mahalnamahalkosidannica
mahalnamahalkosidannica
Deds na Deds Talaga Sayo.
57 posts
Mahal na mahal ko po si Dannica Joyse Alcazar! HAHA ♥
Don't wanna be here? Send us removal request.
mahalnamahalkosidannica · 7 years ago
Text
tumblr
July 23, 2018
Yo! Wala na talagang tumblr. Hindi na ako masyado nakapagsulat mula noong binigay ko ito sayo. Gusto ko magsulat kaso hindi na nagkaroon muli ng pagkakataon. May mga gabi na gusto ko magsulat pero mas pinipili ko na lang na kausapin ka. May mga gabi na nauunahan ako ng antok. May mga gabi na ang nais ko na lang gawin ay itatak na lang sa alaala ko lahat. Subalit alam kong hindi iyon rason sapagkat kung gusto may paraan, kung ayaw maraming dahilan. May mga naisulat naman akong hindi mo pa nababasa kaso ayun lang talaga. Kaya pasensiya ka na kung hindi ko na-meet yung expectations mo.
Pero alam mo, tanda ko pa rin naman lahat. Lahat ng mga araw na nakasama kita. Maliit o malaking pangyayari. Matagal o saglit na pagkakatabi. Naalala ko pa rin kung paano nangungusap ang iyong mga mata sa tuwing pinagmamasdan kita at kung gaano kaganda ang mga ngiti mo. Naalala ko pa rin kung paano ko hinahawakan ang mga kamay mo at kung paano mo rin hinahawakan ang sa akin. Kung gaano kalambot ang mga kamay mo at kung gaano ito kabango kapag inaamoy ko. Naalala ko pa rin kung gaano ito kaliit pero saktong sakto pa rin upang magtugma ang mga pagitan ng mga daliri natin sa isa’t-isa. Naalala ko rin kung gaano ka kalaki. Nakatayo man tayo o nakaupo. Kung hanggang saan lang kita at kung paano ko nakikita ang tuktok ng ulo mo. Naalala ko pa rin lahat ng tawa mong wagas. Mga tawa na tila ba ay isang malaking premyo na nakuha sa talimpalak. Mga tawa mo na nakakahawa at nakaka-inlove. Mga tawa mong lalong nagpapaganda sayo. Naalala ko pa rin.
Naalala ko rin ang bawat yakap mo. Mga yakap na nagpaparamdam sa akin ng langit. Mga yakap na para bang ako’y nasa alapaap sa sobrang gaan ng aking loob. Mga yakap na laging kong namimiss. Syempre naalala ko rin ang mga halik. Mga halik ko sayo at halik mo sa akin. Mga halik na tila ba nagsasabi kung gaano mo ako kamahal. Mga halik na nagwawari na tayo ay magpahabang buhay na. Mga halik na kung saan ay nakapagtanto sa akin na ang puso ko’y iyong iyo. Naalala ko pa rin lahat. Kung gaano kalapit ang mga mukha natin sa isa’t-isa. Kung paano nagbabangga palagi ang mga ilong natin. Kung paano katamis palagi ang mga nakaw at biglaang halik. Naalala ko pa rin kung gaano kalambot ang iyong mga labi. Kung gaano ka kabango. Kung gaano ka kaganda. Naalala ko lahat. Naalala ko pa rin.
Naalala ko rin kung gaano mo kagusto yung gravy. Kung gaano ka natutuwa kapag kakain ka ng ice cream na matcha sa mcdo. Kung gaano ka kaadik sa siomai. Kung gaano kagigil sa balat ng chicken joy. Kung gaano ka nasasarapan sa tocino. Kung gaano mo naeenjoy yung mga pagkaing kinakain mo. Naalala ko pa rin lahat. Naalala ko pa rin. 
Naalala ko rin kung paano tayo nag-aaway. Mga pag-aaway sa mga mababaw na dahilan. Mga pag-aaway kapag umaalis tayo. Mga pag-aaway na para bang wala ng katapusan. Naalala ko rin kung paano tayo nakakapagbitaw ng masasakit na salita. Kung paano tayo nagiging makasarili. Kung paano ang bawat hindi natin pagkakaintindihan. Kung paano natin nalalagpasan ang buong araw na hindi magkausap. Kung paano natin nakakaya na magbati. Kung paano natin tinatanggap pa rin ang isa’t-isa. Kung paano pa rin natin minamahal ang salitang “tayo” kahit marami ng rason para hindi na tayo magpatuloy. Naalala ko lahat. Naalala ko kung gaano tayo naging matatag at nanatili sa huli. Naalala ko pa rin.
