livshistoria
Life Story
73 posts
Actually, my life story. Welcome to my life.**Photo used is not mine. Courtesy to the owner. 😘
Don't wanna be here? Send us removal request.
livshistoria · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Follow picsandquotes.com for more quotes on your dash!
2K notes · View notes
livshistoria · 6 years ago
Text
Ang Hirap Pala
Gusto kitang yakapin. Andyan ka lang pero bakit parang ang layo.
Tumblr media
Lately, nalulungkot ako. Feeling ko unti-unti nawawala yung mga tao sa paligid ko. 
I have a girl bestfriend. We used to have time together. Sleep-over, chat, text and random kwento over coffee. Magkasama kami sa church. Suddenly, naging busy kami. Sya sa school at ako sa work ko. Until wala na, wala na kong balita sa kanya. Hindi ko na sya nakikita, wala ng communication, wala ng chat, wala ng coffee, nawala na. Ang hirap pala ng nasanay akong ando’n sya sa tabi ko. Sya kasi yung tipong di pa kami naguusap alam na namin yung isa’t isa, mata sa mata lang. Ang hirap pala ng biglang magbabago.
Meron akong grupo, pangalan namin “3 pretty pigs”. Tatlong machuchubby ang cheeks. Maliban sa common denominator namin na ‘yon, magkakasama din kami sa church. Pag magkakasama kami yung tipong kwentuhan lang walang huhugot. Chill lang. Then, may inupload ako sa social media na cover namin ng isang kanta. Nakangiti lang ako habang pinapanood ko yung video. Nakakamiss, nakakamiss sila. Asan sila? Yung isa sa Cebu, ibang church na. Yung isa nasa ibang church na din. Ako, nagstay sa church kung san kami pinagtapo. Ang hirap pala mawalan ng kaibigan na nakasama ko sa saya. Hindi na kami nagpapansinan sa social medias.
May nakasama ako sa grupo sa church, "youth” kami kung tawagin. Umalis yung dalawa kasi may mas malapit na church (branch) namin sa lugar nila. Yung dalawang yun ay sobrang lapit sa akin. Yung isa feeling ko baby bro ko. Yung isa kababata ko yun eh. Kasama ko na lumaki sa church yun. Ang hirap pala na may dapat pang dumistansya.
Itong lalaki na ‘to, nakasama ko sa hirap at ginhawa. Alam ko kung sino at ano ang gusto nya. Co-lead ko sya sa grupo ko sa church noon. Nakasama ko sya sa kabila ng mga batikos na natatangap ng grupo namin. Alam nyo yung sya yung uri ng tao na sya yung hahanapin ko sa dami ng tao sa crowd. Sya yung tipong masarap kausap. Kahit sobrang random at walang sense ng topic, kakausapin mo pa din sya. Napapagkwentuhan namin yung gusto nyang babae pero hindi naging kanya. Alam nya din kung sino ang gusto ko. We’re meant to be friends only. Kahit ang dami ng nangaasar samin, pero wala talagang spark eh. Tapos nung umalis na kami sa youth dahil hindi na pang youth yung edad namin, ayun nawala. Nawala ng dahan dahan ang kwentuhan. Baka naubos na yung mga ikekwento. Nagkikita pa din kami sa church pero hindi na kami masyadong naguusap. Ang hirap pala na gusto kong magkwento pero baka maistorbo ko sya sa mga ginagawa nya, kaya wag na lang. Ang hirap pala na yung dati kong kakwentuhan, hindi ko na makwentuhan.
Three years. Tatlong taon na kong may boyfriend. Pero walang nakakaalam sa pamilya ko. Wala ni isa. Alam nila mabait akong anak, walang lihim, masunuring anak. Pero ito ako, tatlong taon ng nagtatago sa realidad. Kahit sa church namin walang nakakaalam. Sya yung lalaki na pipapangarap ko na makasama habang buhay. Wala na kong maiisip na ibang tao na pwedeng tumangap sa kung ano ako. Sya yung gusto kong makatabi sa pagtulog at makita pag-gising ko. Sya yung gusto kong maging tatay sa magiging anak namin. Ang hirap kasi nagtatago ako. Ang hirap pala ng mahal na mahal mo na yung isang tao pero wala kang magawa kundi magantay ng tamang panahon para sa inyong dalawa. Gustong gusto ko sya itag sa mga love quotes, meme at kung ano ano sa Facebook pero hindi ko magawa. Gusto kong ipost mga picture namin together. Gusto kong malaman ng buong mundo na mahal na mahal ko sya. Pero ni status na “in a relationship” hindi ko magawa. Ang hirap pala na nakukulong ako sa expectation ng tao sa paligid ko, pati ng sarili ko. Naiingit ako kasi may kakilala ako na umalis sila sa church namin para ipaglaban yung pagibig nila. Gusto ko din yun. Pero di ko magawa kasi duwag ako, Ang hirap na gustong gusto kitang yakapin at halikan sa harap ng maraming tao pero hindi ko magawa kasi kaylangan itago. Hindi nya deserve na itago kasi sya yung tipong ibibigay lahat sakin para lang maging masaya ako. Iiyak lang ako dahil sa movie, ipapatigil nya pinapanood namin para lang di ako umiyak. Hindi ko din naman sinasabing hadlang ang simbahan para sa amin. Pero dapat bang mamili ako sa Diyos o sya? Di ba pwedeng dalawa silang mahal ko? Ang hirap pala talaga andyan lang sya pero ang layo layo namin.
