Tumgik
ken-wallflower · 2 years
Text
11.25.22 May nagtag sakin na friend ko netong tungkol sa ball inside the box. Nakakalungkot na nakakarelate yung explanation tungkol dito. At sigurado ako. Sa mga susunod na mga araw. Madalas na malaki yung ball sa box ko. Lalo na at kinikimkim ko lang lahat ng nararamdaman ko na nakasanayan ko na. So, uni, asahan mo na ang occasional kong pag breakdown.
"The ball is big today."
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
8 notes · View notes
ken-wallflower · 2 years
Text
11.24.22 Kahapon pagdating namin galing simenteryo. Malinis na yung bahay., Sabi kasi sa pamahiin pagkalabas na pagkalabas ng kabaong maglilinis agad ng pinaglamayan. Dapat daw walang kahit anong maiiwan. Nagkukwentuhan lang kami sa sala. At naisipan namin mag karaoke para kantahin ang mga piyesa ni tatay pag nagkakantahan. Kaso. Hindi namin makita yung songbook kahit anong halughog namin sa buong bahay., Wala. Umakyat ba lang kami sa mga kwarto namin para magpahinga. Bandang hatinggabi nang mag chat si Kathleen samin ni Yna. Gising pa kasi kami talaga. Nag aaya bumaba at kakain daw. Bumaba naman kaming tatlo at nanood na lang ng movie habang kumakain. Mga alas dos na rin kami natapos.
Kaninang umaga nagising na lang ako nagkakantahanan na sila. Nahanap na nila yung songbook. Kung san nila hinahanap don lang din nila nakita. Magic? Ayun. Ang aga aga namin nagkakantahan kahit wala pang almusal. Kinanta namin yung mga paborito ni tatay. Ako, first time ko kumanta na naka mic at sa harap nila. Tears in Heaven ang kinanta ko. Kinanta din namin yung Through the Years at The Search is Over. Naiyak si nanay habang papalabas ng pinto. Mamamalengke kasi sya kasama yung mga pamangkin ko. Niloloko lang namin sya. Pero ang totoo masakit makita si nanay na umiiyak at nasasaktan.
Pasiyam din pala ngayon ni tatay. Bale may padasal ulit sa bahay namin at may kainan. Andaming pagkain at andami ring pumunta.
0 notes
ken-wallflower · 2 years
Text
11.23.22
Eto na yung araw na ililibing na namin si tatay. Alam mo universe, hindi pa rin ako makapaniwala. Nagising ako kaninang umaga na parang nananaginip pa rin. Nakatulala lang ako sa kisame ng kwarto ko. Totoo ba talaga? Hindi nagsisinkin sakin. Kumain ako ng breakfast bandang 11am. Tapos naligo na ko. 1pm kasi ibababa si tatay tapos 2pm yung misa sa simbahan at 3pm yung sa simenteryo.
May pinaprint din kaming mga tshirt na susuotin namin ngayon. Bago pa dumating yung mga tao. Nagpapicture na kaming buong pamilya kasama si tatay for the last time. Maya-maya dumating na rin yung funeral service para simulan isakay si tatay sa karo. Medyo nagkakaproblema pa nang hindi nila maisara yung kabaong. May problema sa screw. Niluwagan pa nila bago maisara. Si nanay, iyak nang iyak habang isinasara ang kabaong. Nasa likod nya lang ako at si Mavie, hinihimas ang likod nya. Naiiyak ako pero pinipigilan ko. Ang sakit sa lalamunan.
Nagsimula na kaming maglakad. Nasa likod kami ng karo. Katabi ko si nanay sa kaliwa nya. Sa kanan nya si Yna. Tapos sa likod namin si Mavie at si Kathleen. Tapos mga kamag-anak at mga kaibigan namin. Pinapayungan na nakaakbay at nakaalalay lang ako kay nanay habang naglalakad. Baka mahimatay sya sa kakaiyak.
Hindi pa kami nakakalayo sa baranggay namin may nangyare na. Biglang sumabog yung hulihang gulong ng karo. Na-flat. Natigil pa kami sa gitna ng kalsada para maghintay na mapalitan ang gulong.
Nakaalalay pa rin ako kay nanay habang nag lalakad. Tapos nung malapit na kaming lumiko para makarating ng simbahan. Bigla naman syang pinulikat. Natigil na naman kami sa paglalakad. Buti yung pinsan namin ay nasa may likod lang namin at may dalang tricycle. Isinakay namin si nanay doon. Dahil di na nya kaya maglakad at medyo malayo pa rin.
