Tumgik
kopanitika-blog · 12 years
Text
Ibong Adarna (Saknong Bilang 795-856) TALASALITAAN
Ibong Adarna (Saknong Bilang 795-856) TALASALITAAN Biyas - Paputol na bahagi ng kawayan bunto- silakbo, sidhi hapis -lungkot laon -tagal ng panahon laot- malayong bahagi ng karagatan nuno- lolo at lola pirurutong - uri ng bigas tahak -pagdaraanang landas tanto- talos batid taya-alam, tanto kayapos- kayakap kaurali- kasama palad- kapalaran
2 notes · View notes
kopanitika-blog · 12 years
Text
PANG-ABAY
PANG-ABAY Ang pang-abay ay isang bahagi ng pananalita/mga salita na nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa Ang mga Pang-abay ay nahahati sa dalawang pangkalahatang uri: A. Mga  katagang pang-abay o mga PANINGIT halimbawa: Umalis na kagabi ang bisita. Alangan naman yatang mauna pa syang kumain kesa sa mga bisita. Ipaghain mo muna si Kiko. B.Ang mga Pang-abay na binubuo ng mga salita o parirala na napapangkat sa mga sumusunod Pamanahon- ang pang-abay kapag nagsasaad ng panahong ikinaganap ng bagay o gawaing sinasabi ng pandiwa. Halimbawa: Tuwing gabi ay nagbabasa kami ng asawa ko ng Bibliya. *May pananda nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat,mula'umpisa, hanggang *Walang pananda kahapon, kanganina,ngayon,mamaya, bukas, sandali Panlunan ang pang-abay kapag nagsasaad ng lunan o pook na pinangyarihan ng kilos. Halimbawa: Itinuturo sa paaralan ang kagandahang-asal. Pamaraan ang pang-abay kapag nagsasaad ng paraan ng pagkakaganap ng kilos. Halimbawa: Maliwanag magsalita ang aming guro. Panggaano ang pang-abay na nagsasaad ng dami, sukat o timbang. Halimbawa: Hustong sumunod tayo sa mga panuntunan ng paaralan. Pang-agam ang pang-abay kapag nagsasaad ng pag-aalinlangan o di-katiyakan. Tinatawag din itong pang-abay panubali. Halimbawa: Siguro'y magbabago na siya. marahil siguro tila, baka, wari Panang-ayon ay pang-abay na nagsasaad ng pagpayag o pagsang-ayon. Halimbawa: Totoong mahirap mag-aral. oo, opo,tunay, sadya, talaga Pananggi ay pang-abay na nagsasaad ng pantanggi, di-pagtanggap o pagbabawal. Halimbawa: Hindi bumabagsak ang batang masipag. hindi, di, ayaw Pamitagan ay pang-abay na nagpapahayag ng paggalang. Halimbawa: Opo, tapos na po ang gawain ko. Pang-abay na kundisyunal- nagssaad ng kondisyon sa pagkaganap ng pandiwa Halimbawa Makakamit ang pangarap KUNG magsisikap ka. Giginhawa ang ating buhay KAPAG tayo'y magtutulungan. Pang-abay na Benepaktibo- nagsasaad ng benepisyo o kabutihan dahil sa pagkaganap ng kilos ng pandiwa Halimbawa: Magluluto ako ng  adobo bukas PARA SA aking mahal na asawa. Mag-iipon ka PARA may madukot sa kanahon ng krisis. Pang-abay  na Pangkaukulan- Ginagamitan ng mga salitang TUNGKOL, HINGGIL, UKOL atbp. Halimbawa: Mag-uusap kami TUNGKOL sa krisis ng bansa. Nagpatawag ng pulong HINGGIL sa nalalapit na pista.
