Text
PANDEMYA: Ang Kahirapan ng OFW dulot ng COVID-19
Ang mga OFW ay tila binansagan bilang bayani dahil sa kanilang pakikipagsapalaran at pagpapagod sa ibang bansa na hindi lamang para sa kanilang pamilya kundi sa ating bansa rin. Sila'y higit na bayani na ituring dahil nagagawa nila pagsabayin ang pagtulong sa mga kapwa Pilipino habang malayo sa bayan. Sa paglipas ng panahon, napadali ang komunikasyon natin sa pamamagitan ng teknolohiya at sa gamit ng internet. Mas napabilis na ang ating komunikasyon hindi tulad dati na kailangan pa natin gumawa ng liham at ipapadala sa nais nito puntahan na darating ng halos isang linggo o higit pa bago dumating.
Pagpasok ng pandemya, maraming na stranded sa Manila dahil hindi makauwi sa kanilang probinsya at sumasailalim sa mahabang quarantine para hintayin ang resulta ng kanilang PCR tests. Sa nakikita natin na ginagawa nila na solusyon ay kundi limitahan ang byahe o naka-schedule ang pagdating upang hindi kumalat buong bansa ang virus. Sa gitna ng pandemya, marami rin na OFWs ang mga nawalan ng trabaho kaya mas maraming naghirap ngayon, may mga nabalita rin na pati sa ibang bansa ang ibang Pilipino roon ay nanlilimos dahil wala na sila ibang mapagkukunan.
Isa sa mga apektado ang akin kapatid sa mga pangyayari dahil nais niya pumunta sa Canada, matagal siya bago nakapunta dahil sa pandemya na ating nararanasan. Matagal bago na proseso ang kanyang mga papel, alam natin na matagal talaga ito bago ma aprubahan ngunit mas tumagal ngayon. Noong na aprubahan na siya ang hinihintay niya nalang ang kanyang paglipad subalit na-uurong ito palagi dahil tuwing tataas ang positibo na kaso sa COVID-19. Sa pangyayaring ito, lahat tayo ay apektado at hindi natin alam kung hanggang kailan ito. Kaya patuloy lang tayo lumaban sa buhay para sa ating kinabukasan.
1 note
·
View note