katbrioso
KAT. ♥
18 posts
BLUE HEARTS
Don't wanna be here? Send us removal request.
katbrioso · 10 years ago
Photo
Tumblr media
#18. SAW (from 1 to 7)- Save the BEST for LAST! At eto yung pinaka-astig/pinaka-the best/pinaka-brutal. Sobrang realistic, ang galing nung make up, nakaka-intense, at nakakatuwa yung pagka-brutal. Sobrang galing ng effects at ng sequencing ng mga story. Parang pinag-isipan at na-plano ng maayos ni John lahat ng gagawin nya. At ang astig nung thought na hind naman talaga si Jigsaw or si John ang pumapatay, pero mismo yung mga biktima ang pumapatay sa sarili nila. Kailangan mong manakit ng ibang tao para lang sa sariling kaligtasan mo. And you need to make a choice: to live or to die. Basta sobrang astig talaga. Hindi over-acting yung pagka-brutal, pati yung pag arte ng mga characters talagang makatotohanan. At kailangan mo din mapanood lahat ng part, as in lahat ng part, para lang maintindihan mo yun kwento. A for this movie :)
0 notes
katbrioso · 10 years ago
Photo
Tumblr media
#17. SERENDIPITY- It’s a story about destiny and faith.  John Cusack and Kate Beckinsale, great chemistry. Pinapakita sa story na kung kayo, kayo talaga. Kahit na 4 years kayong hindi nagkita, or communicate, at hindi nyo din kilala ang isa’t isa. Walang kayong alam sa isa’t isa. And the fact na parehas silang may fiancé, pero parehas sila na hinahanap ang isa’t isa. Ang lakas ng spirit nung gloves, book at yung dollar na naging way para magkita ulit sila. Parang pag pinanood mo ‘tong movie na’to, maniniwala ka sa mga signs. Basta sobrang ganda talaga ng movie na’to. Parang hindi mo din ‘to pagsasawaang panuorin. :)
0 notes
katbrioso · 10 years ago
Photo
Tumblr media
#16. LOVE ACTUALLY- Another good movie. Perfect na perfect sa Christmas theme. Again, iba’t ibang love story in one movie. Kaya nakakaenjoy panuorin. Makikita mo din yung different sides of love. Pero sa sobrang daming character, malilito kana kung anong relate nila sa isa’t isa. Pero maganda naman yung flow ng story, hindi naman sya magulo. And ayun nga may comedy side nga din dahil kay Hugh Grant. HAHAHA! Super entertaining love story for older teens. :)
0 notes
katbrioso · 10 years ago
Photo
Tumblr media
#15. LETTERS TO JULIET- Halo halong feeling. Kilig, pain, saya. And isa din ‘to sa mga hindi ko pinagsasawaang panoorin. Parang ang pinaparating na message ng movie is yung kahit sobrang tagal na ang nagdaan, at kahit gaano ka kalayo ang narating nyo, kung kayo, kayo talaga. Biruin mo sa 50 years na yun, nagkita at nagkabalikan pa din sila Claire at Lorenzo, kahit na sobrang tanda na nila. And yung love story nila Sophie at Charlie, ayun yung nakakakilig. Para kasing in-denial pa si Charlie sa feelings nya kay Sophie. Siguro kasi alam nyang may boyfriend si Sophie. Basta sobrang ganda talaga. Nakakakilig, atsaka nakakatuwa yung patience sa paghahanap ni Claire kay Lorenzo. And ang sweet din ni Charlie kasi parang kaya ayaw na nyang hanapin si Lorenzo kasi natatakot sya na baka masaktan ulit yung lola nya. 
0 notes
katbrioso · 10 years ago
Photo
Tumblr media
#14. IF ONLY- it’s a heart-breaking story. Ang galing lang nung lahat ng nasa panaginip ni Ian (Paul Nicholls) , nangyari. At kung hindi pa sya nanaginip ng ganun, hindi nya marerealize na hindi na nya napapansin yung girlfriend nya, na nakakasakit na sya. Maganda yung pagpapakita ng mga sequence from dream to reality. Hindi sya magulo. Ang natutunan ko sa kwento na ‘to ay yung pagpapahalaga mo sa isang taong laging andyan para sayo. Kasi hindi mo alam na anytime, or sa maraming pagkakataon, pwede syang mawala ng biglaan sayo. At pwede mo pang baguhin yun hanggat may oras ka pa.
