Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Malaya at Masaya (Tekstong Deskriptibo ni Ian Batistiana)
Dito sa Don Bosco Makati ikaw ay malaya na gawin ang kahit ano man ang gusto mo tuwing ikaw ay walang klase. Ikaw malaya na magsaya sa loob ng campus ng Don Bosco makati tulad ng makipaglaro ng basketball kasama ang iyong mga kaibigan sa mga court ng Don Bosco makati. Isa sa mga ipinapahiwatig ng aking eskwelahan ay dapat na maging masaya ka palagi kung ano man ang iyong ginagawa at kung nasaan ka man ay importante ang panatilihing masaya ang iyong sarili. Ang Don Bosco Makati ay isang lugar kung saan pwede kang magsaya, matuto at syempre mas mapalapit sa Diyos pwede mong maranasan yon sabay sabay sa i-isang lugar lamang.
0 notes
Text
DBTI: Pag-awit at pagdarasal (Naratibo)
Ni Jose Enzo Mendiola Alam niyo ba ang kasabihan na “ang pag-awit ay ang pagdarasal ng dalawang beses”? Isa ito sa mga kultura ng DBTI Makati na kung saan binibigyang halaga ang pag-awit sa patriotic rights at sa mga misa ng bawat departamento. Isa sa mga nangunguna dito ay ang departamento ng Senior High School na binubuo ng mga estudyante at mga guro na may mga kahali-halinang boses. Kaya nga laging nababanggit sa aming vission and mission statement ang pagbubuo sa isang komunidad na may holistic catholic education. Isa sa mga mahahalagang pag-uugali sa buhay ng isang bosconian ay ang pagdadasal ng mataimtim at sa pamamaraan ng pag-awit ay mas lalong maipakita ang debosyon naming sa aming mga panalangin.
0 notes
Text
DBTI: Do good while you still have time. ( Impormatibo ni Dean Calubaquib)
Do good while you still have time o sa tagalog gumawa ng mabuti habang may panahon pa. Aral na sinabubuhay sa paaralan ng Don Bosco Makati. Ang paaralan ng DBTI makati ay may misyon na gawing mga mag-aaral ang mga estudyante nito habang buhay. Binibigay nila ang tamang edukasyon para maging mabuting kristiyano at mamamayan ang mga mag-aaral nito.
Isang itong paaralan na may pokus sa pagsusuri para sa mga estudyante nito at ng kanilang organisasyon. Makabago ang mga pamamaraan ng paaral sa pagtuturo ng mga estudyante at patuloy itong naghahanap ng mga makabagong paraan na papadaliin at mas madaling mapapaintindi ang mga tinuturo nila para maging edukado at mamuno na gumawa ng kapiligiran na may hilig sa pagsusuri ng mga makabagong paraan.
0 notes