mr-ma
KPWKP-blog
1 post
para sa grades
Don't wanna be here? Send us removal request.
mr-ma · 3 years ago
Text
Edukasyon sa Pagdaan ng Panahon: Isang Sanaysay
                      Ang kahanga hangang aklatan ng Alexandria ay isa sa mga pinakamalaki at pinakamahalagang silid aklatan sa sinaunang mundo. Sinasabing ang kamangha manghang silid aklatan ay tumanggap ng mga bisita sa iba't-ibang dako ng mundong nakalipas, at sa pamumuno ng mga sinaunang hari ng panahon, ang nilalaman nitong impormasyon ay nadagdagan at lumalaki rin sa paglipas ng panahon. Sa kapanahunan ng aklatan, ito ay isa sa mga natatanging tahanan ng impormasyon, na nagpapakain ng kaalaman mula sa mga iskolar hanggang sa linya ng mga hari. Ito ay kahanga hanga at mayroong malaking importansya, hanggang sa unti unting bumagsak ang aklatan at sa katapusan, ito'y nabura na sa kasaysayan. 
Tumblr media
                      Siyempre, ang dakilang aklatan ay nabuhay at tumayo at natumba halos dalawang libong taon nang nakalipas, at kung ano mang impormasyon ang nawala nang bumagsak ang aklatan ay hindi na siguro makikita pa. Ngunit, sa modernong kasalukuyan, may sistemang tumayo na halos lahat tayo ay pamilyar na mayroong parehong malaking papel na ginagampanan sa ating araw araw na pamumuhay sa aklatan ng Alexandria, at iyon ay ang malawak at malalim na mundo ng internet. Mayroon nga namang dahilan kung bakit ang kasalukuyang henerasyon  ay pinamagatang ang edad ng impormasyon, dahil abot ng ating mga daliri ang halos lahat ng kaalaman na natuklasan at nadiskubre ng kabuuan ng sangkatauhan. Siyempre, mayroong mga labas doon, at iyon ay marahil ito'y nakalimutan at nabura na ng panahon, o ito'y ilalagay pa lamang sa kaagarang hinaharap. 
                    Nangangahulugang maaari mong mahanap ang kabuuan ng epiko ng Iliad na ilang libong taon na mula nang naisapapel sa loob ng ilang segundo, at kung mayroon mang tagumpay ang agham o siyensya, maipapalabas agad ito sa ating mga telebisyon at mababasa agad natin sa ating mga selpon. Ito mismo ang dahilan kung bakit naipapagpatuloy ang pag aaral at pagtuturo ng kanilang mga guro sa kalagitnaan ng hagupit ng pandemya, at kahit pa bago ang pagkalat ng COVID, nakakatulong na ang pagkakaroon ng teknolohiya para sa paghahanap ng kinakailangang impormasyon para sa paaralan at napapabilis nito ang pananaliksik para sa mga leksyon. Hindi lamang ito para sa mga estudyante, nakakatulong na rin ito sa mga nagtuturo, dahil kung mayroon mang maling naituturo ang guro, o mayroong bagay na hinahanap para maipahayag ang kanilang itinuturo maaaring mahanap ito ng agaran. 
Tumblr media Tumblr media
                 Ang Pilipinas ay isang bansang nasa gitna ng mga kalamidad. Bilang kabilang sa ring of fire, halos nasanay na ang kapuluan na mahagupit ng mga lindol at pagsabog ng bulkan; dagdag pa dito ang mga bagyo na nabubuo sa karagatang Pasipiko na kapitbahay ng bansa. Mula sa pagkabata ng maraming Pilipino ay nakakaranas na kaagad sila ng mga bagyo, at ang paminsan minsang pag aalburoto ng Mayon o Taal. Hindi na bago sa mga Pilipino ang mga pangyayaring ito, ngunit hindi nagbabago ang katotohanan na tuwing nagaganap ang ganitong klase ng delubyo, marami paring mga buhay ang nasasalanta, at, sa kasamaang palad, namamatay. Karapat dapat lamang na nakakansela ang pasukan sa oras na dumating ang sakuna, at dito na rin pumapasok ang teknolohiya. Naipaparating agad kung matutuloy ba o hindi ang klase, upang mailigtas at mapigilan man ang kung ano pang aksidenteng maaaring mangyari. 
               Sa ganitong paraan din maaaring ipahatid ang kung ano mang mga aralin na hindi naabutan ng estudyante kung mayroon mang dahilan kung bakit hindi sila nakapasok sa paaralan. Maaaring matuto ang sinumang nagnanais na matuto ng kung ano mang bagay ang gusto nilang aralin; sa mga batang mausisa o may mga katanungan ukol sa mga bagay bagay o kakaibahan ng mundo, maaari nilang mahanap ang mga impormasyon sa sarili nilang oras, kumpara sa pagtatanong sa mga magulang na hindi magawang maibigay ang sagot sa kanilang mga anak. Ang teknolohiya ang dahilan kung bakit maaaring mahanap ng mga natututong utak ang mga sagot sa "bakit nga ba bughaw ang kulay ng langit?" o "bakit berde ang mga dahon ng halaman?" Mayroon mang mga problemang ibinibigay ang teknolohiya sa edukasyon, ngunit ang pagkakaroon nito ay maaari ring magpalaki, magpayaman, at magpalawak sa larangang ito. Ang aklatan ng Alexandria ay matagal ng bumagsak, ngunit mayroon na tayong teknolohiya ngayon- paano ko nga ba nahanap ang impormasyong tungkol sa dakilang aklatan kung hindi para sa internet?
Tumblr media
1 note · View note