Text
Magara pero Sulit na Langit
ISINULAT NI: SEBASTIAN MARCAIDA
Mula noong 4 hanggang 5 ng Disyembre 2021, ako, kasama ng aking mga magulang ay nag-relax at nagpunta sa Grand Sierra Pines Hotel; kahit sabi lang naman ako at ang aking ina para sa isang kaganapan ng mga motorista na kasama ang aking tatay. Batay sa aking naging karanasan, talagang pinatunayan ng hotel ang salaysay na ito ang numero uno na hotel sa Baguio; kaya mukhang totoo naman na kami ay nagkaroon ng pagka-imeldific, karangyaan, at higit pa ay kasiyahan sa 5-star na prestiyosong hotel na ito; na kung saan ay presko mong mararanasan ang pagsilip sa mabundok, masimoy, at mapresko na lupain ng Baguio; at bagkus maari kang mag jogging sa labasan ng hotel tuwing umaga. Ang prestihyosong hotel na ito ay na matatagpuan sa No. 43 North Outlook Drive. Brgy. Gibraltar, Baguio City 2600; na maganda, kasi naging madali lang sa amin mamasyal sa dakong labas ng bayan dahil napakalapit ng hotel sa mga magagandang tanawin sa Baguio tulad ng the Mansion, Mines View Park, Botanical Garden, Wright Park Horse Stable Hill at ang katangi-tanging nakakatakot at nakakapagpabagabag na Laperal House sa Teachers’ Camp. Sapagkat tayo pa rin ay nasa pandemya ng COVID-19, kinailangan pa rin namin gumawa ng ng rehistrasyon sa Baguio Visita website at dumaan sa mga tsekpoint papuntang Baguio; i-tesk ng mga tauhan sa hotel sa pamamagitan ng sistema ng beripikasyon sa email at QR code. Aking inirerekomenda na pumunta sa Baguio sa pamamagitan ng sasakyan kung paputang Marcos Highway dahil uniporme ang daanan o motorbike papuntang Kennon Road dahil mag-alimpuyo at kurbada; at gamitin ang daanan papunta sa TPLEX Pozorrubio-Rosario Exit upang makadaan aliman sa Marcos Highway o sa Kennon Road kung galing sa timog o Metro Manila; na siyang aming ginawa at aabot sa mga 3-6 na oras.
Primera klase ang hotel, kaya mayroon itong kalidad na mga pasilidad na maliban sa kwarto na talagang nakakarelax, malinis (lalo na yung alpombra), magandang asotea, at technologically-equipped– kasama pa ang gym at spa (na pwede mong i-avail sa pamamagitan ng pagreserba o reservation), bar, palaruan, ihawan, nakatagong pananiman sa bakod at meetings/events place; at silid-aklatan ng hotel na aking pinuntahan at talagang nakapag-aral ako nang mahinahon para sa inaabanagan na pagsusulit o gawain sa agham pisikal. Payak ang naging handaan sa buffet pero masarap na parang a la lutong-bahay pero sosyal na klase; kaso lang ay nahihirapan akong noon mag timpla at matunaw ang asukal at krema sa kape, dahil na rin sa lamig ng klima na kung saan mabilis lumamig ang kape noong kumain ako sa buffet. Ang hotel na ito ay lubhang espesyal, lalo na sa akin na mahilig sa sining at pagpipinta na kaya na-enjoy ko ang lugar na ito; kaya lubos kong; sapagkat, may mga katangi-tangi na eksibit ng mga obra at artipakto sa ikalawang palapag, na kung saan ay matatagpuan ang Adkos Gallery; na naglalaman ng mga prestiyosong obra maestra mula kay Fernando Amorsolo, Felix Hidalgo, atbp. Isa sa mga pinaka espesyal sa galerya na ito ay masisilip mo ang obra ng mukha ni Nellie Boustead, isa sa mga naging kasintahan ni Gat José Rizal; na gawa ni Felix Hidalgo; kaya Kinailangan ko na mag-ingat lamang sa pag-libot sa galeriya dahil maliit at dikit-dikit ang espasyo ng lugar, mga obra, at mga artipakto, lalo