4
Sa pabago bagong timpla ng panahon
Sana huwag mo akong sukuan
Sana manatili kang nandyan
Ipaalala mo sa’kin na mayroong ikaw
Ikaw na masasandalan
At ikaw na hindi ako iiwan
6 notes
·
View notes
3
Sa gabing ito pinaintindi mo sa’kin na mahalaga pag usapan ang di pagkakaunawaan nang sa gayo’y maging malawak ang ating pagkakaintindihan. Unti unti mong tinuturo na huwag matakot magpahayag ng aking nararamdaman. ‘Hindi madali’ ang sambit mo at patuloy kang humingi ng patawad kung nasaktan ako. Nagtaka kung bakit ngiti’t pasasalamat ang tugon ko. Sumandali’y naramdaman ko nalang na lalo lang akong nahuhulog sa’yo.
0 notes
Now I wish that I could live a little safer -
0 notes
2
Mapapagod kaya ako
Kung oo, kailan
Mapaglaro masyado ang salita mo
Pinaniniwalaan ko’y walang konteksto
Masyado na ba akong nahulog
Wala lang ba lahat ng ‘to sa iyo
Ikaw nga ba nagbibigay kulay
Sa wari’y inaakala kong libro
Ngunit patuloy pa rin
Panunuyo’t pagpapapansin
Panalangin isang araw sambitin
Na ikaw na rin ay may pagtingin
0 notes
1
Maaari bang ganito nalang
Na sa pagitan ng ako at ikaw
Walang tayo na kailangan mabuo
Masaya naman tayo sa ganito
Ang pagiging tayo’y di ko napagtanto
Paumanhin kung ayoko
Susuko nang sa gayo’y walang talo
Paano nga pala susuko
Sa relasyong hindi binuo ng tayo
0 notes