0 notes
livshistoria · 6 years ago
Text
Gago kasi ang mundo!
Tama na! Ihinto na natin yung mga “bait-baitan” side. Sira ulo na kung sira ulo! Ganun din naman ang mundo. Pinapaikot lang tayo, masasaktan din naman tayo.
Alam mo kung ga’no ka gago ang mundo?
Tumblr media
Naexite ka na eh. Tapos sasabihin mong “Try again”? P*ta may “Besh” pa. Ang plastik lang! Unang una, wala tayong relasyon para magka endearment, maliwanag? Pangalawang-pangalawa, madumi sa kuko ang pagscratch. Ang dugyot! Sobrang dugyot! Ang dumi dumi ko...”besh”. Ganyan ka, dudumihan mo lang ako, tapos ibebesh-zone mo ko! 
Mali ko din naman ata na umasa ako na may maganda akong makukuha. Nakalimutan kong may posibility posibilitiES na matalo. Ang tanga lang kung bibili ulit ako at dudumihan ko ulit kuko ko para kaskasin at baka mabasa ko lang ulit yung “TRY AGAIN, BESH”. Tama ng isang tanga lang, wag na ulitin. Oh? Alam ko nasa isip mo, mahina loob ko kasi isang beses lang ako susubok. Di ba pwedeng natuto lang agad sa unang pagkakataon? Wag ka magalala, pag bumili ako ulit sasabihan kita na ganyan lang ulit ang makuha ko, at sasabihin mo na sakin ang tanga tanga ko kasi umulit pa ko. 
Gago ka kase! Kasi risk taker ka. Kasi sumugal ka. Kasi umasa ka. Kasi binigay mo lahat. Lahat ng oras, panahon, saya at ikaw. Wag madumi isip mo, binigay mo sarili mong kaligayahan ang gusto kong sabihin. Kaligayahan na pinagdamot mo ng matagal na panahon. Kaligayahan na kala mo sa kanya mo lang naramdaman. Kaligayahan na akala mo sya lang nagbigay. Shit as in tae! Ang baho at ang dumi! Nakakasulasok! Tapos ngayon mageemote ka na malungkot ka. Eh nabigay mo na nga lahat ng kaligayahan mo sa kanya. Nakalimutan mong magtira sa sarili mo. Nakalimutan mong ngumiti.  Nakalimutan mo ang depenisyon ng MASAYA. Yung totoong saya ah. Di yung pati sarili mo niloloko mo sa ngiting suot mo. Tapos papatugtog ka ng Bakit pa ba ni Jay-R. Edi pinanindigan mo talagang gago ka! Urur!
Ganto kasi yan, pag masaya ka na ngayon, may dadating na KJ na hahadlang sa saya mo. Pwedeng tao yan, pwedeng pangyayari, pwedeng sarili. Halimbawa, ang saya na ng relasyon nyo ng jowa nyo, biglang may opportunity sya abroad o namatayan o kahit anong letcheng dahilan para maghiwalay kayo. Pwede ding si ex nagchat ulit kay boyfriend or girlfriend. Putchang senario, tama na! Oo na, gets ko na, may kokontra. Gago nga kasi yung mundo.
Di ba talaga pwedeng maging masaya? Yung walang pipigil kahit tadhana, kahit alon sa dagat o kahit utot ng langgam? Dapat ba laging may nagagago at ginagago. Dapat ba maramdaman lagi ng tao na gago talaga ang mundo. Masaya ka, mamaya malungkot ka na. Kanina tumatawa ka, ngayon umiiyak ka. Sino kawawa? Puso o utak? O mata? Pero mas nakakapagod ang mundo, kasi ang sakit sakit na.
