malikhaingkomunikasyonblog
Mga Pagbabago
6 posts
Sa mga bawat kamaganak natin, mayroon tayong kakilala na nag-mandayuhan sa ibang bansa, itong blog na ito ay maglalaman sa isang aking panayaman na kamaganak na nag-migrate sa ibang bansa. Ang punto ng aking blog ay kung ano naging karanasan niya noong kasagsagan ng pandemya noong 2020. Tala: pindutin ang mga bawat parte upang makita ang kabuuang nilalaman.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Introduksyon
Tungkol saan ba ang aking itatalakay?
Tumblr media
Ang magiging pokus nito ay yung mga kapamilya o kamaganak na nag-migrate sa ibang lugar at kung ano naging karanasan noong pandemya noonng 2020.
Bago sa lahat, talakayin ko muna nang maiksi kung ano ang depenisyon ng migrasyon. 
Ang migrasyon ay paglipat ng tao sa isang lugar, kung ito ‘man sa ibang bansa o sa ibang rehiyon ng bansang tinutuluyan, upang doon na manirahan nang panandalian lamang o pangmatagalan. Maraming dahilan kung bakit maraming tao pinipiling magmigrasyon. Isa na dito ay kailangan nilang maghanap-buhay, kailangang nilang doon makapagtapos ng pagaaral, o kaya para buo ng bagong pamilya doon.
Inaanyayahan ko kayo na basahin ang dalawang binigay kong link, isang blog at balita, upang mas maintindihan niyo kung ano ang migrasyon.
Tumblr media
Isang balitang blog tungkol sa mga Pilipino kung bakit nila pinipili magmigrasyon. https://homeoptions.com.ph/whats-new/blogs/5-reasons-why-filipino-migrate-and-choose-to-work-abroad
Tumblr media
Isa  balita tungkol sa mga Pilipino na nagmigrasyon. https://www.servus-pinoy.at/?p=118
At dahil alam niyo na kung anong ibig sabihin ng migrasyon, tayo’y magpatuloy. 
Noong 2020, alam naman natin kung anong nangyari sa mundo dahil bawat isa ay naranasan ang pandemya dahil sa COVID-19. Mayroon itong malaking epekto naidulot satin. 
Kaya ang pangunahing pokus ko sa aking blog ay ibabahagi ko sainyo ang aking panayam na kasama ang aking tatay na nasa ibang bansa ngayon upang maghanap-buhay. 
Nawa’y kayo ay ma-engganyo at may matutunan kayo sa aking blog
0 notes
Text
Unang Parte
Noong gabi ng ika-25 ng Nobyembre sa Pilipinas, tinawagan ko ang aking tatay upang makamusta siya at para masagawa ang panayam.
Narito ang isang screeenshot 
Tumblr media
Tala: para sa privacy ng aking tatay, humiling siya na ‘wag na raw siya magpakita ng mukha.
Ang unang tinanong ko sakanya ay, “Noong kasagsagan nang unang wave ng COVID-19, ano ang iyong naramdaman?”
Tumblr media
*non-verbatim* 
Ang sagot ng aking tatay ay, noong una raw ay siya ay nakaramdam ng takot dahil siyempre mabilis kumalat ang sakit. Base rin sakanya, siya rin daw ay nakaramdam ng pag-aalala dahil siya raw ay nasa malayong lugar at hindi raw niya kami kasama, lalo’t na nagkaroon agad ng shutdown ang mga paliparan noon.
Alam naman nating lahat na sobrang bilis talaga nang pangyayari noong kumalat ang COVID-19. Marami talaga sa atin nakaramdam ng iba’t-ibang emosyon pero nangunguna dito ang pangamba o pag-alala lalo’t na kapag malayo tayo sa mga minamahal natin. Kahit ako rin naman, nakaramdam din ako ng pag-aalala sa aking tatay dahil wala siyang ibang kasamang pamilya sa ibang bansa kundi sarili lang niya rin. 
Makikita talaga na malala talaga naidulot ng COVID-19 o ang pandemya sa buhay natin.
