Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
"Ang hindi ko malilimutan na pangyayari sa buhay ko"
Enero 11, 2023, Miyerkules, pag katapos ng klase ay inaya ako ng mga kaibigan ko sa isang cafe. Nagkwentuhan, nagkulitan, at nagtawanan. Hindi ko ito malilimutan dahil sobra ang tawa at saya ko noong araw na ito. Hanggang sa sumakit na ang aking tyan, may lumalabas na na luha sa aking mata, at sa hanggang hindi na 'ko makahinga. Isa pang dahilan ay ay dahil nakalimutan ko lahat ng lungkot na naramdaman ko noong Christmas break. Ngunit nang dahil sa kanila ay parang guminhawa ang buhay ko ulit. Naramdaman ko ang pagmamahal at alaga nila. Nung pag-uwi at hanggang ngayon, pag naalala ko ito ako'y napapangiti pa rin.
Ito ang simula ng mas malalim pa naming pagkakaibigan. Nasa magkaka-ibang school man, kami pa rin ay nagkikita, nagkwekwentuhan, at nagmamahalan. Hinding-hindi ko sila malilimutan, pati na rin ang mga magaganda at masasayang alaala kasama sila. Naabos man ang laman ng aking wallet pag kasama ko sila, puno naman ako ng saya at mga magagandang alaala.
1 note
·
View note