Photo
0 notes
Text
"Ang Lengguwahe ng Magandang Karanasan"
Ni Ramon Francesco A. Carbon
Paglapag pa lamang ng eroplano, namangha na kaagad ako sa mga ireregalo ng Hong Kong sa aking mga mata. Hindi ako makapigil sa kakatunganga dahil nagmistulang alon ng bakal at salamin ang kisame ng main hall ng paliparan ng Hong Kong. Namangha din ako sa mga tiles ng kada istasyon ng tren, sapagkat bukod sa napakatingkad at napakasigla kung ituring ang tiling ng kada istasyon, walang magkatulad o unique ang disenyo ng lahat ng istasyon ng tren sa Hong Kong. Kinabukasan, dumako kami sa Man Mo Temple, na kung saan tanyag ang napakaraming insenso na naka-ispiral na nakasabit sa kisame. Kapaligid noong templo ang tinatawag na LKF, isang pagpapaikli ng totoong pangalan ng distrito: Lan Kwai Fong. Sa LKF makikita ang tinaguriang “art scene” ng Hong Kong, kung saan ang lahat ng pader ng mga gusali ay pinintahan at kada kanto may nagtutugtugan. Sa huling araw naming, bumisita kami sa The Peak, o ang pinakamataas na punto sa buong Hong Kong, at pagkatapos ay nag day-off na lamang kami para bumili ng mga pasalubong.
Subalit bukod sa magagandang tanawin, isa rin sa mga highlight ng bakasyon namin ay ang munting engkwentro ko kasama ang isang staff ng McDonald’s doon. Dahil kilala ang Hong Kong sa kanyang milk tea o nai cha, nagsumikap ako na sa unang araw pa lang ay makatikim na ako nito. Kaya pumunta ako sa McDonald’s upang makabili. Sa natural, nagkaroon ng language barrier sa pagitan ko at nung cashier. Subalit noong binigkas niya ang salitang nai cha nag mala-brain blast ako at nagkaintindihan na kami. Marahil mababaw lamang ito na karanasan, subalit ito din ang pinakamahalaga kong natutunan sa biyahe. Na hindi kailangan ng parehong lengguwahe upang magkaroon ng magandang karanasan, mapa magandang tanawin o milk tea man yan.
0 notes
Photo
0 notes
Text
"Lakbay sa Elyu"
Ni Theresa Mae B. Mendoza
Ang pagmamahal ko sa dagat ay natagpuan ko sa La Union. Bagamat malayo ako sa aking pamilya noon ay natagpuan ko naman ang nagsisilbing ikalawang tahanan ko sa aking buhay. Hindi ko inakalang ang lugar na ito ang magiging isa sa paborito kong puntahan at hanap-hanapin. May takot man at kaba sa una, napalitan naman ito agad ng tuwa at hinahon nang marinig ko na ang tunog at galit na naglalakihang mga tubig alon at mainit at malambot na pakiramdam ng buhangin sa aking mga paa. Marami akong nasubukan sa pananatili ko sa La Union, gaya na lamang ng surfing at ang pagsaksi sa napakagandang pagsikat at paglubog ng araw rito. Bukod riyan ay ang masasarap rin nilang putahe na matatagpuan sa iba't ibang kainan sa La Union. Mula sa kanilang orihinal at sikat na putahe mula sa bagong mga luto nila na patok sa nakararami. Mas napasarap lalo ang pananatili ko dito dahil nagkaroon din ako ng pagkakataon na makakilala ng iba't ibang tao na humubog sa aking pagkatao ngayon. Marami kang magagawa sa La Union kahit ikaw lamang mag-isa o kasama mo ang buong pamilya. Kahit ano ay mayroon kang madadalang bagong alaala at kaalaman na madadala mo sa tunay na buhay hanggang pagtanda. Maaaring maituring mo na rin itong ikalawang tahanan gaya ko na napamahal ng lubos sa La Union. Ngayon ay napagtanto ko na rin kung bakit marami ang kagaya ko na nais bumalik sa La Union. Ito ay ikalawang tahanan na rin nila gaya ko. Isang lugar kung saan napalapit ang puso ng bawat isa at tinawag itong tahanan. Tunay ngang isa itong yaman na matatagpuan lamang sa Norte.
0 notes
Photo
0 notes
Text
“Halika na sa Baler, Aurora!”
Ni Ricardo Andres T. De Lemos
Ever since I was little I was fascinated by surfers. The stories of riding waves while you basked in the sun was such an appealing sport to me. February of 2018 my family decided to go on a roadtrip to Central Luzon to live out my childhood dream of becoming a surfer. We stayed at Aliya Surf Camp Resort where we stayed for a week. Surfing was such a strange experience, getting close with the waves, not to mention I even had a fear of open water (thalassophobia). But getting into the rhythm of surfing was something that you couldn’t simply forget! It was such an exhilarating experience. Surfing instructors, which were locals, would teach you the basics, from getting on your board to standing up and eventually riding a wave. Every year since our first trip, we made going to Baler, Aurora a family thing. I was definitely not the best at surfing but the overall experience of staying beachfront and waking up to the crashing waves on the shoreline makes me miss it more. Although covid continues to get in the way of us going on with our fun activities with friends and family, surfing in Baler will always be on the list of things to do when we get back on our feet!
0 notes
Photo
0 notes
Text
"MAKATI: Ang Aking Comfort Place"
Ni Tom Edward S. Blandura
Ito yung lugar na pinaglakihan ko nung bata palang at ito ang naging mundo na aking nililibutan, ang tanging lugar na komportable akong libutan ng walang mapa. Masasabi ko na ang Makati ang aking kung tawagin sa Ingles ay “comfort place” kung sa kali man na pa minsan ay dumadayo sa mga malalayong lugar para hindi masyadong mapagod sa buhay siyudad. Nakasanayan ko na rin magkomyut sa Makati, mapa-jeep man o trycicle, makakarating sa lugar na aking gustong puntahan. Maganda ang mga komyunidad dito sa Makati. “Lively” kung aking tatawagin ang mga komyunidad dito sa Makati dahil halos kada kanto ay may mga taong nagsasaya, kumakain, at nagkekwentuhan tungkol sa buhay. Madami ka ring maaring makilalang tao na pwede mong maging kaibigan tulad na lamang ng aking naging kaibigan na kapitbahay. Madaming pwedeng madiskubreng bago sa Makati, nandun ang mga matataas na mga gusali, katabi ng mga parke na puno ng berdeng halaman, puno, at iba pa. Basta sa Makati, palaging may nangyayari.
0 notes
Photo
0 notes
Text
"My Heart in Sorsogon"
By Kyla G. De Los Santos
Located at the tip of Bicol Peninsula, Sorsogon is the southernmost province in Luzon. The province with only one landlocked town promises beach getaways as well as other nature-inclined activities. Sorsogon, like most provinces in the Philippines, has its own customs and traditions that are influenced by the nearby provinces. Many of the Sorsogon festivals and events are offshoots of Christian religious traditions and are given a local distinct variation. I chose Sorsogon simply because of the fact that I grew up in this province. I know and love every part of this underrated travel destination with all my heart and I truly think that it deserves more attention. A majority of my extended family lives in or near this province therefore making trips to our hometown happen more often, that is, of course, before the current pandemic. Some of my fondest memories of when I used to live there was when we would take almost an hour-long drive from Sorsogon city to Irosin to visit my cousins during summer vacations. We’d all plan a trip to visit a few of the nearby tourist spots, most of which were natural hot and cold springs.
1 note
·
View note