Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Kalimutan na pasakit
Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang aking nararamdaman . Parang dala ko ang langit na ang bigat bigat. Hindi lang sa puso pati sa isip ko .Hanggang sa pag gising ko lumuluha na lang ang mga mata ko. Iniisip ko dahil ba to sa sakit na nararamaman ko o dahil sa sama ng pakiramdam ko na pati parte ng katwan ko ay sumusuko na . Ang hirap . Ang hirap hirap kalimutan ka kahit na alam kong masyado na akong nagpapakatanga at umaasa. Siguro ng maiiwan na lang akong umiiyak at lumuluha sa mga dahilang matagal ko ng hindi iniinda. Ayoko na. Sawang sawa na ko sa mga kaartehan ko na nagpapahiwatig ng pagmamahal sayo. Pati mga kaibigan ko naririndi na rin pag napapakingganb ang pangalan mo na lumalabas sa mga labi ko. Kasi alam nila na ang tanga tanga ko pag dating sayo. Sana makayanan ko yung mga araw na wala kana sa tabi ko. Salamat sa alaala at pag asa na sanay kinalimutan ko na .
0 notes
Text
Astig Kami :)
May mga bagay talaga na di mo inaasahan na darating . Parang yung samahan lang natin ? Hindi inaasahan hindi sigurado sa isa't isa pero isinugal yung tiwala para magkaisa. Noong una nakakatawa kasi tahimik at mga pabebe pero habang tumatagal lalong lumalalim yung pagkakakilalanlan namin sa isa't isa . Pag nawala ang isa di na buo ang barkada. Astig dba ? Astig kasi hindi namin inasahan na magiging isa kami ng mga hangarin . Astig kami kasi nagsama sama kami bilang magkakapatid at isang pamilya . Astig kasi may umiyak man o tumawa magkakasama pa rin kami para damayan ang isa't isa. Ganyan kami . Marahil marami ang nagtatanong at marami ang nagtataka bakit lagi silng masaya kasi hindi kami yung tipong papaapekto pag may problema.Hindi kami yung susuko lalo na kapag natatalo na . We commit to our responsibilities and We will prove that we are mighty.
0 notes
Text
“Umaasa”
Bakit nga ba ikaw pa yung taong pinili ng puso ko para isigaw tuwing nakikita at naaalala ka nito?
Alam ko di ako kasing ganda at kasing sexy ng mga nagkakagusto sayo . Alam ko rin na di ako yung tipo na kaya mong mahalin . Pero yung mga araw na nakasama kita yun yung mga araw na di ko makakalimutan . Kasi yun yung mga araw na parang mababaliw ako na halos umabot hanggang tainga ko ang ngiti sa mga labi ko. Ngiti na bunga ng mga salitang unti unti akong umaasa . Kilos na unti unti akong nahuhulog at mga galaw na di ko inaasahan. Noong una kong narealize na mahalaga kana pala sa akin ay yung araw na di pala mabubuo hanggat di kita nakakausap o nakikita. Alam ko sa sarili ko na mali yung pagmamahl ko para sayo kasi kahit saang angulo ko tingnan mali at mali pa rin . Kung alam mo lang kung gaano kita minamahal habang may mahal kang iba.Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya habang masaya ka sa piling ng iba at kung alam mo lang lagi kong pinapanalangin n asana ako naman yung iyong mapansin . Kung alam ko lang kung paano ko aaminin sayo habang magkasama tayo yung mga nararamdaman ko di sana di na ako nagpapaka tanga pa sayo ng ganito. Kasi kung isiispin ko lahat ng katangahan ko na ginawa para lang maging masaya ka habang kasama ka siguro ako na yung pinaka tanga sa lahat ng tanga . Ako kasi yung umasa sa mga salita mong binitawan . Ako yung nagbigay meaning sa mga kilos mong di ko malilimutan at ako yung umasang mamahalin mo rin katulad ng pagmamahal mo sa kanya na walang ginawa kung di deadmahin ka .Naaalala ko yung gabing magkasama tayo napawi ang pagod ko dahil nakita ko ang imahi mo. Iniisip ko habang magkasama tayo sana yung tayo naman ang pag usapan natin. Hindi yung lagi na lang ako ang nakikinig sa mga kwento mo at drama mo . Pagod na kasi akong umasa , pagod na rin akong masaktan at pagod na rin akong mahalin ka ng pauli ulit na lang. Kaya ipinangako ko yung isang linggong nilobos kong kasama ka ay ang huling alaala na babaunin ko habang kinakalimutan ka . Salamat kasi iminulat moa ng mga bulag kong mata sa pagmamahal sayo ang mga tainga kong bingi sa lagging pakikinig sayo at ang puso kong pinalaya mon a dating nakakulong sa pagmamahal sayo. Alam kong wala kang kasalanan diba sabi mo nga “kung pwede lang maging tama ang mali “ ee di sana meron ng nagging tayo.
April 14,2016
Summer Class
Educ Dept.
1 note
·
View note