Photo

Sorry Lord pero ang hirap mag-move on. I CANNOT!
0 notes
Photo

Thank you Papa Lord sa pakikinig sa prayers ko. ❤
0 notes
Photo

Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang. Nakakatuwa lang kasi buhay pa ako. Hahaha! Akala ko kasi kukunin ako ni Lord nung mga panahon na malala pa yung GERD ko. Akala ko talaga last year tatagal ako ng isang taon sa Calamba. Pero okay narin na nandito ako sa Baguio kasama sina mama, papa at kuya. At least, kung matuloy man si kuya na mag Korea, may kasa-kasama parin sina mama at papa dito sa bahay. Sana nga matuloy na yung pag-alis niya. At sana, makatagal ako sa Red Cross. Dibaleng magkaroon kami ng shortage financially next year basta ang prayer ko lang para sa pamilya ko e yung good health at safety nila. Sana maging productive ako next year sa buhay ko, especially sa career. Kahit sa career lang Lord, please. Love life... Hindi ko talaga makita yung sarili ko para don. Hahaha! Ipapabuya ko nalang sayo Lord yung para sa bagay na yon. You know better than me. Naniniwala po ako sa sa tamang oras niyo.
Lord, sana matuloy na po si kuya sa Korea. Na sana maging successful siya roon. At the same time hindi po siya makalimot sa inyo kahit naging successful na siya. Na sana mas ma realize niya yung importance nila mama at papa once na andon na siya. Na maging thankful siya sa parents namin. Sana maging masaya siya. Sana hindi rin siya makalimot kahit simpleng message lang sa facebook.
Kay mama at papa, sana humaba pa ang buhay nila Lord. Gusto ko pa silang makasama ng matagal. Hindi ko pa kakayanin na isang araw wala na sila sa tabi ko. Gusto ko pang maibigay yung mga bagay na gusto nila. Alam ko na hindi ako perpektong anak, pero alam mo Lord kung gaano ko kamahal ang pamilya ko. Sila lang yung pinaghuhugutan ko ng saya kaya masayahin akong tao. Although, madalas kaming may misunderstanding ni mama sa mga simpleng bagay, iba parin yung nandyan siya kahit madalas niya akong pagsabihan. Kaya po Lord, ingatan niyo po sila para sa akin.
As for me, I only need your guidance Lord. Ikaw lang ang kailangan ko next year at sa mga susunod pang taon hanggang sa kunin mo na ako dito sa Earth. Haha! Sana ikaw ang magsilbing gabay sa buhay ko at sa mga desisyong gagawin ko. Lord, this year, ayoko pong makasakit ng feelings ng ibang tao. Ayaw ko rin pong maging iresponsable sa magiging future work ko. Kaya po Lord, ipinagdarasal ko po na gabayan niyo po ako next year. Sana kayanin ko yung trabaho ko at hindi ako magkasakit. Mabawas-bawasan ko narin sana yung mga ugali kong hindi maganda next year.
Thank you po Lord sa 2016! Ang dami ko pong natutunan. Kahit unemployed ako ng ilang buwan pakiramdam ko napaka meaningful ng taong ito para sa akin. Mula sa pagiging tambay, naging volunteer ako ng Red Cross. At least, na experience ko maging volunteer. Wala akong direksyon non, pero bigla nalang nagkaroon ng oppurtunity. Sana nga Lord makapasok ako sa Red Cross. Kami ni Au. Gusto ko rin kasing matulungan sina mama kahit sa kaunting paraan lang.
Ano kayang naghihintay sa akin sa 2017? Magugulat nalang ako na patapos nanaman ang taon. Anyways, sana maging okay naman ang lahat. Sana sa susunod na magjo-joirnal ako ng New Year e may malaking improvement sa buhay ko.
Lord, ikaw na bahala sa akin.
0 notes
Photo

Hello diary! Kumusta kana? Na missed mo ba ako? Ang tagal ko nanamang nawala.
Unfortunately, hindi ko na matandaan yung ginawa ko nung Dec. 16 kaya move on na tayo. Haha! Nung Dec. 17 at 18 sa bahay lang ako e. Naglaro ng sims 4. Hahaha! Nung 16 e pumasyal sina ate Lani sa bahay kasama yung very smart niyang anak na si Ozzy. Ayon, maaga rin naman silang umuwi nung araw na iyon. Dec. 18, bagong install ng sims 4 sa laptop ni kuya kaya unli laro ako nun. Ako muna yung may hawak ng laptop nya kasi busy pa siya magreview non ng Korean.
