krnchinx
Untitled
9 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
krnchinx ยท 2 years ago
Text
Yoohoo, fridayy ngayonn so it means tatlo lang ang subject namin at maaga ang aming awas angas diba, as usual sa aming earth science ay di kami nag onscreen class kundi nagsend lang ng link ng papanoorin at sasagutan at sumunod na subject ay komunikasyon naman na kung saan magrereport kami at magdidiscuss si maam pero lahat naman ng groups ay nakapagreport so all goods. Last ay gen math ata or pre calculus, new lesson ang tinuro ni sir medyo di naman mahirap kung nakinig ka sa klase and kala ko di magbibigay ng assignment, yun pala meron pero 1 to 5 lang naman kaya magagawa rin natin yan at dito na nagtatapos ang aming classes sa araw na ito.
Lesson: Kahit papaano sa araw na ito natutunan ko na masaya talaga kapag friday noh, kasi alam natin na walang klase kinabukasan at magkakaroon ng pahinga tapos gagawin na yung mga dapat gawin dahil sa monday meron mga due assignment or activities.
September 16 2022 (friday)
0 notes
krnchinx ยท 2 years ago
Text
Yoohoo, feeling ko walang klase masyado ngayon kasi botohan ng SSC chempre magiging busy yung ibang subject teachers namin at yun nga di nagkamali ang hula ko after namin makapag boto which is saglit lang naman kaya natapos agad ang zoom meeting kasabay nga pala namin bumoto yung grade 10 sapphire, tapos nag antay nalang kami ng link nang susunod na on screen class at sa sobrang tagal na wala parin nagsesend ng link inaantok nako pero maya maya nag send na si sir ng link sa ict at yun nagdiscuss ng dalawang lesson, mabilis lang rin natapos yung klase at wala nang sumunod na nag discuss kasi hindi maganda ang pakiramdam ng aming adviser kaya yun ang nangyari. Malapit na pala yung summative sa ibang subject namin, kaya mag review review nanaman us parang ambilis ng araw eh parang kahapon bakasyon lang pero gusto ko muna mag chill kaya nagpahinga ako saglit bago gawin yung ibang activities.
Lesson: Kung merong free time sa ibang subject, gawin muna o unahin ang dapat gawin na activities or assignment para makapagpahinga tayo.
September 15, 2022 (thursday)
0 notes
krnchinx ยท 2 years ago
Text
Yoohoo, nalaman ko na magkakampanya pala yung dalawang partylist kaya merong isang subject ang di nakapag discuss at yun ay oral comm, sa buong pagpapakita o pagpapakilala ng mga partylist ay nagkaroon naman ng kasiyahan dahil yung ibang kakalase namin ay may posisyon na tinatakbo kaya nagtawanan nung kami na ang sunod na papasukin nila, nag discuss lang naman sa first subject namin at sa philosophy ay nagpagawa lang ng tig 10 na truth and opinion at kinulang ako ng lagay sa opinion kala ko need na ipasa di pala pwede mo pa tapusin eh wala napasa ko na. Sa precal nagpagawa si sir na hanggang today lang ang pasahan kaya nagmadali ako sa pag sagot dahil meron pang susunod na subject na kung saan may quiz rin, natapos ko na yung precal buti nalang kaso sa komunikasyon ang dami kong kulang na sagot, ang bababa ng mga quiz ko, need ko mag review on time dapat para di hapit kapag malapit na ang quiz at yun nga inabot na kami ng gabi dahil yung iba di pa pala tapos sa precal hanggang sa pinasok na kami ng ibang teachers haha nagtataka bakit di pa nauwi.
Lesson: Kung alam mo na mababa ang nakukuha mong score alam mo dapat kung ang gagawin mo para sa susunod di na bagsak ang score dahil ang goal nga nating taon ay makapasa, kaya wag kalimutan ang mga responsibilidad bilang estudyante.