0 notes
katbrioso · 10 years ago
Photo
Tumblr media
#13. I AM DAVID- Isa din ‘tong movie na napaka-inspirational at bagay sa mga bata. Well, it’s about the struggles of David while he’s on his way to do his “mission” not knowing na para sakanya din pala yun. Ben Tibber did very well in playing his role as a “serious” 12 year-old boy. Nakaka-touch din yung role ni Johannes (Jim Caviezel) kasi sinacrifice nya yung buhay nya para lang kay David. Nakakatuwa din na kung sino pa yung mismong tao na aakalain mong mananakit kay David eh sya pa yung tumulong para mahanap ni David yung mama nya. Madami kang matutunan sa story tulad nang hindi lahat ng taong nasa paligid mo ay gagawan ka ng masama. Meron mang mga taong masasama, pero ang kailangan mo lang gawin eh mag-ingat ka sa kanila. Hindi mo sila mapipigilan na pumasok sa buhay mo. Naks! HAHAHAHA! Pero hindi pa din nawala yung romance pati ba naman sa mga bata, tulad ni David at ni Maria.
0 notes
katbrioso · 10 years ago
Photo
Tumblr media
#12. HE’S JUST NOT THAT INTO YOU- Astig din netong kwento na’to. Parang pinakita dito yung mga reality about relationships. Tulad nung kay Gigi (Ginnifer Goodwin)na gustong gusto nang magkaroon ng love life na seryoso, at nami-miss interpret nya lagi yung mga pinapakita ng guy sakanya, at si Alex (Justin Long) naman na laging may love life pero hindi naman seryoso. Makikita mo din sa story ni Janine (Jennifer Connelly) at Ben (Bradley Cooper) na hindi porket kasal na kayo, eh sure na sure nng kayo hanggang sa huli. Yung casual relationship na gusto ni Anna (Scarlett Johansson) kay Conor (Kevin Connolly), na si gusto naman ni Conor na seryosong relationship kay Anna. At yung relationship naman nila Beth (Jennifer Aniston) at Neil (Ben Affleck), dahil nga sa gustong gusto nang magpakasal ni Beth kay Neil pero ayaw naman ni Neil. Lahat ng conflict na makikita mo sa isang relationship andito na sa movie na’to. Pero hindi naman nawala yung kilig na part. :)
0 notes
katbrioso · 10 years ago
Photo
Tumblr media
#11. HEAVEN IS FOR REAL- I felt goosebumps in my nerves. Maganda syang panoorin kasi mapapalabas nya yung faith mo kay God kasi based sya sa true story. Ang cute ni Colton, kamukhang-kamukha nya yung totoong Colton. Para siguro sa iba korni ‘tong movie na’to kasi parang hindi makakatotohanan kahit na true story sya. Tulad nung nangyari nga na parang pinagkakitaan sila ng mga media dahil nga rare yung mga ganung pangyayari. Pati yung mga mismong taong nagchu-church hindi sila naniwala sa kwento ni Colton, na dapat sila yung unang maniniwala.  Dapat panoorin ‘to ng mga bata and parents, since na bata din naman yung nagdala ng kwento. Kahit sinong tao, kahit anong age, pwedeng pwedeng panoorin ‘to.
0 notes
katbrioso · 10 years ago
Photo
Tumblr media
#10. EASY A- sobrang bagay ‘to sa mga kabataan ngayon. Bagay kay Emma Stone yung good girl-slash-bitch girl role. Funny movie na hindi mo ieexpect kay Emma Stone. Sinacrifice nya yung identity nya para lang tumulong sa mga nabubully or nasasabihan na bakla. Sobrang realistic nung kwento, masyadong related sa mga teenagers. Kasi mga teenagers nowadays parang pinagmamalaki pa nila na nawala na yung virginity nila eh, siguro kasi iniisip nila cool sila pag ganun. Atsaka nakakainis lang kasi masyadong inabuso yung kabaitan nya. Ayan kasi nakakainis sa ibang tao eh. Basta mabait sila sayo, at alam nilang kaya mo gawin lahat para makatulong, aabusuhin kana nila. Wew.
