mrsbirot
Home
26 posts
Hi, I’m Jamie Birot. All posts from this blog will be my home thoughts :) beepbeepjam.tumblr.com
Don't wanna be here? Send us removal request.
mrsbirot · 3 years ago
Text
Tumblr media
I love you much!
2 notes · View notes
mrsbirot · 3 years ago
Text
Tumblr media
Smile when you can :) After Prayer Meeting
0 notes
mrsbirot · 3 years ago
Text
I miss you, sobra.
0 notes
mrsbirot · 3 years ago
Text
Pagod na ako gumising. Gusto ko na matulog.
0 notes
mrsbirot · 3 years ago
Text
We love you, Mama LV
Makoy,
Pinasaya namin si Mama. Nagdecor ako ng sala, may mga pink balloons, may Happy Birthday signage. Nagluto kami nila Jaymee at Bevs ng mga special tea namin. Ako, Tuna Pasta. Si Jaymee, Garlic Parmesan at Korean Chili Chicken. Si Bevs, Baked Cheese Shrimp.
Happy kami lahat nagluluto. Si Mama Morcon ang niluto. Si Papa nagluto ng Kare Kare. Nagprepare din ako ng Mango Sago para sa dessert.
Sila Ninang Riza nagdala din saka sila Ka Mameng. Ang daming food.
Nagplano din kami bumili ng flowers para kay Mama. Alam namin lagi siyang may flowers kapag birthday niya at pag Mother's day. Ang pinabili namin si Ian. Ginamit niya si Eco, kaso ramdam namin nagtampo ka. Hahaha naflatan si Ian sa daan. Alam kasi naming lahat na ikaw lagi bumibili ng flowers ni Mama. Sabi tuloy nila, "Si Kuya Luwi lang daw pwede bumili ng flowers ni Mama". Haha.
Nung inabot na ni Ian kay Mama, naiyak si Mama. Nagiyakan kami. Hehe. Nagkantahan kami ng Happy Birthday pero nag-iiyakan kami. First time ko kumanta ng Happy Birthday ng umiiyak para sa ibang tao. Hehe.
After kainan, kinuha ko si Eco. Nagdrive drive ako. Sabi ko nga, "Lord, alam Mo naman yung lungkot naming lahat." Grabe Makoy, hindi ko kaya makita Mama mo na umiiyak. Hehe sobrang sakit sakin. Ni ako nga ayaw ko nakikita umiiyak sarili kong Mama. Ikaw pa na alam kong sobrang love mo Mama mo. Sobrang love ka nila.
Miss na miss ka na naming lahat. Magkikita din tayo sa susunod.
0 notes
mrsbirot · 3 years ago
Text
Bright Lights
Hello Makoy,
Nakauwi na ko ng bahay. Ang daming ilaw ilaw sa SM North. Hehe alam mo favorite kong view yun. Lagi ko naman sinasabi sayo. Hehe pero nalulungkot na ako pag nakikita ko.
Nagkita kami ni Benok kanina. As usual, nagsibili ako ng mga kung ano.
Kasama ko rin sila Papa at Kuya kanina. Pinagbibili ko sila ng mga sapatos. Sila Mama at Ate Che naman kahapon, pinagbibili ko rin ng mga gamit. Happy sila hehe.
Naging happy rin ako kahit saglit. Nakakatawa nga e. Feeling ko nasa Muntinlupa ka lang nung andito ako sa QC. Feeling ko busy ka lang at anytime magyayakag ka umalis at sasabihin mo nasa Iglesia ka na hehehe.
Miss na kita.
0 notes
mrsbirot · 3 years ago
Text
Kung sila - Lord, payakap.
Ako - Lord, pasundo.
Tumblr media
2K notes · View notes
mrsbirot · 3 years ago
Text
Tanda ko pa nung sinend ko sa'yo ito dahil sa Agro Homes ka nagwwork from home. How I wish masend ko ulit yan at makita ka mamaya.
0 notes
mrsbirot · 3 years ago
Text
Dati, lagi ko tinitignan pictures natin kapag namimiss kita. Ngayon ni hindi ko kayang makita ang picture mo kasi lalo kitang namimiss at sobrang bigat sa damdamin yung katotohanan na hindi na kita makikita.
Umiiyak na naman ako ngayon 😅 Kung nakikita mo lang sana ako ngayon sure ako ayaw mo akong umiiyak. Yayakapin mo lang ako at sasabihin wag na ako mag alala. Sana andito ka.
0 notes
mrsbirot · 3 years ago
Photo
Tumblr media
2K notes · View notes
mrsbirot · 3 years ago
Text
Tumblr media
Ngayon ko lang masasabi na gusto ko na sumuko 😅
0 notes
mrsbirot · 3 years ago
Text
Hello Makoy
Good morning. Andito ako sa bahay sa QC. Hehe. Same same pa rin naman. Ito, nakahiga ako sa kama sa taas. Dami kong naaalala dito.
Dito ako nakikipag video call sayo sa Facetime. Dito ako natutulog nung pinabili mo ako ng aircon. Dito ako umiiyak kapag hindi tayo okay. Hanggang ngayon umiiyak pa rin ako.
