Text
K
Pero tanga man ang tao pede rin itong matutong wag maging tanga.
Nakita ko lang sa nabasa kong libro. :)) HAHA.
"Minsan sa buhay, nasa harap muna yung taong para sayo kaso kung saan saan ka pa tumitingin... Minsan hinahabol ka na ng taong para sayo, tinatakbuhan mo pa.... Minsan pinagsisigawan nya na ang nararamdaman nya sayo, obvious na obvious na, kaso nagbibingi-bingihan ka... Masakit yung andyan pa sya, hindi mo pinapansin at kung kelan wala na sya... saka mo hahanapin. Tanga ang tao. Isang malaking tanga. Pero tanga man ang tao pede rin itong matutong wag maging tanga."
1 note
·
View note
Text
nawala ako sa momentum ng pagkkwento. That the right day to start blogging
1 note
·
View note
Text
OKAY! I guess this is the precelebration for May 8 (8 is my number).
Hindi talaga ako sanay na masaya ako. Hindi ako sanay na may magandang nangyayari sakin kasi lagi kong naiisip na baka may balik 'to na hindi maganda o baka hindi na ako yung normal na Mich. Ewan basta ganun. HAHA.
Una sa lahat, HINDI AKO NAKALIGO KANINANG UMAGA, And that's b*llsh*t! (guy trying to play a violin even without a violin #NowYouSeeMe. LOL. Ramdom ko na naman). Late kasi ako nagising! Ang aga ko naman natulog! Buti na lang aircon yung stat1 at eng10 classroom namen. haha! Malelate pa sana ako kasi ulyanin ko! NALIMUTAN KO SALAMIN KO! Nasa taas ng frige lang pala :))
(NP: sa kanya by mymp. I remembered Khei kidding me na kay Nazy lang babalik lang babalik damdamin ko. WHAT??)
Stat1 - hello. late ako. hello yasha. ang awkward ng feeling kasi naaawkwardan na ako simula nung sinabi nya na "kahit bata pa lang yun, alam kong mahal na mahal nya ako". HELLO! Nagseselos ako! Hello! Nasasaktan ako! Ewan. Iba na trato ko sa kanya silmula nung nagkaayos sila. How bad I am? HAHA.
- pinapagtawanan pa namen yung lecturer namen ngayon sa stat. Ang ramdom at ang weird nya kasi. She looks like joni pala: mahinhin, nakadress, nageenglish. Joni na joni. Basta nakakatawa kasi pinapagtawanan na lang sya minsan. pero mas okay syang lecturer kasi no pressure. nakakatakot kasi si totoong maam namen. Yung lecturer pala ng kabilang lect section yung nagsub samen kahapon, mas okay din sya magturo kahit na nagtatawag sya randomly. Nakakatuwa kasi nakakabiruan ko talaga si Oli, Erick at Yasha. Though yan yan is there reaching out. Mas feel ko maging close sa mas lalaking bata. They are like my brothers kasi :) Lalo na si Oli, para syang si Mark, kapatid ni Jenny. And oh yeah I miss high school experiences. Bumili na pala kame ng ticket para sa el sacramento (alam mo bang iglesia ni cristo director nito?)
(someone just came here in gonza and we talked about wattpad stories, his roomie, and christianity. felt good).
Eng10 - mejo hindi ko feel ang simoy ng hangin ngayon. Nung pagpasok ko pala ng lecture room, sobrang konti ng tao, mga late pala. Kala ko naggive up na agad sila eh. Yun kasi usual na dahilan bakit nagfefail yung iba sa eng10. Hm, i guess masaya namen kahit papano kasi nabibiro naman ako nung mga ee friends namen. tsaka ang bait ni ateng japanese/chinese kasi sya na umako ng gawain namen sa sci poster. sabi tuloy ng isa nameng kagrupo ang creepy kasi ang weird kasi masyado syang mabait. mejo nagagree ako dun kasi sobrang tahimik nya, sobrang bait pa. pero mabait talaga sya. hehe. Nazy texted me. Nagulat ako. Bored ata sya. Last meeting pala ay nagreport sila Chao (ang ganda talaga ng boses nya <3 HAHA. At pinagkalat na yun ni Mimay sa mga ee friends namen kaya nila ako inaasar kanina. HAHA).
Ang saya kasi nakakain ako ng parang nasa bahay. ang sarap sa feeling kasi feel at home na ako dito. Hahaha. nasasanay na rin ako. Parang ayoko na ngang umalis dito eh. :(
I didn't sleep pala. i watched modern family :)) tapos maaga pumasok pero maaga pa rin talaga nagsstart yung class. MAGJOJOKE NA NAMAN KAME. Parang forever na kame magjojoke ha! ahaha. kabado pa rin kasi hindi pa namen makikita yung score namen sa midterm! Prolong the AGONY. This sucks!