December 19, start ng hands on training namin. Dec. 19 at 20 e orientation namin kay chief. Dec. 21, may something na nangyari sa akin nung sumama ako sa ambulance training tapos hindi ako nakapagpaalam. Pero regardless na may nangyari, na enjoy ko parin yung Christmas party. Kumain pa nga kami sa labas nila Aurienne, Cha at Sonia sa Red station nung gabi na. Pag-uwi namin e nakasalubong pa namin sina Gab at Belle. Ahem. Infareness, nagpansinan kami ni Gab. Hahaha. Di na ako bitter. Hahaha!
Wala akong maalala na nangyari nung 22. Nung 23, nung umiyak si Aurienne dahil sa issue na nasira yung wrapper ng gift ni sir Joseph. After non kumain kami sa Mr. Ramyun para gumaan yung loob niya. Nagpunta rin kami ng Sacred para bisitahin mga staffs namin don. Sakto, na-meet namin si Maam Cora. Ang saya ng feeling kasi iyon yung unang beses na dumaan ako sa Sacred after kong pumasa ng board exam. Or maybe 2nd time. Almost a year din akong hindi bumibisita don. Ang saya lang kasi very welcome kami. At the same time, happy rin ako na kahit papaano e napalitan ng inspiration yung frustration ni Aurienne.
Dec. 24, naki-Christmas sa amin sina ate Lani. Hanggang 10 PM din sila sa bahay. Ang dami kong tawa dahil kay Ozzy. Lalo na don sa slowmo jumping rope niya at sa exchange face. Haha! Dec. 25, ang sarap matulog. Wala akong inatupag kundi kumain at matulog. 🤣
Dec. 26, walang intern. Hindi naman kami na toxic. Maaga kaming nakauwi kaya dumaan muna kami ni Aurienne sa bazaar kahapon para tumingin tingin ng kung ano-ano. At ayon, may nabili akong duster ni mama. Haha. Kumain din kami ng takuyaki sa porta tapos umuwi na kami.
Dec. 27, too many things to reflect on. Nakakadepressed talaga kapag may donor na hindi nakuhanan ng dugo. 😐 Buti nalang understanding yung donor at hindi nagalit si Maam Ivey. Pinag-exam din kami ni maam Annie ngayon. Syaks! Ang hirap... may hindi pa ako nasagutan. Sa totoo lang, nakakatuwang isipin dahil chinachallenge ko yung sarili ko na maging better person everyday. Kaysa wala akong goal. Maigi na yung itinatama ko yung mga pagkakamali ko araw-araw.
Palagi nalang akong late umuwi kaya siguro di na ako makapag-diary. Expected na matagal nanaman bago ako mag diary. Hahaha! See you soon my dearest!
1 note
·
View note
Photo

Ang tagal kong hindi nag diary. Ewan ko ba. May time naman ako pero iba yung ginagawa ko.
Anyways, I am back para magkuwento. Minsan kailangan kong mawala ng matagal para may maisulat ako. Hahaha. Minsan kasi pag may nangyari, pagod na akong mag-diary. Gusto ko nalang magpahinga at matulog. 😆
Nung November 24, nagpunta kami sa Bell House sa John Hay. Hindi ko na maalala kung ilan yung nagdonate. Basta half day lang kami don. Tapos namasyal kami sa secret garden nila. Ang daming pinetrees. Hahaha! Malamang, Baguio e. Hinding-hindi ko talaga makakalimutan yung creepy CR sa Bell House. Yung tipong wala naman akong nafi-feel o nakikita pero parang nakakaparanoid talaga yung CR nila. Kung bakit kasi may butas yung ceiling don pa sa tapat ng mismong toilet bowl. Parang may sumisilip na kung ano. Nung unang beses akong umihi nagpasama ako kay Ma'am Sam. Nung pangalawa, mag-isa ko nalang. Sa totoo lang ayoko ng umihi don kaso ihing-ihi na ako at hindi ko n mahihintay pa hanggang sa chapter. Hahaha! Nung araw din na yun, first time kong magsalita about sa membership ng Red Cross sa harap ng crowd. Syempre kinabahan ako pero sabi naman ni sir Bong okay lang naman daw yung way ng pagendorse ko ng membership. O sadyang mabait lang si sir? 😂 Antagal ko na siyang hindi nakikita. Siguro nada bundok yun. Hahaha.
