Tumgik
mutyangdilim-blog · 6 years
Text
DAHILAN
Tumblr media
                     May tattoo madumi yan, wala yang mapupuntahan sa buhay,  mapapariwara yan at walang magandang kinabukasan. Mga linyahan ng taong hihilahin ka pababa. Mga linyahan ng taong takot na malamangan. Mga linyahan ng taong gusto kang mawala. Unang papansinin ang panlabas na kaanyuan ang mga naging kamalian. Walang nagiging mabuti kundi ang sarili lamang. Para akong nagmimistulang apoy sa kandila hanggang sa akoy malusaw at mawala. Hindi porket hindi nagsisimba ay masama na akong tao kayo nga tong nagsisima pero kayo pa tong mga mapang husga. Sana ay alamin niyo muna bago kayo mang husga para hindi naman puro panlalait ang lumalabas sa inyong bunganga. Inaabangan bawat kabanata ng aking buhay, nagpalamon sa sistema ng inggit at galit. Wag kang makampante sa mga sinasabi ng iba. Hindi sila ang kakampi. Hindi ka nila maaalala sa mabuting alala  ikaw ang sandalan pag walang wala sila pag may kailangan lang sila magaling dahil pag may bago ng kilala ay walang wala ka na dahil hindi lahat ay totoo sila. Gumawa ka man ng tama ay masama ka parin sa kanila. Kung ako sayo hayaan mo lang sila ang mahalaga magpaka totoo ka. Walang masama kung di ka matalino o maganda dahil ang tunay na kagandahan ay may magandang kalooban at tanging ito lang ang may karapatan na tayo’y husgahan. Pero bakit nga ba ako kinukumpara sa iba? Depression. Kahit ayaw ko ay umaabot ako sa puntong ito. Ayokong isipin, pilit kong iintindihin. Ako nalang lagi ang iintindi sa mga matang mapanghusga, dahil ako ang mas nakakaunawa kaya’t mas minabuting manahimik nalang sa tabi. Hayaan nalang, hahayaan nalang sila kung san sila masaya. Pano kung sumusobra na? Pano kung durog na durog ka na? Para na akong bato, o sana nga bato nalang para wala ng maramdaman. Sa likod ng kwento sa burdang ito sana ay alamin niyo ang kwento para maintindihan niyo. Punong puno na ako. Nasasaktan din ako. Tao lang din ako. Sana ay marunong din kayong umanawa dahil hindi lahat ng tao ay perpekto, lahat nagkakamali lahat nagkakasala. Nakakalungkot diba? Pero para saakin di ko pinagsisihang nagpalagay ako ng burda sa aking katawan. Kaya kong panindigan ang gusto ko sa buhay. Sinasabi ng iba ipatanggal dahil hindi maganda tingnan? Hindi, hindi ito magandang tingnan sa mga matang mapanghusga. Kaya ko to, malalagpasan ko to, matatapos din ito, ok lang ako. Ito ay hindi lamang tungkol sakin tungkol din ito sa mga taong may mga pinagdadaanan at hinuhusgahan imbis na tulongan. Bayarang babae? Di porket nagpapabayad ay ginusto na nila di niyo ba alam na baka sila’y may pinagdaraanan at may matinding pangangailangan sa buhay? Hindi porket mataba ay buntis na, hindi porket pumayat ay adik na. Sino nga ba ang masama? Sino nga ba? Tama na lahat tayo ay may karapatang mamuhay ng may kapayapaan. Wag kayong manghusga kung wala kayong alam dahil hindi niyo alam kung ano ang kanyang pinagdaraanan hindi niyo alam kung gano nakaka apekto sakanya ang mga salitang inyong binibitawan.Ngunit naiintindihan ko kayo, alam kong may pinagdadaanan din kayo kaya siguro punong puno kayo ng galit sa inyong puso. Pero lahat tayo may pinagdadaanan kung kaya’t imbis na manghusga ay magtulongan na lamang. Malalampasan din nating ito, hindi natin kailangan manapak o manghusga ng ibang tao para mabawasan ang galit sa inyong puso. Sana ay maintindihan niyo. Alam ng Diyos na kaya nating itong solusyonan ng walang sinasaktan.Kung kayat para sa mga taong hinuhusgahan gusto ko lang sabihin sainyo maiksi lang ang buhay, gumawa ka man ng tama sa iba ay huhusgahan ka parin nila kaya kung ako sainyo piliin mo lang ang mga bagay na makakapagpasaya sayo, hayaan mo lang ang sasabihin ng ibang tao isagip mo rin ang sarili mo. Matuto kang maging matatag sa mundong kinatatayuan mo. Wala kang mapapala kung ika’y magpapa apekto. Gawin mo kung ano ang gusto mo. Dahil sa mundong ito kailangan nating maging matatag at maging maunawain sa mga taong sarado ang isipan.Wag tayong mawalan ng pag asa sa buhay at matutong magpatawad sa mga taong nakagawa satin ng kasalanan, dahil walang taong perpekto sa buhay. Sumabay at magtiwala ka lang sa agos ng iyong buhay at ika’y makakarating rin sa iyong paruroonan.
