joshexmachina-blog
Playing God
419 posts
furca na alle laris raum
Don't wanna be here? Send us removal request.
joshexmachina-blog · 9 years ago
Text
kulay ng kidapawan
ginto ang palay mula sa pawis ng magsasaka
itim ang budhi ng mga umaani ng hindi kanila
pula ang lupa sa pagdanak ng dugo ng manggagawa
19 notes · View notes
joshexmachina-blog · 9 years ago
Text
Motility
for Angelica
From the seeds of our fathers until our mothers’ waters break, we are swimmers. It is by circumstance whether we lose our tails, or shed our fins and scales.
We were of the oceans, sun-kissed skin soaked in sweat, light bouncing off grains of salt and sand from the shore where bones, fine and white, lie.
We met through currents, the will of the world pushing isolated islands together, before inevitable summers pass and our own wills destroy our bridges and wash us apart
We are city-dwellers, now, contained in concrete cages, our steel towers reaching the deep blue sky and white foams. We have forgotten the line that separates sand from sea after years of crossing asphalt borders and intersections, of chlorine and enclosed offices stripping away burned streaks off of our skins.
We have forgotten each other; became aware of the possibilities of drowning, of dying.
But our strengths are finite unlike the limitless coming of cascading waves. Weary of flailing, failing to fight the ocean’s pull, tonight we succumb, surrender-- we remember.
At last we find Zambales in our eyes hear the welcoming winds in our gasps for air feel the waves in our moving hips taste familiar salt on our skin the ocean in our mouths. We both dive under each others’ bodies.
Laying in bed, we do not see two bodies making love, but two souls swimming in endless blue, returning home.
10 notes · View notes
joshexmachina-blog · 10 years ago
Quote
Sa pagbabasa at pagsusuri ng liham ni Nietzsche, maaari nating ihambing ang pagsusulat ng maikling kwento sa paglalakad sa dalampasigan–ang buhangin ay prosa at ang tubig ay tula. Kung nanaising maging dalubhasang kwentista, kakailanganing baybayin ang dalampasigan; ‘di maiiwasang mabasa ang paa sapagkat urong-sulong ang linyang naghahati sa dalawang ito, ang alon. Ngunit kailangan ding tandaan na di dapat mabighani sa kalaliman ng dagat dahil lulunurin ng talinhaga ang salaysay.
(via joshexmachina)
18 notes · View notes
joshexmachina-blog · 10 years ago
Quote
The readability of many best sellers is much like the edibility of junk food. Agribusiness and the food packagers sell us sweetened fat to live on, so we come to think that’s what food is. Amazon uses the BS Machine to sell us sweetened fat to live on, so we begin to think that’s what literature is. I believe that reading only packaged microwavable fiction ruins the taste, destabilizes the moral blood pressure, and makes the mind obese. Fortunately, I also know that many human beings have an innate resistance to baloney and a taste for quality rooted deeper than even marketing can reach.
Ursula K. Le Guin
1 note · View note
joshexmachina-blog · 10 years ago
Text
Sa pag-iisa makikilala mo ang iba’t ibang tunog ng patak ng ulan-
mataginting sa yero, bahaw sa bato, malabsak sa putik,
at sa balat mong uhaw na uhaw,
banayad na banayad, mistulang napipipi.
— “Sa Pag-iisa,“ mula sa kalipunan ng mga tula at tuluyan ni Rofel G. Brion, “May Nagsabi sa Akin,” University of Santo Tomas Publishing House, p.15.
Sa gitna ng pag-iisa nagiging mataginting ang lahat, waring umuulit. Kaya ang salat (scarce) ay hindi lamang uhaw, kundi uhaw na uhaw; at ang salat (caress) ay hindi lamang banayad, kundi banayad na banayad.  
137 notes · View notes
joshexmachina-blog · 10 years ago
Photo
Tumblr media
Pinya, sa kasalukuyan.