Hindi kame masyadong nagdadaldalan ni Oli nung una. pero nung nagstart kong daldalin sya, nagingay na naman kame! AT NAHULI SYA NI SIR NA NAKATINGIN KE "KLASMEYT". Ang lakas ng tawa ni sir! Sobrang lakas na nafeel ng class na OP sila. Nung una hindi ko magets, pero syempre pag si oli na pinapagusapan alam na dapat! Tapos ang hina na naman pumick up ni Yasha. HAHA. Mas lalaki pa ako ay! HAHA. Well, ang tagal kong makamove on sa nakakatawang scene na un (kahit hindi ko exactly nakita, nakakatawa kasi yung paglalahad ni sir na huling huli raw si Oli. Boys are boys! Pero mas matagal bago nakamove on si Oli sa pagkakakita sa kanya ni sir! HAHA).And the daldalan session continue kasi nasimulan na. I wont elaborate the stories na napagkwentuhan namen pero ang sarap sa feeling na nagkkwento sayo yung dating stranger para sayo. CLOSE NA KAME. Bakit? Plus si erick pa! :) isama na nga naten si yasha, si kuyang batch10, si gwen at kung sino pa, oooops si yanyan pa pala! :)) hm, nagpasa na kame ng exer kahit matagal matapos yung kagrupo namen. I wasnt that mean naman eh. Kinakausap ko pa naman sya at hindi naman yun pampaplastic. It's just that hindi ko na feel simula nung exer9 score namen. pero feeling ko nakamove on na naman ako dun eh. Basta okay na ako. Midterm score goes like this 34... O.O ganyan pinakita sakin ni sir! MY GOSH! 34x2=68%! Thank you lord! TAMA PA AKO SA BONUS NA SCORE KO! +10 tuloy akoooooo sa quizzes! HAHA. MASAYA AKO kahit hindi man ako naka70+. Guess what!? PATAS LANG KAME NI OLI! So, hahaha! both kame manlilibre! Haha. Nakakatawa kasi pumunta pa sa harap nun si oli, tapos sabi ni sir pareho naman kayo ng score! HAHA. pero nakakatuwa talaga si sir. Ang dali lang nya maging close. bata pa kasi sya, 08 sya! Kaya ayun, nakakatuwang nakakabiruan namen sya :)
flashback
After lab, pumunta na agad kame sa ministop para bumili ng chillz pero hindi pa pwede eh. Pumunta kameng mcdo. HAHA. And bff binili namen. Wala na akong pera. Pero masaya naman kasi ang tagal namen sa mcdo! 1hr ata. Maaga kasi kame natapos. AT, sobrang dami namen napagkwentuhan. Matatapos na nga ang summer next week. Mejo excited na kame sa last class namen pero mejo malungkot kasi parang ang bilis ng araw. May deal pala kame na kelangang makapasa lahat sa 10L para ilibre kame ng dinner ni sir! Pumayag kame (oh well ako lang and friends ang umagree, NR yung iba eh T.T)! take the challenge kasi dapat! para masaya. Katulad yung deal namen nila oli at erick, sure naman ako na hindi ako mananalo pero i accepted the deal, for friendship or for anything. di ba? :) it makes a lot of sense.
Our conversation goes like this:
GC MODE
gwen and oli,
GC MODE
story of their subj,
GC MODE
GC MODE
(ganito pala feeling na may kakompetensya. 76 si yasha hindi ako papayag, pero syempre mas hndi ako payag na bumagsak sya kasi makokonsensya ako. Hello! Hindi ko nabalik yung midterm na hiniram ko sa kanya no!)
acads experiences
end of classes plans.
well, end of classes plans includes sir (lovelife), picture taking and confession. magpicture picture muna raw para di awkward pag nagtanungan. HAHA. Gusto ko talagang itanong kung may lovelife si sir, at kung meron man SINO. HAHA. Pero may hula na kasi kame (si oli kasi nakaisip) kung sino. HAHAHA.
I went home happily. MASAYANG MASAYA. I didnt buy fruits pala. Dont have money na eh. Broke :/
MASAYA AKO KASI ALMOST WHOLE DAY KAME MAGKATX. Daig pa namen yung hindi nagkita ng 5yrs. Sobrang lagi kameng magkatx ngayong araw! At nung hindi ko na macontain sa stat1 lab. I told Oli na pala while naglelecture si sir (he told me also his lovelife and ang gulo, I just said he must try courting gwen and if it doesnt work, bumalik sya sa dati nyang nililigawan, typical story yung buhay nya eh. Ang sama ko pero yun naisip ko eh). Okay back to me na. MASAYA AKO! Basta hindi ko alam. sabi ko come what may na pero bakit ako ganito? Kinikilig ba ako omasaya lang ako kasi ganito sya sakin? AYOKO MAGASSUME. Pota. Nung kinuwento ko naman kay oli hindi nila nagets kasi hindi nila alam yung story behind that. (BTW, i was happy that oli told me last monday na yayayain nya raw ako sa bloc ekek. HAHA. kala ko sa org nila. Nagulat ako. He told me that yanyan is not that org material daw. Dont know why.) Basta masaya ako kasi nakakapagopen na ako sa kanila at nagoopen na rin sila ng personal life nila. I am so happy kasi I was just like talking to them like they are my brothers. Tapos yung mga kabadingan naopen pa, pagkaexcite namen na magorg si erick. basta ganun and our "secret" about someone :)) sana maging close pa rin kame kahit matapos ang summer. I will add them talaga :)) Masaya ako kasi "I am starting to dream/plan with him", AGAIN! NOOOOOOOOOOOOOOO!
