Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Kamusta ka na?
Kanina, biglang tumugtog ang “Hate To See Your Heart Break” ng Paramore— ang kantang nagsaad ng nararamdaman ko noong mga panahong umamin ka na may gusto ka sakin. Heart break song, oo, dahil alam kong hindi ko pwedeng suklian ang nararamdaman mo.
Dalawang taon na ang nakalilipas. Mukhang masaya ka na. Mas masaya ka na ngayon. At sa pagkakataong ito, masasabi kong masaya na din ako para sayo. Pasensya na kung natagalan, kinailangan ko kasing maintindihan muna ang nararamdaman ko at tanggapin ang kung ano ang tunay.
Ito ang tunay: nagustuhan nga ata kita. Di ba, nalilito pa rin ako hanggang ngayon? Kaya una, minarapat ko na din talagang iwasan ka noon, dahil para sa akin, hindi ka nararapat bigyan ng pagmamahal na hindi naman sigurado. Pangalawa, masyado na akong dumepende sayo, yung tipong lahat ata ng problema ko pasan mo din. Natakot akong baka masira ka din, dahil sirang-sira na ako noong mga panahong ‘yon. Pangatlo, hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ko, dahil may nararamdaman ako para sayo, pero alam kong may iba akong mahal. Hindi niya alam, pero pinili ko siya. Araw-araw, siya yung pinili ko.
Ito ang tunay: minsan, nalulungkot ako dahil pakiramdam ko nawalan ako ng kaibigan. At ang masaklap, kasalanan ko. Mas matimbang ang lungkot ko sa pagkawala mo bilang matalik kong kaibigan, kesa sa pagkawala ng nararamdaman mo para sakin. Dahil palaging mas matimbang ang pagkakaibigan para sakin. Pero dito ko napatunayan na masyado nga akong dumepende sayo, dahil nasanay ako sa presensya mo. Nasanay akong ikaw ang tinatakbuhan. Kaya siguro nga, mabuti na din na lumayo ako.
Ito ang tunay: mas masaya na din ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit ko din ginawa ‘tong mensahe na ‘to, pero pakiramdam ko nararapat mo ding malaman ang totoo, at gusto ko na din talagang lumaya sa sakit na bumalot sa akin noon. Ang gusto ko lang talagang sabihin, ay sana mapatawad mo ako, Kuya. Dahil ilang beses kitang trinato na masamang tao sa kwento ko, ilang beses kitang sinisi sa sakit nang hindi mo alam, at dahil nagalit ako sayo. Pasensya ka na, patawad.
Madami mang nagbago, nagpapasalamat pa din ako para sayo. Dahil walang sinuman ang nagmahal sakin katulad ng pagmamahal mo sa akin noon. Isang karangalan ang mahalin ng taong kagaya mo. At masaya ako ngayon, sobra, dahil sa palagay ko ay natagpuan mo na din ang taong pinipili mo at pinipili ka araw-araw. Masaya ako para sa inyo, sa wakas. Tahimik na ang buhay mo, pasensya na kung magugulo ng saglit dahil ko. Saglit lang naman, kung mababasa mo ‘to. Salamat, Kuya. Ipagdadasal kita, kayo. Palagi mong tandaan na mahal ka Niya, sobra. At pagmamahal na din Niya siguro ang nagtulak sa akin para magkaroon ng lakas ng loob na humingi ng tawad sa wakas. Dito na nagtatapos. Salamat, Kuya.
0 notes
Text
It’s 10 minutes to 12 noon, and I’m thinking of rebuilding my walls.
I want to rebuild it not for myself, but for other people. I am mess and I tend to hurt people unintentionally. I am afraid of hurting people again. I feel like if I’m gonna keep throwing myself out into the world, I’m going to lose more people. This is what I feel: they can not handle me. They can not handle the kind of chaos I bring along with me. I am a tornado of barbed wires, a blizzard of razor-sharp knives.
And I need to keep them from bleeding because of me.
0 notes
Text
I never thought I’d struggle with words when it comes to you.
My writing has always been generous with metaphors, but I seem to hesitate when it comes to crafting one to describe you. Maybe because as mundane as you are in somebody else’s eyes, you are incomparable to mine.
0 notes
Text
Your laugh is music to my ears—the kind of melody that seeps into my skin, awakening the muscles that were in deep slumber—being the very reason why I feel more enthusiastic as they grow louder. You are the type of person who knows exactly when to make people laugh, and I honestly feel indebted for the countless times you gave me reasons to. It’s such a pity I have no sense of humor, so I’ve always considered making you happy a thrilling mission. I pray for success every single time.
Your happiness is my favorite sight.
0 notes
Audio
For Sirius, my lucky star.
0 notes
Text
Dear Universe,
I have this feeling that I have to write, but I don’t know who to address it to. So I decided to share them to you instead. Honestly, I don’t really think I’m a “writer”. I try so hard to be like one, though. But for some reason, I just can’t accept it. Maybe because I think I’m not good enough, or maybe because it’s not every day I get to write. For me writers are like that, they can’t go on a day without writing a piece. I may be right or wrong, but really, I’m just quite convinced I’m not a writer. But I do like to express my thoughts. So pardon me, if I bother you many times by sending you letters.
All love,
Mercury
0 notes
Text
Grasya.
Isang buwan na ang nakalipas mula nang mahagilap kong muli ang liwanag Mo. Namulat ang mga mata kong minsang nangapa sa dilim. Hiling ko sana’y tumagal ako sa piling Mo. Nais kong mabalot sa pagmamahal Mong ito. Kaya susulatan kita, dahil nararapat lamang na marinig ng mundo ang kapangyarihan ng grasya Mo.
Dinggin Mo ang panalangin ko.
Pakiusap, tulungan Mo akong piliin Ka araw-araw.
0 notes
Text
mercury
I am the body whose closest confidant is the Sun.
His light reveals the craters of my soul but He looks at me anyway.
Here are my letters, the ones I’ve created in space, where I am nothing but free. My winged sandals are at rest, for these letters are all unsent. Someday, I hope to have the courage to deliver them all. But for now, they shall rest here and stay within my boundaries.
Forty-eight million miles away,
Mercury
1 note
·
View note