na naglalaman ito ng mga prestihyosong kagamitan na sirain at sensitibo. Sa labas ng galerya, may mga obra pa na gawa ng mga lokal na pinto na binebenta at sa paligid ng mga kwarto ng hotel ay mga obra na habi ng mga katutubong Igorot. Sa aking pagpunta, kasama ng aking pamilya, kinailangan lang na mag-ingat tuwing gabi, lalo na sa mga taong hindi kayang maparaya ang marahas na simoy ng lamig at lubhang dilim ng Baguio tuwing gabi; kaya napakahalaga na magdala at magsuot ng makapal na damit upang mabisa ang lamig, lalo na sa tuwing sasapit ang hanging Amihan tuwing Disyembre at nag-asaran pa kami na kinayanan ko ang lamig kahit manipis ang aking naging pananamit; at kinailangan talagang gumamit ng flashlight o gamit na pang-ilaw para makapaglakbay sa labasan ng hotel. Sa biru-biruan namin, nag-akala kami kung siguro ba, mas warm-blooded ako kaya mas mainit ang aking dugo sa kabila na manipis ang aking balat, hindi kaya ba dahil lang mas komportable ako sa lamig at dahil sanay ako sa lamig, o baka dayuhan ako na tiga klimang temperate o templada (pero sa totoo naman kasi, may lahi akong Tsino at Kastila).
Sa aking naranasan sa pagpunta at o pananatili sa hotel, ipinahiwatig at ipinakita sa akin ng hotel ang mga leksyon na bigyang halaga ang kagandahan, dahil ito ay bumibigay kulay upang tayo ay mas maging sagana at kapayapaan sa buhay–na parang tila isang berdeng tsaa. Ipinakita ng lugar na nito na kaya nating Pilipino na mabahagi ang ganda, tradisyon, at kultura ng bansa; na maiihahain natin sa dayuhan kahit sa modernong setting; na sa mga tauhan nito na ipinamalas ang kultura ng pagmamalasakit, talagang masasabi ko na tayong Pilipino ay likas na magiliw at malugod. Dahil sa karanasan na iyon, (dagdagan mo pa ang pagiging prestihyoso na kalidad), naramdaman ko na parang naging prinsipe ako kahit man lang sa ilang sandali. Ang birtud na ito ay datapwat ang bigyang-halaga. Ang hotel, lalo na sa aspeto ng sining, ay nagpapahiwatig ng kahalagahan ng sining; upang mas maging makulay ang ating kulturang Pilipino at ang pagpapahalaga sa pagiging tao sa anyong Pilipino.
0 notes
Text
Alaala ng Kamusmusan
ISINULAT NI: JEAN VILLANUEVA
Kung koleksiyon ang pag-uusapan, ipinagmamalaki ko ang mga di mabilang na alaala ng aking kabataan sa lalawigan ng Camarines, isang payak na paraisong tampok ang mga makukulay na larawang nakaguhit na lamang sa aking kaisipan.
Sa Daet, hindi lamang matatagpuan ang pinakamatandang bantayog ni Gat. Jose Rizal; ito rin ang bayan ng aking mga ninuno at kung saan nakatayo ang aming “ancestral home” – isang malaparaisong tahanang napapalibutan ng malawak na “landscape”, halamanan, palaisdaan at kaparangan.
Tulad ng isang botanical garden, nakatanim dito ang mga ornamental at namumulaklak na halaman: marigold, begonia, yellow bell, anthurium, zinnia, mayanna, adelfa at sari-saring barayti ng orkidyas; ito’y may malawak na laguerta o “orchard” na katatagpuan ng mga puno ng kaimito, chesa, santol, langka, atis, guyabano, bayabas, manga, macapuno at buko.
Tuwing bakasyon, walang humpay na habulan, taguan, bahay-bahayan, pag-akyat ng puno at pamimitas ng prutas at pangangain ng mga kakanin ang pampalipas ng oras naming magpipinsan. Kaulayaw ang aking Lolo’t Lola, duon lamang ako nakakita at nakatikim ng mga sariwang gulay na halos kumumpleto sa awiting Bahay Kubo.
