Text
Madali lang malaman kung nasa tamang tropa ka. Tanungin mo lang ang sarili mo: Nakakasama ba sa ibang tao ang mga trip niyo?
0 notes
Text
Hindi mo kailangang pasayahin lahat ng tao sa paligid mo. Hindi ka naman clown.
0 notes
Text
OK lang mag-compare ng relationship mo sa iba. Mas mabuti nga kung gusto mong maging kasing saya o mas masaya pa sa kanila. Yan ang patunay na nalalaman mo na ang halaga mo. At may vision ka na kung anong tipo ng lalaki ang deserve mo. Huwag kang papayag sa latak lang.
0 notes
Text
Sa huli, malalaman mo ring pera ang sagot sa mga problema mo, hindi trulab. O mumurahing alak.
0 notes
Text
Hindi OK na may bestfriend siyang babae. Kahit pa nauna silang magkakilala. Kung hahayaan mo lang na mahati ang atensyon niya para sa ibang babae, para ka na ring buong-giliw na tumawid sa Commonwealth nang naka-blindfold. Besides, hindi mo maikakailang gusto mo rin siyang i-flying kick.
0 notes
Text
Kung trulab talaga yan, hindi siya papayag na sa turo-turo lang kayo palagi kumakain.
0 notes
Text
Kung kailangan mong mag-ingat palagi para hindi siya magalit, sana nag-alaga ka nalang ng cobra.
0 notes
Text
Bago mo sabihing deserve mong bilhin ang bag na yan, taimtim mo munang pagnilayan. Maliban sa iyo, sino pa ang magnu-noodles lang hanggang sa susunod na sahod?
0 notes
Text
Kung pagtitiisan mo lang na gumising araw-araw sa pagmumukhang yan, sana hindi siya kupal.
0 notes
Text
Akala mo mas pinapahalagahan ka ng isang lalaki dahil palagi siyang nandiyan para sa iyo. Tambay lang kasi siya kaya maraming oras. Magkasama nga kayo palagi, pero kapag nagutom, aasa lang sa free taste.
0 notes
Text
Huwag kang aabot sa point na ayaw mo na pero hindi mo siya kayang iwan dahil masasaktan siya. Hindi naman siya tuta para kaawaan.
0 notes
Text
Hindi masamang mag-isip at magplano para sa future. Hindi porket masaya ka ngayon, busog pa rin bukas.
0 notes
Text
Kung sakaling niloko ka pero nag-sorry naman sa personal, tanggapin mo nalang na marupok talaga ang mga lalaki, magpasalamat ka pa rin kung naging masaya ka naman sa kanya kahit sandali lang, at maglakad na papalayo para mag-let go. Paano mag-let go? Kapag medyo nakalayo ka na, humarap ka ulit sa kanya, at gamitin ang layo niyo bilang buwelo para i-flying kick siya sa mukha. Rinse and repeat hangga't may nararamdaman ka pang hinanakit.
0 notes
Text
Gumagana ang long distance relationship. Kung pinagpalit ka niya dahil lang hindi kayo nagkikita, mag-alaga nalang kamo siya ng aso.
0 notes
Text
Gawin mo ang isang sining para sa sarili mo at hindi para sa palakpak. Hindi mo kailangan ng validation galing sa ibang tao. Lalo na kung ang tanging talent lang nila ay manghusga.
0 notes
Text
Kung sinukuan niya ang pag-aaral, baka naman may iba siyang mas mataas na pangarap - sa taas ng truck ng basura.
0 notes