masarapba
Masarap ba?
344 posts
Masarap nga ba? Simple. Dalawa lang yan: masarap, o hindi masarap. Ang pinakahonest na personal food review account sa history of mankind.  www.instagram.com/masarapba | www.facebook.com/masarapba |...
Don't wanna be here? Send us removal request.
masarapba · 6 years ago
Text
Tumblr media
At last, di na sya mailap dahil marami na sa supermarkets pati sa 7-Eleven!
Bawat kagat, para kang sinalubong at kiniss ng sandaang bagong ligong playful corgi puppies na alaga ni krass. Happiness all over. Sagana sya sa nuts at di nakakaumay. Ang saya saya! Makapaghoard na nga ulet. 🤪 #masarapba #masarap
2 notes · View notes
masarapba · 6 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media
Kakulto Christmas Ham Survey Year 2
Still nangunguna sa Masarap Ba? Community survey ang classic Purefoods Fiesta Ham like last year. I must admit, kahit sa bahay namin, kahit anong patikim ko ng bagong ham discovery, request pa rin ng pamilya, dapat may Fiesta Ham. Kulang daw kasi kapag walang Fiesta Ham. Awww tradisyon na itooo. Kung gagawa siguro ako ng Pinoy food version ng "Hollywood Walk of Fame," pasok na ito.
#masarapba #masarap
1 note · View note
masarapba · 6 years ago
Text
Tumblr media
Gusto ko syang inominate as official drink ng "Titas Global Summit 2018" at bagong addition sa "Titas of Manila Starter Pack." Ang dami ko nanamang naiisip na recipes. Gaddemet, #theTitaInMeIsWinning 💃
Pro tips:
1) kulang isang sachet. Mga 1 and 1/2 ang tancha kong swak sa panlasa ko. Yung mejo thick n creamy.
2) Mas enjoy ko sya gawing shake (blended with crushed ice or vanilla ice cream) with bubble pearls.
3) Add chunky Ube halaya kung ube adik level 99.9 ka like me
4) lagay mo sa chupon at gawing dodo 😂😂😂😂😂😂😂
San nabibili: so far, sa 7-Eleven ko lang nakikita pero lagi nagkakaubusan. #masarapba #masarap
1 note · View note
masarapba · 6 years ago
Text
Tumblr media
Aaargh! Si officemate ang salarin! Staple na sa office lalo na tuwing hindi kami makalabas para makipagsapalaran sa pila ng Coco at Macao Imperial Tea dahil sa deadlines. Nung una ayaw ko pa pero nung natry ko, ang bango! Melong amoy... Like, like as if hinalikan at niyapos ako ng mga bagong ligong sanggol.
Pro tip:
1. pwede ka rin magstock ng cooked tapioca pearls sa ref. Mura lang bili ko sa Wonderbake, P97 pesos isang kilo.
2. try mo yung Rock Salt n Cream Cheese recipe na nasa highlights.
3. Masarap din yung Thai Milk tea😜 #masarapba #masarap
Ano pa bang milktea recipes ang pwede natin gawin? 🤔
0 notes
masarapba · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Today's #asawable almusal ❤️ 1. tocino (Funtastyk Young Pork Tocino) ✔️ 2. Sunny side up egg ✔️ 3. Bagong lutong kanin ✔️ 4. yayamanin na plato at kubyertos ✔️ *nakastandby yung rice cooker sa gilid. hindi ko na pinakita para kunwari hindi tayo matakaw 🤭
1 note · View note
masarapba · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Nainggit ako sa mga post nyong wagyu cubes, kaya bumalik ako at nagtry na rin ng bago. In fairnezz, happy ako sa sabaw nya- may hagod ng anghang kasi. Naibsan ang ehem ehem ko sa lalamunan. Bumagay sa gabing maulan at puso kong nag-eemo dahil dinurog ni kras. Awwwts Matino si pork, hindi tinipid sa toppings at maayos ang quality nung noodles. Comforting. Hindi lang ako happy sa gawa nung itlog dahil mejo chaka. Not bad for P160 kung wala kang time pumila at dumayo sa fav mong ramen house. I hope lahat ng branches mamaintain ang quality. Pro tip: wag magsuot ng puti kung kakain ka nito, dahil yari ka kapag natalsikan ng black sauce. Kering keri din samahan ng gyoza or karaage. #masarapba #masarap #MovingOnMeals
0 notes