1 note · View note
joshexmachina-blog · 10 years ago
Text
The sun was the first thing I ever saw as I was pushed out of this world from my mother’s womb, through her ripping and bleeding vagina, and since then I knew he would always be there, watching. I was right and for years he stood there, out there, far but somewhere my eyes can still reach as long as I am outside the confines of our home, and day by day he would return, then leave, return, leave, without saying a word, not coming closer. My mother told me that everything he sees he owns, he claims, and even though I can’t touch him he has touched me and even though I can’t hear him he has heard me, and just like every other woman, young and old, past and present, he will conquer. She was right and the day came when he claimed me sooner than expected, but unlike all the other girls, I was treated worse by the sun, to the point where my skin is red from the whips, my insides were burning from the punches, my lips chapped, my throat clenching from thirst, my mouth filled with his spit. I felt something growing in me the other day, and I promised, despite the ripping and bleeding of my vagina, I will not have my child earmarked, sun-kissed.
2 notes · View notes
joshexmachina-blog · 10 years ago
Photo
Fuck this made my day. Artists are so gay
Tumblr media
28 notes · View notes
joshexmachina-blog · 10 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Gustav Klimt
452 notes · View notes
joshexmachina-blog · 10 years ago
Text
Biniro namin dati ang isang kaibigan, kaka-graduate, babago nakita makalipas ang ilang linggo. Kung wala nga ring nagyayang inuman noon, di ko pa rin siya siguro nakita. Tinanong kasi namin siya kung ano nang pinagkakaabalahan niya, kung nakahanap na ba siya ng trabaho. Sabi niya sa isang kumpanya, na kaagad namang binalikan ng "Naks, corporate whore." Harmless fun lang naman iyon, no big deal, mababaw na joke. Hindi ko rin naman masyadong inisip dahil malinaw pa sa akin ang gagawin ko. Malinaw pa rin naman ngayon ang daang tatahakin ko--problema nga lang, ibang-iba to sa nakaraang goal. Napalitan na ang imahen ng pagtuturo at pagpapalathala: tanging ang paulit-ulit na pag-alis sa bahay, pag-upo at pagkaburo sa nakakahong opisina, pagbalik sa bahay ang nakikita ko, repeat until fade. Binabalikan ako ng "corporate whore." Habang nasa loob ng bahay, habang nanonood ng Game of Thrones, habang sinusubukang matulog sa duyan, habang naglalaro ng table tennis. Paulit-ulit. Umaalingawngaw. Bulong, pero sobrang lakas. Malinaw na kasi sa aking hindi stability ang hanap ko--siyempre, hindi naman masama ang makakain ka ng tatlong beses sa isang araw, mapagbigyan ang mga luho. Pero hindi pananatili sa iisang lugar ang hinahanap ko. Hindi ko kayang matali, matanikala sa kumbensyonal na propesyon, na pamumuhay. Ayokong maging kwadrado. Mula ulo hanggang paa, sa laman, sa buto, sa diwa, isipan, at kaluluwa, gusto kong maglakbay. Kailangan ko. Umaasa na lang akong hindi mawala iyong liwanag sa akin. Nararamdaman ko siya ngayon, malakas pa rin, pero sigurado akong hihina siya sa darating na panahon. Sana'y huwag siyang tuluyang maglaho. At kung maglaho man, mahanap ko pa rin siya. Gusto ko pa ring lumipad, balang araw, kapag handa na ako, o silang nakapaligid sa akin.
3 notes · View notes
joshexmachina-blog · 10 years ago
Text
A How-to Guide to Dreaming
A How-to Guide to Dreaming
There once lived a Boy who wanted to stop dreaming. You see, the Boy was having nightmares, always waking up in a panicked sweat. He had asked his parents, his friends, and even Sally (the girl next door), and none of them knew the answer to his question. Having exhausted all his 10 year-old-options, the Boy turned to the interwebs.
The Boy types: How to stop dreaming?
The interwebs responds: Pull out all baby teeth. Bury teeth in fertile soil. Let tree grow overnight. Eat fruit from tree.
The Boy does as the interwebs says. He ties each tooth to a door knob and slams the door. His teeth pop out one by one. Once done, the boy goes up to his bathroom mirror and smiles. The Boy crosses the street and buries the teeth in the empty lot. The next day, the Boy finds a tree sticking out of the ground on the spot where his teeth were buried. At the foot of the tree, he sees a blue apple. The Boy eats the apple—it leaves a lasting bitter taste in his mouth. Since that day, the boy ceased dreaming.