Nung 25, na meet ko naman si Sonia. Sa kanya ko nalaman yung part time ko ngayon sa Savemore as tutor. Wala na akong maalala after that. Siguro naging busy ako sa MAAB. Nung week din na 'to gumagawa kami ng bulletin board nila Sonia, Au at Jessica.
November 30, niyaya ko si ate Jen na pumunta sa Jesus reigns sa may Melvin Jones. Yun yung may board meeting sa chapter tapos may ibi-bleed kaso isa lang yung staff sa blood service kayo ako yung hinilang tumusok sa mag-dodonate. Super happy ko na nakasama kami sa praise and worship na iyon. Feeling ko kasi ang dami kong natatanggap na blessing kay Lord these days kaya parang overjoyed ako nung mga oras na iyon.
December 1, lantern parade ng SLU. Hindi natuloy yung interview ko sa Kids Casa dahil na traffic si Maam Michelle. Kaya ayon, napanuod ko yung buong parade kasama si mama. Hirap ngang umuwi after nong parade dahil punuan ang jeep! Nung time na ito hinihintay kong dumating yung letter na pinadala ko kay tita Gie. Unfortunately, hindi pa dumadating. World AIDS Day din pala kaya nagsulat kami sa mga palad namin ng mga short messages as a support sa mga AIDS patients. 🙂
December 2, natuloy na yung interview ko. And I was hired! 😁
December 3 and 4, Goshenland Foot Ball cup. Naulanan lang naman kami ng pasyente. Mga bukol, sprained ankle/foot, etc. ang mga cases. Meron pa nga kaming pina-ambulance last Dec. 3. Pero okay naman kasi may kasama kaming senior. Di ako pumasok ng Monday dahil pagod akong nag med. stanby. Dito narin nag start yung sipon ko.
December 6, finally, na received na ni tita Gie yung letter ko.
December 7, nagpacheck up sina mama at papa. Thank God kasi umayos na yung cholesterol ni papa. Tapos bumaba narin yung glucose niya although medyo mataas parin. Sana next mag improve na. Kay mama yung BUN niya increased pero okay naman yung creatinine niya. Inaalala ko tuloy yung cyst niya sa liver. 😐
December 9, nag MBD kami sa T.I. Super nakakabusog yung lunch namin don. Buti nalang sumama ako. 😂
December 10, nag MBD naman kami sa centermall. Ang dami naming nakalimutan nung araw na yon pero keribels. Hahaha! Masaya kasi kasama namin sina maam Jhondy, sir Enil na siya mismo nag bleed sa sarili niya 😱 at saka si maam Franz. 😁
December 11, feeling ko namahinga ako nung araw na iyon dahil dalawang araw na magkasunod yung MBD na pinuntahan ko. Tapos nung bandang hapon, nakatanggap ako ng text kay maam Mich na may tutor ako ng Monday to Thursday. Napagkamalan ko pa ngang subject yung pangalan ng student ko. Hahaha!
December 12... Hala, hindi ko alam if pumunta ako ng chapter. Ulyanin na ako. Haha! Basta ang alam ko nagtutor ako that day and was able to meet my first student. He's a grade 2 student. Boy. At itago nalang natin sa pangalang 'ubing'. 😂 Nakulitan ako sa kanya. Nung pagkaalis ko nga nung time na yon e panay ang pagbuntong hininga ko. Feeling ko na drained ako e hindi naman ako napagod.
Nung tuesday (December 13), wednesday (December 14) at hanggang ngayong thursday (December 15) e na immune na ako sa kakulitan niya. Hahaha! Sana lang talaga mataas makuha niya kasi ginawa ko naman yung makakaya ko para ireview siya. Ewan ko kung mamimiss ako nung batang yun. Sabi ko kasi sa kanya kanina mag behave na siya para matapos na kami at hindi na kami magkikita para mag review. Ang mean ko lang, ano? Sabi naman ng lola niya sa akin, e gusto raw ako ng apo niya as a teacher. Ewan ko lang kung totoo yon kasi ang kulit talaga niya. Hahaha!