#Random thoughts.
0 notes
Text
OMG
Ang tagal na naman nilang naginum. POTA. Buti na lang antok na antok ako kaya nakatulog agad ako. Kaso, hello. 7am na hindi pa rin sila tapos maginom. SUNOG BAGA BA 'TO?? 5am ako nagising dahil sa ingay nila. Pero kawawa naman ibang housemates ko kasi hindi sila makatulog.
PS: Seryoso bang nasend yun? PATAY NA. Sana hindi obvious! :)) #mfkas
0 notes
Text
Should I?
Hindi ko na nafifeel yung eagerness kong magblog tungkol sa naramdaman ko kagabi or kanina kasi wala na sa ako sa momentum! HAHA.
Basta ang alam ko, gusto kong itry magsulat.
Isusulat ko kung anu ang mga nangyari kay Mich. Yung love life, org life, normal life at kung anong life pa yan. Hindi ko rin alam bakit sumagi sa isip ko ang ganitong idea. Pero wala namang masama kung ittry di ba? :) Nakakatuwa kasi yung mga nabasa kong books (galing sa wattpad). Though hindi naman lahat ay 10/10 kung ijajudge, nakakaamaze lang kasi may book na sila or meron silang story na sila mismo yung gumawa. Hindi ko alam san sila humuhugot ng mga inspiration nila kasi hindi ko alam kung may part o halos lahat ay nangyari sa buhay nila o o nangyari kung kaninumang buhay yon kahit sabihin pa nilang #fiction yan! HAHA.
Sobrang random ko talaga. Binabasa ako lang kasi yung falling for the wrong guy kanina. Actually, tinapos ko sya kahit dapat na akong magaral. Konting pages lang naman yun eh kaya pinagtyagaan ko na :)
Tapos nagsink in na lang sa utak ko na try kong gawan ng story yung buhay ni Mich :)) HAHA. Gusto ko na sana magdraft ng iilang pumapasok sa utak ko na gusto kong ilagay sa story pero hindi ko magawa kasi gusto ko na ngang matapos yung book na binabasa ko. Basta ang alam ko lang habang nagbabasa ako:
-gusto kong magsulat,
-gusto kong ipabasa sa kakilala ni Mich yung isusulat ko,
-gusto kong magsulat,
(syempre naiintindihan ko pa rin yung story na binabasa ko, pero mabilis talaga nagppop yung mga idea sa gusto kong isulat)
-gusto kong isearch yung characterictic of a good story or how can i write a good story,
pero hindi ko ginawa kasi I want freedom and have my own way of writing. siguro magbebase na lang din ako sa diskarte at way ng mga iilang books na nabasa ko na.
-gusto kong magsulat,
-gusto kong ipabasa kay ZiNa yung magagawa kong story,
-gusto ko ng umpisahang magsulat!
-hello mga idea, wait lang kayo, hahanap tayo ng tamang panahon para sa inyo. Sana lang anjan pa rin kayo pag trip ko ng magsulat,
-magsusulat talaga ako...paunti unti, pag nasa mood ako magsulat at pag may mga naghehello ulit na idea.
Siguro susulat ko lahat ng saya, sakit, at kung anu pa mang alam kong naramdaman ni Mich para kay ZiNa. HAHA. Basta wait lang kayo. Magkakaron ako ng sarili kong story, kahit walang magbasa basta malagay sa history na may ganung nangyari. HAHA.
I wanna receive comments and judgements from and other writers na rin suguro. Kung nafeel nila yung story.
#pressured
And I think, the draft will start now. Wait, may exam pala ako bukas. HAHA.
0 notes
Text
Should I? Intro
Hindi ko na tanda ang mga nangyari kahapon (LAST DAY NG APRIL) basta ang alam ko:
- masaya ako kasi pasado ako sa eng10 midterm,
--BIRUIN MO YUN! Sa bus lang ako nagaral ng Unit 1 LANG sa eng10 tapos naka64 pa ako! WAG KAYONG KJ, masaya ako sa results eh kahit tatamad tamad ako. (KASI GUMALA LANG AKO NUNG SUNDAY BUONG MAGDAMAG EH. Worth it ang paggala ko at pagtapos ng shes dating the ganster. HAHA!)
- mejo bitchy ako kasi natuwa ako na hindi okay yung crush ko at yung gf nya,
-- sinu ba namang hindi magseselos pag nalaman mong may gf yung BAGONG crush mo? At sinubang hindi matutuwa pag nalaman mong hindi okay yung crush mo at yung jowa nya? #kabit #MALANDIKAMICH
- mejo malamig matulog kasi umambon pala! 2:40 na ata ako tumayo kasi nagbasa pa ako ata ako or nanood ng tv (ewan hindi ko na tanda),
-- sa buong summer na natutulog ako pag hapon, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kasarap na pagtulog, malamig ang binubugang hangin ng e-fan namen! HAHA.