0 notes
Text
Pangalawang Parte
Sa sumunod na panayam, ang aking pangalawang tanong ay “Mayroon ba agad ginawa ang gobyerno o opisyal sa inyong lugar? Anong aksyon agad kanilang ginawa upang hind ganoon tumaas ang mga kaso ng COVID-19?”
*non-verbatim*
Ang sagot naman ng aking tatay ay noong kahit hindi pa ganoon kataas ang mga postibong kaso ng COVID-19, agad daw pinasarado ang paliparan upang wala ng makapasok pa raw sa bansa. Ayon sakanya, noong pinahataw ang lockdown sa buong daigdig, ang kanilang bansa rin ay nagsagawa ng lockdown. Ani ng aking tatay, “Grabe ang takot ng mga tao dito sa town na tinitirhan ko dahil wala talagang nalabas”. Ang sinunod niyang sabi ay nagkaroon din ng implementasyon na magsuot ng face mask, kagaya lang sa mga ibang bansa.
Tumblr media
Ang aking nabatid ay sa kung saang bansa ang aking tatay, halos magkaparehas pala ng aksyon katulad dito sa Pilipinas, Ngunit ang aking napansin ay base sa sagot ng aking tatay ay agad umakasyon ang mga opisyal sakanila kesa sa Pilipinas. Alam naman natin na noong 2020, hindi agad umaksyon ang mga opisyal ng Pilipinas kaya sobrang tumaas agad ang mga positibonh kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
0 notes
Text
Pangatlong Parte
Sa panghuli ng pananayam ko sa aking tatay, nagtanong pa ako ng isang katanungan. “Anong inyong ginawa upang mag-cope up sa pandemya?”
*non-vertabim*
Ang sagot ng aking tatay ay mas lalo siyang naging malapit sa Panginoon noong kasagsagan ng pandemya. At saka yung pangangamusta at pagtawag niya samin dito sa Pilipinas ang pinakagusto niyang *coping mechanism*. 
Kapag nahaharap tayo sa problema, bawat tao ay may kanya-kanyang na tinatawag na coping mechanim. Sa madaling salita, paano o anong gagawin natin para tayo ay umangkop at mabawasan ang stress tuwing nahaharap sa problema. Nakakatulong ang coping mechanism dahil ito ay nakakabuti sa ating mental health upang makapagbigay ng kaginhawaan. Siguruhin lamang na ang mapipiling coping mechanism ay tama at hindi mas lalong nakakalason sa mental health. Halimbawa, ang aking coping mechanism ngayong pandemya ay magbasa ng piksyon dahil ito ay nakakatulong upang mawala ang aking stress. 
Tignan ang imahe dahil ito ay nagpapakita ng iba’t-ibang uri ng coping mechanism.
Tumblr media
Sanggunian: https://www.mhsmileblog.com/blog/lets-talk-coping-mechanisms
0 notes
Text
Paalam
Base sa panayam na isinagawa ko, napagtanto ko na kahit iisang kaganapan (COVID-19) ang hinarap natin, iba talaga tayo ng mga karanasan. Lalo na kapag magkaiba tayo ng lugar o bansa, mayroon iba’t-ibang lapit o approaches na ginagawa sa bawat lugar para makontrol ang hindi pagtaas ang mga cases ng COVID-19, lalo noong unang wave. At saka, mayroon talaga tayong iba’t-iba kung paano tayo mag-cope up sa mga personal na kaganapan habang nasa pandemya.
At sa nakakalungkot na pagpaalam, hanggang dito na lang ang aking blog. Sana naengganyo kayo sa pagbabasa ng sariling kong blog. 
Sa susunod muli! Paalam!
— tls123
Tumblr media
0 notes
Text
Simula
Tumblr media
Maligayang pagdating sa aking blog !! kinakagalak ko na nandito kayo para basahin ang mga nilalaman ng blog ko :D  
Bago ako magsimula sa pangunahing pokus, nais kong ipakilala muna nang maikli ang aking sarili.
Ako nga pala si Angela Jusi, puwede niyo akong tawaging sa aking pen name na tls123. 
Ako ay nakatira sa Cavite at nagaaral ngayon sa CEU Makati.
Ang aking hiling ay sana ma-engganyo kayo sa blog ko na ito! 
0 notes