Naalala ko pa rin at tandang tanda ko pa rin ang mga binitawan mong salita. Mga salita na sa puso ko’y nagpatibok ng sobra. Mga salita na pinaghahawakan ko. Mga salita na kung saan ay sinabi mong mahal mo ko. Binigyan mo ng kahulugan ang mga salitang iyon. Kahulugang nagpakulay lalo ng mundo ko. Kaya naalala ko pa rin lahat, lalo na kapag sinasabi mo ito ng galing sa puso mo. Na sinasabi mo iyon hindi dahil sa kailangan, hindi dahil sa nakasanayan, hindi dahil gusto ko, kung hindi dahil sa mahal na mahal mo ko. Kung hindi dahil galing iyon sa puso mo. Kung hindi dahil masaya ka sa akin. Naalala ko, naalala ko pa rin lahat.
Pero hanggang alaala na lang yon. Alam ko na etong mga nakaraan araw lang nagpapatuloy pa rin tayo pero alam kong hindi na tayo okay. Ang layo na natin sa isa’t-isa at ang dami ng nagbago. Mga pagbabago na hindi ko na mawari. Hindi ka na ngumingiti tulad ng dati. Hindi na nangungusap ang mga mata mo kapag tinitingnan mo ako. Alam kong hindi ka na masaya. Alam ko. Alam kong pagod ka na. Alam kong nananatili ka lang kasi kailangan mo lumaban. pero alam ko na may hangganan lahat. Kaya pasensiya ka na sa lahat kung limitado lang ang kaya kong maiparamdam sayo. Ayaw kitang pakawalan pero gusto kong sumaya ka. Alam ko hindi na ako nakakatulong sayo. Ayaw ko ng makadagdag sa mga problema mo. Alam kong alam mo na hindi sapat ang pagmamahal lang. Hindi sapat na loyal ka lang at faithful. Hindi sapat na gusto kitang makausap. Kaya naman hindi mo kailangan magtiyaga at magtiis sa akin. Kaya hinahayaan na kita. Pwede ka ng magpahinga. Pahinga ka lang hanggang sa lahat ng sakit na naidulot ko sayo eh gumaling at mawala. Sinusubukan ko naman para maramdaman mong nandito lang ako pero baka di na talaga sapat. Kaya heto. Gorabells ka na, deserve mong maging masaya. Deserve mong matanggap yung tingin mong dapat sayo. Deserve mong maging prinsesa at hindi magtiis at malugmok kasama ko. Deserve mong ngumiti ulit tulad ng dati. Deserve mong maramdaman yung best love ever. Deserve mo yun, kaya hindi ko ipagdadamot. Gusto kong makita na maging masaya ka. ^_^
Salamat sa tatlong taon. Mahal na mahal kita Dannica Joyse Oliva Alcazar ng buhay ko. ebekoy for short. Salamat sobra. You deserve someone better. Someone that could make you happy. Smile ka lagi tulad ng mga ngiti mo dati ah?! <3 Mag-iingat ka palagi. Paalam na.
0 notes
mahalnamahalkosidannica · 9 years ago
Text
July 28, 2016
0 notes
mahalnamahalkosidannica · 9 years ago
Text
July 26, 2016
Martes ngayon at wala kang pasok. May usapan talaga tayo ngayon araw kaya naman kahit badtrip ka sa akin mula kagabi eh tuloy pa rin tayo. Tinext kita na idownload o isave yung mga liriko ng mga sinend kong kanta kasi balak kong tumambay na lang tayo sa Luneta at doon magkantahan. 
1:30 pa lang labasan ko na, pumunta agad ako sa Metro Mall para sumakay ng LRT kaso naliligo ka pa lang. HAHAHAHAHA napaisip ako bigla... SHET! Isang oras ka pa naman maligo tapos 45 mins magbihis tapos 15 mins yung final retouches tapos ayon bale 2hrs pa yung paghihintay ko HAHAHAHAHAHAHAHA Pero okay lang naman kaya ayon, chill lang ako tapos di kita pinagmamadali. 30mins nakakalipas eh nag-umpisa akong tumawag sayo. Tinatawagan kita para imake sure na may download kang lyrics kasi mahirap kumanta ng di alam lyrics HAHAHAHAHAHA! Ayun, nabadtrip ka ata kasi tawag ako ng tawag. Akala mo ata pingamamadali kita :O Tapos ayon, nainis na lang din ako kasi sumisigaw ka tapos parang ewan ka makipag-usap kasi. HAHAHAHAHAHAHAHA Sumakay na lang ako ng LRT papuntang Recto para mas magmadali ka na talaga kaso waley talaga HAHAHAHAHA :D
Mga mag 3 na rin non ng bumaba ako sa recto. Naisip ko na lang na bumili ng pic ng gitara habang naghihintay sayo. Sobrang bagal ko maglakad para naman sumakto yung oras ng pagdating mo kaso wala talaga HAHAHAHA! Nakabili na ako ng pic pero di ka pa rin nakakaalis HAHAHAHAHAHAHA :D Wala lang, medyo inis na lang ako non hanggang sa naisipan kong pumunta na lang ng Quiapo at doon magdasal.
