Photo
Ang buhay ay parang gulong, minsan ikaw ay nasa taas kung minsan naman ay sa baba. At sa ating lipunan, hindi man magandang isipin, mayroon tayong paggugrupo sa mga tao ayon sa antas at estado ng pamumuhay.
Sa short film na “Tingala sa Baba”, malinaw na naipakita ang kaibahan ng dalawang dulo ng antas ng lipunan. Ngunit, ang nakakatuwa sa palabas na ito ay naipakita rin na sa kabila ng kanilang pagkakaiba ay namuo ang isang samahang hindi matutumbasan ng kahit anong materyal na bagay. Siguro noong una masasabi natin na inuutakan ng mahirap na bata ang batang mayaman upang siya’y bigyan ng pera at pagkain. Para sa akin, hindi mo rin masisisi ang batang mahirap dahil kung tutuusin ay may punto siya na kaya pang magbigay ng batang mayaman sa kanya at hindi malaking kawalan ang mga binibigay niya para sa batang mahirap.
Hindi lamang sa materyal na bagay ang pinakitang pagkakaiba ng dalawang bata. Salat man sa pera ay mayaman naman sa pagmamahal at kasiyahan ang batang mahirap na siyang kabaliktaran naman sa batang mayaman. Hindi na bago sa atin ang ganitong senaryo. Kadalasan sa mayayamang pamilya, hindi man pera ang kanilang problema, oras at atensyon naman ang kulang na kulang sa kanila. At ito lamang ang patunay na walang taong walang pasan-pasang problema sa buhay. Na kaniya kaniya lamang tayong problema at sa pagtulong sa bawat isa makakamit natin ang kaginhawaang pinapangarap natin. Ito ay pinakita sa maikling palabas na ito, na kung pagbibigyan natin ang parehong panig na makamit ang kanilang ninanais at bigyang halaga ang bawat isa, sa bandang huli ay parehong makukuha ang tagumpay na inaasam.
Napakasimple at napakainosenta ng palabas na ito ngunit ang leksiyon at aral na mapupulot rito ay umaapaw. Ang mga batang karakter ay sumisimbulo sa kamusmusan ng bawat bata sa mundo at kung gaano pa sila kawalang alam tungkol sa realidad ng buhay, ngunit sa bandang huli ang kanilang mapaglarong aksyon at mga desisyon pa ang nagbibigay solusyon sa ating suliranin sa buhay.
0 notes
Photo
Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli. Isang palabas na naglalayong ipakilala muli sa sambayanang Pilipino ang isa sa mga nalimot na bayani na nagkaroon ng malaking kontribusyon sa kasaysayan ng Pilipinas.
Patuloy ang pagsikat ng mga pelikulang tungkol sa buhay ng mga bayani simula ng tangkilikin at pagusapan ang palabas na Heneral Luna ng karamihan sa mga Pilipino. Masasabi na sa ngayon ay ito ang basehan kung ang isang palabas na katulad nito ay maganda ba at nakakaakit sa mga manonood.
Nabanggit sa isang interbyu ng direktor ng pelikula na si Gil Portes na ang impormasyong mayroon sila tungkol sa buhay ni Apolinario de la Cruz o Hermano Puli ay napakakonti lamang kumpara sa iba sapagkat siya ay nabuhay pa noong 1800s bago pa man sa mga GomBurZa, kila Rizal o Bonifacio. Ngunit binanggit niya na ang impormasyong hawak nila ay sapat na upang makabuo ng pelikula kung saan maipapakita ang saya at pighating sa buhay ni Hermano Puli.
Si Aljur Abrenica para sa akin ay kahit papano’y naging epektibo sa kanyang pag ganap bilang Hermano Puli. Napanindigan niya ang kanyang karakter mula sa umpisa hanggang sa wakas ng pelikula bilang mahinhin, banal o tila ba’y isang dakilan tao. Ngunit ang iba sa mga aktor na gumanap ay para bang hindi gaanong naging epektibo sa pagsasabuhay sa kani-kanilang karakter. Sa tingin ko ay may iba pang aktor ang mas makakapagbigay buhay at kulay sa mga karakter.
Ang pagsasalaysay ng kwento naman sa pelikula ay hindi nakapangaakit sapagkat flashback lamang ang istilong kanilang ginamit mula sa pagkabat ni Puli hanggang sa siya’y mahuli ng mga Espanyol. Ang mga eksena rin ng bakbakan at giyera ay hindi gaanong maganda ang pagkakagawa.