Nung nasa simbahan na kami. Hindi ko na maintindihan yung misa ng pari. Tumatakbo lang sa isip ko yung memories namin ni tatay. Yung mga nakakatawa. Yung mga away namin. Yung masasaya. Pinipigilan kong umiyak. Ansakit sa lalamunan. Iniisip ko lang na sana dalawin ako ni tatay. Sana magpakita sya sakin. Magparamdam. Hindi ako tumitingin sa mga tao sa paligid ko. Umiiyak kasi sila. Di ko kayang makita. Baka di ko na mapigilan at umiyak na rin ako.
Pinatayo na kami ng pari sa harap ng kabaong para sa huling silip at para mag basbas ng holy water. Habang nagsasalita yung isa sa mga kapatid ni tatay. Pinapanood na lang namin si tatay. Tinititigan. Hinihimas ang salamin ng kabaong nya na parang mukha nya yung hawak namin. Nawala na yung ngiti nya. Di tulad noong mga unang araw ng lamay na nakangit at maaliwas pa. Ngayon, wala na . Siguro pareho namin sya, na nalulungkot dahil ito na talaga yung huling beses na makikita namin sya. Nawala na yung sakit sa lalamunan ko. Di ko na napigilan. Pumapatak na rin ang luha. Lumipat sa dibdib ko yung sakit.
Ito na talaga yon.
Totoo na na wala na si tatay.
Naglakad na ulit kami mula simbahan papunta ng simenteryo. Ok na si nanay. Nakakalakad na ulit. Nung nasa simenteryo na kami. andaming tao. Sinisilip lang namin si tatay. Bago isara ulit yung kabaong at bago ilagak sa hukay. Naupo ako sa upuan dahil nanghihina na yung tuhod ko. Hindi ako makausap nang maayos nung ibang nakikipaglibing. Lalo lang akong naiiyak.
Meron kaming tigigisang white rose. Na ihahagis namin sa ibabaw ni tatay bago sya tabunan ng lupa. Ako yung kaunahang naabutan ng rose dahil nakaupo ako malapit sa dulo. Nung pag abot sakin may nahulog na isang petal at isang dahon. Pinulot ko at nilagay sa bulsa. Iipit ko sa libro kasama nung rose na kinuha ko sa halaman ni tatay. Ilagay ko sa frame pag natuyo na.
"Tatay…" mahina kong binubulong nong ihagis ko yung rose na puti at habang unti-unti nang tinatabunan ng lupa yung kabaong nya.
Wala na talaga si tatay.
Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
ken-wallflower · 2 years
Text
11.22.22
Birthday ko ngayon. 30 na ko.
Months ago, I have this plan na mag leave ako ng isang buong linggo. Nov21-25. Tapos eenjoyin ko lang magpahinga at mamasyal all by myself. Maglilinis ako ng closet, idodonate ko yung mga damit kong hindi ko na ginagamit. Magdodonate ako ng dugo sa Dubai Blood Bank. Mamamasyal ako sa mga tourist spots dito sa Dubai na hindi ko pa napupuntahan. Manonood ng play. Ng sine. Pupunta ng zoo. Sa exhibit. Sa theme park. May plano rin ako na magswitch off ng socmed at mag airplane mode ng cellphone sa mismong araw ng birthday ko. Tulad ng ginagawa ko dati sa mga nakaraang birthday ko. Yung disconnection talaga sa mundo yung regalo ko sa sarili ko. Disconnect to the world and connect within yourself. Tapos magpapatattoo at papa-piercing ako.
Pero syempre di ko na magagawa ang lahat ng yan ngayon. Itutuloy ko pa rin yang mga yan. Sa ibang araw na siguro.
Nag-inuman lang kami ng mga kaibigan ko kagabi hanggang mag 5 am.
Madaling araw na ko natulog pero maaga pa rin ako nagising. Naupo lang ako sa tabi ng kabaong at kinakausap si tatay sa isip ko. Last day na rin kasi ng lamay nya ngayon. Opo. Huling araw ng lamay nya, birthday ko. Bukas ililibing na namin si tatay.
