Tumgik
lastdawnqueen-blog · 6 years
Text
Blog ang Mundo: Pagsasalsal at Pakikibaka sa Internet
— IKALIMANG TALA —
Araw-araw akong gumagamit ng social media site at paborito kong application na Facebook, dito ay nagsimula akong magfollow ng kung sino sinong artista at kung sino sinong mga kilalang tao nung umpisang hindi pa ako marunong gumamit nito. Doon ka rin makakikilala ng iba't-ibang taong kapareho mo ng interest at ng pananaw sa uri ng mga bagay na pareho niyong naiintindihan. Dadami ang mga friends mo sa facebook, marami ka nang finofollow at karamihan ng finofollow mo ay finofollow rin ng iba mong friends sa facebook. Noon ay naalala kong hilig ko ang magpost ng mga makabuluhang bagay sa buhay ko na gusto kong ishare sa facebook friends ko. Maaaring magreact at magshare ng kanya kanyang opinyon ang kung sino mang makakakita nito.
Ang sistema ng facebook ay simple lang: Hierarchy System. Na kung saan kung sino ang madalas mong nakakausap ay sa kanyang post din madalas ang makikita mo sa newsfeed mo. At ang mga madalas mong nila-like o nire-react na posts ay sa kanyang posts ang madalas mong makikita.
Habang tumatagal ay nagiging toxic na ang facebook, nariyan at maraming jejemon ang may facebook na, kahit mga batang 10 taong gulang ay may facebook na. Dahil ang facebook ay walang restrictions sa gumagamit nito. Habang tumatagal ay wala na ring restrictions ang mga tao sa pinopost nila.
Ang blog ay may parehong features sa facebook bukod sa friends. Dahil ang mayroon sa blog ay mga followers (tawag sa mga taong sumusubaybay sa iyong account) at mga following (mga taong sinusubaybayan mo). Mayroon din itong comment section. Isa pa, ay hindi masyadong kilala ang blog para sa mga kabataan ngayon.
Ang mabisang komunikasyon ay amg paraan kung saan nagkakaroon ng ugnyan at bahagian ang dalawang taong nag-uusap. Hindi epektibo ang komunikasyon kung isa lamang ang nagbabahagi at hindi nagbibigay ng kahit ano komento ang isa pa.
Isa sa mgnalulungkot na bagay dito ay, hindi na alam ng tao kung hanggang saan ang kailangan niyanv ibahagi sa cyberspace. Na siya namang kabaha-bahala.
0 notes
lastdawnqueen-blog · 6 years
Text
Ang Kapangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan
— IKA-APAT NA TALA —
"Now . Downt it dat. Dat's derti, anak." ("No. Don't eat that. That's dirty, anak.")
Narinig kong sabi ng isang nanay na sinasaway ang kanyang anak. Bata pa lang ay sinasanay na tayong maging pamilyar sa ibang linggwahe upang makasabay sa ibinabatong batayan ng lipunan. Napakalaking bahagi nga naman ang ginagampanan ng linggwaheng ingles sa pang araw-araw nating buhay lalo na't tayo ay nakikipag-ugnayan o nakikipag-usap sa iba't-ibang tao at gumagawa ng interaksyon sa bawat isa.
Ang kapangyarihan ng wika na makapagpabago ay hindi malabong mangyari. Dahil sabi nga nila, "Pisikal ka na manakit, wag lang gumamit ng masasakit na salita upang makasakit." Tayo ay hinuhubog ng wika, ang bawat naririnig natin sa ibang tao ay ipino-proseso sa ating utak na nakaaapekto sa ating desisyon. Nagkakaroon ng kamalayan nag isip sa dala ng ating lipunan.
Ngunit, bakit lahat na lang ng ating gagawin ay dapat sasabihin sa wikang ingles? Dahil isa sa ating batayan ay kapag gumamit at nagamit mo sa tamang paraan ang wikang ito, matalino ka. Paano naman ang estado ng bansa? Maituturing bang maunlad ang bansa kung ito ay bihasa sa pagsasalita ng wikang Ingles kahit hindi ito ang kanilang sariling wika?
Tayo ay lumalayo na sa katotohanan na ang paggamit ng wikang ingles ay pangalawang wika lamang ng Pilipinas, ito ay mahalaga ngunit dapat na mas pahalagahan at mahalin ang sariling wika. Dito na pumapaloob ang wika ng kapangyarihan. Ang makapangyarihan ang magpapaunawa sayo na ang wikang gagamitin ay ito. Wika ng makapangyarihan, wika ng amerikano.
Sa laki ng problemang kinakaharap, haharapin mo pa ba ito? Kung sa laki ng populasyon ay magpapatinag ka, paano nalang tayo? Ang bansa? Paano KA?
