masayaperomalungkot
466 posts
if i don't love me first then who will?*Pampanga*
Don't wanna be here? Send us removal request.
Photo
2019 is like a roller coaster ride just like the other years. You have your own battle that you never speak about and you manage to heal silently. I’m proud of you for being so strong. You did well,luv,you did well.
I hope 2020 will be your year. Sending you love and light. Happy New Year,pumpkin❣✨
@nagtataengbolpen @primafacieus @url-underconstruction @themissingserenity @thelostintrovert @not-your-hermione @tensyonado @teaisbland @pikelerick @estranghero @judetoyomansi @loumiiiere @theoreticalmetaphysics @st4rliight @joohnybee @aux-cord-guru @charlee199x @rakiboi @dakiiimlangcrybaby @engrchinita @engrpirata @hindinanga @regrets-in-tacenda @eccentrieth @barbara-sa-daan @vivierre @thekneecant @plainandtwisted @taaaaangi @ecstatic-with-drug @skrrrrrrrrrtttttttmeow @stpnxo @misteryosonganghel @yabyu @mc-serendipity @vernakc @flippride @sexyyykiddo @tigre-edi-rawr @masayaperomalungkot @machinegunmouth @laging-hilo @palaging-puyatt @schizobelle @angryshoelaaace @i-amdelilah @quinnstitch @tammyhiddenfeelings @luvkita @ginataangpusoko @010011000101010101001100 @seleniumoon @ohcecelleia @s28th @anak-ng-tinapa @pretenderella @batanguhugin @alexanderxerxes @exhaustedheart @thyloveblog @skylarnopsis @mali-limot @boyishnamariaclaraa @cwtchxseeker @a-rain-nako
89 notes
·
View notes
Text
5 Things You’ve Probably Learned from 2019
[1] Na hindi mo kailangang sundan ang timeline ng ibang tao. May kanya-kanya tayong priorities sa buhay, may kanya-kanyang kuwento, hugot at eksena sa buhay, kaya hindi mo dapat ikumpara ang estado mo ngayon sa mga blocmate mo nung college o sa mga classmate mo nung high school. Posibleng yung iba, nauna nang mag-asawa at bumuo ng sarili nilang pamilya, may iba naman na nagpapakasayang lumibot sa mundo, yung iba naman nakapagpundar na ng kung anong ari-arian. Tapos haharap ka sa salamin, tititigan ang sarili – “eh ako, nasan na? andito pa rin?”
Pero hinay ka lang, hindi mo kailangang kabahan, matakot, maghabol, kasi sariling istorya mo naman yan. Posibleng hindi mo pa araw ngayon, baka sa susunod na week, o buwan, o taon. Baka may ibang mas importanteng bagay na dapat mong unahin. Hindi mo naman kailangan makipag-unahan sa iba. Hindi mo kailangang sundin ko ano ang sinasabi ng ibang tao na dapat mo nang narating sa puntong ito ng buhay mo. Ikaw, ikaw yun. Ikaw ang magdedesisyon kung kailan ka kikilos, kailang mo gugustuhin umusad. Hinga ka lang, huwag kang mapressure sa ibang tao. Huwag na huwag.
[2] Na okay lang palang mag-let go. May mga tao na darating sa buhay natin na akala natin, panghabang-buhay nang mananatili. Mga taong sa gitna ng lungkot, sila yung muling nagpasigla sa atin, masarap kasama, kakuwentuhan. Kaya sobra kang nangarap kasama sila, parang totoo na hanggang dulo. Totoo naman talaga, totoo yung nagdaan, hindi nga lang panghabang-buhay. Darating sa araw na biglang iba na ang timpla ng lahat. Unti-unti, magkakasakitan, may hindi na pagkakaunawaan. Posibleng sumubok kayo padalawa o patatlong beses pero kung hindi na kayang kumapit pa, bitaw na.
Okay lang maglet go, hindi naman lahat ng dumarating ay para manatili. Yung iba ay sadyang pansamantala lamang, para may matutunan tayong aral, na baon natin sa susunod nating kuwento.