Tumambay naman ako sa terrace namin at pinagmamasdan ang mga halaman ni tatay. Andami nyang halaman. Sa kanya ko namana yung pagkamahilig sa paghahalaman. Pumitas ako ng dalawang bulaklak ng rose at inipit ko sa libro ko. Birthday gift mo na sakin to tatay. Salamat.
Nung gabi. Andaming pagkain. Mga inorder at pinaluto ni Mavie at ni Kathleen. Well, last night na ng lamay tapos birthday ko pa daw. Nagpalaro din nga bingo tapos may premyo na mga basket ng groceries. Meron ding alak at chocolates. Tapos nagplay din kami sa projector ng slideshow ng mga pictures ni tatay.
Anlakas pa rin ng ulan.
Pero dahil last night na nga andami ring nagpuntahan na mga bisita. Yung ibang mga kaibigan nila nanay at tatay. Binabati din ako na happy birthday. Di sila makapaniwala na 30 na ko, para kasi daw nung huli nila akong makita eh literal na bata pa ko. Muka pa rin daw akong walang alam sa buhay. Well, totoo din naman.
Pinahiram din pala ni Aleli yung videoke nila. Regalo na rin daw nya sa birthday ko. Naisipan rin kasi namin na magpa videoke ngayong last night ng lamay tapos puro mga paborito ni tatay ang kakantahin namin. Hey Jude. Wonderful Tonight. The Search is Over. Skyline Pigeon. Madami pa. Natapos yung bingo at yung laro ng baraha at lumipat kami sa loob kasama sila Sarah. Archie. Mavz. Camille. Imon at Nanay. Sa harap ni tatay. Don kami naginuman at nag kwentuhan hanggang almost 5am. Kwentuhan lang at reminisce lang ng mga kalokohan namin nung mga bata pa kami.
Masaya kahit papano.
birthday boy, Kenn
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
ken-wallflower · 2 years
Text
11.21.22
Papalapit na papalapit na yung libing. Nakakalungkot.
Uni, nabuo kaming apat na magkakapatid na nagbabantay ngayon kay tatay. Madalas kaming palitan ng shift ng pagbabantay. Ang galing lang na buo kami ngayon. Kaya naman nag selfie ako.
May dalawang maliit na tutubi na nakadapo sa bulaklak na nakapatong sa kabaong. May ibang kaluluwa daw sa paligid na nakikibantay kay tatay. Baka daw ai inana at amama. Nanay at tatay ni tatay. Sinearch kasi ni kathleen kung anong ibig sabihin pag may biglang may ganong insekto na sumusulpot sa paligid. May spirits daw na nagbabantay satin pag may nakita tayong ganon. Sabi ko naman. May nabasa nga rin ako dati na ganon. Atsaka pag may biglang balahibo ng ibon kahit na wala namang ibon sa paligid o kaya may nakitang paulit-ulit na number randomly., It's either may spirit nga sa paligid. Or yung mismong quardian angel na nagbabantay o kaya may binibigay na signs ang universe. Ganitong mga bagay na sinasabi natin sa sarili natin at pinapaniwalaan para makahanap tayo ng comfort sa mga random na bagay.
Nagpamisa din pala sa bahay. Yung kamag-anak namin na pari ang nag misa.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
ken-wallflower · 2 years
Text
11.20.22
Nagpunta kami sa Jollibee para umorder ng pagkain na ipapamigay namin sa mga makikipaglibing sa 23. Chickenjoy at burger kasi lagi ang request ni tatay tuwing lalabas sya ng ospital pag naconfine sya. Favorite nya yan. Di namin alam kung ilan lahat ang makikipaglibing pero tig-150 pcs ng 1pc chicken at burger na yung inorder namin. Para may pasobra. Si Kathleen ang nagbayad.
Nangolekta din pala kami ng mga pictures ni tatay na ipapalagay namin sa slide show na ipapalabas sa projector sa last night ng lamay.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
3 notes · View notes
ken-wallflower · 2 years
Text
11.19.22
Nagugulat naman ako sa mga pinapadalang pera ng mga taga Dubai sa bank account ko. Kahit yung iba hindi ko naman kilala. Sobrang thankful naman. At makakarating yun ng buong-buo sa nanay ko. Almost 12,000 pesos din yun ah.
Salamat po.