- MASAYA KASI FIRST TIME NAMEN HINDI MAGKNOCK KNOCK SA STAT1 LAB! #epic
-- sa halos 5 exercis dito sa stat1 lab, first time in our life na hindi magbibigay ng joke! Kinongrats pa kame ni Sir! HAHA. #kiligngkonti Tapos first time ng Group 2 (Shaya, erick at yanyan) na magknock knock. Yan tuloy ang tahimik nila sa buong class ngayong araw. Napansin din nga rin yun ni Sir kasi kapansin pansin talaga na ang tahimik nila. #gcmodeALERT Hello! Mejo dalawang exer lang naman yung tinapos namen sa iisang meeting, hello #sabaw talaga!
- may natutunan naman ako sa review ng stat, nakausap ko pa yung friend ni Shaya :)
-- first time ko aattend ng review tapos madamihan pa. Pero okay lang kasi gusto ko talagang umattend ng review eh. Kala ko nga tatamarin ako kasi nagkatamaran na yung akala kong makakasama ko. Buti na lang napilit ko si erick at si groupmate (shet nalimutan ko namen nya! HAHA) Eh pagchikahan ba naman namen si Sir ****o* kaninang lab eh. HAHA. Ooooops! Tapos may balak pa syang kunin yung number ni Gwen. #paraparaan. Pero seryoso, nakakabangag yung 3-6:30 na lab kaya nagtake out na lang kame ng food at pumunta ng review. KUMAIN KAME SA MPH1 kahit alam nameng bawal. Gutom na gutom na kasi kame, maawa naman kayo samen. Itinapon naman namen ng ayos yung kalat eh :)
- rest day ko ngayong gabi (dapat gagawa kasi ako ng Eng10), kaya nanood na lang movie (cant remember kung Now You See me yun eh). Pero ang tanda ko, may gusto akong ipush ngayon eh. HAHA.
0 notes
Text
April 29 - hindi ko maintindihan anong dominating na feelings.
Stat1 moments with him:
Umagang umaga pa lang naguguluhan na ako ke Kuyang Shaya. Pano ba naman ang sexist, makapaggeneralize na magulo raw mga babae. HAHA. Inaway ko nga. Tapos hindi ko tuloy alam kung tama bang inungkat ko kung bakit nya pinagsasabi yun. KASI NALAMAN KONG MAY GF PALA SYA. HAHA. Shet! </3 Naguho mga pangarap kong maging kame. CHAROT. #SUPERLandi
Eh ayun, napakwento na sya na naturn off daw sya, na hindi lang daw isang beses na nagaway sila, na ang babaw daw ng ibang pinagawayan nila, na ang oa ko raw kung yung isang pinagawayan nila yung dahilan kung bakit sya naturn off. So, those things made me happy. SHET. Ang bitch ko. Bakit ako masaya na naturn off sya sa gf nya. Gusto ko ngang sabihin na magbreak na sila eh :)) 5months na sila. Nung una kong akala 5 years na sila. HAHA. Pag nagreklamo ulit sya, sana masabi ko ng makipagbreak na lang sya :)) HAHA. Well, Nacoconscious na ako pag kinakausap nya ako, MAHILIG SYA MANTITIG! Hindi ko alam kung ganun talaga sya makipag usap o tinititigan nya mga black heads ko (Ngayon ko lang 'to naisip. HAHA). SHET! Parang gusto ko tuloy laging nagaayos. HAHA. Gusto kong maging crush ako ng mga recitmates ko sa stat1! AHAHA.
Sa eng10 naman namen, sobrang hirap magparaphrase! hahaha. Tapos nakakatuwa kasi nakakabiruan talaga namen si Sir moi, lalo pa't lagi nya akong inaasar sa classmate namen na si Jude. HAHA. #maharooooot!
Nothing odd happens except for natulog ako, nagbasa, nagmovie, naghanap ng reference ng stat, kumain magisa ssa kens, kumain ng slurpee, nanghiram ng dictionary sa classmate sa eng10 para sa paraphrasing, nakinig sa sobrang boring na lecture sa stat1 (kasi puro concepts, sorry), nanuod ng pbb, panandaliang inistalk si Manolo, katx si Nazy, nakita si hazel, katx si anghel, kumain ng kumain, nanuod ng showtime. Nothing new. :)) (Random events today)
PS: home is where we belong :) BAHAY NI KUYA ANG PEG! #gonza
Nagaral kuno ng stat1! HAHA.
0 notes
Text
Random Mich, again.
Ang cute no? :))
Well, hindi ko naman na natutuloy yung #100HappyDays kasi tamad na ako magupdate ng 0nlinesocial life ko. Nahihilig kasi ako ngayong umuwi sa Taguig everyweek, magbasa, manuod ng mga music videos, MAGARAL, matulog. Ganun lang. I guess same routine ang mangyayari everyday of my life except sa iba2 yung kelangang aralin, at iba2 ang gusto kong basahin.
