Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Hindi ako matahimik. Hindi mawala sa isip ko 'yung pagaaway natin nung Linggo. Kinakabahan ako. Ipagpapalit mo na ba ako?
Sabagay, nakita ko ang picture niya -- mas bata, mas masaya siguro kasama.
Lalo tuloy bumaba ang self-esteem ko.
Pinipilit kong maging okay para hindi mo maramdaman na hindi pa rin okay sa'kin 'tong nangyayari. May nagugustuhan ka na bang iba? Gusto mo na ba siya? Mahal mo na ba?
Ang sabi sa'kin nung isang kaibigan, iparamdam ko lang daw sa'yo na mas okay sa'kin, na mas masarap sa piling ko. Kaya ko kayang gawin?
Ang gusto ko lang gawin ngayon e ayusin ang sarili ko at iparamdam sa'yo na hindi ako apektado.
Pero nakakatakot. Habang tumatagal, mas nakakatakot. Naiintindihan mo kaya ako?
Ang sakit ng puso ko.
----
12/09/14
1 note
路
View note
Text
October 14
Hindi na tayo magkaintindihan. Ramdam kong malapit na ang katapusan.聽
0 notes
Text
Kanina ko pa iniisip kung ano ba talagang dapat kong gawin sa relasyon natin. Pagod na ako sa'yo at sa nangyayari satin. Paulit-ulit na lang.聽
Hindi mo pa rin pala nakakalimutan yung mga nasabi ko noon. Masakit para sakin dahil napagdusahan ko naman na lahat e. Pero kulang pa pala. Totoo nga na hindi naman na mababawi lahat ng mga nasabi ko pero 'di ko alam bakit kailangang masaktan ako ng ganito.聽
Ang daming tumatakbo sa isip ko. Sa mga oras na 'to, ayaw na kitang mahalin. Gusto ko na lang mawala lahat ng nararamdaman ko para sayo.聽
Sinabi mo na pupunta ka dito sa bahay ngayong araw. Pero, sa nangyari kagabi, alam ko namang hindi ka na naman matutuloy. Forte mo yan e. Mga pangako, puro pangako. Pero di naman natutupad.聽
Pagod na ako.聽
0 notes
Text
Ang totoo, medyo mahirap. Parang ang hirap makabalik sa sistema mo. Nakakalungkot na hindi ko maintindihan. Para kasing pinipilit ko na lang ang sarili ko sa'yo.聽
Naiintindihan ko na takot ka nang maulit 'yong mga nangyari sa'tin non. Alam kong mahirap. 'Di ko rin ginusto na ganun ang kahantungan ng relasyon natin.聽
Ewan ko. Kahit na sinasabi mong okay na, pakiramdam ko e hindi pa rin. Nakakalungkot lang.聽
2 notes
路
View notes
Text
Nilakasan ko na ang loob ko. Tinext kita. Humingi ako ng tawad at sinabi ko na miss na kita. Gaya ng inaasahan, hindi ka nagreply.聽
Nilakasan ko ulit ang loob ko. Pagkatapos ng sampung minuto, tinawagan kita. Pero gaya ng inaasahan, hindi mo sinagot ang tawag ko.聽
Nilakasan ko muli ang loob ko. Pagkalipas ng sampung minuto, tinawagan ulit kita. Sinagot mo. Dali-dali akong humingi ng tawad. Pero ang sabi mo, hindi mo alam ang dapat sabihin.聽
Pagkalipas ng sampung minuto, tumawag ka. Narinig ko ulit ang "Babe...", "I love you", at lambing ng boses mo.聽
Sana maging maayos na tayo. Kakayanin ko lahat basta't andyan ka.聽
0 notes
Text
Miss na miss na kita. Namimiss ko na ang boses mo sa umaga, sa gabi, sa tanghali, sa hapon at sa bawat oras na makakausap kita.聽
Miss na miss na kita. Namimiss ko nang sabay tayong kumakain. Ang paghihimay mo sa hipon at manok para sa'kin. Ang paglalagay ng kanin sa plato ko. Ang pagabot ng baso sa tuwing mauuhaw ako. Ang pagsubo sa'kin na para akong baby.聽
Miss na miss na kita. 'Yong mga ngiti mo na noon e hindi mo pinapakita. 'Yong pagpapa-cute mo na nakuha mo lang 'ata sa'kin. 'Yong mga jokes mo na ikaw lang ang natatawa.聽
Miss na miss na kita. 'Yong kilikili mo na amoy rexona. 'Yong utot mo na kunwaring hindi ako makahinga dahil sa sobrang baho. 'Yong mga buhok mo sa katawan. 'Yong balat mo na kulay tsokolate.聽
Miss na miss na kita. Kapag babyahe tayong magkasama. 'Yong paghawak mo ng mahigpit sa kamay ko habang naglalakad tayo sa footbridge. 'Yong mga yakap mo sa tuwing magkakahiwalay na tayo.聽
Miss na miss na kita. 'Pag matutulog tayo sa gabi na magkayakap. Na magigising ako sa umaga na hinahagkan mo ako. Ang pagbulong mo sa'kin ng "Goodmorning, baby..."