0 notes
ken-wallflower · 2 years
Text
11.18.22
Dear Universe,
Ang lakas ng ulan. Halos maya't-maya umuulan. Wala namang bagyo o kung ano man. Kaya medyo konti rin ang nakikiramay dahil sa panahon. Tapos ang sabi pa bawal na ang mga sugal kahit na may burol pa. May nanghuhuli daw na parak. Somehow, hindi ganon kabigat sa pakiramdam page tinitingnan namin si tatay. Maaliwalas kasi ang mukha nya na parang nakangiti pa.
May mga nangchachat sakin na dating mga kaklase atsaka dating mga katrabaho na gusto bumisita. Naturally tamad ako tumanggap ng bisita. But then makikiramay lang naman sila. Kaya sige lang. Kung pumunta maaappreciate naman namin. Kung hindi. Ok lang naman din.
Nakakatuwa lang rin na makarinig ng magagandang kwento ng mga kamaganak namin atsaka mga kaibigan ni tatay ng mga experience nila na memorable para sa kanila. Halos gabi-gabi rin dumadalaw ang family ni Jelden samin. Medyo naging close din kasi sila kay tatay bilang si tatay ang kinuha nila as electrical engineer ng pinapagawang bahay ni Jelden. Nung unang gabi nga daw na dumalaw yung mama ni Jelden eh grabe yung iyak nya. Kwento ni nanay. Nagbibiruan pa sila nung mga kumare nya na sya daw yung kabit.
Sila Aleli, Sarah, MJ, Wheyan lang ang madalas na bumibisita at sinasamahan ako magbantay sa lamay hanggang 5am. Kumakain. Nagiinuman. At nagkukwentuhan. Namiss ko sila. Nagpaalam pala kami sa kapitbahay naming pulis na magpapasugal kami para mag stay nang matagal ang mga nakikiramay. Pumayag naman sila basta daw di ganon kalaking sugalan. Tinuruan ko sila Yna, yung boyfriend nya, si Mavz, at yung besfriend ni Yna na maglaro ng in-between. Piso-piso lang tayaan. Masaya naman kasi nakakatawa pag may natatalo at minamalas.
Uni, naappreciate ko naman yung mga nangangamusta sakin. Obviously naman na hindi, pero sinasabi ko na oo. Ok lang ako. Pero sasagutin nila ako na. Hindi. Hindi ka okay. Ilabas mo lang yan. Parang... Ha??? Alam mo pala na hindi ako ok. Bat nagtanong ka pa? Parang nakakairita lang yung ok naman ako pero ending magmamarunong pa sila sa nararamdaman ko? Actually, hindi nakakatulong. Kaya tinamad na ko magreply sa mga ganong nangangamusta. Sorry po.
-Kenn
0 notes
ken-wallflower · 2 years
Text
11.17.22
Smooth naman ang byahe ko. Wala kasi akong katabi. Inupgrade ko kasi noon yung seat ko to premium. Bale yung nasa bandang unahan. 4J. Window seat. At dahil bakante yung isang hilera ng upuan ko, hinigaan ko yung mga upuan at natulog lang buong byahe. Gigising lang ako pag kakain na. Gusto ko yung beef adobo. Yung chicken shawarma hindi masarap. Umorder lang naman talaga ako ng pagkain dahil may sumobra sa travel fund ko. Sayang kasi mae-expire lang.
Dumating yung eroplano sa Manila on time. At pagkakuha ko ng bagahe ko diretso na ko sa hotel na binook ni Kathleen. Walking distance lang naman sya from airport pero dahil tanghaling tapat at mainit. Grabe yung pawis ko pagdating don. Nagcheck in. Tapos naligo. Nakatulog ulit ako.Gusto makipagkita ni Kaycee. Dahil malapit lang naman yung work nya don sa hotel. Pupuntahan daw nya ko don at sasamahan gang dumating ang mga kapatid ko. Magdinner din daw kami. Nahihiya ako um-oo pero nahihiya rin ako tumanggi. Bandang 7pm sya pumunta sa hotel may dalang pastries galing sa Marriott. Ang sarap tapos lumabas kami at kumain ng samgyup. Andami ko ring nakain. Andami rin naming napagkwentuhan. Marami din yung mga sikreto nyang shinare. Wala pala akong dalang cash antanga ko. Nilibre nya tuloy ako. Tapos nag korean ice cream kami at tumambay ulit sa hotel. Mga past 10pm. Umuwi na sya. May pasok pa rin sya kinabukasan eh.