0 notes
kopanitika-blog · 12 years
Text
GAMIT NG MAY at MAYROON /PAHIRIN AT PAHIRAN/GAMIT NG SUBUKIN AT SUBUKAN
GAMIT NG MAY at MAYROON 1. May- kapag ang susundan ng pangngalan (maisahan o maramihan), pandiwa , pang-uri o pang-abay/ halimbawa a. May anay sa ding ding b. Maya tumatakbo sa kalsada. c. May dalawang araw na syang hindi umuuwi 2. Mayroon - kapag  susundan ng kataga, panghalip na panao o pamatlig o pang-abay na panlulan. halimbawa a. Mayroon kaming binabalak na sayawn. b. Mayroong iyang malaking suliranin. c. Mayroon kayang mangga sa palengke ngayun? * maaring gamitin ang mayroon nang nag-iisa halimbawa: May asawa ba sya? " Mayroon" * Nagagamit din ang mayroon bilang panggalan. halimbawa: Sa aming bayan , madaling makilala kung sino ang mayroon at kung sino ang wala. GAMIT NG PAHIRIN AT PAHIRAN Pahiran- paglalagay Pahirin- pag-aalis GAMIT NG SUBUKIN AT SUBUKAN Subukan- pagtingin nang aplihim  halimbawa: Gusto kong subukan kung anong ginagawa nya. SUBUKIN- pagtikim at pagkilatis  halimbawa; Subukin mo kung gaano kataas ang lipad nyang ibon.
0 notes
kopanitika-blog · 12 years
Text
PANLAPI
MGA PANLAPI PANLAPI- Ang mga panlapi ay makikita s unahan, gitna at hulihan.. Ang mga panlapi ay mga idinadagdag sa salitang mga ugat.Ito ang morpemang ikinakabit sa salitang-ugat. 1. Unlapi: ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat. pl (panlapi) + su (salitang-ugat) mag- + ina mag-ina 2. Gitlapi: ikinakabit sa gitna ng salitang-ugat. k1 + pl + su = b + -um- + asa = bumasa b + -in- + asa = binasa   3. Hulapi: ikinakabit sa hulihan ng salitang-ugat. su + pl = aklat + -an = aklatan 4. Kabilaan - ikinakabit sa unahan at hulihan ng salitang ugat. halimbaw ka+gulo+han = kagulohan ka+tahimik+an = katahimikan 5. Laguhan - ikinakabit sa unahan, gitnaan, at hulihan ng salitang ugat. hal. pag+s+um+ikap+an = pagsumikapan mag+d+in+ugu+an = magdinuguan ------ 3 uri ng panlapi PanlapingMakangalan – ginagamit sa pagbubuo ng mga pangngalan aklatan kalaro taniman tiyahin tag-araw Panlaping Makauri – ginagamit sa pagbubuo ng mga pang-uri. maganda maka-Vilma antukin mayaman malasutla sugatan Panlaping Makadiwa – ginagamit sa pagbubuo ng mga pandiwa     * napuntahan     * naisahan     * pinuntahan
0 notes
kopanitika-blog · 12 years
Text
Reviewer (Filipino 1) Literary
KADAKILAAN : Sa tugatog ng Bundok BRIGIDO  C. BATUNGBAKAL -Kilalang kwentista at nobelistang ng henerasyong "panitikan" ang  organisasyong ng mga pinkatanyag na Tagalog na manunulat sa panahon ng Commonwealt. nag-organisa ng koleksyong "PULA ANG KULAY NG DUGO AT IBA PANG KWENTO" Ito ay nagtamo ng karangalan mula sa Commonwealt Literary Award noong 1940, at naglalaman ng pinakatampok na katha ni Batungbakal bago pumutok ang pangalawang Digmaang pandaigdig. Tauhan:  Kiko- nagbalik nayon na sundalo Simon Buhay- kaibigan ni Kiko isa ding sundalo ngunit di na nakabalik sa nayon Aling Odyang- ina ni Simon Nida- kasintahan ni Simon Talasalitaan: Mapalalong nakatindig ang tangos  ng bundok. --- mayabang Hindi magkamayaw ang hiyawan.