Text
ECQ Writes 1
Unti-unting nanglalamig
Mga salitang kinakabig ng bibig
Tila'y nawawalan na ng pag-ibig
Ang pusong noo'y ako lang ang pinipintig
Nagsimula na ang mga tanong sa isipan
Magkakatotoo na ba ang napanaginipan?
Kung saan ako'y tumatangis sa iyong paglisan
Dahil ako'y pinagpalit sa aking kaibigan
Ganito pala ang pakiramdam ng mapagtaksilan
Tila may sumasaksak sa kalamnan
Hindi mawari ang dapat maramdaman
Kaya't rumagasa na lang ang luha sa matang malamlam
Hindi ko mapigilan ang pagsisi sa sarili
Kung sana'y mas naging maingat lang sa pagpili
Wala na sanang nabuong pagkamuhi
At nanatiling kapayaan ang mungkahi
Ngunit ngayon ako'y naniniwala
May dahilan kung bakit dapat silang mawala
Iba't ibang leksyon ang kumawala
Upang mas mapalapit kay Bathala
Kaya't maraming salamat sa iyong pagtapos
Sapagkat ito'y naging simula ng aking pagkaayos
Siguro nga'y hindi tayo ang nilaan ng Diyos
Dahil tayo ay nagsimula lamang para matapos
1 note
·
View note