Ang sakit sakit na, na may mahal ako pero di sya akin. Na may kahawak akong kamay pero wala akong nararamdaman. Pinaglalaruan ba ko o sadyang pagsubok lang ito bilang tao? Pwede ba yung mangiiwan ako pero wala akong sasaktan. Maaari bang sarili ko naman ang piliin ko. Maaari bang bumalik sa kahapon? Maaari bang walang sakit na maramdaman? Paki sagot lahat ng bakit, kahit wala akong tanong na bakit. Quest
Pero salamat kasi pinaramdam mo yung tayo. Yung ako at ikaw. Yung tayo ang ang imiikot sa mundo at hindi yung mundo nagpapaikot satin. Salamat at pinaramdaman mo ako ang mundo kahit palayo at padurog ka din pala, epekto ng global warming. Salamat, kasi naramdaman ko muna ang La Niña bago ang La Niño. La Niña na sobrang buhos bago manuyot. Salamat sa hangin na binigay mo, ngiti na sakin lamang pinakita. Salamat sa hangin na unti unting naglaho kasabay ng luhang bagyo. Bumaha, natangay, nawala. Tapos na. Panibagong araw na naman, pero wala ka na.
Ay mali, mali yung istorya ko. Kasi ako pala yung nawala. Ako yung natangay. Ako yung umalis bago pa man bumagyo ng luha. Wala kasi akong makuhang sagot sayo. Wala akong makuhang sagot sa mga mata mo kung magaantay ba tayong mawala ang bagyo o lilikas na tayo. Pero napangunahan ako ng takot ko. Lumikas agad ako, umambon pa lang. Natakot ako. Nakakatakot kasi baka paggising ko, ikaw yung lumikas. Pinangunahan lang kita. Oo, ako yung mali. Ako yung gago at hindi yung mundo.
1 note · View note
livshistoria · 8 years ago
Quote
Learn to listen twice as much as you speak.
(via worshipgifs)
3K notes · View notes
livshistoria · 8 years ago
Text
Eight Years Ago. Nine Days.
Suppose to post this last December 15, 2016.
So, that happened eight years ago.
I was 4th years high school that time. Innocent and still playful. And him, my classmate. 
October of the year 2008, before we had sembreak. He gave me an invitation to his church. “Ah, Christian din pala sya” on my thoughts. During sembreak, Friendster pa ang uso, someone messaged me. “Hi, nag ka boyfriend ka na?Pwede ka ba magkaboyfriend?”, with my reply of “Oo, nag kaboyfriend ako, pero bawal ako magboyfrien. Bakit?”, then he answered, “Ahh wala lang, bawal ka pala magka boyfriend. Tsaka na lang pag ready ka na.”
It all started in an invitation and a friendster message. Then, exchanged conversation thru text. I fell inlove with him easily. We talked randomly in text but im intractable on the class, especially with him. 
He courted me. As I wished before he can get my sweet “YES”, he have to do three things. One, “mabigyan nya ko ng chocolates, as he promised over the phone”. Gusto ko kasi pag nangako ka, tuparin mo. Two, “mahatid o masundo nya ko”. Curious ako sa ganung feeling, yung hinahatid ka or sinusundo. Three, “masabihan nya ko ng I LOVE YOU sa harapan ko”, di yung puro text lang malakas loob. It all happened in one day, 3rd Saturday of November. Hinatid nya ko sa appointment ko sa Walter Mart, while waitin, binilhan nya ko ng Goya chocolate with matching C2 and Nova at sinabihan nya ko ng I LOVE YOU. Sabi ko, “Oh, nagawa mo na lahat. Antayin mo na lang sa December 6 kung ano magiging sagot ko.” That time, sure na ko sasagutin ko sya, pero nung kinausap ako ng mentor ko, sabi nya wag ko daw sya sagutin, so naguluhan ako. Sinabi ko din sa kanya yung sinabi ng mentor ko sakin kaya nalungkot sya.
Dumating ang December 6, 2008, Saturday, MTAP Class. I wrote a 5 pages letter for him. Binasa nya ‘to. At the end of my letter “Sorry sorry sorry sorry sorry sorry  sorry sorry  sorry sorry  sorry sorry  sorry sorry  sorry sorry  sorry sorry  sorry sorry  sorry sorry  sorry sorry  sorry sorry  sorry sorry  sorry sorry pero sinasagot na  kita”. Ngumiti na sya. Yes, Kami na nga.
Chill relationship. No touch. No kiss. No hug. Not even akbay. I felt respected on that way. Pwede naman pala magmahal ng di ka hinahawakan.