-- di mapigilan -------------------------------------------------------------------------------------- Genoveva Edroza-Matute -doktor ng Pilosopiya sa pagtuturo -propesor at hepe ng Kagwaran ng Pilipino sa isang Kolehiyo ng Pamahalaan -"Ako'y Isang Tinig"- aklat ng mga tinipong kwento t sanaysay niG. E. Matute - nagkamit ng karangalang 'Patnubay ng Kalinangan" sa larangan ng panitikan buhat sa lungsod ng Maynila noong 1968 -Maraming ulit siyang nagkamit ng Gawad Palanca. -Pinamatnugutan nya , kasama si Onofre Pagsanghan, ang isang aklat-katipunan ng maikling kwento, "12 Katha" (1968) PAGLALAYAG ... SA PUSO NG ISANG BATA (maikling kwento- Genoveva Edroza-Matute ) TALASALITAAN nakintal- tumatak pipis- piping - pipi nagkakandirit- palukso lukso pagaril- pautal yabag- ingay ng paglakad kariktan- kagandahan Panunuring pampanitikan Sa panahon ni Palto at Longinus ay ginamit ang uri ng moralidad  sa pag-bibigay kabuluhan sa nobela at dula. Isinaalang alang ng may akda ang pag-sang ayon o di pag sang-ayon sa namamayaning moralidad s lipunanan. Sa pagtalakay sa pag dulog na moralismo ay mahalaga ang pagkakaroon ng malakas na hila ng moralismong pananaw sa pagbibigay-diiin sa layunin ng panitikang  itanghal ang kabutihan at itakwil ang kasamaan, kaisipan at damdamin ng tao. Ayon kay RUSKIN (1965)  naitataas ang ating panlasa at pagpapasya sa pagtalakay sa panitikan upang makaabot sa matapat at tumpak sa tunay na buhay. ------------------------------------- Si Benjamin M. Pascual ay ipinanganak sa Lungsod ng Laoag, Ilocos Norte. I sa siyang kuwentista at nobelista. Marami na siyang naisulat na maikling kuwento sa wikang Ilokano at nakasulat na rin ng dalawang nobela sa wikang ito. Naisalin niya sa wikang Ilokano ang Rubaiyat ni Omar Khayam. Magkasama sila ni Jose Bragado na nag-edit ng Pamulinawen, isang antolohiya ng mga tula ng 36 na makatang Ilokano. Siya ang Tagapayong Legal ng GUMIL, Metro Manila. Sya ang manunulat ng -Lalaki a Dilim - Kalupi -Babaeng Misteryosa -Landas sa Bahaghari Buod ng Isang kantero, naghalo ng semento at tumulong magpatayo ng isang ospital. Nung manganganak na ang asawa niyang si Luding, hindi sila inasikaso ng mga nars at duktor sapagkat mahirap lamang sila ni Luding. Namatay ang bata nung nabagok ang ulo nito sa sementong sahig ng lobi ng ospital. Pinagtangkaang sunugin ng kantero ang ospital. Siya ay nahuli at nabilanggo. Pakiramdam niya’y matagal na siyang kinalimutan ng Diyos.