September 14, 2022 (wednesday)
0 notes
krnchinx ยท 2 years ago
Text
Yoohoo, meron kaming reporting sa dalawang subject, una ay sa ict kabado kami ng ka partner ko kasi baka yung gawa namin ay mali or di namin masagot yung magiging question ni sir kaya pinagdadasal namin na di kami matawag para maayos ng unti yung gawa namin pero mukang iba ang kinalabasan, natawag kami after nung dalwa naming classmate mag report ang ganda ng project nila and na explained ng maayos, atleast may na ipresent kami at na explain naman pero nung matatapos na kami nagkaroon lang ng interruption kasi mukang may bisita and yun nga nasabi samin na parang magkakaroon ng kantahan pagdating ng december. Nung matapos na mag explain about sa event na magaganap sunod naman ay oral comm na meron rin kaming reporting at feeling ko bagsak rin ang grade namin kasi halatang natawa habang nagrereport and hindi naexplain ng ayos yung amin kaya yun wala kaming klase sa gen math, mukang busy ang teacher namin kaya di nakapag klase sa aamin, at finally pe, sobrang nakaka thrill at nakakatuwa nung nag pe kami dahil andaming naganap sa oras na yun at yung mga katawan namin hingal na hingal matapos mag exercise eh. Uuwi nanamang basa ng pawis pero syempre di ako diretso uwi nagpalamig muna sa aircon para fresh.
Lesson: Meron namang second chance na tinatawag para sa ganon magawa natin ng maayos yung dapat gawin, di talaga maiiwasan yung pakiramdam na kala mo mali yung nagawa mong reporting, assignment, or pt pero atleast nakagawa naman tayo diba at may naipasa kaysa naman sa wala.
September 13, 2022 (tuesday)
0 notes
krnchinx ยท 2 years ago
Text
Yoohoo, guess what di parin tapos uniform ko kasi nagkaproblema sa pinagtahian namin akalain mo ba naman ibang sukat ang binigay sakin kahit nagpasukat naman ako, pero may magagawa ba tayu chempre wala pero pwede na buksan ang aircon sa room namin kaya medyo nakakasaya ng pakiramdam. Today nga pala ang quiz namin sa ict medyo kinakabahan kasi baka ma black out yung utak kapag oras na nang quiz, nung tapos na kami mag check ang scored ko ay eighteen over thirty kasi nakalimutan ko yung ibang sagot pero atleast pasado naman ang score siguro. Pati rin sa gen math may quiz at dun sigurado akong bagsak makukuha kong score dahil andami kong di nasagutan napatagal ako sa pag check ng answers ko, sa precal naman sinolve ni sir yung assigned practice at ang layo ng nakuha kong sagot kumpara sa sagot ni sir hehe so after nun as usual nag discuss ng new lesson at mahaba rin ang process ng solving nya, after class naglinis na kaming mga cleaners since may cleaning materials nang nabili at umuwi na ako.
Lesson: Kung alam mo sa sarili mo na ginawa mo yung best mo dapat atleast magkaroon tayo ng tiwala na sa susunod ay mas better na yung magiging output sa kabila ng efforts mo.
September 12 2022 (monday)
0 notes
krnchinx ยท 2 years ago
Text
Yoohoo, tatlong subject lang ang idi discussed samin today ibigsabihin non maaga ang tapos ng klase namin, so pagdating ng first class medyo napa aga ang tapos ng klase ni sir dahil nagkaroon ng problema tungkol sa video na pine present niya kasi wala talaga kaming marinig kaya sinend nalang yung link para sa ganon papanoorin nalang namin. Akala ko hindi matutuloy yung sola namin ngayon sa komunikasyon kasi nalate yung pagsend ni maam ng link meeting, pero tuloy pala so ayun pinili ko nang mag present ng aking gawa para sa ganon tapos na at wala nakong aalahanin pa buti nalang unti lang mga pagkakamali kong nagawa habang nagsasalita at yung mga kaklase ko ay natapos narin kakaunti lang yung mga hindi pa nakapag present. Muntik ko na malimutan na meron pa palang next class, yung topic namin ngayon sa pre calculus medyo nagets ko, sa part lang nag pa plot ako nalilito pati na rin pala sa pag identify ng coordinates pero magegets ko rin yan kung aaralin ko ng maigi, wala kaming assignment, practice meron isa lang naman kaya all goods at dun na natapos ang last class, buti nalang di inabot ng lakas ng kulog.
Lesson: Wag natin hayaan mangingibabaw ang kaba lagi pagdating sa mga sitwasyong sa pakiramdam mo magkakamali ka kapag di mo alam ang gagawing solusyon, magkaroon tayo ng tiwala sa sarili na kaya natin toh at magagawan ng paraan.