Kahapon (December 14, 2016), nagrecognition kami. Nabigyan kami ng certificates for volunteering during PASADAs. Nakakatuwa nga kasi may picture na kami ni Mayor. Hahaha. Nung hapon, after ng tutor ko, nag meet kami ni ate Jen kasi magdodonate siya. Syempre, ako na tumusok. Naalala ko nun, takot akong tusukan si ate nung mga intern pa kami kaya si crush ang nag bleed sa kanya. 😅
Anyways, ngayon nag compo kami. Nagpaturo ako sa mga interns na andon. 😀 Sana nga maregular na kami soon ni Aurienne. 🙏🏻
0 notes
Quote
Yung 'like' niya sa'yo na hanggang facebook nalang.
Mireassa
0 notes
Photo

Last week, wala naman akong makukwento. Aside from nag-ice cream kami sa DQ nila ate Pam, Aurienne at Cha. May board meeting. Ayon, utusan ako. Hahaha. Pero na realized ko na okay narin kasi nakakain naman ako. Plus naka-exercise narin ako. :D Saka nabusog ako nung araw na iyon. Hahaha!
Saturday, Sunday at Monday; hindi ako pumasok. Nung Saturday naggamot ako ng buhok ko tapos nag french tip ako ng kuko ko sa kamay. Pero natanggal din lang kaagad nung Sunday. Hahahaha. Hindi ako pumasok ng Monday kasi may amoy apple cider pa yung buhok ko. Nung Tuesday pumasok ako pero dalawang beses akong naligo. Kasi naman yung unang wash ko ng buhok e amoy yung apple cider na in-apply ko. Hahaha.
Ang accomplishment ko siguro nung Tuesday e nung naayos ko yung acknowledgement. Yung na track ko kung san napunta yung mga IDs sa MAAB. Hahaha. Ang hirap din nun ah. At nakakairita kasi ang gulo talaga. Hahaha. Ang sarap nga ng feeling nung alam ko na kung san nagpupunta na ID na hindi naisulat sa acknowledgement. 😂
Kahapon naman, super pagod, pero super saya at super busog! Together with Sir Jun at Sir Bong nagpunta kami sa New Plaza hotel sa may Navy Base para sa last day ng training ng mga DOT trainees. :) Don ko na-prove na mabait silang staff. Lalo na si sir Bong! Ang bait niya. Kahit medyo sabihin na nating magkalayo yung age namin na-aadmire ko yung pagka-nice and gentleman niya. Hahahaha. Naisip ko tuloy na sana yung mapapangasawa ko sa future may traits ni Papa at ni sir Bong. Hahaha. Puro matatanda ang naging batayan ng criteria ko. Hahahaha.
Ayon, masaya ako now kasi hindi na black yung stool ko kanina. Kahapon kasi. Black talaga. Kinabahan ako. Although wala naman akong na feel na symptoms. Tapos sinearch ko sa google what causes black stool. Pwede pala yung ferrous sulfate. E, the night before that uminom ako ng ganun dahil ang baba ng bp ko. 100/60 lang yata. Buhay pa ba ako nun? Hahahaha. Anyways, okay na. Pero ang sakit talaga kanina nung nag CR ako. Parang naglabas ako ng malaking bato at sobrang nastrech ang anus ko hahahahaha!!! Nagpatugtog pa nga ako ng worship song habang nasa banyo ako dahil kailangan ko ang healing presence ni Lord para makapagbawas ako. 😂 Thank you, Lord!!! ❤️Hindi mo ako binigo. :P
Maaga akong lalabas ngayon kasi pupunta kami ng Camp John Hay. MAAB ako na assign. Hahaha. Sige, next time ulit! 🙂
0 notes
Photo

Yung hindi lang pala sa akin nagparamdam si LBM. Pati pala sa mga kasama kong kumain kahapon. Hahaha!

0 notes
Photo

It's currently 12:19:46 AM. Nagising ako dahil ang sakit ng tyan ko. LBM mode for a reason I don't know. 😦 Buti nalang saka lang ako tinamaan ng LBM ngayong nasa bahay na ako. NP: 10,000 reasons! 😁 Pero bigla kong nilipat ng "Who Am I' ng Casting Crowns. Hahaha!