0 notes
katbrioso · 10 years ago
Photo
Tumblr media
#9. DEAR JOHN- Amanda Seyfried and Channing Tatum’s romance at its finest!  This is the movie everyone must watch. Hindi nakakasawa yung story, hindi nakakasawa yung characters, and nakakadala pa din yung drama kahit na paulit-ulit mo syang mapanood. Hindi mawawala yung kilig and yung nakakaiyak na feeling. At and hot ni Channing Tatum, bumagay sya sa army role nya, ang laki kasi ng katawan! And you can feel John’s love for Savannah kahit na sobrang layo nila, at nagtitiis sila sa sulat lang para lang makapag-communicate at i-update nila ang isa’t isa. Pati nung namatay yung daddy ni John, sobrang nakakalungkot din nun kasi parang wala manlang dumalaw, talagang si John lang. Tapos habang andun pa yung pain nung pagkamatay ng daddy nya, nadagdagan pa dahil nalaman nya na si Tim yung pinalit ni Savannah sakanya. Sobrang sakit lang ng part na yun. HAHAHA! At hindi ko in-expect na si Tim at Savannah magkakaroon ng something, although walang nafefeel si Savannah sakanya. Parang ang pangit nung part na yun kasi masyadong bata si Savannah para kay Tim, hindi bagay. Maganda yung story, from the beginning until the end. Kahit na bitin yung last part, oo sobrang nakakabitin. Open-ended masyado kasi walang hint or clue kung nagkatuluyan ba sila or just stayed as friends, or ako lang hindi nakainitindi nung ending? HAHAHA 
0 notes
katbrioso · 10 years ago
Photo
Tumblr media
#8. CRAZY, STUPID, LOVE- A crazy and stupid story too. HAHAHAHA! Astig ng revelation, sobrang nakakaloko. HAHAHAHA! Good tandem between Ryan Gostling and Emma Stone, as well as Ryan Gostling and Steve Carell. Kahit na dun na sa nakakatense at drama part (nung nagkagulo na sila), may comedy pa din na makikita eh. Kahit yung mga nakakakilig na part may comedy pa din. Kaya siguro naging light lang din yung approach nung drama na part. It’s a good story and it inspires family, especially for couple (husband and wife). Andun na lahat ng level ng love, like young love (Jessica and Robbie), teenage love, and mature love. And yung tatlong yun nag-fit in sa iisang movie. Pero kahit na romantic-comedy yung genre, mas makikita mo yung family-oriented na concept, siguro dahil dun sa fatherly love na pinakita ni Cal (Steve Carell) and dun sa eagerness nyang bumalik sa dati yung family nila kahit na gustong gusto na nyang mag-move on dahil nga sa wife nya.
0 notes
katbrioso · 10 years ago
Photo
Tumblr media
#7. CITY OF ANGELS- One of my favorite movies. :) Nakakakilig na nakakalungkot (sa huli). Masyadong ma-drama yung film and yet nadala pa din ni Nicolas Cage yung comedy side.  And Meg Ryan, beautiful as ever. Kahit sinong leading man mababagayan nya. It’s about sacrifice and love. Medyo nakakalungkot lang kasi akala mo happy ending kasi naging mortal na si Seth (Nicolas Cage) and sinacrifice nya yung binigay sakanyang blessing from heaven para lang sa taong mahal nya. And then wala pang ilang araw na nagkakasama sila, nawala naman si Maggie (Meg Ryan). So parang nawalan din ng sense yung pagiging mortal nya. Hindi nya masyadong na-enjoy yung free will nya (which is to be a human and to love a human). Sa part na yun, dun mo mafefeel yung kilig and at the same time yung pain. But again, very very good yung story, kahit na hindi happy ending. It’s not a different concept of love story for most of us siguro, but for me it is. Naging iba ‘to kasi yung angel and human nagkaroon ng something. ANGEL yun, hindi ghost or supernatural na common na makikita mo sa ibang movie. Kaya masasabi kong kakaiba. :)
0 notes
katbrioso · 10 years ago
Photo
Tumblr media
#6. CHARLIE ST. CLOUD- Ang nagpaganda sa movie na’to is yung hindi makapili si Charlie between kay Sam (brother) and Tess (love). And makikita mo talaga na sobrang mahal nya si Sam kasi tinutupad pa din nya yung deal nila kahit na alam nyang hindi na totoo yung mga nakikita nya. At hindi nya kaya mag-let go kay Sam kaya nakikipagkita pa din sya dito. But at the end of the story, nag-let go na sya kasi may mas nangangailangan pa sa kanya, which is si Tess. This is a big sacrifice for him kasi alam nyang once na ni-let go na nya si Sam, wala nang balikan, hindi na nya makikita ulit. 
And to conclude this, ang galing ni Zac umarte (lalo na yung nasa picture), and hindi ko pa sya nakitang umarte ng ganto, siguro kasi non-Disney yung role nya dito, hindi yung puro pa-charming sya, like sa Highschool Musical (na sobrang hindi ko talaga ginustong panuorin hahahaha). A big change for me.