Hindi sulit ang bakasyon kung hindi kami dadaan sa isla ng Calaguas na may pinung-pinong buhanging mala-polboron at asul na kristal na tubig! Masaya kaming nagpapagulung-gulong sa tinatawag na Mahabang Buhanging maihahalintulad sa dalampasigan ng Boracay. Nagkukwentuhan, tawanan at kapag napagod na’y nagpapahinga sa tent o kubo habang idinuduyan ng tunog ng alon at katiwasayan ng kalikasan.
Sa unaunahan ng Hilagang Camarines ang lalawigan ng Albay, ang tahanan ng Bulkang Mayon, na kung mapalad ka ay matutunghayan mo ang halos perpektong hugis nito! Mainam na tambayan ang Lawa ng Sumlang o kung pahingahan din lang ang hanap, sa parke sa Simbahan ng Daraga habang kumakain ng sorbetes na may pleybor na sili, minatamis na pili o Bicol Express.
Hindi matutumbasan ng Facebook o Twitter o panonood ng Netflix ang masaya at makulay na kapaligirang humubog sa aking kabataan. Dahil wala na sila Lolo at Lola, bihira na kaming umuwi sa Bicol ngunit hindi kumukupas sa aking alaala ang masasayang salu-salo, huntahan, kulitan, kainan, tawanan, taguan at takbuhan sa paraiso ng aking kamusmusan. Mananatili sa aking puso ang mga larawang hitik sa mga memoryang hinding-hindi ko makalilimutan.
0 notes
Text
Pagnais sa Venice
ISINULAT NI: CHRISTIAN LACSON
Naaalala ko pa, ang una kong pagpunta sa isang lugar sa Pilipinas, na mukhang galing sa Italya na napakaganda. Ang pangalan ng lugar na ito ay Venice, isang lugar na malubha kong namimiss. Ang Venice Grand Canal Mall ay matatagpuan sa Fort Bonifacio, Taguig City ito ay kilala dahil sa kakaiba nitong arkitektura na hindi mo mahahanap sa ibang lupalok ng Pilipinas sapagkat ito ay kumukuha ng inspirasyon mula sa orihinal na Venice ng Italya. Noong pumunta ako doon ay kasama ko ang aking mga kaibigan at hindi naman talaga ito ang aming pangunahing destinasyon at napadaan lamang kami, ngunit sa ilang munting oras na paglibot ko sa lugar na iyon, nahulog na ang aking damdamin sa kagandahan at sa katahimikan nito, talagang parang pang romantiko ang vibe ng lugar.
Pumunta kami doon nung umaga kung kaya’y wala pa talagang masyadong maraming tao kung kaya’y nakapaglibot kami ng walang nanggugulo, marami rin naman ang makakainan mo doon at karamihan sa mga restawran ay italian dishes ang binebenta. Kung gusto mo ikutin ang Grand Canal ay pwede kayong sumakay sa Gondola, ito ay isang tradisyonal na bangka na nagmula sa Italya kung saan ang ang gumagaod ng bangka ay tinatawag na mga Gondoliers na kumakanta habang sila’y nasa bangka. Syempre kailangan mong tandaan na may bayad ang pagsakay dun sa mga Gondola, kung tama man ang pagkakatanda ko ang presyo ng pagsakay dito ay nasa 300-500 para sa isang ikot. Ang mga taong nakahalubilo namin doon ay mga mababait at palaging nakangiti, naalala ko pa na habang kami ay naglalakad sa may tulay ay kinakawayan kami ng mga Gondoliers at kinakamusta kami habang sila ay nakanta. Nagkaroon rin ng pagkakataon na nahulog ng isa kong kasama ang kaniyang kartera at hindi niya ito napansin ngunit hinabol siya ng isang nagbebenta.
Napakaganda ng Venice sa umaga kung saan ito ay payapa at tahimik at malalasap mo ang simoy ng hangin, ngunit maganda rin naman ito sa gabi kung saan nagdadalas-dalas ang mga tao naghahalakhakan, nagpapakasaya, at makikita mo ang iba’t-ibang kulay ng ilaw na kumikinang sa iyong mga mata! Magagandang arkitektura, magagandang tanawin, masasarap na pagkain, masaya at mababait na mga tao, ito ang Venice, isang lugar na pag inyong pinuntahan ay inyong babalik-balikan dahil ito ay inyong mamimiss. Pangarap ko na pagkatapos ng pandemic ay agad-agad akong babalik at bibisitahin mo muli ang lugar na ito, kasama ang mga importanteng tao sa buhay ko ang mga kaibigan ko.