Years pass, and the boy has fallen in-love with Sally. Remembering how effective it was the last time (he had gotten used to the bitterness), he consults the interwebs.
The Boy types: How do I make a girl love me?
The interwebs responds: Collect your mother’s tears. Take your father’s morning cup of coffee. Set her tears ablaze. Put flames out with coffee.
The Boy does as the interwebs says. He tells his mother that he is in love. Realizing her boy has grown up, the mother sheds a tear. The Boy wipes his mother’s cheek and pockets the handkerchief. He stops by the dining table, he knew his father was out late last night cause his mother had prepared coffee for him (it was on if those nights). The Boy swiped the coffee cup.
The Boy goes back to the vacant lot. He burns the handkerchief and drops it on the ground. He panics at the sight of the flames—the Boy did not think this through. From Behind, Sally grabs the cup and dumps in on the fire.
More years pass, the Boy is no longer a boy, he has grown into a much bigger boy. Just as the interwebs said, Sally had fallen in love with him. They eventually moved into a house built on the vacant lot where the Boy burnt his mother’s tears and planted the dream tree. The Boy and Sally had a few good years together. Eventually, Sally fell ill and passed on. The Boy consults the interwebs.
The Boy types: How do I see Sally again?
The interwebs responds: Make a bed out of the dream tree.
The Boy types: How do I make a bed?
The interwebs does not respond.
The Boy goes and takes an axe from their shed and starts hacking at the dream tree. The tree eventually falls. Not knowing how to make a bed, The Boy decides to bring the dream log into their bedroom and sleep on it as it is.
The next morning, the Boy woke up with splinters all over his body. He doesn’t remember dreaming about anything, but he knows he dreamt of Sally.
Thank you, mightywords for all the help.
6 notes · View notes
joshexmachina-blog · 10 years ago
Text
Feministang Kritisismo: Ang Teoretikal ay Personal
ni Melecio Cervantes Fabros (mula sa link na ito)
The personal is theoretical in feminist criticism. Such a focus informs this paper that serves as an introduction to criticism per se and literary criticism from a feminist point-of-view for a student and/or teacher of literature. It asserts that the personal conditions of women are, by and large, bound by the culture of gender difference between the male and the female, and the mindset of male domination and oppression. Visibility and invisibility of women in literature consequently are premised on and dictated by male discourse. This redefinition of criticism as feminist, therefore, rereads and restores the literary works of women which began in the west in the forties and especially in the sixties. Both eras bear witness to feminist criticism's expose of misogyny in literary practice, a success largely attributed to its ingenious use of electic and multi-disciplinary approaches in the application of any theory, notwithstanding its apparent relevance and currency, feminist criticism is also culture-bound and has shared universal features as well
Ang iniatas sa akin na paksa ng Linangan ng Literatura ng Pilipinas (LLP) ay may kinalaman sa feministang kritisismo. Nilinaw rin ng LLP na magsisilbing introduksyon ang aking panayam sa mga mag-aaral at/o guro ng panitikan (at hindi sa mga kritiko at iskolar) na dumalo sa kumperensiya ngayon. Bilang panimulang depinisyon, ang feministang kritisismo ay masasabing "isang mowd ng kritikal na diskursong nagbibigay-diin sa itinakda ng kultura na kaibhan ng gender pagdating sa interpretasyon ng mga akdang pampanitikan." 1 Ang pangkalahatang tuon ng mga manunulat na feminista, batay sa nabanggit na pakahulugan, ay ang pagwaksi sa maling aktitud ng kalalakihan (ibig sabihin, dominasyon at opresyon) sa kababaihan na lumilitaw lalo na sa panitikan at wika. Bilang dagdag, sinisikap ng mga feministang kritiko na bawiin ang mga akda ng mga babaeng manunulat na nabaon sa limot at muling uriin ang mga ito mula sa isang nirebisang pagsipat. Ito marahil ang dahilan kung bakit mas maraming teorista at praktisyoner ng feministang kritisismo, ayon kay Deborah McDowell, ang kumikiling sa depinisyon nito bilang "pagwawasto, pagtanggal ng mascara ng mga omisyon at distorsyon ng nakaraan?ang mga pagkakamali ng tradisyon ng kritisismong pampanitikan na umangat mula sa at nagsalamin ng isang kulturang nilikha, pinaiiral at pinanghaharian ng kalalakihan."
