay lang din ang phone ni Steven which is gets ko naman dahil need niyang mag update lagi sa bago niyang nagugustuhan ngayon, si Tinay, ang nakatrabaho niya sa munisipyo sa kanila na may boyfriend pa rin hanggang ngayon pero gusto na raw kumawala. Ine-entertain niya si Steven kahit ganoon ang sitwasyon nila.
Sinabi ko na rin naman kay Steven na baka gawing rebound or option lang siya ni Tinay pero wala. Gusto na talaga niya si Tinay at mukhang kailangan ko na talagang tanggapin 'yon. Malinaw naman sa akin na si Jose ang mahal ko, ayoko lang talaga na masaktan si Steven dahil hindi naman siya iba sa akin. 5 years din ang pinagsamahan namin. Hindi mawawala ang care at concern ko sa kanya. He' s my greatest love kaya hindi mawawala yung special feelings na meroon sa amin.
Magkasama kami buong program. Kukitan, kwentuhan at asaran. Habang lumilipas ang oras, nare-realize ko na namiss ko talaga siya. Ang tagal rin namin hindi nagkita. Mag two years na ata.
First time kong makita sila Chel Diokno at iba pang mga Senatorial Candidates na hinahangaan ko. Sa rally na 'to mas nakumpirma ko na tama ang nga napili kong kandidato.
Habang tumatakbo ang program, tumawag naman ang ex ni Steven na si Gigi. Hindi talaga ex since ayaw pang makipag break ni Gigi. Siya ang sumunod sa akin. And until now wala pa rin silabg closure kagaya ko kaya nangungulit pa rin siya kay Steven. Ewan ko ba sa lalaking 'to. Nangongolekta ata ng closure. Hahaha. Dahil pati kami ay wala pang closure simula ng mag break kami.
Ang guest celebrities ay sina Jolina Magdangal, Yeng Constantino, Darren Espanto, Nadine Lustre, Dex Batallion at Rivermaya.
Medyo nagiging touchy kami ni Steven habang nanonood. Dala na rin siguro na komportable kami sa isa't isa. Dinala nya rin ang bag ko kasi nabibigatan ako. May times rin na napapakapit ako sa braso niya at kamay dahil inaalalayan niya ako dahil na rin nga ang daming tao.
Goosebumps noong nag grand entrance si VP Leni. Kung ano ang itsura niya sa mga litrato, ganoong ganoon din siya sa personal. Nakaka proud lang as Kakampink dahil nakit ako siya in person.
Ang last performer ay ang Rivermaya. Kasabay nito ang fireworks display. Hindi ko alam pero bigla akong naging emotional that time. Na-realize ko na kailangan ko na talagang i-let go kung ano ang nakaraan namin ni Steven. Hindi na dapat ako pumapel nang malaki sa buhay niya. At hindi na dalat ako mag demand pa ng kahit ano dahil matagal na rin naman kaming tapos.
Pero habang nanonood kami ng fireworks, nagdikit yung mga kamay namin at nagulat ako dahil hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. Hindi ko inaalis ang tingin sa mga paputok dahil hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko.
Namiss ko ang init ng mga kamay niya. Ang paghawak niya sa mga kamay ko. That time, ramdam na ramdam ko na namiss niya rin ako. Maya maya bigla niyang binitawan ang kamay ko para magpunas ng pawis. Akala ko hindi niya na ako hahawakan ulit pero mabilis niyang ibinalik ang kamay niya sa kamay ko.
Hindi ko ma-explain kung ano ang nararamdaman ko that time. Parang sasabog ako dahil sa saya at kaba. Sobrang namiss ko ang taong 'to.
Naisip ko that time na kahit mali, gusto ko munang enjoyin ang oras na nakasama ko siya ulit.
Pagtapos ng fireworks display, drone performance naman kung saan gumawa ng iba't ibang formation sa sky ang napakaraming drones. Habang nanonood ay nakahawak sa balikat ko si Steven habang nasa likod ko siya. Parang sasabog ako that time.
Magkasama kami hanggang sa pagsundo sa amin ni Micha. Almost 10PM na nang makasakay kami ng sasakyan. Dumiretso kami sa McDo Balagtas para makakain muna dahil ang huling kain pa namin ay agahan. Kasama pa rin namin si Steven. Siya ang umorder para sa akin at nagbayad ng pagkain ko.
Masaya lang kaming nagkekwentuhan at naghiwalay lang kami noong natapos na kaming kumain dahil taga Balagtas din naman siya.
Almost 12 midnight na nang makauwi kami pero yung saya sa puso ko, hindi mawala. Magka chat pa kami hanggang madaling araw. Napag usapan din namin na baka bukas or Sunday, pwede kami magkita para makapag usap na kami at magkaroon ng closure. Nag expect ako nang sobra. Siguro dahil na rin ang tagal kong kinimkim at hinintay na magkaroon kami ng closure.
Nakausap ko siya sa Viber kagabi at sinabi niya na hindi daw kami matutuloy dahil wala siyang budget. Nasaktan ako kasi nag expect ako na matutuloy na kami at matatanggap ko na ang closure na sobrang tagal kong hinintay.