Hindi na ata ako magiging okay. Ayaw ko na lumaban hehehe. Gusto ko na magpahinga.
0 notes
mrsbirot · 3 years ago
Text
“GOD, I’m not okay. I’m drained. Please calm my mind, heal my heart and take my worries away. Amen”
4 notes · View notes
mrsbirot · 3 years ago
Text
Dear Makoy,
Kumusta na tulog mo? Feeling better ka na ano? Tingin ko nga, feeling best pa e. Comforted ka na ng Diyos dyan.
Sobrang miss na kita. Ito na pinaka masakit na pag-iwan mo sakin. Gusto ko na nga magalit sayo. Nung mga pag iwan mo sakin, pinilit kong intindihin - kahit sobrang nagalit na sakin mga tao. Wala kong sinumbat sayo. Pinilit kong isipin yung lagay mo kesa sa akin. Okay lang kasi sakin kasi ikaw talaga yung gusto kong samahan maglingkod.
Sobrang saya ko nung tinupad ng Diyos yun. At pareho nating nasabi na worth the wait ang kwento natin. Pero ngayon gusto ko na magalit sayo. Hehe.
Bakit mo agad ako iniwan hehe. Ilang months pa lang tayo bumubuo ng mga pangarap. Ang dami pa nating gustong gawin. Mga pangarap ng mag-asawa at paglilingkod ng magkasama.
Lagi ka saking nagpapasalamat dahil gustong gusto mo paano kita i-massage kapag napapagod sa maghapon.
Kahit na madalas hindi maayos ang luto ko, ayos lang sayo. Kahit ilang beses mo ko pagalitan dahil nasunog ko na naman ang prito, okay lang din sakin. Lagi mo sinasabi sakin na "Okay lang yan, we have lifetime para maayos yan."
Lagi tayong masaya sa bahay. Tayo na yata ang mababaw sa kaligayahan na mag-asawa. Kahit dalawa lang tayo, nag kknock knock jokes pa tayo ng kung ano ano. Lumungkot lang nung nagkasakit tayo 😔
Sa sandaling panahon, naging magbestfriend tayo. Ang saya saya natin kasi nakakabawi tayo ng oras sa mga panahong LDR tayo. Nagdecide na nga tayo hindi muna masyado makipag kita sa mga friends natin para makabawi sa isa't isa. Ang lungkot lang kasi mag-isa na lang ako ngayon.
Mahal na mahal kita, Makoy. Alam ng Diyos yun at alam mo yun. Sorry kung wala kong nagawa nung nawala ka. Ni wala sa isip ko na mawawala ka - sa harap ko pa. Hindi ko kaya.
Pasensya ka na rin kung di ko na kaya magamit yung line mo na, "Laban lang."
Hindi ko na kayang lumaban. Na-iinggit ako sayo kasi tulog ka na sa Panginoon. Gustong gusto ko na rin matulog. Ayoko na madilat yung mata ko sa katotohanan. Na-iinggit lang ako sa mga temporal na bagay - sa mga mag-asawa, sa mga taong masaya, sa mga taong kumpleto ang pamilya. Hindi ko lahat naranasan yun. Hehehe. Mas gusto ko na ma-inggit sa eternal na nakuha mo.
Kita kits, soon. Sana malapit na rin ako matulog. Antok na antok na yung katawang lupa ko.
0 notes
mrsbirot · 3 years ago
Text
youtube
Kahit ganito situation ko..
Gusto kong kantahin ito Lord, para Sa'yo. Pipilitin ko. Hehehehe.
0 notes
mrsbirot · 3 years ago
Text
Insert title here
Kahit anong isip ko, hindi ko na alam anong words 'yung sasabihin ko.
Sabi nila magsabi ka lang sa mga taong nasa paligid mo, willing silang makinig at samahan ako.
Pero kahit anong salita ko, hindi pa rin nababawasan. Hindi ko na alam nasaan ako. Hindi ko alam kung gagaan pa ba or ano mangyayare.
Sobrang hirap nito, Lord. Hehe. Dati nasasabi ko na kakayanin ko basta kasama Kita. Bakit kaya ngayon, hindi ko na masabi. Hindi ko kasi talaga kaya, Lord 😔 'Yung heartbreak nakakaya ko pa, 'yung grief kapag nawala ang buhay - hindi ko madescribe.
Lahat kami nalulungkot, pinipilit magpatuloy at maging masaya. Sobrang sinusubukan ko makasabay sa kanila dahil alam kong masakit din sa kanila lalo magulang at pamilya sila.
Wala kong ibang masabi kundi hindi ko talaga kaya. Hehehe.
Nakaya kong hindi makuha 'yung mga gusto ko dati. Ngayon lang hindi.
0 notes
mrsbirot · 3 years ago
Text
Hi,
Alam mo ba, andito na ko kila Ninang Riza. Iniimagine ko andito ka. Sobrang miss na kita. Inaalalayan nila ko.
0 notes