Naguguluhan na rin ako sa mga nafifeel ko the past weeks. Kala ko gusto ko na sya ulit, pero hindi pala. Normal na lang na nasasabi ko sa kanya na may feelings ako dati for Him. Normal na lang din na natatanong ko sya about sa time na hindi sya nagpaparamdam o nagpapakita sakin/samen. HAHA. Recently, nagFesti kame with Karen and Pael and I know na naging masaya naman ako but not that much. Nagpunta kame kina Khei at sa grad celeb ni grazie, na ako naman nagyaya sa mga tao na pumunta dun. But we're happy naman kahit haggard sa pagcontact sa mga tao. :)) Siguro, I just felt na hindi ko talaga kayang magkaron ng boyfriend kasi ayaw ko pa. Hindi ko kasi talaga feel. Gusto ko lang na kinikilig ako, na masaya ako with few important people in my life. Nakakatagal nga ako ng wala pa ring FB at twitter :)) In summary, I am just happy na friends na ulit kame ni Nazy, pero marami pa rin akong itatanong sa kanya pag natripan ko :))
I guess I am in love... In love sa family ko. Kasi lagi ko ng gustong umuwi. Lagi ko ng gustong gumagala kame, lately kasi everyweek na halos kame umaalis. Nung grad ni moja, nung nagpure gold kame ni Kuya, nung grad celeb ni moja, nung nagpavaccine. Mga simpleng gatherings lang, bday ni kuya ado, nagpakain si kuya kahit hindi nya pala alam na anniv nila papa, 29years na pala sila papa at mama na kasal <3
Well, I really cant explain what I want to blog. Basta ang alam ko, masaya ako kahit na parang hindi. kasi parang ang bigat sa feeling na may responsibility pa akong hindi natatapos, na andito pa rin ako sa point pa parang ayokong makita ng mga tao. Ang paranoid ko na naman kasi. Tapos, parang hindi maganda yung environment kanina. Kaya ayun, I leave the meeting, ALONE.
Come what may na lang ako sa feelings o mangyayari samen ni THAT GUY. Gusto ko lang maging open sa kanya para alam nya naman feeling na nasasaktan. Ayoko lang dadating sa time na iiwas na naman sya. GAGO BA SYA? ANO AKO TAGASALO LAGI SA KANYA?? Sana masabi ko o maexplain ko man lang sa kanya yung mga ganitong bagay.
in not more than three weeks, magsswimming na naman kameng family. Ganito yung mga bagay na every year ng nakakagawian kaya hinihintay ng mga bata at ng kung sinuman. For this year, magsasama sila ng mga jowa nila. As usual, may gusto rin akong isama :)) Ayun, masaya naman ako overall. KELANGAN LANG MAGARAL PARA SA STAT1 at MAGSIPAG PA PARA SA ENG10! :)
PS: hindi ako nakakain ng fruit kahapon :)) Ang ganda ng ending ng shes dating the gangster <3 at kaninang umaga, Nazy texted me first.
PSS: Okay. I guess Ill blog everything he do na lang. Masakit magassume pero ang tanga kasi nya. Mas tanga ako.
Natuwa pala ako sa mga aplikante namen ngayon, ang dami nila :)
Pati sa stat lab namen masaya kame :)) Nakakatuwa kasi mas kinikilig ako kay kuyang shaya :))
0 notes
Text
It's cool.
Eh kasi nagdeactivate ako ng Facebook and Twitter accounts ko tapos I deleted my Instagram account. Hindi ko lang talaga feel ang mga nabanggit na social networks, this applies this summer ONLY. Sobrang arte ko kasi eh. Basta halo halong reason: jealous of the world, personal reason, and of course ayokong makasira sa pagaaral ko ngayong summer ang internet. Yung huli, hindi ko alam kung totoo yun kasi bakit ako magbblog ng ganito dito sa tumblr di ba? :)) Yung IG account ko naman kabago bago nun tapos binura ko na agad, ang gulo talaga ng utak ko! HAHA.
Dahil jan, dito ko na lang ipapagpatuloy ang #100HappyDays na dapat sa IG ko ginagawa. Nagluluko rin kasi account ko dun. Eh, wala akong patience, as in wala na.