0 notes
lastdawnqueen-blog · 6 years
Text
Edukasyon para sa iilan: Kung Bakit Asal-Mayaman si Pedrong Maralita
— IKATLONG TALA —
Nakasalubong ko ang isa sa mga dati kong kapitbahay at agad akong nilapitan at tinanong, "Uy, kumusta ka na?" Ngumiti siya at tiningnan ang suot kong uniporme ng aking pinapasukang paaralan. Bago pa man ako makasagot at muli niya akong tinanong, "San ka nag-aaral?" Sasagot na sana ako nang maudlot ito at nagsabing, "Private ba yan? Siguro maganda turo dyan."
May say nga naman kung sa isang pribadong paaralan ka nag-aaral. Ang kalidad ng edukasyon ay nakabatay sa uri ng paaralan at ang halagang binabayaran dito. Ang mga pasilidad ay higit na mas maayos at kumpleto sa pribadong paaralan kumpara sa luma at hindi kumpletong kagamitan at pasilidad sa pampublikong paaralan.
Bakit nais nating mag-aral pa pribadong paaralan kung hind kayang tustusan ng magulang ang pangangailangan ma kakailanganin sa eskwelahan? Aba'y iyang problema na yan ay matagal nang kinakaharap ng ating mga Pilipino ngunit dahil sila ba'y tila sanay na sa gantong sistema ay hindi nila ito nakikita. Ang taong bulag sa katotohanan ay di kailanman makakamtan ang kalayaan at kapayapaan kung hindi ito hahanapin. Kaya ang dapat na
0 notes
lastdawnqueen-blog · 6 years
Text
Edukasyong Kolonyal: Sanhi at Bunga ng Mahabang Pagkaalipin
— IKALAWANG TALA —
"Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan." - Gat Jose Rizal
Alam kong alam mo na ang katagang iyan ay parang sirang plaka na noon mo pa naririnig. Na sa loob-loob mo, ang gusto mong sabihin ay, "Sus! Kabataan pa ba hanggang ngayon ang pag-asa natin? Eh ang dami nang problema sa Pilipinas pero social media pa rin ang alam."
Isa isahin natin ang mga karaniwang problema ng kabataan sa kasalukuyan:
• Likes ng posts nila sa social media
• Maling konstruksyon ng mga salitang Ingles ng friend nilang nagpost
• ‎Mga keyboard warriors nilang kaaway
• ‎Mga kaganapang pang-puso/romantiko
Marahil ay ikaw ay 'nakaka-relate' sa mga sinabi ko. Dahil ang katotohanang problema ay: ang mga kabataan ay tila nawawala na sa landas tungo sa magandang kinabukasan at ang mga maiaambag sa lipunan ay hindi na mabibigyang pansin ng nga kabataan sa oras na ang kanilang atensyon ay nahahati na sa iba't ibang kaganapan na nangyayari sa mundo na nakukuha nila mula sa social media.
Teka, huminto at magnilay-nilay sa mga pangyayari kung saan nagsimula ang lahat. Ang pokus ay ang pagkatuto ng wikang Ingles na naging wika noon ay ngayon nang nagiging dahilan kung bakit ang mga tao ay pinupuna ang sariling kapwa kung hindi man nito maayos na maipahayag ang kanyang sariling ideya gamit ang wikang ito.
Noon:
Ang lahat ng ito ay nagsimula sa mga Amerikanong nagpanggap na kaibigan nating Pilipino. Kalaunan ay napagtanto ng ating mga ninuno na ang mga ito ay may ibang adhikain at gumamit ng dahas upang masakop tayo. Ang pagkamit ng kalayaan ay kailanma'y hindi naging madali. Pagkat ang mga Pilipino ay nasakal sa kamay ng mga kolonyalista. Napagalaman ng mga Amerikano na higit na mas mapapasunod ang mga Pilipino kung gagamitan ng lehitimong katangian ng pananakop kaya't inilunsad ang programang edukasyon na pang-Amerikano. Nagsimulang gamitin at gawing pangunahing wika ang Ingles sa pagtuturo na naglalayong maging positibo ang pagtingin ng mga Pilipino sa Amerikano gamit ang programa. Tila nabulag ang mga Pilipino at tinanggap ang lahat mg ibinibigay na 'biyaya' kuno ng mga ito. Ang paggamit ng wika ay lumago at lumawak ang saklaw dahil bukod sa iisang wikang Filipino ay naging parte pa nito ang wikang Ingles.
