Text
With so many twists and turns that is happening. . . .
Setting my heart and fixing my gaze unto You gives me peace and greater joy. ♡
3 notes
·
View notes
Text
Four Hundred
Yes! After how many days, nakapunta rin ulit ako sa watsons. Iba pa rin talaga yung saya ko kapag nakakatapak sa entrance ng watsons, at napupunta sa mga skincare/make-up section nila. Napapa-heart eyes talaga ako. Pero kung ano ang ikinasaya ko sa watsons, yun din ang kinakakaba ng wallet ko. Biruin mo, itong tatlong ito lang ang nabili ko, at umabot sa Php 409.00 yung bill? Ano nangyari? Hindi ko alam kung naiiscam ako ng watsons or di ko pa rin na-ddiscipline ang sarili ko sa pagbili ng mga mga ganito. Well, bago naman ako pumunta sa cashier, nag-tatlong isip ako kung bibilhin ko talaga yung Mediheal. Pero dun lang din talaga ako hiyang, sa mga aloevera na reputable brand sa Korea. (HAHAHAHA! Kim Jiwon ka girl?) Anyways, so nung nakuha ko na itong mga ito may nakalimutan pa akong bilhin - Q-tips (Cottonbuds lang talaga yan.) Pero nanghinayang na akong bilhin kasi naisip ko na for sure, malaki-laki na bill na babayaran ko. Kaya pampa-comfort, inisip ko na lang na may stock pa naman sa bahay ng q-tips.
Sa ganitong mga bagay rin na-hhighblood ang mga financers ko tulad ni Papa at Uncles ko. Dahil masyado ako sa pag-iinvest ng mga skincare. Learnings ko rin na mas mag-invest sa skincare kesa sa make-up, and for some reasons, nung bago ako mag-start ng Internship, inaallergy yung mukha ko sa make-up like mga foundations, concealers. Kaya nag-settle muna ako sa mga skincare, para kahit walang make-up, may palag ang face.
And my dear tomatoes, share ko lang rin yung learnings ko regarding sa pag-spend ng money na kailangan.........
(Bitinin ko muna kayo. Sa next blog na iyon. Hehe.)
0 notes
Text
Pet peeve
Ito yung isa sa mga bagay na annoying sa sarili ko. Yung hindi mapakali kung naka-capitalize yung unang sentence ko, or purely small letters. Kapag small letters kasi, parang ang cute lang tingnan ng mga letters. Kapag naka-caps naman yung una, ang jumbo tingnan. So ano na? Dumating din ako sa point na, kapag naka-capital yung unang letter, parang ang daming hindi magagandang nangyayari sa akin; Kapag naka-all small letters naman, halo-halo yung mga nangyayari. So until now, hindi pa rin ako mapakali dito. Hahaha!
0 notes
Text
comeback
day x of quarantine; at napabalik-loob si littletomato sa tumblr. kaunting renovation ang naganap dahil may bangungot ang di umano’y nasa blog ko pa rin. so nilinis ko lang, at hanggang ngayon hindi pa rin ako tapos maglinis.
salamat na rin sa impluwensya ng mga amiga kong si aurevita at joyseefruit na sila yung nag-udyok sa akin (well hindi naman talaga udyok, inexaggerate ko lang ng kaunti) na magbalik sa tumblr.
kamusta kayong lahat? (lakas mangamusta ni ateng, akala mo nasa 100k yung followers) anyways, stay safe tomatoes! ♡
2 notes
·
View notes
Photo
kailangan na mag-ipon para sa concert ng 1D, next year. hahahaha
1 note
·
View note
Text
RF: Tawagin niyo na akong baliw. Pero....ang saya ko kapag dumadaan ng, Circle, sa mga Flyover lalo na dun sa Tandang Sora, at Mindanao Avenue.
1 note
·
View note