Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
“Ang Aking Paboritong Gawain”
Ang aking pinaka paboritong gawin sa buhay ko ay mag patugtog ng music kasama ang aking mga kaibigan/banda. Kasi noong grade eight ako nainspire ako sa kaklase ko na nag uukulele, simula noon napag isipan ko talaga na matuto. 2 months later bumili ako ng aking sariling ukulele at nag aral ng aking sarili. Within 5 months magaling na ako mag patugtog ng ukulele dahil naging masipag at matiyaga ako ng todo para lang gumaling.
Dahil doon mas lumaki ang interes ko sa musika, kaya nung grade nine naman ako natuto ako ng drums at gitara. Doon ko rin naisipan na bumuo ng banda kasama ang aking mga kaibigan ngunit di naman natuloy until grade 10. Nung last year ko ng junior highschool dun ako ng simula mag patugtog ng bass kung saan naging hilig ko na ito ng todo dahil sa tunog ito na pumapasok sa loob ng kahit anong puso.
Ayun ang aking istorya kung bakit naging hobby ko ang pagtugtog ng musika, dahil ito ang nag dulot ng aking kasiyahan kapag ako’y malawang magawa.
0 notes
Text
“Kita Kita”
Nanood ako ng isang pelikula noong Hulyo 2017 na nangangalang Kita Kita. Sa una masaya ang pelikula, ngunit nung pag dating ng mga ilang minuto nag karoon ng kalungkutan, Ang nang yari kasi ay may isang babae na nabulag dahil sa stress, dahil niloko siya ng fiance niya, honestly nakakarelate ako dahil ako rin naloko ng sariling minahal, pero sakanya may sumalo sakanya na isang lalaki di gaanong ka pogi, pero deep inside pogi siya all the way.
Para sa isang lalaki na nag mamahal rin, nakarelate talaga ako ng sobra kay empoy sa movie dahil nakita ko lahat ng effort niya na nailahintulad ko sa sarili ko, kasi pag ako nagmamahal gagawin ko as in lahat ng kaya ko para lang pasayahin ang buhay niya kahit ano man ang sakripisyo na kailangang gawin.
Ngunit lagi dapat natin iexpect na may masasaktan sa isang relasyon. Ang nakita ko sa pelikula nang patapos na ito, ipinakita lahat nang ginawa ng lalaki para sa taong minamahal niya kahit minsan napapabayaan na niya ang sarili niya. Ang pag ibig na ganyan ay hindi dapat pinag papalit.
Kung mahilig kayo sa mga romantiko at malacomedy na pelikula panoorin niyo ito, hindi lang dahil sa kagandahan ng pelikula pero dahil sa kagandahan ng mensahe na nais iparating nila saating manonood.
0 notes
Photo

“Ang Mga Isla (11 Islands Zamboanga)”
Noong Mayo ng 2016, nag lakbay kami gamit ng isang eroplano papuntang Zamboanga, upang mag bakasyon kasama ang aking ama dahil isa siyang sundalo at doon siya nag tratrabaho. Madaming kaming pinuntahan na mga lugar, pero ang pinaka nagustuhan ko ay ang pag punta sa mga isla na ito, na tinatawag na 11 islands.
Dito nag enjoy ako ng sobra dahil ang mga isla na mag kakatabi ay pwede mo lang lakarin, para sa isang tao na katulad ko na mahilig maglakbay kug saan saan. Ang katahimikan rin ng mga isla na ito ay isa sa mga rason kung bakit gustong gusto ko dito, ang dulot ng katahimikan na ito ay ang presyo na kinakailangan upang makapunta sa isla na ito dahil mamahalin kaya iilan lang ang nakaka punta, pero masasabi ko na hinding hindi masasayang ang bayad mo sa lugar na ito.
Isa pa na nakakamangha na katangian ng mga isla na ito ay ang mga isda na nanririto, madami kang makikita na magagandang isa, isa na dito ang tinatawag na clown fish na tinatawag rin natin na nemo :). Ang buhangin rin dito ay sobrang pino na parang powder na ang dating na masarap sa feeling pag nakalubog ang iyong mga paa. Di ko talaga makakalimutan ang lugar na ito.
1 note
·
View note