*Short throw throw back to my first boyfriend but i didn’t consider as my boyfriend. Why? Sinagot ko sya ng biro lang at wala kaming closure. So i consider my ex-classmate-boyfriend as my first boyfriend. End of throw back.*
December 12, 2008, Friday. My allergies attacked me. I have to go home. My dad picked me up so I can rest.  By 5pm, tumawag ako sa kanya, sabi ko, “may quiz ba?” (Panghapon kasi kami. Public school) Sabi nya “Wala. Pagaling ka”. blah blah. End call. 
Kinabukasan, December 13, 2008, MTAP namin. Pumasok ako, sya absent. Tinatawagan ko sya, di nya sinasagot. After class i saw a text from him, “Di ako pumasok, nagdedesign kami ng church”. Secretly, dumaan kami ng mga friends ko sa church nila which is walking distance from our school. Tama nga, nagdedecorate nga sila ng church. So kaming magkakaibigan, pumunta kami sa Pandayan bookshop. Naghahanap ako ng panregalo sa kanya. I saw with “Read my lips” on a cover and when you open it “I Love You”. I purchased that card.
December 14, 2008, Sunday. Tumawag sya, sabi nya, “May sasabihin akong importante sayo bukas” Sabi ko naman, “Bat di pa ngayon dito sa phone?” End call. May Nabasa pa ko sa friendster bulletin board na “Sorry pero kaylangan kong gawin to”
December 15, 2008, Monday. Wala kaming imikan. Parang nagiba lahat. Nung panahon na nanliligaw sya hanggang nung kami na lagi syang tumatabi sakin lalo na sa isang subject (every subject nagpapalitan ng upuan, depende sa trip ng teacher). Bakit ngayon ang layo nya? Nakaramdam na ko ng kakaiba. Rambam ko na makikipagbreak sya. Ramdam ko na iniiwasan nya ko. Ramdam ko. Nalapitan ko sya ng mga bandang hapon sabi ko, “ano ba sasabihin mo?”. Lumingon sya sakin at sa  mga kaybigan nya na nakapalibot din sa kanya at sinabi “Mamaya na, hahatid nalang kita.” tumango lang ako at umalis sa harap nya. Kinausap ko mga kaybigan ko at sinabi ang nararamdaman ko. Sabi nila “Wag ka papayag makipagbreak”. May mga linya na kaming pinagusapan na di nga ko makikipagbreak. OK na. Set na ko. Handa na ko. Uwian na. Bigla syang nawala. Sabi ng kaybigan namin na kaklase din namin, umihi lang. Tinanong nya ko “Tingin mo, ano sasabihin nya sayo?” Mabilis kong sagot “Makikipagbreak sya sakin.” At sumagot ulit sya na “Think positive.” Sa sinabi nyang yun, nawala pangamba ko. baka nga ako lang nagiisip na makikipagbreak sya. Baka di naman yun talaga ang sasabihin nya. Kaya gumaan ang pakiramdam ko na nagpapabigat simula pa nung kahapon. Nakita ko na sya. Sabay sabay kaming naglalakad kasama pati ang iba kong kaybigan na nasa ibang section. Habang naglalakad, Medyo malayo layo na din sa school, tahimik sya. Marami ring mga estudyante ang naglalakad. Tinanong ko sya, “Ano ba talaga sasabihin mo?” sabi nya “Nalaman na ng pastor namin ang tungkol satin” Bigla akong nanlamig. “So makikipag break ka na?” pagmamatapang kong tanong sa kanya. Sabi nya “Oo”. Sabi ko “Ah. Ok.” naglalakad pa kami tahimik lang. Walang may gustong magsalita. Sumenyas ako sa mga kaybigan ko na parang gunting, sumisumbolo na hiwalay na kami. Lakad lakad. Hangang sa nahiwalay na ko sa iba kong kaybigan dahil magkaiba kami ng daan pauwi. Tatlo na lang kaming naglalakad. Ako, sya at at bespren ko. May nangangaroling sa isang bahay. Sabi nya, “Di ba 15 pa lang ngayon, bakit may nangangaroling na?” “Ewan ko” sabi ko. Dun ko nalaman na tuwing 16 ang Caroling at simbang gabi. Pero mas matindi, sa bibig nya mismo nangaling ang petsa kung kelan kami nagbreak. Sabi ko, “dito na kami ng bespren ko, dyan ka na dumaan para makauwi ka na agad.” Naghiwalay na kami ng landas tulad ng paghihiwalay namin. Sa pagtawid ko papunta sa bespren ko. Dun nagsimula ang mga luhang di ko inaasahan. Luha at hagulgol na tuloy tuloy lumalabas sa mata ko. Yung bespren ko na may kausap sa telepono, ang kanyang jowa, napatay nya tuloy ang telepono dahil gusto nya ko icomfort. 