To start, #Day1 #100HappyDays
Day 1: Masaya akong pumasok sa aking first day of classes kasi ginawa kong HOLIDAY ang araw na ito. Galing ko eh 'no? Tapos nung umaga lumagpas pa ako sa babaan, sa psci tuloy ako bumaba :)) Shared this day with my orgmates habang pumipila sa CSO. Pila, Laguna raw eh. HAHA. Mejo 3hrs lang kame nakapili at kung hindi pa ako gagawa ng strategy para makakuha ng form5 ay hindi talaga ako makakakuha. Wais lang eh ;)) pero nagtampo kasi sakin sila Che at Nat :))
PS: someone offended me while nasa go bald kame. Mejo panira ng araw pero kebs lang :)) Ang ganda ko kaya ngayon, nakapalda ako at yung yellow na damit ni mimay. Ang ganda ko kaya! Tapos ngayong ko nakita yung mga paghahalungkat na ginawa ni Nazy, kaya pinatulan ko na lang :))
PSS: Ang gwapo ni Kuya Mondz, he hugged me pa. May jobfair kasi ang lafarge ngayon sa s.u ballroom hall. Ang cute ng suot nila. Ngayon ko na lang ulit nakausap si Kuya monds ng ganun katagal at sobrang gwapo nya. Parang nagiba nga rin yung boses nya eh :)) HAHA. Tapos I saw Jill din kasi part din pala ang SImufru sa jpb fair. Ang laki ng saging nila! Pang export talaga! HAHA. Ang laki laki kasi talaga. LOL. Tapos mejo nasabayan nya akong maglunch sa S.U :) Nakapagkwentuhan pa kame :) As usual, kasama nya si Jano. Im trying to be friend with him naman ah. Ang bait ko kaya nung magkakausap kame. At namiss ko rin si Jill of course. Ang kupal nya pa rin. MANAGER PALA SYA! Pota.
Day 2: Mejo ang weird nung feeling ko na katabi ko sya, kasi parang nagkakangitiin lang kame kasi nangungupal kame (sya nanguna promise!) ng nagsasalita sa C-4R ng Eng10! HAHAHA. Weird. Pero ang cute nya, ang angas ng dating. First time ko ata mafeel na crush ko ang isang maangas na lalaki! HAHA. Ang langi ko. Bagong subject, bagong crush! Kasi pati sa stat1, natuwa ako sa katabi ko. Sya ay weirdo na parang engg student lang ;)) Tapos si Sir Enzo, ang gwapo pa ng aura. Nakakatuwa sa class namen kahit 2 lang kameng 09. HAHA. Joke time yung first meeting namen sa sta1 lang kasi pakilanlan na parang yung ginagawa sa Pahinungod. Mga jokes at korning pick up lines. Shet lang. Basta ang alam ko, masaya ako ngayon. Kahit na nung una ay akala ko talaga na si Grande ang recit instructor namen :)) Buti na lang sinabi ni Jude na si Sir Moi raw. Sobrang sikat ko na ata talaga kasi pinapagusapan ako ng mga taong hindi ko close at hindi ko pa nakakausap. Ang ganda ko na shet. (CONFIDENCE LEVEL boost!). Nagjog pala kame ngayon nila Maan, Raz, ate marj, ayene at kuya jasper. Hindi ako sanay sa feeling na may kasabay magjog. Tapos bawing bawi yung jog, makapagdalawang rice ba naman ako sa berkos plus j.co! C'mon! :))
Day 3: Day out with these girls (Marj and RM). Syempre, after ng Eng10 ko. Umuwi na ako ako after ko kumain. :)) Nakakatuwa kasi, ngayon na lang ako ulit nakapagmovie sa big screen after nung starting over again nila Gelo at Rhoy. (Sana makapagsine ulit kame ni Nazy, but this time yung may kilig na rin syang nararamdaman towards me. LIBRE LANG NAMAN MANGARAP DI BA? HAHA.) Kwentuhan, tawanan, kupalan, kantahan. :)) Market market-aura-marketmarket kame. HAHA. Giligans ang peg namen kasi libre naman ni Marj :))
Day 4: Dalawa ang peg ko ngayon, kumain at magbasa ng books/ebook. Kasi natuwa ako masyado sa idea ng story ng shes dating the gangster eh. Bakit ba? Sunday kasi ngayon. Bored ako. Kainan kasi birthday pala ni Kuya ado #amber #free ang peg eh. HAHA. As usual, tuwang tuwa na naman sila sa bahay :) Tapos natuwa ako magbasa ng shes dating the gangster kaya napapunta talaga ako kina ate para lang maghanap ng ebook neto. successful naman. :))
Saka na ang entries sa Day5 - 9. Putol pa 'tong sa Day 10. Bwahaha.
Day 5: Eh kasi niyaya nya ako maglunch, ako namang si Tanga, umasa na naman. Kala ko ba hindi mo na sya gusto. Kung sabagay, sabi mo nga depende pa kung lagi kayong magkakasama ulit lage. K
Kung sinuman ang makakabasa neto na kakilala si Nazy, please don't let him know about these! Friends tayo di ba? Thank you! <3
Day10: Am I starting to fall in love, AGAIN??
Hinding hindi talaga ako makatanggi sa mga favor nyang kayang kaya ko namang gawin. This is a warning that I might fall in love with him, again. YES! Again!
Friday night, I was about to start catching fire (Late ko na ba manuod neto? Mejo ilang months na syang kupas. Bakit ba? MOMA ako ngayong holy week eh!) na maisip kong pumunta kina Karen. Planado na yayayain ko si Nazy. Kaya kahit hindi ako unli (OO HINDI AKO UNLI BASTA MATX KO LANG SYA!), tinex ko if he wants to go to Karen tomorrow. And the conversation goes on kaya napaload at napaunli ako ng bigla bigla. HAHA. I told Karen na rin na pupunta 'kame' bukas. When I called her, she asked kung sino raw kasama ko and I told her na si Nazy nga. Guess what! Naexcite si Karen. Bakit? Gusto ko lang talagang gumala with Nazy </3 So, what this mean Michelle? EXPLAIN PLEASE! HAHA.