Maya-maya dumating narin sila Kathleen at bumyahe na kami pauwi ng Tayabas.2:30am nakarating kami ng bahay. Niyakap ko lang si nanay habang sinisilip naming lahat si tatay sa kabaong nya. Pagakyat namin para pumunta sa kwarto, may malaking tutubi sa may hagdan. Ang comforting lang isipin na si tatay yun na sinasalubong ang pag uwi namin. Naupo lang kami sa harap ng kabaong. Nagbabantay habang nagkukwentuhan. At nakatulog rin ako bandang 4am.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
2 notes · View notes
ken-wallflower · 2 years
Text
11.16.22
Universe, totoo ba yung mga nangyare kagabi? Kaninang madaling araw? Hindi pa rin ako makapaniwala.
Ang ironic lang kasi kagabi. Pinaalam na samin ni Kathleen na buntis na ulit sya at ang due nya, July 7, 2023. Birthday ni tatay. Nag send sya ng screenshot. Ilang oras lang pagkatapos non, nawala na si tatay
I woke up still alone sa apartment kaya naiyak pa rin ako pagkagising ko. Pero kelangan kong gumising ng maaga at tapusin ang pageempake. Kelangan ko pa rin pumunta ng grocery para bilhin ang mga kelangan kong dalhin. Para na rin mapuno ang laman ng maleta ko. Nakaiyak naman ako sa bahay pero habang sakay ng train papunta sa bibilhan ko ng gamit, nagbreakdow pa rin ako. Buti walang nakapansin. Kahit andaming pasahero. Nung nasa grocery na ko at binabaybay ang bawat aisle, nag breakdown ulit ako. Masakit talaga eh. Pakiramdam kong nadaya mo ko, universe.
Bumili lang ako ng mga candies, karak tea, pasta. Bilin rin ng kapatid ko. At natapos rin ako mag empake. Kinain ko lang yung tirang burger na dala sakin ni Jelden. At bumyahe na ko papunta ng airport bandang 6pm. 11pm flight ko. Bukas ng 12noon ang dating ko ng Manila.
Eto na sana yung pinakamalungkot na paguwi ko samin.
-Kenn
0 notes
ken-wallflower · 2 years
Text
11.15.22
Birthday ni Lia. Yung pangalawa kong pamangkin.
Unconscious pa rin si tatay.
Last day ko ngayon sa office. Bukas flight ko na. Di pa rin makatrabaho. At nag aasikaso ng requirements. Grabeng pangungulit ang ginagawa ko sa HR. Sorry na po.
Wala pa pala ako pinagsasabihan na pauwi ako ng Pinas bukas. Walang nakakaalam. Yung mga amo ko lang sa office. Kahit si Jelden di ko pa sinabihan. Sobrang busy nila sa office eh., may event kasi sila bukas. Launching ng kanilang tallest residencial building sa buong mundo. Nung Saturday pa nga sya wala at naka-checkin sila sa hotel. So mula sabado wala na kong kasama sa bahay. Ako pa nga nag asikaso ng mga kakailanganin nyang ipa-alter na damit para sa event. Kaya di ko na rin sya inabala pa. Di rin kasi ako makapaniwala. Di pa nag sink in sakin na mawawalan na ko ng tatay. Naniniwala ako na malalampasan rin nya to tulad ng unang apat na beses na ma-ICU sya.
Wala rin ako makausap.
Nung hapon nagpaalam na rin ako sa mga kaibigan ko dito sa Dubai at kay Jelden na uuwi muna ako ng Pinas. Baka di ko na maabutan ang tatay ko. Naiiyak ako sa mga reply nila. Iba pala pag may nakakausap ka tungkol sa sitwasyon or sa mga dinadala mo. Bigla din akong tinawagan ni Jelden nung mabasa nya message ko. Naiyak pa ko. Akala ko naiiyak ko na lahat kagabi habang nag-eempake eh.
Ang sakit.
Medyo nagstay pa ko ng hanggang 630pm sa office para antayin yung mga letters na nirequest ko sa HR. Sa pinas na ko mag asikaso ng ibang documents. Di na sya aabot eh. Luwas na lang ako ng maynila isang araw.
Dumaan muna ako ng mall para bumili ng mga kakailanganin ko paguwi. Paguwi ko ng bahay. Nageempake na ulit ako at nagtitimbang ng maleta. Biglang nagbi-videocall si nanay sa group namin. Yun na yung kinakatakot namin. Nagcardiac arrest na ulit si tatay at nagpa-flatline na. Nakaka-anim na turok na sila ng gamot para tumibok ulit ang puso. Pero walang pagbabago. Nagdecide kami na tama na. Lalo lang nahihirapan si tatay. Baka sumusuko na rin talaga sya. Baka pagod na sya at gusto na talaga magpahinga.