Ngayon:
Sa kasalukuyan, lumalaki ang problema sa mga kabataang laging pinupuna at inahahalintulad ang sariling wika sa banyagang wika. Hindi ba't mas nakakahiya na mas tinatangkilik ang ibang wika ngunit hindi naman kayang bigkasin at intindihin ang sariling wika? Ano pa ba ng silbi ng pagbabago kung ang mga tao ay hindi nakikita ang halaga nito? Minsan ay makikita mong may mga kabataang akala mo eh alam niya lahat. Tipong may masabi/magawa na hindi tama ay pupunahin at kung ano ano na ang sasabihin. Sapat nang ilagay mo iyon sa listahan ng mga dapat baguhin sa sistema ng pagiisip ng bawat kabataan at maging isang ehemplo para malutas ang problema.
Bilang panghuling pahayag:
Naniniwala ako kay Gat Jose Rizal, at talaga namang kabataan lang ang makakapagpabago sa mundong kinagagalawan ng ating mga katawan at isaalang alang ang bawat salitang binibitawan. Nagsisimula lahat sa wika. Bawat pagkakaisa ay nagsisimula sa pagintindi. Simulan mo sa sarili mo ang pagbabago at maging isang magandang ehemplo para sa mga susunod na yugto.
— 07/18 —
0 notes
lastdawnqueen-blog · 6 years
Text
Misedukasyon
- UNANG TALA -
"Maskara ng Karunungan"
Bata pa lang tayo ay naririning na natin ang tanong na, "Ano gusto mo maging paglaki mo?" Ang karaniwang tugon dito ay ang mga pangarap na trabaho o ang propesyon na nais makamit. At susundan naman ng pangaral ng mga magulang natin na, "Tama nga 'yan. Magtapos ka ng pag-aaral dahil iba pa rin ang may natapos at pinag-aralan."
Ang edukasyon o pagtuturo ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at saka ilang bagay na hindi masyadong nadadama ngunit higit na malalim: ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan. (wikipedia.org)
Edukasyon ang pinakamahalagang bagay na dapat mong isipin habang ika'y lumalaki. Dahil sabi nga ng ating mga magulang, "Ito lang ang tanging yaman na maipapamana ko sa iyo na hinding hindi mananakaw ng kung sino man." Ang bawat tao o mamamayan ay may karapatang magaral nang walang binabayaran o kapalit. Ang pampublikong sistema ng edukasyon ay dinala ng mga Amerikano upang maisakatuparan ang tiyak na pangongolonya sa ating bansa. Ang edukasyon ay isang pilit na kautusan sa lahat ng magulang na papasukin sa eskwelahan ang kanilang mga anak dahil kung hindi ay ikukulong sila. Ito ang naging dahilan ng pagtaas ng bahagdan ng mga tao na natuto bumasa at sumulat sa wikang Ingles, at ito ay naging pangunahing wika na ginamit sa panahon ng Amerikano. Minumulat tayong sa panahon na ito, ay talaga namang walang nagawa ang mga Pilipino at tinanggap na lang ang sistemang ito na siyang itinatangkilik hanggang sa panahon ngayon. Naging kolonyalisado ang atung bansa dahil magmula nang tayo ay maimpluwensyahan ng mga Amerikano, hindi na nawala satin ang mahalin ang kanilang produkto kaysa sa sariling atin.
Balik tayo sa aking punto na hindi ba't masaya nga naman at ang laking tulong ng libreng edukasyon? Sino ba naman ang ayaw sa libreng edukasyon? Wala naman hindi ba? Ngunit sa paglipas ng mga araw, tila kinailangan ng pondo ng eskwelahan para sa kanilang pasilidad at serbisyo. Ang paglago ng matrikula ay lumobo hanggang sa ang bawat estudyante ay hindi na nakayanan pang bayaran ito. Isa ito sa problema, na ang matrikula bilang basehan ng may kalidad na edukasyon ay naisaisip ng mga estudyante. Na ang mataas na matrikula ay nakakapagpabago ng lipunan dahil mas makalilikha ito ng mga propesyonal na tao kinabukasan. Ang bawat problema ay tumutukoy sa mga edukadong tao.
Ang aking mga katanungan ay:
• Ang nakapagtapos ba ng kolehiyo ay tiyak na may magandang kinabukasan?
• ‎Kung siya nga ay nakapagtapos ngunit hindi naisabuhay ang kanyang mga natutunan, siya ba ay edukado?
• ‎Bawat tao ay may kanyang kakayahan at kaalaman ngunit handa ba siyang ibahagi ito nang walang hinihinging kapalit upang masabing siya ay edukado?
• ‎Edukado ba ang tao dahil siya ay respetado at may pagmamahal sa sariling bayan?
Lahat ng aking katanungang ay iniiwan ko sa inyo upang bigyang sagot sa sarili ninyong paraan.
Bilang panghuling pahayag, ang edukasyon para sa akin ay isang maskara. Edukasyon ay kinakailangan ng implikasyon sa buhay at ang pagiging edukado ay nakadepende sa asal ng tao.
- 07/18 -
0 notes