0 notes
mahalnamahalkosidannica · 9 years ago
Text
July 22, 2016
Malungkot ka ngayon kasi nanghingi ka ng pangbaon kay papa subalit ayaw kang bigyan. Yamot ka dahil nag-away na lang kayo kaya naman pumasok ka na lang kahit di ka binigyan. Di ka rin nakakain sabi mo kaya naman naisipan kong sunduin ka sa uwian mo kasi naman  6:30 uwian ko at ikaw naman ay 8:30 pa. Nag-isip ako ng plano para masurprise ka kaya naman tinext kita na dadaanan ka ni Fau para ibigay yung pinabili kong burger pero joke lang talaga yon. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
Ayun! Agad akong bumyahe papuntang Fishermall kaso badtrip, sobrang traffic. Nangagamba nga ako kasi baka hindi kita maabutan, na baka maaga ka palabasin, na baka maging isang malaking epic fail yung surprise ko, at kung anu-ano pa. Tsaka lowbat na rin ako, naghihingalo na battery ng cp ko kaya grabe pangamba ko non. Walang galawan yung mga sasakyan, mahigit isang oras din akong nasa byahe non. Kung anu-ano na ngang tinetext ko sayo para malaman ko kung labasan mo na agad, buti na lang di mo napansin na boka lahat ng text ko. HAHAHAHA! Nakababa ako ng Fishermall mga bandang alas otso na. 30 mins na lang at labasan mo na. Babyahe pa ako pa-Maynila kaya naman eh dinadalingin ko noon na sana walang traffic. At guess what??? Wala ngang traffic! :D
HAHAHAHAHA! PInaburan ako ng langit kaya naman nung pagbaba ko eh dali-dali akong naglakad papuntang intramuros. Labasan mo na nga non at hinahanap mo si Fau. Natatawa ako kasi kumakagat ka sa bitag ko at umaayon talaga ang lahat sa plano. Sayang nga lang kasi plano ko sanang bilhan ka ng footlong para naman kakain ka na lang kaso wala ng time kaya sayang. HAHAHA! Tapos ayun! Pagdating ko ng 7/11 eh nakita ko si Paula, akala ko magkasama kayo kaya naman tinanong ko siya kung nasaan ka. Tapos gulat na lang ako tinuro ka niya, paglingon ko sa gilid ko eh nakita kita. Grabe. Nagslowmo yung oras tapos parang kumanta yung mga ibon at nagliwanag lahat ng paligid ko! HAHAHA Grabe Dolce Amore lang ang peg! HAHAHAHA!
Di ko alam pero nang makita kita eh nawala yung pagod ko. Lalo na nung ngumiti ka at sinabi mong ineexpect mo talaga si Fau ang darating. Inaasar ka ni Paula kasi kilig na kilig ka HAHAHAHAHAHAHA! Ang kyot mo talaga kiligin eh! <3 At ayun! Masaya ako kasi masaya ka :) Masaya ako dahil nasurprise kita. Sobrang saya at talagang walang mapaglagyan ang tuwa sa puso ko! :) Tapos, pagkatapos non eh naglakad na tayo papuntang city hall. Doon na lang kita binilhan ng footlong at HAHAHAHAHAHAHAHA wala lang. Pagkakuha kasi nating nung footlong eh umalis tayo agad papunta sa mauupuan tapos nakalimutan kong magbayad. Buti na lang naisipan mong magpalagay ng ketsup kaya bumalik ako HAHAHAHAHAHA! EPIC! :D 
Pagbalik ko eh grabe, kinain mo na agad yung footlong. Halatang gutom na gutom ka HAHAHAHA! Di mo nga ako pinapansin eh, pero okay lang ;) Alam ko namang gutom ka at talagang matindi ang pangangailangan ng tiyan mo HAHAHAHA! :D At ayun! Pinuntahan natin yung bibilhan mo ng libro sa may arellano. HAHAHA! Wala lang, habang naglalakad eh hinahawakan mo yung toots ko HAHAHAHA! Naaasar ka kasi wala HAHAHAHAHA! Ang kulet lang! :P
Nang makabili ka ng libro eh umuwi na rin tayo agad. Sumakay tayo ng bus at ayuuuuun! Bigla akong nalungkot noon. Kasi uuwi na tayo. Kasi mahihiwalay na naman yung mga kamay ko sa mga kamay mo. Kasi magkakalayo na naman at hindi ka na naman matanaw. Ayos lang naman pero sadya talagang hindi maiwasan kaya naman eh mas tinititigan pa kita para kapag pumikit ako, ikaw at ikaw lang ang makikita ko! :) Dumating ang sinasakyan nating bus sa fishermall ng di natin namamalayan, at doon ay tuluyan na tayong nagpaalam sa isa’t-isa. Malungkot pero masaya. Malungkot dahil magkalayo na naman ang mga agwat natin subalit masaya rin kasi masaya ka ngayong araw at isa ang araw na ‘to na talagang hindi ko makakalimutan. 