masarapba · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Akala mo lang wala pero melon, melon, melong lasa.... toothpaste nga lang. Think Hapee Toothpaste! 🤣 Pag kumakain ka kasi ng melon dapat fresh sa bibig. Yung fresh na malinis ang lasa, hindi yung lasang pangmumog. Kaka-disappoint kasi ang win nung ube. #masarapba #hindimasarap
0 notes
masarapba · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Mejo nagpanic ako dahil ready ko na sana tong laitin dahil sobrang traumatic nung huling review ko sa red tempura chenes nila. But this time they proved me wrong (congrats!). Ok ok, hindi man sya yung tipong Grade 5A wagyu na presyong pang-immortal pero for the price (p195 w/ unli kanin), laban na laban na to! Hindi sya mala cheap-o luncheon meat or betamax na lasang sponge na binabad sa tubig kanal. Karne sya... Masaucy sweet n savory na Karne! Musta naman ang diet ko neto? 🍚 Pa more! Pro tip: yung wagyu mozza burger nila, surprisingly masarap din. I kent bilibit 😱 #masarapba #masarap
0 notes
masarapba · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Nareview ko na ito noon pero, ibang level talaga ang sarap nya. Kakabaliw yung melt-in-your-mouth chenes nya. Parang gago na. Consistent ampotek. Literal akong lumuha. Saksakan ng sarap, nakakarestore ng virginity. Haha 😂 Pro tip: ang mura ng mga ramen nila dito. Less P200 lang. #masarapba #masarap . . . . . . . *bilang supporta sa pacontest ng #RCBC dahil tinulungan nila ako makadonate sa stray animals early this year. 🙏 May pacontest kse sila, kung saan pwede manalo ng trip to either, Thailand, Japan or New Zealand for 2 ang mga #RCBCMyDebitMasterCard users. Contest is until Aug 15, 2018. Visit www.rcbc.com/mydebit/promo para sa full mechanics ** still used my own money to pay for this meal, para walang bias as always 😘 Trying my luck din. Sumali ako baka sakaling manalo!
0 notes
masarapba · 6 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
Hatol namin ni Boss Chief Tikimizer sa Big Cheese Cassava Cake ng @MangoGrillManila: Masarap nga! "Chang Amy, bayong sabi bayong!!!" Higit pa sa salapi ang laman ng mahiwagang bayong na 'to (+ points dahil eco friendly ang lalagyan). Sampal sa mukha sa sarap. Sinubukan ko alisin yung keso at butter, masarap talaga. Inulam ko sa Bon Chon, masarap pa rin. Kung may halo-halo lang ako sinahog ko na to parang leche flan. 😋 . . . Pro tip: Kainin habang mainit at namnamin yung sunog-sunog na keso bits. . . . Price: P380 To order: DM nyo lang si @mangogrillmanila . . . *dear @mangogrillmanila, magbungkal at magtanim na kyo ng madaming kamoteng kahoy sa hacienda ngayon din! Oorder kami ulit. Congrats! 😘 . . . #masarapba #masarap #supportlocalSME #supportlocal
0 notes
masarapba · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Parang nakapang-asawa ng matandang mayamang madaling mamatay yung arroz caldong nakagisnan. Tapos naging kalaguyo niya yung sabaw ng tinola. A for effort, dahil halatang pinaghirapan palutungin at himayin yung chicken floss sa ibabaw na saktong-sakto ang alat. Masarap sundan ng dark chocolate cake nila na may pink himalayan salt. Mejo naghimagsik ang wallet ko sa presyo pero sa huli, walang pagsisi. Price: around P400 Location ng @halfsaints: #62 Sgt Esguerra Avenue, QC #masarapba #masarap
0 notes
masarapba · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Umawit at napaindak (to the tune of "Great Days" by Joakim Karud at the background) ang puso ko sa sarap. Pinagsamasama lahat ng kilig at tamis ng pag-ibig ko mula kay 1st kras hanggang kay recent ex, damay na rin lahat lahat ng nagpa-asa sakin. Sobrang fresh at legit na melts in your mouth. Dinaig pa lahat lahat ng mga natikman ko sa hotel at ibang restos. Hands down with respeto to the highest levelz. Isa kang alamat. 🙌 Price: P280 Location: either sa 3rd of 4th floor ng Fisher Mall along QC Ave. #masarapba #masarap
0 notes