3 notes · View notes
mutyangdilim-blog · 6 years
Text
MUSIKA
Tumblr media
        May isang batang babae ang naglalakad papunta sakanyang paaralan kasama ang kanyang ama. Siya ay hatid sundo nito araw-araw, masayang masaya naman ito dahil ramdam na ramdam nito ang pagmamahal ng kanyang ama, kung san ito magpunta ay lagi siya nitong kasama. Tuwing may nang aaway naman rito ay pinagtatanggol agad ito ng kanyang ama. Lahat ng gusto ng batang babae ay nabibigay agad nito handa nitong gawin lahat para sa kanyang anak. Ngunit isang araw nakita nito ang di inaasahang trahedya, may isang sasakyan na puno ng mga armadong kalalakihan ang tumigil sa tapat ng kanilang bahay ng bumaba ang mga ito isa isa ay nagulat na tila ba parang napako sa kinatatayuan ng bata ang kanyang katawan nakita niyang binubugbog ang kanyang ama at pinagtulong tulongan ng mga ito. Ang balita ay ito raw ang mga tauhan ng kalaban ng kanyang mommyla sa politika. Hindi na alam ng batang babae ang nangyari dahil nawala ng matagal ang kanyang ama. Ang nasa isip nito lagi ay pagbayaran ng mga armadong kalalakihan ang ginawa ng mga ito sa kanyang ama kung kaya’t gusto nitong matutong humawak ng baril. Nawala ito ng matagal dahil nagpagaling pala ito sa sakit na cancer/leukemia gumaling raw ito ngunit bumalik din at lumala ang kalagayan nito. Na confine ito ng matagal sa Paranque Doctor Hospital at tumagal bago ito nakauwi. Dumating ang araw na umuwi na ang kanyang ama. Nakatingin lang ang batang babae at natuwa naman ito ng sobra ngunit may halong lungkot din ang mga ngiti nito dahil sa nakitang kalagayan nito. Dumating din ang araw na kinakatukan ng batang babae nasa kwarto silang dalawa nanunuod ng tv dahil binabantayan na din nito ang kanyang ama. Ngunit nagulat ito ng makitang nagsuka ng dugo, napatakbo ito sa kanyang mommyla at nagkagulo na ang lahat di na alam ng bata ang nangyayari nagugulohan ito kung bakit nagkaganun ang kanyang ama, nakita na lamang niya na umiiyak na ang lahat habang kinakausap ito ngunit hanggang sa kahuli hulihang hininga nito ay siya parin ang bukang bibig nito. Hindi natigil sa kakaiyak ang batang babae  at sobrang nalungkot sa nangyari. Hindi ito nakikipag usap, tulala at laging walang imik. Isasama dapat ito ng kanyang tita papunta sa Australia ngunit ang isang tita niya naman ang kumuha sakanya papuntang manila dahil ang kanyang lola ay pupunta sa dubai at walang maiiwan sakanya. Galit din ito sa kanyang tunay na ina dahil iniisip nito na wala itong paki alam sakanya, lalong lumaki ang galit nito ng hindi ito pumunta sa burol ng kanyang ama. Nagbago ang buhay nito dahil sa tulong ng kanyang mommy at daddy nag aral ito sa Mother Ma. Maddalena Starace School  at sa tulong din ng mga madre dito ay natuto itong makisalamuha sa iba. Unti-unti ng sumisilay sakanyang muka ang ngiting hindi niya magawa simula ng mawala ang kanyang yumaong ama. Muli niyang binuksan ang kanyang puso't isipan. Ramdam na ramdam nito ang pagmamahal ng buong pamilya sakanya lalong lalo na ang kuya at mga tito nito na strikto sakanya sapagkat nagustohan naman ng batang babae dahil alam nito na duon siya mapapabuti. Hindi din pala labas ng bahay ang batang babae at natuwa naman ang pamilya nito. Napag alaman din ng mga ito na marunong ito kumanta kung kaya’t napag pasyahan ng kaniyang mommy at daddy na mag aral sila kung paano gumamit ng instrumento at ang napili naman nito ay ang pag gamit ng gitara. Natuwa naman ito dahil mabilis itong natuto at nagamit niya pa ito sa kanyang proyekto sa paaralan madami din nagpaturo dito kung kayat nasiyahan naman ito. Napag alaman din na magaling ito gumihit at magpinta. Mahilig din ito maglinis ng kanilang bahay ayaw nito na madumi o makalat. Pag niyayaya naman ito ng kanyang mga kaibigan na gumala ay pinapapunta niya nalang sakanilang bahay at manunuod nalang sila ng pelikula at magluluto naman sila ng kanilang merienda. Sa kaarawan naman nito ay masayang masaya din ito dahil laging may surpresa sakanya at madami din itong natatanggap ng regalo galing sa kanyang pamilya pero ang mas nakakapagpasaya dito ay ramdam nito ang pagmamahal ng kanyang