Sa kabuuan, kung istorya ang pagbabasihan at mensahe ng pelikula, nararapat lamang na panoorin ang palabas na ito upang higit na makilala ang bayaning tila nakalimutan na natin. Ngunit sa kabuuan, ang pelikulang Hermano Puli ay marami pang dapat na ayusin at ipabuti lalo na sa kaniyang sinematograpiya.
0 notes
Text
Hugot 101
Hugot Lines, noun
: powerful and dramatic statements from a movie, series, or someone based on real-life experiences, usually about heartbreak in romance.
Alam niyo yung feeling na nag-uusap kayo ng isang tao tungkol sa isang seryosong bagay tapos bigla na lang siyang hu-hugot? Nakakainis diba?!
Sa kasalukuyang panahon ang mga hugot lines ay masasabi na nating parte ng pangaraw-araw nating buhay. Kahit saan ka lumingon, saan ka man pumunta mayroon at mayroon kang maririnig na humuhugot. Nakakainis man para sa ibang tao (kasama ako), ang paghugot ay nagpapakita ng kagalingan ng mga Pilipino sa larangan ng wika. Ito ay sumasalamin sa kalawakan ng imahinasyon at ang paggiging malikhain ng ating mga kababayan.
Mula sa mga pelikulang Pilipino noon man o ngayon ang ilan sa mga best hugot lines. Narito ang ilan sa mga ito.
Labs Kita… Okay Ka Lang? (1998)
“Oh yes, kaibigan mo ako. Kaibigan mo lang ako… And I’m so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my best friend!” – Jolina Magdangal
Ayan para sa mga nafafall sa kanilang “best friend”. Ingat baka ma-Jolina ka
Starting Over Again (2014)
“Adik ka na naman sa pag-asa eh. Try mo na kaya lumaklak ng realidad!” – Beauty Gonzalez
Gising na girl! Mahirap yan lalo na kung wala namang nagpapa-asa.
One More Chance (2007)
“Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin: dahil may darating pang ibang mas magmamahal sa’tin – ‘yung hindi tayo sasaktan at paasahin…’yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin.” -John Lloyd Cruz
Kasi nga patience is a virtue. Huwag ka masayado magmadali. Feeling mo nung iniwan ka niya pinagsakluban ka ng langit at lupa. Huwag kang OA. Bata mo pa. You have all the time in the world.
My Amnesia Girl (2010)
“May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinakamasaklap eh yung na sayo na pinakawalan mo pa.” – John Lloyd Cruz,
Eto. Eto yung masakit. Sabi nga nila when you met the perfect person at the perfect place, isa na lang ang kulang. Timing. Pero minsan hindi talaga sumasang-ayon ang tadhana sa inyo.
Milan (2004)
“Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako? … Oh kailangan mo ako kaya mahal mo ako?” – Claudine Baretto
One of the classics. Pero aminin, hanggang ngayon natatanong mo pa rin. Kaya magisip-isip ka na! Mahal ka ba dahil mahal ka? O dahil kailangan ka lang niya sa ngayon?
One More Chance (2007)
“She loved me at my worst. You had me at my best, but binalewala mo lang ang lahat… And you chose to break my heart.” – John Lloyd Cruz
Syempre hindi mawawala ang famous line ni Popoy. Hanggang ngayon tagos pa rin sa puso ng bawat Pilipino ang linyang ito. Kaya nga don’t take anyone for granted. Di mo alam paggising mo bukas wala na siya para sayo.
0 notes
Photo
0 notes
Text
Puso. Isip.
Mataas na sikat ng araw, masayang paghuni ng mga ibon. Panibagong umaga na may lamig ang haplos ng bawat simoy. Hindi ba dapat ako’y masaya na may liwanag akong muling nakikita? Pero hindi. Wala. Kadiliman ang tila bumabalot sa aking isipan.
Ano na nga ba ang dapat kong gawin? Saan na nga ba ang daan na dapat tahakin? Anong pakiramdam ba ang kailangan kong damhin? Mga tanong na tumatakbo sa aking isip.
Habang buhay na lang ba akong magtatago? Sa aking pagtakbo kailan ba mapapagod? Isa lang naman ang nais ko, na dumating sa lugar kung saan, Ang puso ko’y hindi maging kabado At sa sariling pag-iisip ay hindi malunod.
