Mga mahahalagang pangyayari sa buhay Marhia Rozelle D. Hernandez16-anyos na gulangSBI14
Don't wanna be here? Send us removal request.
Photo
May 17, 2016 Ito ay ang pangalawang araw namin noon sa Vietnam. Tandang tanda ko pa ang saya ng bawat saya. Halos lahat kami ay nawiwindang sa mga tanawin na nakikita namin. Ito rin yung oras namin para makapag tingin sa ibang mga bilihan. Parang ito ang nagsilbing pampatanggal ng pagod para sa amin. Ito din ay nagsisilbing alaala na para sa akin dahil marami ring nangyari sa araw na iyon na hindi namin inaasahan.
0 notes
Photo
June 5, 2016 Isa ito sa pinakamasasayang araw para sa akin. Kasama ko ang mga kapamilya ko na pumunta sa Subic. Biglaan din ang pagpunta namin doon. May pinuntahan din kaming lugar pero dito sa Ocean Adventure ang hindi ko malilimutan dahil napili ako para makalapit sa mga dolphin. At itong kuha na to ay pagkatapos ng aking pagpartisipasyon.
0 notes
Photo
May 25, 2016 Ito ang unang pagkakataon na nakalabas kami nang magkakasama hanggang sa iba na wie napakalayong lugar. Kay sayang pagmasdan ng pamilya mo lalo na't ang saya ng bawat isa. Naalala ko pa na yung driver ng tour bus ang kumuha ng litrato na ito at mukhang hindi siya sanay. Isa itong mahalagang pangyayari dahil nakasama ko ang aking pamilya.
0 notes
Photo
Pebrero 26, 2015 Ito ang una kong napuntahan na Universal Studios na may alam na ako sa pangyayari at nakakapagsaya na ako dahil sa mga pwedeng sakyan dito at iba pa. Tila hindi ko mawari ang aking naramdaman ng ako ay payagan ng aking mga magulang na makadalo sa isinagawa ng DLSU-D na makiisa sa isang ginawang seminaryo sa Singapore. Sobrang saya ko dahil hindi ko talaga inaasahan ang pangayaring iyon kahit na wala akong kasama kahit isa sa kanila ngunit ipinagkatiwala naman nila ako sa aking guro. Kaya ayon, nang nakarating na kami sa Singapore ay agad akong namamangha dahil napakalinis nga ng lugar na iyon. Mayroon din namang trapik, dahil daw may oras talaga ang pagtrapiko doon. Isa sa lugar na destinasyon namin ay ang Universal Studios.Kaya sobrang nagpapasalamat ako sa aking magulang kahit na malaki ang kanilang magastos gagawin pa rin nila para sa kanilang anak.
0 notes
Photo
Abril 11, 2015 Ito ang unang Promenade na naganap sa aking buhay. Kung saan ako ay tinuring na prinsesa ng aking mga magulang dahil sila ay todo ang pagsuporta sa akin sa araw na iyon. Sila ay pinaghandaan talaga ang aking kasuotin at matindi ang preperasyon ngunit gusto nila ay simple lamang ang aking gayak. Ito ay ginanap sa taal vista at tandang tanda ko pa na nagsimula ito ng 7 na nang gabi. Sa pag baba ko ng kotse ay napapansin ko na sa aking kapaligiran ang naggagandahang mga samu't saring mga damit, kumikinang na mga purselas, mga magagarang kolerete, at naririnig ko rin ang mga nagtutunugang stilletos. Talaga namang makikita na handang handa ang lahat ng dumalo. At nang nagumpisa na ang pinakamasayang parte ng programa at yun ay ang makakasama ang aking mga pinakamamahal na kaklase upang magkaroon ng oras sa bawat isa ay nagsayaw na kami. At iyon ay hindi ko malilimutan.
0 notes