juliemarizdc-blog
Julie Mariz
3 posts
Humanista❣
Don't wanna be here? Send us removal request.
juliemarizdc-blog · 6 years ago
Text
Tumblr media
Retaso ni Nanay
Ang quilt na ito ay likha ni Rica Dela Cruz na pukaw sa mga katutubong pilipino katulad ng mga Dumagat, Lumad, Aeta, Igorot at iba pa. Sa obrang ito, maiisip kaagad natin ang mga isyung kaakibat sa kanila. Sa panahon natin ngayon, iba't ibang pang-aabuso at pang-mamaliit ang kanilang nararanasan. Isa ba nga sa madalas na mapuna ay ang kanilang paraan ng pamumuhay, pisikal na itsura, pati na rin ang lupang kanilang kinatitirikan o tinitirhan. Mistulang mga pulubi ang mga ito sa ating bansa dahil madalas natin silang inaagawan ng isang bagay na totoong pagmamay-ari nila. Sa pag-usbong ng urbanisasyon, ang lahat ng kanilang kinagisnan, kabuhayan, at kultura ay unti-unting nawawala. May mga batas na kumikilala sa karapatan nila lalo na sa sariling kalupaan ngunit hindi pa rin matukoy hanggang sa kasalukuyan ng gobyerno kung hanggang saan ang pagmamay-ari nila dahil mas pinapaboran pa rin ang mga private developer kaysa sa kanila. Kung ating mapapansin, gumamit ng mga retasong tela na may iba't ibang kulay ang manlilikha na mismo ayon sa kanya, ito ay sumisimbolo sa mga katutubong pilipino sa ating bansa ngunit nakikita ko rin sa obrang ito ang makulay na kultura at tradisyon nila na kung hindi natin susuportahan, mawawala na lamang ito kasabay ng pagkaagaw sa kanilang sariling lupain.
DELA CRUZ, JULIE MARIZ S.
HUMSS 12-5
0 notes
juliemarizdc-blog · 6 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Kawalang disiplina sa kalye
Ang mga pasahero'y matiyagang naghihintay sa isang dyip na wala sa tamang sakayan. Gayundin ang mga dyip na humihinto sa maling lugar. Ang mga ito'y nagdudulot ng mga kumpol-kumpol na trapiko na nagiging dahilan ng sakit ng ulo sa bawat isa.
Unang imahe: Mga pasahero
Pangalawang imahe: Mga dyip
Pangatlong imahe: Trapiko
DELA CRUZ, JULIE MARIZ S.
HUMSS 12-5
1 note · View note
juliemarizdc-blog · 6 years ago
Text
Contemporary Aesthethic ni Guillermo
Sining ang isa sa aspetong bumubuo sa kultura ng isang bansa. Binibigyan kahulugan nito ang buhay ng isang mamayan sapagkat ibinubunyag nito ang nakaraan at kasaysayan na nagsisilbing identidad. May tinatawag na "aesthetics" sa larangan ng sining kung saan ang kahulugan nito ay "kagandahan ng isang bagay ". Inilalarawan nito ang nilalaman o ang istorya ng sining na nilikha gayundin ang itsura nito.
Sa paglipas ng panahon, naging kuwestiyon sa mga "third world countries" katulad ng Pilipinas ang pagkilala sa sariling sining dahil sa dami ng mga bansang sumakop sa kanila. Iba't ibang mga bagay na ang nakuha at ginawa ng parte ng ating kultura kaya ngayon gumagawa na ng mga hakbang ang mga eksperto sa larangan ng sining upang mas kilalanin ang sarili nating sining. May tatlong aspeto ang kinokonsidera para muling umusbong ang sariling sining at mas tangkilikin.
Una, ang "role of tradition" kung saan muling babalikan at hahalungkatin ang sariling kultura at aaralin muli. Sa paraang ito, magkakaroon ng pagkakataon na tuklasin muli ang makulay na mundo ng kultura dahil dito, muli nating mamahalin at kikilalanin ang ating nakagisnan. Pangalawa, ang "alternative materials" dahil sa pananakop na nagawa ng ibang mga bansa mas gumagamit tayo ng mga materyal pang - sining ng ibang bansa kaya gumagamit sila ng ibang materyal na mahahanap at makukuha lamang sa kalikasan dahil masasalamin din dito ang pagkakaroon ng orihinalidad.
Ang mga paraang inihayag ni Alice Guillermo sa kaniyang isinulat ay sadyang kamangha - mangha dahil ipinapakita nito ang lubos na pagmamahal sa sariling kultura at sining na ating nabuo at nakagisnan.
DELA CRUZ, JULIE MARIZ S.
HUMSS 12-5
2 notes · View notes