Since CR mode pa naman ako e Diary mode narin ako. Hahaha! 😂
Last Saturday, which is Dugong Bombo, sobrang na-enjoy ko yung araw na 'yon. Super thankful ako kay Lord dahil wala akong 'bogs'. Feeling ko si Lord talaga ang may pakana nun. 😊 Supposed to be andon na kami sa Chapter ng 5:30. Kaso di ko keri yung orras dahil anong oras narin akong nakatulog last Friday, tapos nagdugong UB din kami that same day. Dumating ako sa Igorot park mga 7:15. Pero bago ako dumiretso ron e pumunta muna ako ng Chapter para kumuha ng vest. Pero hindi ko rin lang nagamit yung vest kasi binigyan kami ng free extra large t-shirt ng Bombo. Hahaha! Talagang nag-focus ako sa blood typing nang umaga. Siguro naka 4 or lima lang akong bleed. Naka 300+ daw kaming successful donors including narin don yung sa Benguet Red Cross. Sobrang saya talaga ng experience na yon. :D Nakakapagod pero masaya.
Last Sunday, jogging mode kami ni brother dahil ang tagal na naming di nakapag-jog dahil sobrang busy ng week ko. At hanggang nong time na yon, hindi parin natanggal yung punong natumba nung bagyong Lawin. Sabi ko nga kay kuya pareha sila ng bubong ng SM! Hahaha! Nung afternoon, namasyal lang kami ni kuya sa SM at kumain ng siomai, french fries na flavored with onion na may kasamang mango shake. Yung mga bagay na dapat gagawin namin e hindi namin nagawa. Una, yung magpa-print ng resume ko. Pangalawa, magpa-print ng picture sa Babes Studio kasi ang daming tao. Nung araw na to, may na-realized lang kami ni kuya... Na isipin muna yung POV nang tao bago ka mag-judge ng isang tao. Put yourself on their situations. Yung nagpunta kasi kami sa Babes may isang employee sabi niya kay tatay na nagpapaprint ng pictures e paki-drug nalang daw sa isang folder yung pictures na gusto niya ipa-print tapos di ko alam if may sinabi pa siya tapos pinaupo na niya si tatay sa chair para gawin yon. At si ate employee may pinuntahan for a reason na hindi ko alam. Eto namang si tatay, unfortunately, hindi pala marunong mag-drag. At sko naman tong si good samarithan na nag-offer ng help. Tuturuan ko lang sana mag-drag si tatay kaso pinaupo naman na niya ako sa harapan ng computer. Hahaha. Syempre may lakad din kami ni kuya kaya tinuruan ko nalang si tatay kung paano ang gagawin,p. Tapos nung keribels na niya saka ako umalis. That time ang daming tao kaya sabi ko kay brother, balik nalang ako kinabukasan. Ikwinento ko kay kuya yung nangyari, complaining about the employee, na bakit iniean niya si tatay. Sabi naman ni kuya: Marami kasing tao, siguro kung wala d maasikaso niya yun. Sabagay. Tama siya. Toxic kasi sa studio at hindi na alam ni ate ang uunahin. Hahaha! Buti nalang pina-realize sa akin yun ni kuya. 🙂 Next naman yung kwento ni kuya. Yung bumibili kasi kami ng drinks may Koreanang nakahulog ng 100 pesos. Pinulot ni kuya tapos sabi niya, "Excuse me. You drop this." Hindi man lang daw nag-thank you yung Koreana sa kanya at napansin ko rin yun. Tapos habang kumakain kami ni brother, nakita ulit namin yung Koreana tother with a group of Koreans. Tapos bigla ko nalang naisip na sabihin kay kuya na baka hindi lang niya naintindihan yung sinabi ni kuya. Baka nagulat siya at hindi niya alam kung anong isasagot niya. Well, hindi naman sa nagja-judge ako na di gaano ganon kagaling yung mga Koreans mag-english dahil nga ganon yungobservation nakikita ko tuwing nanonood ako ng tvshow o dramas nila, pero what I am trying to explain to kuya e baka hindi yun sadya ng Koreana. Tapos ayun, narealized din ni kuya yung point ko. We both realized on something. Don't judge people immediately if you don't know the whole story. Isipin mo rin yung opinion ng taong yun mismo, kasi malay mo may pinagdadaanan lang siya na kasalukuyan mong hindi pinagdadaanan. Di mo lang siguro napansin na naging ganon ka narin dati.