0 notes
Text
Soul-searching
soul–searching noun soul–search·ing \ˈsōl-ˌs��r-chiŋ\
: the activity of thinking seriously about your feelings and beliefs in order to make a decision or to understand the reasons for your own behavior
Bata, matanda, babae o lalaki, kahit sino ka man naniniwala ako na dumating o darating tayong lahat sa punto ng ating buhay kung saan mapapaisip ka kung ano nga ba talaga ang rason mo sa mundo, kung tama ba ang iyong ginagawa, o kung naisasabuhay mo ba ng tunay ang iyong misyon sa buhay. At sa mga panahong ito ang tanging naiisip mong gawin ay lumayo ng kahit saglit at magisip-isip tungkol sa buhay na iyong tinatahak sa kasalukuyan.
Kaya ito ang top 3 soul-searching places sa Pilipinas na mairerekomenda ko sa mga taong naguguluhan at hindi na sigurado sa mga desisyon nila sa buhay.
Sagada, Mountain Province
Dahil sa napakagandang tanawin, malamig na klima at payapang atmospera ng lungsod, ito ay naging isa sa mga pinakasikat na lugar para mag soul-search o magmuni-muni. Kahit na humigit sampung oras ang biyahe patungo rito mula Metro Manila, marami pa rin sa ating kababayan at kahit mga turista ang nagpupunta rito. Ilan sa mga tanawing dapat puntahan dito ay ang Sumaguing at Lumiang Caves, Hanging Coffins, at ang popular na Rice Terraces.
Mahogany Forest, Bohol
Tinaguriang first man-made forest ang lugar na ito sa bansang Pilipinas. Ito ay tinatayang may habang 2 kilometro ng puno ng mahogany. Wala masyadong kakaiba o kabihabighani sa lugar na ito ngunit para sa mga taong nagnanais na mapagisa at makapag-isip ng malalim, ito ang lugar na para sa inyo.
Batanes Island
Mawawala ba sa listahan ng mga soul-searching places sa Pilipinas ang Batanes Island? Matatagpuan sa pinakanorteng bahagi ng Pilipinas, ang lungsod na ito ay madalas na binabayo ng mga bagyo ngunit nananatili ito na sa isa sa mga pinakamagandang lalawigan sa Pilipinas. At dahil sa maliit na populasyon ng lalawigang it at isama pa ang nakapangaagaw na hininga na tanawin, tunay nga na ito ang perpektong lugar para sa mga naghahanap ng kapayapaan sa isip at damdamin.
Ikaw, saan mo nais na makapag-isip at makapagmuni-muni? :)
0 notes
Text
Tara
Minsan ba sa iyong buhay naisip mo na gusto mo na lang umalis? Mawala na lang bigla at tumakas sa gulo ng mundo?
(KASI AKO OO!!!!!!)
Pagiging duwag nga ba ang pagsasabi ng mga ganitong salita? Ang pagnanais bang lumayo ay nagpapakita ng hindi pagiging praktikal ng isang tao?
Masasabi kong bilang isang teenager, ako ay nasa punto ng aking buhay kung saan napakarami kong nais gawin at gusto ko itong lahat mangyari sa lalong madaling panahon. Ngunit maraming dahilan kung bakit hindi ko magawang masimulan ang pagtupad sa mga ito. Napakaironic kasi ang susunod kong sasabihin ay, “if there’s a will, there’s a way.” Kaya siguro masasabi ko na ang pagsulat ng blog na ito ay ang aking unang hakbang sa pagabot sa aking mga mithiin. Kasi alam niyo ba na ang pinakauna kong nais gawin sa buhay ay ang magpakalayo layo at magkaroon ng panibagong simula. (madrama? medyo)
Naniniwala ako na marami ang nakakaintindi at nakakarelate sa bugso ng damdamin kong nais na magpakalayo. Iba’t iba man ang aming dahilan, iisa lamang ang nais naming mangyari. Siguro may iilan na nagsasabi na ang ganitong pagiisip ay paraan lamang namin upang makatakas sa responsibilidad at tungkulin sa pamilya man namin, komunidad o paaralan. Ngunit, ito lamang ang masasabi ko,
Oo, alam ko na sadyang mahirap ang mamuhay sa mundo kaya naman bakit hindi pa sa lugar kung saan nais mo talagang manirahan, mo damhin at pasanin ang mga problemang iyong hinaharap.
(at least diba? masaya ka kung nasaan ka ;) )
Kaya naman, maligayang pagbati mula sa akin at welcome sa aking blog! Tara, let’s escape life and reality.
1 note
·
View note