Wala na si tatay.
Hindi mo na kami nahintay. Pauwi naman na kami eh.
Naka-videocall kami habang nasa ICU si tatay bago alisan ng mga nakakabit sa katawan nya. Napapanood rin namin na ilabas sya sa ICU at inaakap ni nanay. Gustong-gusto kong mag-teleport sa ospital na yun at yakapin ng mahigpit si nanay. Kahit di ko naabutan ang tatay ko basta andon ako para kay nanay.
Sobrang lungkot, Uni. Buti na lang wala akong kasama sa bahay. Nailabas ko ang nararamdaman ko. Ang sakit sakit.
Pinaalam ko na rin sa mga nakausap ko nung hapon yung tungkol kay tatay. Na wala na sya. Tinatawagan nila ako pero di ko sinagot. Sabi ko ka-videocall ko sila nanay. Si Jelden biglang umuwi before 12. May dalang pagkain. Na dapat hindi sya uuwi dahil ilang oras na lang event na nila. Bago mag 2am babalik na daw sya sa venue nila. Sinamahan nya ko kumain. At tinapos ko na pageempake ko. Nakatulog na ko. At bago mag 2am. Ginising nya ko para magpaalam. Naapreciate ko yun. Di pa naman malalim tulog ko non. Pero ayun hindi na ko nakatulog pagkatapos non. Umiyak na lang ulit ako nang umiyak.
-Kenn
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
ken-wallflower · 2 years
Text
11.14.22
Universe, nasa office ako nang biglang mag-message yung kapatid ko na naisugod daw ulit sa emergency room si tatay kasi nagcollapse na naman. Natagpuan na lang sya ng mga pamangkin ko na walang malay sa sahig. Inatake na naman sya sa puso at bumigay ang lungs. Heart aneurysm ata. Wala na syang heartbeat na dumating sa ER. Na-revive naman sya. Kaso comatose. Nasa ICU sya ngayon. Napag-usapan na rin namin ng kapatid ko na uuwi na kami sa Thursday. Yung panganay at pangalawa ko kasing kapatid nasa Abu Dhabi. At yung panganay, uuwi na talaga ng Pinas sa Thursday. Kaya nagbook na rin yung kapatid ko at asawa at anak nya ng ticket nila same flight nung panganay. Ako naman, may ticket talaga ako nung Nov. 12. One way ticket pauwi ng PH. Kaso di ako natuloy. Yung mga requirements ko kasi di ko naasikaso. Nirebook ko na lang yung ticket na yun for May 13 next year. Eh dahil sa ganito naman ang nangyare. Kelangan mag emergency leave. Nirebook ko ulit yung ticket ko para sa May. Ginawa ko syang Nov16. Wednesday ng gabi. Ang dating ko don, Thursday ng tanghali. Yung mga kapatid ko Thursday naman ng 10pm. May hotel naman syang binook. Dun ko na lang sila aantayin para sabay sabay kami pauwi ng Tayabas. Nagpaalam na kaagad ako sa office na mag emergency leave ako. Pumayag naman sila. 3 days ang compassionate leave pero 3 weeks ang finile kong leave.Grabe Uni, di ako makafocus sa trabaho. Ang hirap kasi inaalala ko si tatay. Si nanay. Yung mga pamangkin ko. Yung mga kapatid ko. For sure nagaalala din sila sobra.
Nagaasikaso pa ko ng mga requirements ko na madalian. Kung sinu-sino na ang pinagtanungan ko para sa pagkuha ng mga papel. Kung kani-kanino na 'ko humingi ng tulong. Ang hirap. Sana maging ok ang lahat.
-Kenn
0 notes
ken-wallflower · 2 years
Text
Hi Universe, dami kong kukwento sa'yo. Ok lang?
0 notes
ken-wallflower · 2 years
Text
Tangina wala na atang katapusan 'to.
0 notes
ken-wallflower · 2 years
Text
🫂
0 notes
ken-wallflower · 2 years
Text
na parang hindi mo ko minumura-mura sa mga posts at messages mo? Di bale na.
0 notes
ken-wallflower · 2 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
I love you, tatay. 💔🥺
0 notes