0 notes
kopanitika-blog · 12 years
Text
PAGLALAYAG sa PUSO ng ISANG BATA
PAGLALAYAG sa PUSO ng ISANG BATA ni Genoveva Edroza-Matute Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak. Ito ay kung nakaligtas siya sa nakaraang digmaan… nguni't ayaw kong isiping baka hindi. Sa akin, siya'y hindi magiging isang binatang di-kilala, isang ama, o isang alaala kaya ng Bataan. Sa akin, siya'y mananatiling isang batang lalaking may-kaliitan, may kaitiman, at may walong taong gulang. Pagkaraan ng daan-daaang tinuruan, mga sumipot, nanatiling saglit, at lumisan pagkatapos, pagkaraan ng mga taong ang ila'y nagdumali, ang ila'y nagmabagal at ang ila'y nakintal sa gunita, buhay na buhay pa sa aking isipan ang kanyang mukha at ang kanyang pangalan. Nguni't ang buhay sa lahat ay ang isang bagay na itinuro niya sa akin isang araw nang siya ang aking maging guro at ako ang kanyang tinuturuan. Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin siya sa pinakapangit. Ang bilog at pipis niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at tignan lamang iyo'y mahahabag na sa kanya ang tumitingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang kakatuwang "punto" na nagpapakilalalng siya'y taga ibang pook. Ngunit may isang bagay na kaibig-ibig sa munti't pangit na batang ito, kahit sa simula pa lamang. Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit na hindi siya hilingan ng gayon. Tumutulong siya sa mga tagalinis at siya ang pinakamasipag sa lahat. Siya rin ang pinakahuling umaalis: naglilibot muna sa buong silid upang pulutin ang mga naiiwang panlinis. Lihim ko siyang pinagmamasdan habang inaayos niya ang mga ito sa lalagyan, ipinipinid, at pagkatapos ay magtutungo sa likod ng bawat hanay ng upuan upang tingnan kung tuwid ang bawat isa. At sa pintuan, lagi siyang lumilingon sa pagsasabi ng "Goodbye, Teacher!" Sa Simula, pinagtakhan ko ang kanyang pagiging mahihiyain. Nakikita ko siyang gumagawa nang tahimik at nag-iisa - umiiwas sa iba. Maminsan-minsa'y nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin upang bawiin lamang ang kanyang paningin. Haba ko siyang tinatanaw tuwing hapon, pinakahuli sa kanyang mga kasamahan, ay naiisip kong alam na alam niya ang kanyang kapangitan, ang katutuwang paraan ng kanyang pagsasalita. Unti-unti kong napagdugtong-dugtong ang mga katotohanna tungkol sa kanyang buhay. Payak ang mga katotohanan: siya'y isang munting ulilang galing sa lalawigan, lumuwas sa malaking lungsod bilang utusan. At kalahating araw siyang pumapasok sa paaralan upang may makasama sa pagpasok at pag-uwi ang ank ng kanyang panginoon. Nadama ko ang kakaibang kalungkutan: Nais kong makita siyang nakikipaghabulan sa mga kapwa-bata, umaakyat sa mga pook na ipinagbabawal, napapasuot sa kaguluhang bahagi ng buhay ng bawat bata. Kahit na hindi siya marunong, maging kanya lamang sana ang halakhak at kaligayahan ng buhay-bata. Tinawag ko siya nang madalas sa klase. Pinagawa ko siya ng marami't mumunting bagay para sa akin. Pinakuha ko sa kanya ang mga tsinelas ko sa pinakahuling upuan sa silid. Naging ugali niya ang pagkuha sa mga iyon, ang paghihiwalay sa mga iyon upang itapat sa aking paa. Ang pagbili ng aking minindal sa katapat na tindahan, hanggang sa hindi ko na kailangang sabihin sa kanya kung ano ang bibilhin - alam na niya kung alin ang ibig ko, kung alin ang hindi ko totoong ibig. Isang tahimik na pakikipagkaibigan ang nag-ugnay sa munti't pangit na batang ito at sa akin. Sa tuwi akong mangangailangan ng ano man, naroon na siya agad. Sa tuwing may mga bagay na gagawin, naroon na siya upang gumawa. At unti-unti kong nadamang siya'y lumiligaya - sa paggawa ng maliliit na bagay para sa akin, sa pagkaalam na may pagmamalasakit ako sa kanya at may pagtingin sa kanya. Nahuhuli ko na siyang nagpapadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan hanggang sa magkanghihiga sa likuran ng silid. Nakikita ko na siyang nakikipaghabulan, umaakyat sa mga pook na ipinagbabawal. Nagkakandirit hanggang sa tindahang bilihan ng aking minindal. At minsan o makalawa ko siyang nahuling nagpapalipat-lipat sa pagtapak sa mga upuan. At kung ang lahat ay wala na, kinakausap ko siya at sumasagot siya nang pagaril sa Tagalog. At sa mga ganoong pagkakatao'y nagmumukha siyang maligaya at ang kanyang, "Goodbye, Teacher," sa may-pintuan ay tumataginting. Sa mga ganoong pagkakatao'y naiiwan sa akin ang katiyakang siya'y hindi na totoong napag-iisa at hindi na totoong nalulumbay. Isang mabagal na paraan ang pag-akit na iyon sa kanya at ang pagtiyak na siya'y mahalaga at sa kanya'y may nagmamahal. Napasuot na siya sa mga kaguluhang bahagi ng buhay ng bawa't bata. Nanukso na siya sa mga batang babae. Lalo siyang naging malapit sa akin. Lalo siyang naging maalala at mapagmahal. Maligaya na siya. Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko sa mga taong nagdaa'y naamin ko sa sariling ang lahat ng iyo'y aking kasalanan. Mainit noon ang aking ulo, umagang-umaga pa. At ang hindi ko dapat gawin ay aking gingawa - napatangay ako sa bugso ng damdamin. Hindi ko na magunita ngayon kung ano ang ginawa ng batang iyon na aking ikinagalit. Ang nagugunita ko lamang ngayon ay ang matindi kong galit sa kanya, ang pagsasalita ko sa kanyang ipinanaliit niya sa kanyang upuan. Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa, ang kanyang kalumbayan, ang mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak sa kanyang siya'y mahalaga at minamahal. Nang hapong iyo'y hindi siya nagpadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan. Ngunit siya'y nagtungo sa huling upuan upang kunin ang aking tsinelas, upang paghiwalayin ang mga iyon at itapat sa aking mga paa. Nagtungo siya sa tindahang katapat upang bilhin ang aking minidal at nagpaiwan siya upang likumin ang mga kagamitan sa paglilinis at upang ayusin ang mga iyon sa lalagyan sa sulok. Pinagpantay-pantay rin niya ang mga upuan sa bawat hanay, gaya ng kanyang kinamihasnan. Ngunit hindi siya tumingin sa akin minsan man lamang nang hapong iyon. Naisip ko: napopoot siya sa akin. Sa munti niyang puso'y kinapopootan niya ako ng pagkapoot na kasintibay ng pagmamahal na iniukol niya sa akin nitong mga huling buwan. Ang isa mang batang namulat sa pag-iisa at sa kalumbayan ng pag-iisat kawalan ng pagmamahal ay makaaalam din sa kawalan ng katarungan. Ngayo'y paalis na siya, ang naisip ko, nang may kapaitan sa puso. Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na tila may binubuong kapasiyahan sa kanyang loob. Nagtungo siya sa pintuan at ang kanyang mga yabag ay mabibigat na tila sa isang matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon lamang siya hindi lumingon upang magsabi ng, "Goodbye, Teacher." Lumabas siya nang tahimik at ang kanyang mabibigat na yabag ay lumayo nang lumayo. Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito ang itinanong ko nang paulit-ulit sa aking sarili. Napopoot siya sa akin. At ito'y sinabi ko rin nang paulit-ulit sa aking sarili. Bukas…. Marahil, kung pagpipilitan ko bukas… Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata'y nakita ko sa pintuan. Ang mga mata niyang nakipagsalubungan sa aki'y may nagugulumihanang tingin. "Goodbye, Teacher," ang sabi niya. Pagkatapos ay umalis na siya. Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin. Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo, ay hindi ko na magunita ngayon. Ang tangi kong nagugunita'y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon, sa nakatitinag na kariktan ng kanyang kaluluwa. Nang sandaling yaon, siya ang aking naging guro.
3 notes · View notes