I can't lie to myself, mejo naexcite din ako :))
Saturday na. Late ako gumising. Nagising pa nga ako kasi nga ang init init talaga. Mejo mga 3am na ata kasi nakatulog kasi hindi talaga ako makatulog. Naisip ko tuloy na naiisip ako ni Nazy or pwede namang nasa panaginip nya ako :)) SHET! Nagdedaydream na naman ako! Mali, night dream pala. Madaling araw na eh! :))
Casual lang. Sinabi ko kina mama na pupunta ako kina Karen and ng malaman ko, sa festi pala kame pupunta. Expected ko kasi sa bahay lang nila Karen kasi ayoko ngang gumastos. HAHA. Pinaprepare ko pa man din sya ng miryenda (kasi nga planado ko na 'to. ANO BA!?) Tapos ayun, she called me na sa festi na nga. Bahala na. I told mama na kasama ni Karen BF nya at ako kasama ko si Nazy. Mejo hindi na nga ako nagexpect na sasama si Nazy kasi nga hindi sya nagrereply. Ano ba Michelle! Umasa ka na naman kasi. Sabi ko tuloy itx nya si Nazy na sumama na. Desperada na kung desperada pero gusto ko talaga makasama si Nazy ehh. Bakit ba! HAHA. So, what does this mean Michelle?
Nagayos na ako. Mga almost 1hr ako nagayos kasi hindi naman ako nagmamadali. HAHA. Jusko, sinuot ko ulit yung paldang sinuot ko nung gumala kame ni Marj. HAHA. Nahirapan pa akong maglinya ng kilay ko kasi parang hindi bagay, masyado na atang OA yung mga itim itim ko sa muka. HAHA. Meron sa kilay, sa talukap ng mata tapos meron pa sa may eyeline talaga. HAHA
Ang init init ng umalis ako. Hindi na rin ako umasa na sasama si Nazy kasi hindi sya nagreply sa tx ko kung sasama pa sya. I went to Karen's house and una kong nakita si Tita. Ang sexy ko raw. Hindi ako nakapagpasalamat kasi bigla bigla ko na lang hinanap si Karen and I just ko dirediretso sa bahay nila :)) Pero nginitian ko naman si tita eh HAHAHA.
Mamaya ko na itutuloy, magbabasa muna ulit ako ng voicelss 2. Bakit?? HAHA.
0 notes
Text
Maintain low profile.
The title of this is not related to this post. Ang arte ko no? :))
I asked one of my batchmates to rate my kaartehan. And he answered 7 (as far as I can remember). HAHA, And then I asked him, why? Bakit hindi 5 or 6? Ganoon na ba ako kaarte? :)) And he said (NV) eh di sana hindi mo na ako tinanong, hindi ka na sana nagparate kung gusto mong marining na 5 or 6 yung rate ng kaartehan mo. HAHA.
share lang. LOL
0 notes
Text
Minsan, kelangan mo lang talaga magbigay ng mas maraming time sa bagay na gusto mong mangyari.
SOBRANG DAMING REALIZATIONS.
Ang bait ni Lord. Kahit na ang sama sama ko, lab nya pa rin tayo :)
Tapos, kelangan lang talaga naten magtiwala sa kakayahan nyang mangibabaw sa problema/challenge na kinakaharap naten :) Yung feeling na gusto mo ng maggive up pero hindi dapat kasi konting konting tiis at pananalig na lang ay matatapos na ang lahat.
DALAWA REMOVALS ko kanina (yung pinakamahirap na ChE subj nila), ChE 153 at ChE 154 (Boom Panes! \m/) AT IPINASA KO SYA KASI NAGTIWALA AKO KE LORD :)
Una, magpasalamat tayo kasi kahit na anong nangyayari saten, buhay pa rin tayo. Try nyong magpasalamat ke Lord sa challenge na ibinigay nya sa'yo :) IT'S VERY DIFFERENT. Kasi the usual thing is nagpapasalamat tayo sa mga biyayang binigay nya saten. (These thoughts came from Jam of JAMICH. BTW, Jam is very strong in facing his challenge today).
Second, do the effort and God will do the rest. Kasama ko inaanak kong kumain sa handbok. Nung pauwi na kame, he said na dapat daw magsisimba sya that night and I told 'her' na sa victory na lang and she somewhat refuses me. So, I told her na I'll accompany her na lang sa St. Therese. Ngayon na lang ulit ako nakapagsimba sa church like this. And ang unang nagstrike sa akin ay 'tiwala'. i can't remember the part in the mass na binanggit yun pero sa umpisa yun. Naalala ko ang 153 at 154 exam ko kinabukasan. :)) Isa pa, may binanggit si father <insert the forgotten name here> na. God helps who help themselves. Therefore...