Miss na miss na kita. Bati na tayo.聽
2 notes
路
View notes
Text
Tinanong ni Mama kung naguusap na daw ba tayo. Sinabi ko lang na tinext mo ako.聽
Sabi niya, mag-sorry daw ako sa mga nasabi ko sa'yo. Lahat ng mga kaibigan ko e naghihintay din ng mangyayari sa love story natin. Sabi pa nila, phase lang daw ito ng relationship natin. Sana...聽
0 notes
Text
Nagdarasal ako kagabi. Hinihiling ko na sana mapatawad mo ako at sinabi ko Sakanya na nakahanda akong magsakripisyo at mag-compromise para lang maging maayos tayo.聽
Nakachat ko din pala si Jogs. Wala rin siyang maibigay na tamang advice sa'kin dahil hindi pa raw kayo nakakapagusap. Pero lahat sila, lahat ng pinagkwentuhan ko e halos iisa lang ang sinabi. Bigyan daw kita ng time.聽
Tapos bigla kang nagtext. Nanlamig ako bigla at nanginig ang buo kong katawan. "Miss na kita kausap..", sabi mo. Wala akong load sa Sun at Globe. Pagkakataon nga naman. 2days na akong naka-unli sa Globe at kagabi lang hindi. Dali-dali akong tumayo para hiramin ang cellphone ni Papa. Hindi ko pwedeng palampasin ito. Ilang araw ko na ring hinihintay na mapansin mo. "Ako, miss na kitang kasabay kumain.", ang reply ko sa'yo.聽
The End.
0 notes
Text
Pumunta ako sa Palengke niyo kanina. Umupo doon sa mismong inupuan natin nung minsang kumakain tayo ng meryenda. Piattos ang saakin at tinapay naman 'yong iyo.聽
Wala lang. Gusto ko lang mapalapit sa'yo. Creeper ako e. Haha! Nung medyo madilim na, naglakad ako papunta sainyo. Habang papalapit e palakas din ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Nung malapit na, tumalikod ako bigla.聽
Nagkalad na ako pabalik sa Petron, sumakay ng jeep pa-Alabang.聽
Marunong na akong magpunta sainyo at umuwi mag-isa.聽
0 notes
Text
Tinanong ako ni Mama kung naghiwalay na daw ba tayo, sinagot ko ng, oo.聽Sinagot ko pagkalipas ng ilang araw na mugtong mata, pagpupuyat at hindi pagkain ng tama.聽
Lalo ka siguro ma-o-off sa'kin 'pag nalaman mo lahat 'tong ginagawa ko. Pero ilang araw pa lang naman ang nakalipas, hindi ko pa kontrolado ang emosyon ko.聽
Tinanong ni Mama kung anong dahilan. Sinabi ko na napagod ka sa'kin dahil lagi akong galit sa'yo, dahil lagi akong malungkot. Sinagot niya ako ng, "Yon lang?". Baka raw nasakal kita. Pero lahat ng pinagsabihan ko ng nangyaring 'to e nababawan sa naging dahilan ng paghihiwalay natin.聽
Umalis silang lahat. Sila Papa, nagpunta kala Tito, at ngayon e paalis rin si Mama para pumunta kala Lola. Ako, mag-isa dito sa bahay, mag-isa din talaga ang puso.聽
Balak kong bumyahe mamaya. Pero 'wag kang mag-alala, hindi ako magpapakita sa'yo.聽
1 note
路
View note
Text
Iba pa rin ang bawat umaga noong nandito ka pa.聽
Hindi pa ako nakakatulog ng maayos. Kagabi, sinubukan kong tawagan ang mga kaibigan ko para lang may makinig sana sa mga nararamdaman ko. Pero 'di nila sinagot. Napagod na din 'ata magbigay ng payo.聽
Hinintay ko din at nagbakasakali na mag-reply ka sa text ko kagabi pero wala.聽