pamilya sakanya. Nag aral din ito sa St. Paul University kasama ang kanya mga pinsan na itinuring siyang totoong kapatid mahal na mahal siya ng mga ito at dahil  dito ay unti unti na siyang tumatatag dahil sa mga taong handing gawin lahat para sakanya. Ngunit hindi maalis ang galit ng batang babae sa kanyang ina hindi niya ito kailangan dahil lumaki naman itong hindi niya ito kapiling kaya naman hindi niya na ito iniisip pa dahil ang alam nito ay kung mahal siya nito dapat matagal na siyangt binalikan nito ngunit nabigo siya dahil hindi siya nito mabigyan ng oras .Tuwing sabado naman ay napagpapasyahan nilang pumunta sa Avida Tower at doon lumagi sa linggo naman ay sama sama silang nagsisimba. Nang dumating ang araw na aalis ang mommy at daddy nila ay nalungkot naman ito ngunit nabawasan ang lungkot nito ng tumatawag ito sa skype at doon sila lagi nag uusap hanggang sa pagtulog ay bantay sila nito. Nagpalagay din ang mommy nito ng CCTV sa kanilang bahay para sila ay nasa mabuting kalagayan at para mamonitor ng kanilang pamilya dahil katulong at tito lang ang kasama nila. Napag pag pasyahan naman ng mommy at daddy nito na lumipat ng paaralan sa De Lasalle University nag exam ito at nakapasa ito kung kayat natuwa siya ngunit umuwi ito ng probinsya at natagalan bago makabalik kaya hindi siya natuloy sa pag aaral dito. Naka usap din nito ang tito niya para sabihin na turuan siya sa paghawak ng baril ngunit ang sabi nito ay hindi na kailangan dahil wala na ang nangbugbog sakanyang ama. Tila ba nabawasan ang lungkot na nararamdaman nito at napanatag dahil sa kanyang nabalitan ang nasa isip lang nito ay dapat lang na pagbayaran nila ang kanilang kasalanan. Nag enroll ito sa ibang paaralan at nagkaroon ulit ng mga bagong kaibigan. Habang naglalakad siya kasama ang kanyang kaibigan ay may lumapit sakanilang bata at humihing ng unting tulong pambili ng kanyang makakain naawa naman ito kung kaya’t napagpasyahan kong bilihan siya ng pagkain at bigyan ng unting pera. Ayaw kasi nitong nakakita ng batang walang kain at tirahan lalo na pagnakakakita ito ng mga matatandang nahihirapan at ginaw na ginaw sa lamig para bang nadudurog ang puso nito kaya naman binibigay nito kung ano ang meron siya. Natuwa naman ang kaibigan nito at sinabihan itong napakabait niya ang sagot naman nito ay dapat ibahagi din nating kung ano ang meron tayo dahil masyado tayong maswerte dahil ito ang ibinigay satin ng panginoon samantalang sila ay walang sapat na pagkain,damit at maayos na tirahan. Kung kaya’t pag may problema ako ay iniisip ko sila nagiging matatag ako at iniisip na kaya ko to, dahil ang ibang bata nga jan wala ng matirahan wala pang mga magulang na masasandalan. Naisip kong mas malaki pa ang problema nila kaysa saakin. Kaya nangyayari  ito sa buhay natin dahil lahat ng ito ay may dahilan.  Ibinigay itong pagsubok na to satin dahil alam ng panginoon kung pano natin ito aayosin, at nagpapasalamat ako dahil kung hindi dahil sa mga pagsubok na iyon ay hindi akong magiging matatag. Ngayon alam ko na, sa mga susunod na pagsubok ay kaya ko na at ngayon ang batang babaeng ito ay masaya at kontento na sakanyang buhay at pamilya. Ang buhay nito ay parang instrumento o musika minsan malungkot at minsan masaya kung kaya dapat taposin at sabayan para matapos ang lyrika ng kanyang problema.
2 notes · View notes
mutyangdilim-blog · 6 years
Photo
💗
Tumblr media
The best and most motivational photography, to calm your hearth and free your mind. Check the best at: http://the-wanderlust.info
62 notes · View notes
mutyangdilim-blog · 6 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Avida Tower Miss you so much 
0 notes
mutyangdilim-blog · 6 years
Photo
wanna do it again but i need inspiration lol
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Art by Sina Abbasnia
773 notes · View notes
mutyangdilim-blog · 6 years
Photo
Naaahh always tired 
Tumblr media
by Mr. Lovenstein and Hot Paper Comics
13K notes · View notes
mutyangdilim-blog · 6 years
Photo
Painting that look like Photographs 
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Art by Grigory Lebidko
2K notes · View notes