September 9, 2022 (friday)
0 notes
krnchinx ยท 2 years ago
Text
Yoohoo, nasa bahay ako ngayon na attend ng online class since ang schedule namin ay blended sa november pa magiging fully face to face pero kahit online class busy pa rin dahil sa mga assigned schoolworks or activities na need namin magawa kasi malapit na magpa quiz ang ibang subject teachers. Sa kabila ng dami ng dapat matapos nagkaroon naman kami ng bonding magkakaklase dahil nagpa group activity si maam and yung mga naging ka groupmates ay masaya kasama kasi mahilig magpatawa, also we had our first homeroom guidance na yung ibang kaklase ko nag share ng kanilang mga naranasan sa topic namin today na kung gaano man ka simple ang nagawa sayo ng isang tao ay malaki yung pagtama sayo na kung saan parang na feel mo kahit papaano mahalaga ka sa kanya, kaya habang nagshashare sila ako naman naisip ko yung mga araw na naramdaman kong di ako hinahayaang ma left out o mapag iwanan kaya pinagpapasalamat ko na mayroong nag mamalasakit sakin.
Lesson: Ano mang pagsubok ang makaharap natin sana wag kalimutan na meron mga taong hindi natin alam ay halaga tao sa kanila, iwasan natin ang pag iisip ng negatibo sa ating mga sarili at itong mga pagsubok na ito ay nagsisilbi lamang bilang hadlang sa ating buhay
September 8, 2022 (thursday)
0 notes
krnchinx ยท 2 years ago
Text
Yoohoo, dito nagkataon na nagkasabay sabay ang mga deadline ng mga assignments buti nalang nagawan kong tapusin, maliban sa isa at sinuwerte nga naman na sa friday nalang ipapasa. Ang ibang teacher's ay nag aasign na nang date ng quiz so it means needs natin mag aral ng mabuti para sa mabuting grado rin, todayyyy pala ang eleksyon ng buong stem kaya sa ibang subject ay excused kaming mga officers, medyo nakapagpalamig sa room kung saan naganap ang eleksyon at puro tawanan habang nagvovote na, kasi yung isang grade 12 ata, di na sumuko kaka takbo sa bawat posisyon buti nalang nanalo siya nang walang kalaban at natapos narin ang pagtakbo niya sa wakas. Matapos nun bumalik na kami sa room para isagawa yung assign group activity ni ma'am na kung saan charizz yung tawag na need mo mahulaan ang i aact ng ibang group at yun nga puro tawanan na sa buong laro, mayroon nanaman akong nadiscover sa araw na itoo na kapag may candy kang fresh sa bibig mo tapos sinabayan mo nang inom ng c2 ang sarap ng lasa promise walang halong scam pero depende pa rin sayo kung magustuhan mo or hindi.
Lesson: Sa bawat araw na darating di talaga natin alam kung anong klaseng saya ang makukuha natin tulad na lamang ngayon di ko inaasahan na maraming kasiyahan ang magaganap sa isang araw na kung saan nakakalimutan natin ang pagod at problema na ating nararamdaman kaya dapat sulutin na natin.
September 7, 2022 (wednesday)
0 notes
krnchinx ยท 2 years ago
Text
Yoohoo, ngayon sa school as usual nagdiscuss ng bagong lesson ang mga subject teacher's namin, pero kinakabahan ako sa ict dahil may pa quiz si sir at yun nga di nagkamali ang aking hinala na wala ako masyadong maisasagot hehe alangan may masagot ako kung di ako nagreview, buti nalang binigyan kami ni sir ng another chance kaya dapat mag review na me ng maayos para hindi nga nga sa araw ng quiz (thank you sir sana masarap ang ulam ninyo today). Matapos ang oral communication nagpaalam ako kay ma'am na mag cr dahil ang aking muka ay tagaktak na nang pawis sa sobrang init, alam nyo ba di muna allowed i on ang aircon since need sumunod sa health protocol, so papunta na ako sa first floor kasi nandun ang alam kong cr pero nung pababa na me nagulat ako kasi may cr pala sa third floor akala ko dati cr ng mga boys yun, ganan talaga kapag di marunong tumingin o magbasa ng maayos sa paligids. Dumating na ang aming last subject which is pe, sa buong oras ng discussion di na kami natapos kakatawa dahil sa mga exercise, pero kahit papa ano naigalaw namin ang aming katawan kasi di na gaano nakaka pag ensayo kaya masarap sa pakiramdam ang mapagpawisan matapos mag ensayo.
Lesson: Wag natin kalimutan kung ano ang dapat gawin na alam naman nating makakabuti hindi lang sa atin kundi sa ibang tao tulad na lamang ng pag review ng maigi sa darating na quiz at pag eensayo para mapanatili ang malusog na katawan at ang pagbibigay attensiyon sa ating paligid.
September 6, 2022 (tuesday)
1 note ยท View note