mgasalitangdikomabigkas-blog
i am sorry
2 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
May mga bagay pa rin na tungkol sa sarili ko ang ayaw ko at hindi ko tanggap na yun ako. Swerte ako dahil andito ka para ipaalala sa akin na okay lang lahat ng 'yon. At kung may mga pangit na parte man ay handa kang maghintay na maout grow ko yon. Hindi ko alam kung hanggang kailan ka magtitiis at iintindi sa akin. Pero ipagpapasalamat ko araw-araw ang pagbigay mo sa 'kin ng tyansa para maging mabuting kapares at mabuting tao. Alam kong marami rami na akong atraso sa 'yo at pagkukulang. Ngayong araw ako babawi sa 'yo. Madalas ko na itanong sa sarili ko kung napapasaya pa ba kita dahil mas madalas pa akong makipagtalo kaysa ang makipag-usap nang ayos sa 'yo. Hindi ko rin alam kung bakit biglang numipis ang pisi ko. Pero mahal, babawi ako sa 'yo. Pinapangako ko yan. Ipaparanas ko sa 'yo ang mga bagay na deserve mo. Ako ang magiging unang taga suporta mo sa lahat ng bagay. Ako ang laging magpapaalala sa 'yo na kaya mo lahat ng bagay at kung hindi man ay andito pa rin ako para sabihing okay lang. Para sabihin na pwede pang sumubok ulit ng bago. I really want this relationship to work out. Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka at mabigyan ka ng payapa at masayang buhay. Humihingi ako ng pasensya sa mga araw na naiparamdam ko sayo na hindi sapat ang ginagawa mo para sa akin. Maniwala ka mahal, lahat ng 'yon sapat. Sobra pa nga palagi. Mahal na mahal kita.
Isang taon mahigit na tayo pero hindi pa rin gaano nagsisync in sa akin na eto na tayo. Eto na 'yon, yung mga gusto natin na mangyari noon at ngayon. Eto na, konti nalang magsasama na tayo sa iisang bubong. Hindi na tayo malulungkot tuwing uuwi ang isa sa atin. Gustong gusto ko na yon maranasan. Gusto na kitang ipagluto ng agahan, tanghalian at hapunan. Gumagawa na nga ako ng listahan kung anong mga ulam ang gusto kong ipatikim sa 'yo. Mahal na mahal kita. Hindi ko maexplain kung anong nararamdaman ng tiyan ko ngayon. Sobra akong naexcite sa mga susunod na mangyayari. Natatakot ako, napepressure ako, pero lahat ng yon di ko gaano naaalala kase alam kong kasama kita.
Ang huling isusulat ko na lang dito ay ang pangako ko sa sarili ko.
Pangako ko na mas magiging kalmado ako at mas magiging maunawain. Iiwasan ko ang maging iritable at mainipin. Iiwasan ang pagpapalaki ng mga maliliit na bagay. Lahat ng sinabi ko dito gagawin ko at hindi ko itatambak lang dito. Alam kong andaming beses ko na sinabi 'to pero susubukan ko ulit ngayon. Yung visible na progress, mahal na mahal kita.
Tumblr media
0 notes
Text
Tumblr media
Halos isang buwan na ang nakalipas, pero di pa din ako makaalis sa kinatatayuan ko. Isang buwan ko na ring pinipilit sarili ko na maging ayos araw araw. Ganon pala talaga pag totoo. Madami pa din akong gustong itanong, pero sa tuwing bubuka bibig ko tumitiklop ng kusa. Ipunin ko man lahat ng salita na gusto kong sabihin sayo eh wala na rin naman. Gusto kong magalit, para may rason na ako para pakawalan ka na. Kaso hindi ko kayang magalit, wala ding rason para magalit.
0 notes