“ Yung ngiti niya talaga ang nagdala <3 “
Yung ngiti mo talaga, the best. <3 :D :D :D HAHAHAHAHAHAHA! <3
0 notes
mahalnamahalkosidannica · 9 years ago
Photo
Tumblr media
July 10, 2016
0 notes
mahalnamahalkosidannica · 9 years ago
Text
July 9 2016
0 notes
mahalnamahalkosidannica · 9 years ago
Text
July 1, 2016
UP
0 notes
mahalnamahalkosidannica · 9 years ago
Text
June 25, 2016
Binyag ni clark
0 notes
mahalnamahalkosidannica · 9 years ago
Text
June 23, 2016
NagSM, trinoma, bahawan :D
0 notes
mahalnamahalkosidannica · 9 years ago
Text
June 18, 2016
Sinamahan mo ako bumili ng bond paper
0 notes
mahalnamahalkosidannica · 9 years ago
Text
June 16, 2016
0 notes
mahalnamahalkosidannica · 9 years ago
Text
nyebe
May 1, 2016
Ako’y kulang ngunit Pinuno mo ng pagmamahal Di mo kawalan ngunit ang sabi mo Ako’y iyong yaman Ako’y binago mo, Ikaw ang buhay ko Walang katulad mo sa mundo Panghahawakan ko’ng pag-ibig mo Sa’yo lamang ako 
Bakit nga ba nyebe ang title ng kantang ‘to? Sabi ng composer nito, nakuha daw niya ito sa isang bible verse na tungkol sa pagtanggap ni Lord sa atin kahit gaano tayo makasalanan. At ginawa niya rin ito para sa mga taong mahal niya na tanggap siya sa kabila ng lahat ng pagkukulang, pagkakamali niya. At ayun, katulad mo, tanggap mo ako kahit ganito ako. Tanggap mo ako sa kabila ng lahat. Di ako karapat-dapat sayo pero hindi naman pwedeng pakawalan kita, mahal na mahal kita eh! Sobrang swerte ko sayo kaya naman eh magpapakatino ako ng maayos pa sa maayos. Panghahawakan ko ang pag-ibig mo, sayo lamang ako, FOREVER. <3 Get well soon pinakamamahal ko! MAHAL NA MAHAL KITA SOBRA! <3
Tumblr media
0 notes
mahalnamahalkosidannica · 9 years ago
Text
my one and only ♥
April 26, 2016
“sa iyong ngiti ako’y nahuhumaling at sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko’y tumitigl”
Liriko yan mula sa isang sikat na awiting saktong ipangharana sa isang binibining katulad mo. Subalit kung bibigyan ako ng pagkakataon na dagdagan at baguhin ang nasabing liriko, gagawin ko itong,
“sa iyong ngiti ako’y nahuhumaling tsaka sa mga mata mo, sa pisngi mo, sa amoy mo, sa buhok mo, sa kilay mo, sa paraan kung paano ka tumawa, sa paraan kung paano humalakhak at sa taglay mong kagandahan at sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko’y gumagalaw pa rin. Kasi ikaw ang mundo ko”
Kaso parang hindi sakto sa awitin yung mga gusto kong idagdag na liriko eh. Pansin mo ba? Kaya siguro di ako nabibigyan ng pagkakataong makapagdagdag, malalaman daw ng buong mundo kung gaano katindi ang pag-ibig ko sayo, maraming maiinggit. Hihi! ♥
Mahal na mahal kita aking Paraluman na hinding hindi ko pagsasawaang maging marahuyo sa iyo. Sayong sayo ang aking pag-ibig, kaya prepare always for the kilig. ♥
Tumblr media
0 notes
mahalnamahalkosidannica · 9 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
April 2, 2016
0 notes
mahalnamahalkosidannica · 9 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
March 29, 2016
0 notes
mahalnamahalkosidannica · 9 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
March 2016
0 notes
mahalnamahalkosidannica · 9 years ago
Photo
Tumblr media
March 17, 2016
0 notes