Sinagot ko sya sa sulat at tinapos ko din ang lahat sa sulat. Kinabukasan, December 16, 2008. Late ako nakapasok. Pagdating ko sa room, di ako umiiyak, pero sa daming nagtatanong kung anong nangyari, umiyak ako. Papalapit na sana sya sakin, biglang may tumawag sa pinto sakin. Nung recess na, binigyan ko sya ng letter. Yung binili ko sa Pandayan Bookshop na letter, binigay ko pa din sa kanya. pero may puso na drawing at band-aid .
Tumblr media
Ngayon, December 2016. Naka move on na ko. Syempre naman! It was 8 years ago. I’m happy with his life. I know he’ll be ok. He is a strong man. Ayaw nya nga ng kinakaawaan sya. Wala na rin akong update sa kanya, pero friends kami sa Facebook. Well, after 4 months nung nagbreak kami, April 2009, inamin nya yung real reason ng break up namin, mahal nya ko pero mas may mahal syang iba. Honestly, di ako nagalit sa kanya nung nalaman ko yung totoong rason. Naka move on na ko nung time na yun eh. Narealize ko na, bilib ako sa taong katulad nya. Ang honest eh. Ang sakit ng ginawa nya pero ang tapang para ipaglaban yung totoo nyang mahal. Kesa lokohin nya ko pero di nya naman pala ko mahal, di ba? At di naging sila ng taong pinaglaban nya, sadly. Pero ganun talaga ang buhay.
I was hurt. I moved on. 8 years ago. Our relationship last in 9 days ONLY. but the feeling is surreal-weird! Nagmahal. Nasaktan. Nag move on. Natuto. Mas proud ako sa sarili ko. 
0 notes
livshistoria · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Nationalpark Eifel
by: Niko Brinkmann
2K notes · View notes
livshistoria · 8 years ago
Photo
Tumblr media
162 notes · View notes
livshistoria · 8 years ago
Photo
Tumblr media
3K notes · View notes
livshistoria · 8 years ago
Photo
Tumblr media
18K notes · View notes
livshistoria · 8 years ago
Photo
Tumblr media
by tannerwendell
3K notes · View notes
livshistoria · 8 years ago
Photo
Tumblr media
84K notes · View notes
livshistoria · 8 years ago
Photo
Tumblr media
184 notes · View notes
livshistoria · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
293K notes · View notes
livshistoria · 8 years ago
Photo
Tumblr media
236 notes · View notes
livshistoria · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
106K notes · View notes
livshistoria · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Babae ako. Masarap sa pakiramdam ang tinuturing kang special ng taong mahal mo. Tititigan nya ko. Gandang ganda sya sakin. Kahit marami akong tigyawat. Kahit pango ako. Kahit mas malaki eye bags ko kesa sa mata ko. Kahit di ako nakamake-up. Sarap na sarap sya sa paghawak sa kamay ko. Kahit magaspang kamay ko. Kahit maraming guhit kamay ko. Kahit maiiksi ang daliri ko. Inaakbayan nya ko kahit maliit ako. Di sya madamot. Mahilig sya magbigay ng kung ano-ano kahit di ko hinihiling. Im my imperfection, he saw me so perfect.
Lalaki ako. Masaya ako na pagsilbihan ang prinsesa ko. Masaya ako pag tumatawa sya lalo na pag ako ang nakakapagpatawa sa kanya. Masaya ako na regaluhan sya. Di naman ako kagwapuhan. Sya maganda. Sya matalino. Pero paano ko napaibig ang prinsesang ‘to sa akin? May tigyawat sya? Meron din naman ako. Magaspang kamay nya? Mas magaspang kamay ko dahil sa trabaho ko. Eh ano naman? Panlabas na anyo lang yan. Mabait sya. Matulungin. Mapagbigay. Family oriented. At dedicated. Sino ang di matutuwa sa kanya? Fish ball lang, masaya ma sya. Ukay-ukay mo lang sya bilhan ng damit, satisfied na sya. Napaka simpleng babae Napapangiti na lang ako. Napaka swerte ko na ako nakabihag sa puso nitong prinsesa ko. She means a lot to me.
Babae ako. Lalaki ako. Mahal na mahal namin ang isa’t isa.
*Photo courtesy: http://www.wikihow.com/Have-a-Relationship-with-a-Shy-Girl
0 notes
livshistoria · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
2M notes · View notes