Lastly, you should think, act, and talk positively. Though kinakabahan na ako na 3rd (LAST) chance ko na to remove 154 (1st take ko ng removal exam ay pasado na agad ako sa 153. Thank you, Lord. Bigla bigla na nga lang sinabi ni maam na, "Pasado ka na." And I was like "Oh my god thank you lord" habang nageexam ng 153.). Huli na, ayaw pa rin namen magpasa kasi dumadating na sa isip ko yung what if's tsaka yung result ng pagbagsak ko (if ever man). I conquered the situation through thinking that I can pass the removal exam through miracle from God. Tsaka lagi ko na lang sinasabi na swerte naman sana yung papel ni maam. :) And BOOOOOOOOOOM! Nagkaron na kame ng lakas na magpasa and I was like "Lord please. Maam please ipasa nyo na kame". Tapos everytime na may lalabas sa faculty room (dun kasi nagcheck si maam den) napapaOMG ako. ahahahaha. Tapos nung si Maam at ate jamae na talaga ang lumabas, sabi ko sana bulong na lang. And maam whispered to me 20 over 30 (20 over thirteen pa nga rinig ko!). Kaya sabi ko maam ano po?? 2-0 over 3-0 and napasigaw ako at napayakap ke ate jamae (kasi sabi ko sa kanya, habang nageexam pa ako ng 154, na kelangan ko ng hug kahit anuman ang mangyari). Ayun and gustong gusto kong umiyak nun pero walang luha. pero sobrang kumakabog pa rin yung puso ko. HUHUHUHU. Hindi pa rin nga ako makapaniwala na 21/1 units earned ako ngayong sem. Thank you lord talaga <3 hinug ko rin si maam den :)
BTW, i told myself na poker face lang ako anuman ang mangyari sa results pero hindi ko nakayanan nung sinabi sakin ni maam yung results. HUHU. Thank you so much lord. AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! <3
May nadiscover ako sa sarili ko: pag mejo nakakakaba (or minsan hindi maganda) yung magiging results, umiinit likod ko. Kung kay Matt ng awkward namamasa kilikili nya, sakin nagiinit likod ko at namamawis. :)))
MINSAN KELANGAN TALAGA NATEN NG DRIVE PARA IPUSH ANG MGA BAGAY BAGAY.
I accepted the challenge of our college sect na pag may binagsak ako kahit isang subj, never nya na akong papayagang magoverload :)))) Kabado pa ako nung nung kasasagsagan ng reg nung 2nd sem. kasi exec ako sa org ko, member pa ako ng isang team, tapos ang bigat ng mga subj ko. HAHA. Pero buti na lang may ganitong 'contract' kasi kung wala, tatanggapin ko siguro agad na uulit ako ng 153 and/or 154. Isa pa, prereq kasi ng 192 ang trese, che 153 at 154, tapos tsaka 193. Buti na lang talaga.
isa pa, gusto ko ng gumraduate. Nappressure na ako everytime na umuuwi ako :))
SOBRANG SAYA KO KAHIT NA HINDI NAGING OKAY ANG PANGALAN KO (SA ORG AT SA IBANG TAO). 21/21 UNITS EARNED PO AKO THIS 2nd SEM '13-'14. BOOOM PANES! :)))) THANK YOU SO MUCH LORD.
Nadiscover ko rin yung most effective and efficient way na makakapagaral ako. Dont push yourself to study kung wala ka pa talaga sa mood magaral. Kahit 20hrs kang maglaro, tapos 4 hrs lang aral mo pero quality study, sobrang worth it nyan. Kahit mas marami pa ang oras ng tulog mo kesa oras mo para magaral, worth it pa rin yan as long as pag nagaaral ka naiintindihan mo :)) Marami pang tips for this :)
#GoodStandingAGAIN #GCLUL
0 notes
Text
#awkward
I want to be someone who is willing to forgive. I want to be someone that cares more about others than themselves. I want to be someone who can tell like it is. I want to be someone who would give up everything for the right reason. I want to be someone who sees the best in everyone. I want to be someone who is a true friend. I want to be someone who always tries to be a better person and someone who learns from their mistakes. I guess I just want to be someone who encompasses all these things so I can finally be that girl who doesn't need a boy to be happy. Because I know how to dance all on my on.
0 notes
Text
Pasok! :)
Someday you'll understand. The days when you were hurt and confused will turn into something radiant. So, hold on to your present suffering. Don't run away til your wish come true. Even at times you embrace loneliness you are not yet alone. Even you don't quite believe it, even the clumsy little you can knock yourself against your shell many time over. So that the day you fly out, it will be with your own strengh. Even if it is only you who doesn't have wings become a songbird.
0 notes
Text
Kowt
No matter what happens in life, always choose kindness over anger, lover over hate, and forgiveness over resentment.
How lovely it was when you deeplt felt how precious you are.
When you feel like you cant go any further, just know that the strength that carried you this far will take you the rest of the way.
0 notes
Photo
THESE MADE ME CRY OVER THE CHRISTMAS BREAK :) Namiss ko siguro kiligin :)) HAHA.
0 notes
Photo
3K notes
·
View notes