Pero mukhang hindi pa talaga ito ang tamang oras.
Tamang oras para maging deserving ako na makatanggap ng closure.
0 notes
my-hecate · 2 years
Text
April 23, 2022 - 11:30PM
Nagpunta kaming Manaoag, Pangasinan kahapon kasama sila Daddy Del at Mommy Fe kasi birthday ni Nanay.
3AM pa lang gumising na ako para mapakain ko na sila Amber at ang mga anak niya bago kami umalis. Mga past 5AM na dumating sila Daddy para sunduin kami. Nagbaon din kami ng tubig at egg sandwich kasi mahaba ang byahe namin.
Nag drive thru muna kami sa McDo bago pumasok ng SLEX. Ang sarap nga ng hot chocolate e. Nakakamiss rin. Half way thru, nag stop over kami sa isang gasulinahan para mag CR. Mabuti na lang dahil naiihi na ko that time. Hahaha. Tarlac na rin ata 'yon. Nakatulog din kasi ako kaagad sa byahe.
Tumblr media
Mga 10AM nang makarating kami sa Manaoag. Nahirapan pa nga kami mag-parking at mukhang na-scam pa kami doon ng mga parking attendant para lang makabenta sila. Hahaha. Masyadong malayo ang naparadahan namin kaya hirap na hirap si Nanay na maglakad papuntang simbahan. Nadaanan namin yung ilang tindahan ng mga poon at pasalubong. Medyo maraming tao rin ang nagsisimba. Mabuti na lang at noong dumating kami ay marami pa ang bakanteng upuan.
Tumblr media
Hindi ko masyadong naintindihan yung mass kasi hindi namin nasimulan pero pinilit kong makisabay. Gusto kong makapagnilay kasi madalang kaming makapunta sa ganito.
Ang daming nagsimba na para bang nandoon lang para masabing nakapasyal sila. May nag iipjt ng buhok, may nakahigang bata, may tayo ng tayo. Hirap mag-focus pag ganon mga nakikita mo.
After ng mass ay nagpunta naman kami sa nay parang groto nila, yung may malaking poon ng Our Lady of Manaoag. Nagsindi kami doon ng nga wishing candle at nagbato ng coins para makapag wish.
Tumblr media
Sobrang daming tao sa lugar na 'yon. At sumabay pa ang napakainit na panahon tapos naka face mask pa kami kaya doble ang init. Mabuti na lang at komportable ang naisuot kong damit.
Ang pangit lang sa lugar nila, sobrang layo ng Exit sa mismong naparkingan namin kaya hirap na hirap si Nanay na maglakad. Pagbalik namin sa sasakyan, para akong hihimatayin sa init. Panay tulo ng pawis ko tapos ang sakit pa sa likod ng tenga ng salamin at face mask ko.
Nagkagutom na rin kami at mabuti na lang malapit labg ang kinainan namin. Sa Hardin ng Paraiso kami dinala nila Daddy. Sobrang accomodating ng staffs lalo na si Kuyang Guard. Isama pa ang napakasasarap ba pagkain. Ang kinain namin ay crispy pata, pancit canton, pancit bihon, kare kare, inihaw na manok, sinigang na hipon at iced tea. Sobrang sarap ng pagkain tapos sobrang ganda rin ng paligid. Nakaka refresh talaga.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Sobrang busog ako pagkakain. Hindi ako makahinga. Hahaha. Tinanong namin ni Micha kay Kuyang guard kung nasaan ang pinakamalapit na beach. Ang sagot ni Kuya 1hr na byahe daw papuntang Lingayen, Pangasinan. Sayang at hindi na kami makakapunta doon. Iyon pa naman ang gusto kong mapuntahan. Beach. Gusto ko kasing makarinig ng alon. Nakaka refresh kasi 'yon ng mental state.
Pagkatapos kumain ay dumiretso naman kami sa SM Urdaneta para bumili ng dessert. Mabuti na lang at may Dairy Queen stall doon. Kaming magkakapatid ang pumasok sa mall para bumili habang naiwan na lang sa sasakyan sila Nanay.
Tumblr media
Sa sobrang busog ko, hindi ko kaagad naubos ang frappe ko. Paunti unti ko lang iniinom dahil dinadapuan na rin ako ng antok. Hindi naman magtuloy tuloy tulog ko dahil maraming lubak na nadadaanan tapos sa likod pa kami ni Micha nakapwesto kaya naaalog kami. Hahaha.
Pasado ala sais na kami nakauwi. Diretso agad ako kila Amber kasi sobrang namiss ko sila. Nakikita kasi namin sila sa phone ko using Tapo app at yung CCTV na binili namin.
Sobrang nakakapagod pero sobrang worth it. Ang sarap sa pakiramdam na makapag out of town. Sana next time makapag beach na kami or Baguio.
0 notes
my-hecate · 2 years
Text
April 23, 2022 - 03:38PM
I thought I'm already healed.