masarapba · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Dear snr_official, Kung anu mang gayuma ang nilalagay nyo dito, o kung sino man ang supplier nyo nito, push nyo lang ha? Benta eh! Lipat mo lang ng mangkok, papasa na pang fancy resto. Gujab! 👍 mwah mwah, tsup tsup 😘 #masarapba #masarap
0 notes
masarapba · 7 years ago
Photo
Tumblr media
All these years, ngayon ko lang napagtanto na nasa balat lang pala talaga ang lasa ng soy garlic chicken ng Bon Chon. Walang lasa yung loob. Lagang manok na pinapogi lang ng crispy sweet coating. All along, spicy mayo lang pala at seoul fried rice ang nagdadala. Buti na lang type ko yung calamari at kamote fries nila. Also, nung nasa Korea ako 2 yrs ago, lahat ng pinagtanungan kong Koreano, walang idea kung ano ang BonChon. 🤔 Kyochon ang sikat sa kanila. Lalo na pag may beer 🍻. #masarapba #hindimasarap
0 notes
masarapba · 7 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Salamat sa mga nagsuggest ng “Masarap Ba? Food Court Edition.” Nung una, nalilito ako kung anong food court ang uunahin, pero since mahilig ako sa mga local brands, naisip kong unahin ang Fisher Mall. Halos 2 weeks in the making dahil mahirap kainan lahat sa isang upuan. 😁 Maliban sa mga sikat tulad ng Binalot, Pepper Lunch, Potato Corner, Sbarro at Turks, mas binigyan ko ng chance yung mga hindi popular at mukhang doon lang may pwesto. May ilan na hindi ako nasarapan, pero saka na yun, dahil Balentayms na kaya Good Vibes muna. Heto so far ang mga marerecommend ko sa The Galley sa 3rd Floor. 1. Elar's Lechon: Classic! Hindi madamot sa malutong na balat pati na rin sa lechon sauce. Dapat lang kainin agad dahil malamig sa mall kaya mabilis din lumamig. Price:P450 ang 1/2kg 2. Sinigang sa Miso ng Kuche: Panalo yung pagka-asim ng sabaw. Mejo nabitin lang ako sa salmon belly. Mainam na partner nung Elar’s Lechon plus madaming kanin. Price: P129 with rice at iced tea. 3. Sisig House: Madami ang serving at hitik sa chicharon. Bigla akong nagcrave ng beer! Price: P150 4. Aiko Sushi: Nacurious ako dahil may pila (tulad sa Turks). In furrrr, fresh ginagawa at nasa P75- P85 lang ang price range. Bets ko yung Spam at Salmon sushi. 5. Majestic Ham Pan de Sal: Sikat na sila, pero dahil minsan lang ako makakita ng stall nito, sinama ko na rin. Lagi akong bumibili nito pag may pagkakataon. Masayang baon pauwi, para hindi boring ang byahe. Price: P75 6. Butter Crust Hopia Echague Bakery: Masarap pala to!? Napapikit ako sa linamnam nung monggo filling at pagkaflaky ng crust. Ramdam na ramdam mong buttery talaga. Sing tamis ng unang halik. Price: P13 each 7. Chicken Empanada ng Casa Empanada: Hindi bitin sa size at filling. Eto yung bumuhay saken noong nakaraang petsa de peligro kaya clingy ako. Price: P30 each 8. Supremo Pizza ng Fatboys: Hindi man ako fan ng thick crust pizzas, pero nasarapan ako dahil hindi lugi sa toppings at keso. Lakas makabusog. Price: P199 yung double Gusto ko rin itry yung Morita at yung Quezon Buffet dahil madaming nagrerecommend. May mga babalikan ako next time. =) Ikaw, anu-ano pa ba ang masarap sa Fisher Mall? #masarapba #masarap
0 notes
masarapba · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Todo bigay sa keso, gulay gulay at beef. Lasang bagong sweldo. Nabitin lang ako sa nachos, so dapat may reserba. Bagay na bagay sa mga araw na gusto mo lang humilata at magNetflix all day. Though dapat yata may jalapeños at less sweet para mas may arrive. Pero deym, iba talaga paghome-made. Price: P450 How to order: dm nyo lang si @brownbagcomfortfood #masarapba #masarap #supportlocalSME #supportlocal #GiveLocalCooksAChance
0 notes
masarapba · 7 years ago
Photo
Tumblr media
oola-laaaah come to papaaahhh Tumigil ang mundo at nag-hang ang brain cells ko sa sarap. Kinailangan ko pa magpatawas para lang bumalik sa realidad. Can't. move. on. #masarapba #masarap
0 notes