Pag-uwi namin ni kuya thay day, ewan ko bakit antok na antok ako nun. Pati si kuya. Hahaha! Siguro napagod kaming nag-jog. 😂
Monday... wala namang nangyari. Pumasok lang ako sa Chapter. Na-meet ko pala si Ate Jen pati si kuya Clement. Ugh. I have to admit nung nakita ko ulit si kuya Clement naging crush ko ulit siya. Hahahahaha! Ang lalim kasi ng boses niya tapos napaka-manly niya. Sayang talaga, pero okay narin. Hindi naman siya mapapasaakin kahit lalake siya. Hahaha! Sa pogi niyang yon I'm sure paglalake siya maganda ang gf niya! Ang landi ko lang talaga. 😐 Bakit ba ang landi ng utak ko. May crush pa akong intern. Crush ko nga ba yun? Hahahaha! Syaks ang tanda ko na para magka-crush sa intern. Nakakaloka. Tinatraydor ko si toots sa mga crushes ko. Hays! Sorry Mr. Waffles! Minsan talaga may mga taong napapadaan sa buhay ko na hindi ko mapigilang i-admire lalo pat hindi na kita nakikita, hahaha! As if namang tayo! 😂
Kahapon nagbleed kami sa SLU. GRABE. Hindi ko ngay na-enjoy. Puro lang ako taga korek ng mga nagsstop na flow ng dugo o kaya napupunta sa akin yung mahihirap ang vein. Anyways, buti nalang very encouraging si maam Rachel. Sabi nga niya punta ako ulit next kaso si Maam Jeng na yung staff kaya parang ayoko na. Hahahaha! Parang... parang lang naman hindi niya ako type. Hahaha. Binubully niya ako palagi, e. Haha. Kailangan ko pa talagang galingan. Need ko pang magpractice. Well, I think, forever naman akong magppractice sa profession na to. Haha. Sana may natutunan ako kahapon kahit medyo fail ako sa mg extractions ko. Sabi ni maam Rach ang harsh ko raw mag probe hahaha. Kaya ginagaya ko yung pag probe niya. Hahaha! At least sinabi niya kesa matagal ko ng ginagawang harsh yung ginagawa ko. 🙂 As of 1:19:09 AM, nasa banyo parin ako. Actually lumabas na ako kanina kaso sumakit ulit yung tyan ko kaya andito ulit ako sa CR. Sana paghiga ko ng bed, okay na yung tyan ko.
Whew! Natapos din ang diary. Di ko na gaano napapansin kasi pagod na ako pag-uwi. 😂 yung tipong tinutulugan ko na yung food sa harapan ko tuwing dinner. Hahahaha! Anyways, time to go back to sleep dahil may pasok pa bukas. Goodnight!😘
0 notes
Text
13 October 2016
Patawarin mo sana ako kung ayaw kung bunili ng chicken sa suki mo. Nahihiya kasi ako sa isang nagbebenta. Si Kuya na hindi ko alam iyong pangalan. Makinis iyong mukha niya tapos ewan ko ba bakit naiisip ko si Emilio Aguinaldo kapag nakikita ko siya. Hindi naman sila magkahawig. Tuwing bibili kami ng chicken sa pwesto nila, napapaisip ako ng, 'Ay, makikita ko si Emilio.' Tapos parang excited ako?
Ano ba iteyyyy?
0 notes
Text
11 October 2016
Kumusta naman ako? Eto, ayos naman at buhay pa. Nakakatuwa lang kasi napapalibutan ako ng mga taong positive ang ugali na kailangan ko as of now dahil nagiging pessimistic nanaman ako lately. Parang naeexcite nanaman ako pumasok. Di kagaya dati na parang palagi nalang akong naghahanap ng purpose sa bawat araw na dumarating sa buhay ko. Haaaay. Although hindi ko pa alam kung anong plano ko sa sarili ko, sana magkawork na ako soon. Lord kayo na pong bahala. 🙂 Tiwala po ako sa timing niyo.
0 notes