Sana ay maranasan niyo rin ang naranasan ko, at kung hindi edi aba’y pasensya nalang po, Si Nikolas Christian Sebastian Carpio Lacson po ito, naghahatid lamang ng mga sariling pananaw ko.
Hanggang sa muli, paalam!
0 notes
Text
Saanman ay may Kaligayahan...
ISINULAT NI: HAN SANG YOON
Noong Mayo 2016 ay bumalik ako sa Korea dahil sa panahong iyon ay ang aking bakasyon at kami ay nakitira sa bahay ng aking lolo at lola na matatagpuan sa probinsya kung saan nanatili kami ng mga ilang linggo. Aaminin ko na sa panahon na iyon ay hindi ako masaya dahil sa probinsya ay wala kang magagawang mga libangan, ngunit pagkatapos ng ilang araw ay niyaya kami ng aking lolo at lola na maglakbay doon ngunit hindi ko talaga ginusto iyon dahil akala ko ay maiinip lang ako doon.
Yung lugar na pinuntahan namin ay ang Gangwon-do(강원도), isang probinsya sa tabi ng baybayin na matatagpuan sa hilagang-silangang bahagi ng South Korea. Pagkadating namin ay pumunta kami sa malapit na hotel at don kami nagbaba ng aming gamit at pagkatapos ang nilibot namin ang lugar. Una naming pinuntahan ay ang isang bundok na may pangalang Seoraksan, isa sa mga pinakamataaas na bundok sa Korea at isang UNESCO World Heritage Site. Habang ako'y naglalakad pataas ng bundok, mas lalo lang ako napagod at napagisipan kong bumalik nalang sa hotel ngunit nanatili akong malakas at ako'y nagpursigi sa paglalakad. Sa huli, naabot na rin namin ang tutok ngunit hindi na namin nakita ang tanawin dahil sa kakila-kilabot na panahon at ako'y nabigo dahil dito ngunit yung karanasan na iyon ay sulit naman at pinapagmalaki ko na hindi ako sumuko.
Sa susunod na araw, nagdesisyong kami na bisitahin ang malapit na "Buddhist temple" na may pangalang Naksansa (낙산사) na kilala bilang isa sa pinakamatandang templo na nandito sa Korea. Noong unang pagpasok ko sa templo, nagulat ako sa laki ng kalooban ng templo, hindi ko inakala na ganun yun kalaki dahil sa liit ng pasukan ng templo. Lumipas ang oras na kami'y naglalakad sa templo, kumukuha ng litrato ng mga iba't ibang dambana, eskultura, at ng dagat. Pagkatapos ng ilang oras, kami'y napagod na at nagpahinga muna, bumili kami ng pagkain at inumim habang tinatangkilik namin ang tanawin. Pagkatapos nito ay pumunta kami sa isang souvenir shop, bumili kami ng mga pulseras tapos bumalik na kami sa aming hotel. Ang aking paboritong bahagi tungkol sa lugar na ito ay yung kagandahan at kasaysayan ng mga templo at ang kamangha-manghang tanawin ng talampas.
Ito ang isa sa mga pinaka-memorable na bisita ko sa Korea, ito ay mas mahalaga pa dahil hindi ko masyadong nakikita ang aking lolo at lola. Ang huling bisita ko sa Korea ay noong 2018 pa, noon rin ang huling beses kong nakita ang aking lolo at lola, kung kaya’t lagi kong pahahalagahan ang karanasan na ito at sana ay mas makalakabay ko muli sila sa hinaharap.