[3] Na hindi masamang mangarap. Kaya kung mangangarap ka lang din naman, taaasan mo na, yung gusto mo talaga, yung manggigigil ka talaga na abutin. Totoo naman, mas masarap na makuha ang isang bagay kung alam mong pinaghirapan mo talaga, binuhos mo yung oras mo, yung pagod mo, yung dedikasyon mo, makuha lang ito. Hindi puwedeng lagi kang natatakot, hindi puwede “puwede na to” kung hindi nito kayang tapatan yung gusto mo. Hirap man sa simula, sa kalagitnaan, pero kapag nandun ka na sa finish line, masarap naman sa pakiramdam.
[4] Na okay lang hindi imaging okay. Minsan, sa kalaliman ng gabi, tutugtog yung luma mong playlist. Marami ka na namang maaalalang bagay o eksena sa buhay mo. Tapos, sa hindi maintindihang rason, biglang kikirot yung pakiramdam mo, yung puso mo. Gugustuhin mo na lang humiga, lumuha nang bigla. Mga bagay na bigla na lang magpapasakit ng puso natin. Hindi rin natin maintindihan kung bakit, basta sigurado kang nalulungkot ka. Minsan, kahit parang nakukuha mo naman na ang lahat ng gusto o kailangan mo, parang kulang pa rin. Gusto mo makahanap nung taong kaya mong halikan at yakapin nang sobrang higpit. Okay lang dumaan sa ganitong mga gabi na puno ng kalaliman, isang patunay na nilalang ka, humihinga, may pakiramdam, hindi puro saya, marunong masaktan, marunong makiwari ng kalungkutan.
[5] Na magmahal ka pa rin kahit ilang beses ka nang nasaktan. Kasi hindi naman pare-pareho lahat ng tao, na ibang kuwento pa rin yan mula sa nagdaan at yung darating. Masakit, makirot, mahapdi, pero mayron kang panibagong baon papunta sa susunod na kuwento. Ibuhos mo pa rin yung kaparehong pagmamahal na ibinibigay mo, dun mo malalaman kung sino ba talaga yung deserving sa ibinibigay mo. Tsaka minsan ka lang mabuhay, ibuhos mo, ipakita mo. Masaktan ka man sa huli, wala kang pagsisisihang pagkakataon dahil ipinakita mo yung tunay mong nararamdaman.
11 notes
·
View notes
Note
Nanu ing mas buri mu? Lalakeng maniwala kang Ginu pero angang sabi yamu o itang lalakeng eh pasakup kareng pamahala da reng iglesia (kasi atin yang duda kareng iikit ng iglesia) pero makaunawa king laman na ning bibliya?
Sguro much better kung wala na lang nabanggit na religion. Mas gusto ko yung taonf may takot sakanya nag sisimba man o hndi basta yung alam nya kung ako ang tama at mali ano ang dapat at hndi. At nirerespeto ang paniniwala ng ibang tao. Wala naman kase sa religion yan nasa tao yan kung pano at ano ang pinaniniwalaan nya. Mahalaga lang dyan may takot ka sakanya.
6 notes
·
View notes
Note
- how old are you? - are you currently dating someone, if not, when's the last time you dated? - favorite milk tea flavor? - can you cook like a real kapampangan?
24, maybe yes maybe not??? Haha wintermelon, sguro kung matututukan ko. Kapampangan ka?
3 notes
·
View notes
Text
inbox me 5 things yew wanna know bout me
2M notes
·
View notes
Text
Palike naman po ng page ko. Kaysa masayang ang mga damit na ayaw na ibenta na lang para mapakinabangan pa.
https://m.facebook.com/thewardrobe19/
3 notes
·
View notes
Photo
493 notes
·
View notes
Photo
46K notes
·
View notes
Text
1 note
·
View note
Text
2 notes
·
View notes
Text
0 notes
Text
Try this one po. Wala namang po mawawala. Walang cash out. Bsta register lang and kaching pwede ka na makaipon ng pts at can convert to load. Thank you
2 notes
·
View notes
Text
Ang bigat sa dibdib nung gustong gusto mo magkwento sabihin kung kmsta ang araw mo pero walang gustong makinig. Yung gustong may mapagkwentuhan ng mga hinanakit mo. Yung gusto mo na lang umiyak. Hndi ko na alam ko worth it ba to. Hndi ko alam kung kaya ko pa. Araw araw na lang ganito nararamdaman ko araw araw na lang umiiyak ako. Wala akong mapag sabihan. Walang matakbuhan. Hndi ko na alam ano ang gagawin ko.
13 notes
·
View notes