0 notes
katbrioso · 10 years ago
Photo
Tumblr media
#5. CASANOVA- Best film of Heath Ledger for me. Bagay na bagay sakanya yung character nya as Casanova, kasi parang kung titignan mo sya, iisipin mong ganun talaga sya. Hahahaha! And he’s very charming, hindi ka magsasawa sa itsura nya. Maganda yung story, yung flow, lalo na yung twist. Kasi yung matandang nagsusulat at nagkukwento sa pinaka-umpisa nung film akala mo si Casanova mismo, pero si Giovanni pala, yung kapatid ng partner nya. At ang galing kasi naipasa ni Casanova yung character nya kay Giovanni. Hahaha! Galit, kilig at inis yung mafefeel mo sa movie eh. Nakakadala yung story kasi syempre sino bang hindi magagalit at maiinis sa babaerong lalaki, diba? 
PS: Nakaka-inspire din sya in a way na marerealize mong totoo pala na kahit gaano ka-gago o ka-babaero nung lalaki eh may isang babae pa din syang makakatapat. Yun na siguro yung sinasabing true love. HAHAHAHA! #whogoat
0 notes
katbrioso · 10 years ago
Photo
Tumblr media
#4. BEGIN AGAIN- good movie though. Pero bitin. HAHAHA! May chemistry kasi between kay Mark Ruffalo and Keira Knightley. Maganda yung theme ng story, yung musical and drama approach nag-blend. Kumbaga, hindi sya korni katulad nung ibang musical film. And ang ganda nung twist kasi diba pag nakita mo yung title, ang iisipin mo eh tungkol sa love story nila Adam Levine at Keira, pero hindi pala. Hindi mo meexpect na tungkol ‘to sa dalawang tao na parehas gustong magsimula ulit, not as lovers. Kaso ayun nga, medyo nabitin kasi ako dun sa character ni Adam Levine, kasi yun nga based dun sa title akala ko tungkol talaga sakanilang dalawa yun. Pero maganda sya, inspirational. Ayun lang masasabi ko. Hahahaha ♥
0 notes
katbrioso · 10 years ago
Photo
Tumblr media
#3. ABOUT TIME- At first, I really don’t get the story. Medyo hindi kasi nakaayos (para sakin) or medyo naguguluhan ako sa sequencing. But later on, naintindihan ko na sya. Napaka-sensible ng story. Nag-halo yung kwento about sa love for family and partner. Pero mas nagustuhan ko yung story about dun sa love for family kasi ang dami nyang sinakripisyong bagay para lang bumalik sa nakaraan at i-tama ang mga maling nangyari. Nakaka-touch din yung part na bumabalik sya sa past kung san nabubuhay pa yung tatay nya para lang mapakita nya yung love sa tatay nya. They shared memories together, sinulit nila yung time. The story was good, kahit na hindi posible yung mga pangyayari, but at least merong lesson.
And the moral lesson that I've learned in this movie is that you have to value time,and if you have given the chance to go back in time, cherish it. Kasi malay mo, may mga bagay na hindi mo na kayang ibalik or ulitin ulit.
0 notes
katbrioso · 10 years ago
Photo
Tumblr media
#2. A WALK TO REMEMBER - sobrang nakakakilig kahit na medyo masakit yung ending kasi hindi sila nagsama ng matagal after ng kasal. The thing that made the story sweet is that you can see Landon’s sincerity in his love for Jamie, knowing na anytime pwede na syang kunin ni God. Kahit na alam nyang hindi na magtatagal si Jamie kasi lumalala na yung sakit nya, hindi nya iniwan and instead, he made so much efforts just to prove his love for her, not expecting in return. Pinakasalan nya pa din si Jamie kahit na alam nyang sooner or later mawawala na ito. Binigay nya lahat ng best wishes ni Jamie para lang mapasaya sya until her last breath. Hindi nya inisip kung ano mang mangyayari sakanya pag nawala na si Jamie, kahit na alam nyang sobrang masasaktan sya pag pinakasalan pa nya ito dahil hindi na din naman magtatagal. And the greatest thing na nangyari sa movie na yun ay yung natupad yung ambition ni Jamie na maka-witness ng “MIRACLE”, at isang malaking miracle ang magbago ang isang tao dahil sayo. ♥ Very touching and inspirational movie ever. Tipong maniniwala ka sa lahat ng bagay na imposibleng mangyari basta lang may faith ka :) ♥#AWalkToRemember #faith #miracle #loveanddeath
0 notes