0 notes
my-hecate · 2 years
Text
April 14, 2022 - 01:16AM
As usual, madaling araw na ako ulit makakatulog. Ganitong oras na kasi ako nakakahilamos dahil pinapadede ko pa ang mga anak ni Amber. Kaya hindi ko masunod ang binigay sa akin ng Psychologist ko na Daily Routine. Hindi ko kayang gumising ng 6AM at matulog na ng 9PM dahil kailangan ko pang magpadede.
Wala naman masyadong nangyari sa araw na 'to. Nakapag update na ako sa story ko sa Wattpad, finally. At sana magtuloy tuloy na para matapos ko na ang Queer the Pitch, ang first ever crime mystery novel ko which is aminado naman ako na ang dami pang errors and loopholes dahil first time ko rin talagang magsulat ng ganoong genre dahil reader lang naman talaga ako noong una. Pero ito talaga ang pangarap ko kaya sana magtuloy tuloy na ulit ang passion ko.
Pagdating ng hapon ay sinundo namin si Ate. Medyo proud na akong i-flaunt ang curly hair ko at hindi na ako ganoon katakot na matukso. Gustong gusto kong mahalin ang sarili ko ng buong buo kaya inuunti unti ko ang pagtanggap sa sarili ko.
Pagkatapos naming sunduin si ate, dumiretso naman kami sa Hulo para bumili ng milk ng mga tuta. Inabot mami ng 1 hour sa daan dahil sa sobrang traffic pero mabuti na lang at naabutan pa naming nakabukas yung store. Hindi rin daw sila makapagsara pa dahil sa traffic, may prusisyon kasi dahil Holy Wednesday na.
Okay naman ang araw na 'to. Masaya. Kaso tinoyo na naman ako after maglaro kasama si Jose. Naiinis na rin ako sa sarili ko dahil sa mood swings ko pero unti unti ko namang binabago ugali ko dahil alam kong darating din yung time na baka mapagod kakaintindi sa akin si Jose. Ramdam ko naman na mahal na mahal nya talaga ako at ganoon din ako sa kanya kaya kailangan kong mag effort.
0 notes
my-hecate · 2 years
Text
April 13, 2022 - 12:16AM
First therapy session ko last April 11, 2022 sa clinic ulit nila Ate. Si Mam Eve Gravador ang Psychologist na pinili ko kasi siya yung kapantay sa edad nila Mama. Naisip ko na mas maiintindihan niya ako kung bakit ako nagkakaganito.
Noong una, kinakabahan pa ako kasi nga baka hindi ko maipaliwanag nang maayos pero noong nagsimula na kami, si Mam Eve ang naunang magsalita. Simula noon tuloy tuloy na ang kwento ko at walang segundo na naramdaman kong hindi siya nakikinig. Naramdaman ko talaga na interesado siya sa mga sinasabi ko at naipaliwanag niya rin lahat or dahil sa mga tanong niya, mas lalo kong na-explain ang mga nararamdaman ko.
Ang dami kong natutunan sa kanya kagaya na lang ng breathing exercise. Kaya pagkatapos namin mag usap, sobrang gaan ng pakiramdam ko na para bang panatag na ako na may gusto talagang tumulong sa akin para gumaling ako.
Nalaman ko rin na may Middle Child Syndrome ako kaya grabe na lang ang pagko-compare ko sa sarili ko kila Ate. Isama na rin natin ang pagcompare ko sa sarili ko sa mga ibang tao.
Ang pinakatumatak sa akin sa mga sinabi niya ay ang
"Self acceptance is the first step in healing."
Which makes me realize na oo nga, kaya ba hindi ako totally naghi-heal ay dahil tinanggap ko lang ang mga nangyari pero hindi ko naman talaga tanggap ang sarili ko?
Sobrang natauhan ako doon. Naiyak ako lalo noong na-realize ko 'yon. Kaya sobrang laki ng pasasalamat ko kay Mam Eve at sa Wayside dahil mas lalo akong nagkaroon ng motivation na gumaling.
Binigyan rin ako ng assignment ni Mam Eve. Pinagsusulat niya ako ng mga bagay na gusto ko sa sarili ko at ayaw ko sa sarili ko. Pagkasabi na pagkasabi niya noon, parang wala akong maisip na gusto ko sa sarili ko. Natulala ako na ewan na parang puro ayaw ko lang sa sarili ko ang masusulat ko.
Seocnd assignment niya is kailangan kong gumawa ng Letter para sa Papa ko. Sobrang dami kong gustong sabihin kaya parang hindi ko alam kung saan ko sisimulan.
Pinagjo-journal din ako ni Mam Eve. Lahat ng mga iniisip or naiisip ko, subukan ko raw isulat para mas gumaan ang pakiramdam ko. Iniisip ko kung dito ko na lang ilalagay sa Tumblr or magno-notebook talaga ako.
Anyway, sobrang laki ng naitulong ng therapy sa akin at alam ko sa sarili ko na gusto ko na talagang gumaling.
Sobrang thank you talaga sa mga taong nagpaparamdam at sumusuporta sa akin.
0 notes