0 notes
Text
Isang Piraso ng Paraiso
ISINULAT NI: ROBERT AMORES
Noong panahong wala pang pandemic, maraming pinupuntahan ang aking pamilya, isa na dito ang pagpunta naming sa San Juan, La Union. Alala ko umalis kami ng madaling araw dahil mga anim na oras ang aming biyahe papunta doon mula maynila. Sulit naman ang aming pagbiyahe ng malayo dahil pagdating na pagdating palang namin ay naramdaman na agad namin ang kasiglahan ng lugar. Unang una naming pinuntahan ay yung resort na malapit lang dalampasigan. Moderno ang itsura nito at maayos naman ang mga nasa loob ng kwarto. Masarap at sariwa ang mga pagkain dito, siguro nga dahil malapit sila sa dagat. Pagatapos ay syempre pumunta na kami sa dalampasigan na malapit sa aming resort. Matagal na rin kami hindi nakakapasok sa tubig dagat kaya nakakapresko ang pakiramdam sa dibdib noong kami’y unang nakalangoy muli sa tabing-dagat.
Ang hinihintay talaga naming aktibidad ay ang surfing. Madalas na ito ang pinagmamalaki dito sa San Juan, La Union. Syempre ay hindi ka agad-agad makakasurf, kailangan mo munang matuto ng mahahalagang mga impormasyon na kailangan mong alalahanin bago ka magsurfing. Pagatapos kong malaman ang mga impormasyon na ito ay akala ko magiging madali na para saakin, ngunit ibang iba talaga kapag ginawa mo na talaga. Pero kapag nakuha mo na ang tamang pakiramdam sa katawan, ang lahat na kailangan gawin at tandaan, ay makukuha mo na rin ang isang karanasan na hindi mo makakalimutan. Dalawang araw lang rin kami nanatili dito ngunit katumbas ng isang buwang kasiyahan ang aking napulot galing sa lakbay naming na ito. Sa pangkalahatan, ang karanasan ko doon sa La Union ay hindi ko makakalimutan. Hindi lang dahil sa mga aktibidad na mayroon dun ngunit dahil rin sa aking mga kasama sa paggawa ng mga aktibidad na iyon, ang aking pamilya.
SALAMAT, LA UNION!
0 notes
Text
Ang Aming Pagbisita sa Batangas
ISINULAT NI: LAMAR MATRO
Noong 2020, bumisita ang aking pamilya sa bahay ni Lola sa Batangas - minsan lang magkita kaya’t pinaghandaan namin. Nung gabi bago kami umalis, naghanda kami ng damit, gamitan, at kung anu-anong dadalhin sa probinsya. Nagdala kami ng 2 set ng damit sapagkat doon rin kami matutulog. Noong susunod na araw, gumising kami nang 6 ng umaga. Naligo kami at sumakay sa kotse, suot ang aming mask. Alala ko pa na bago nangyari ang pandemiya, mas pinupuntahan namin ang aming probinsya. Ang oras namin sa biyahe ay minsan dalawang oras, minsang tatlong oras. Depende na lang siya sa trapik na makikita namin. Habang papunta kami doon, kumain kami ng almusal, dahil hindi pa kami kumain bago kami umalis.
Dumating kami sa Batangas noong 10am. Pagbaba ko ng kotse, huminga ako nang malalim. Napakapresko ng hangin sa probinsya noon - ngayon naging mas moderno na ang lugar ng aming bahay, pero mas malinis pa rin ang hangin ng probinsya. Iniwan muna namin ang mga gamit namin sa bahay bago kami umalis para bisitahin ang libingan ng aking Lolo. Naglakad lang kami papunta roon, sapagkat malapit lang siya sa aming bahay. Nagsindi kami ng kandila at nagpanalangin. Pagkatapos nun, kumain kami ng tanghalian na niluto ni Lola. Napakasarap pa rin ng luto ni Lola ng suman at naaalala ko pa. Pagkatapos namin kumain, nagpalit kami ng kasuotan para pumunta sa tabing-dagat. Huminga ako ng malalim muli - napaka alat ang hangin. Pagkalipas ng ilang oras, bumalik kami sa bahay, naligo, at natulog.
Nagising kami at hinanda ang aming gamit para umalis. Nagpaalam kami kay Lola. Hindi ko pala alam na hindi ko na siya makikita. Hindi dahil siya namatay siya, kundi pumunta siya sa ibang bansa. Habang pauwi kami, dumaan kami sa Meat Plus Cafe at kumain doon. Minsan lang kami kumakain doon, kaya kinain ko na may relish. Pagkarating namin sa bahay, humilata ako sa aking kama na na-miss ko at natulog.
1 note
·
View note