Buong gabi kong iniisip kung tama ba na tinext kita o dapat e naghintay na lang ako. Buong gabi ko ding inisip kung iniisip mo din ba ako. Magdamag kong inisip kung hanggang dito na lang ba tayo.聽
Siguro nga, hindi ka pa handa na makausap ako. Siguro, umapaw na talaga ang sama ng loob mo sakin kaya sumabog na lahat noong umagang 'yon. Sa isip ko, muli't muli akong humihingi ng tawad, umaasa na makararating ito sayo.聽
Oo nga, nasa huli lahat ng pagsisisi. Pinipilit kong balikan lahat ng mga araw ko kasama ka, at iba pa rin ang mga araw noong nandito ka pa.聽
0 notes
Text
Hindi mo pa rin tinatanggal ang relationship status natin sa Facebook. Alam ko namang mababaw lang ang Facebook pero hindi 'yon mababaw para saakin ngayon. Doon na lang ako umaasa.聽
Nakita ko na nakabili ka na ng bagong cap. Naisip ko tuloy na magandang bagay ang paghihiwalay natin kasi nabibili mo na ang mga gusto mo. Mukha ka ring masaya sa mga pictures. Para bang nabunutan ka ng tinik sa lalamunan.聽
Sinubukan kitang tawagan. Kahit sabi nila e maghintay ako ng isang linggo. Hindi mo naman sinagot. Tinext din kita ng kumusta ka na pero hindi ka rin sumagot. Ayaw mo na ba akong makausap? O hindi ka pa handa?
Iniisip ko kung mas masaya ba talaga 'pag wala ako? Kung mas masaya ka, siguro kailangan ko na lang tanggapin na hanggang dito na lang nga talaga.聽
0 notes
Text
Sa panaginip na lang ba kita makakasama?聽
Alas-kwatro ng madaling araw ako nakatulog kanina. Pasado alas-kwatro na ng hapon ngayon. Pinilit kong matulog lang ng matulog buong araw para matakasan 'yong nararamdaman ko. Pero wala naman akong magagawa. Haharap pa rin talaga ako sa realidad.聽
Napanaginipan kita. Sinabi mo raw na pupuntahan mo ako pero hindi mo ginawa. Kung totoo 'yong sinasabi nila na iniisip ka ng tao 'pag kasama siya sa panaginip mo, iniisip mo nga kaya talaga ako?
Hanggang dito na lang ba talaga tayo?聽
Sa panaginip na lang ba kita makakasama?聽
0 notes
Text
Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin. Sa mag-iisang taon ng relasyon natin e ngayon ka lang nagalit saakin ng ganun.聽
Siguro nga, kasalanan ko. Siguro, nasaktan talaga kita sa mga sinabi ko. Siguro, matagal ka nang nag-iisip at nagdududa sa kung ano nang mangyayari saatin. Siguro, sobra na ang hirap mo sa piling ko.聽
Hindi kita masisisi na nagalit ka ng ganon. Hindi kita masisisi na sumuko na. Alam kong mali ako. Alam kong nasaid ko na ang pasensya mo. Alam kong sumobra na. Alam kong 'di mo na talaga kaya.聽
Pero 'di pala ganon kadali. 'Di ko matanggap na dahil lang sa mga salitang 'yon e tuluyan na tayong nagtapos. Hindi ko inakala na kahapon pala ang magiging katapusan ng lahat.聽
Hindi ko alam kung magkakaayos pa tayo. Sabi nila, bigyan lang daw kita ng oras para makapag-isip. Bigyan daw kita ng isang linggo. Parang ang hirap. Isang araw nga lang na wala ka, para na akong pinapatay.
Katumbas ng isang linggo ang habambuhay na wala ka.聽
0 notes