Ang nagbigay-hugis ng feministang kritisismo ay ang mga impluwensiya ng kilusang mapagpalaya ng kababaihan, ang pag-unlad ng mga pag-aaral tungkol sa kababaihan, at ang dagundong ng mga teorya sa Pransiya, Ingglatera at Estados Unidos. Kung isasaalang-alang itong isang kritikal na kilusan, maitataya na batang-bata pa sapagkat naisilang lamang yaon noong huling hati ng Dekada Sisenta o mahigit 20 taon ang nakararaan. Mistulang lindol ang naging epekto nito sa mga institusyong akademiko, pampanitikan at pangkultura bunga ng mga pagbabago sa mga haka-haka sa pag-aaral ng panitikan. Itinatag ng feministang kritisismo ang gender bilang pundamental na kategorya ng panunuring-pampanitikan sa mga usapin ng kakaibang karanasang pampanitikan ng kababaihan bilang mambabasa, manunulat at kritiko; espasyo para sa awtoridad ng babaeng kritiko; at mga paraang ng pagmolde ng mga pagpapahalagang maskulino at feminino sa mga genre ng panitikan, bukod pa sa iba.
Kung babalikan ang kasaysayan ng kababaihan, kapansin-pansin na malaon nang umiral ang opresyon sa kanila. Ani Soledad Reyes:
Makikita ito sa iba't ibang lipunan, mula sa panahon ng mga matatandang sibilisasyon hanggang sa kasalukuyang panahon. Makikita ito, halimbawa na, sa mababang antas sa lipunan na inokupahan ng mga Griyego at Romano; masisipat ito sa negatibong imahen ng mga babae sa Lumang Tipan?sina Delilah at Batsheba na pawang dahilan ng pagbagsak ng mga dakilang lalaki. Matatagpuan ito sa paggamit ng salitang chattel upang tukuyin, sa Edad Media, ang mga babaing ipinagbibili o ginagamit na pamalit sa isang transaksiyong ekonomikal. Mababasa ito sa mga akda sa panahon ng siglo labingwalo, at hanggang sa kasalukuyang dekada, na patuloy na gumagamit ng imahen ng kababaihan bilang pasibo, madaling matakot, hindi gumagamit ng isipan, kayan-kayanan ng kalalakihan, sentimental, at hindi maaasahan sa anumang intelektuwal na gawain. 
Ang naging tugon ng feministang kritisismo sa ganitong kalakaran sa mga una nitong taon ay ang pagbulgar sa misogyny 5 ng pampanitikang praktika: ang mga istiryutipong imahen ng kababaihan sa panitikan gaya ng pagiging birhen o puta, ang pang-aabusong pampanitikan sa kababaihan sa mga teksto ng kalalakihan, at ang eksklusiyon ng kababaihan mula sa kasaysayang pampanitikan. Ang kahihinatnan nito ay ang higit na masigabong feministang pag-uurirat ng mga pamantayan ng pagpapahalagang estetika at mas radikal na rebalwasyon sa mga kanonisado. 
Sinundan ang naunang yugto ng pag-imbento ng haraya ng kababaihan at mga istruktura ng banghay ng kababaihan. Naganap ito nang matuklasan ng mga babaeng manunulat ang kanilang sariling panitikan tulad ng The Awakening ni Kate Chopin,The Golden Notebook ni Doris Lessing at Les Guerilleres ni Monique Wittig, na siyang pinalabo ng mga pagpapahalagang patriyarkal na naghahari sa kultura. Ang malawakang pagbawi ng panitikan ng kababaihan dulot ng tuon sa panulat ng kababaihan bilang payak na larangan ng pag-uusisa ay nagpalinaw sa unang pagkakataon ng continuities ng panulat ng kababaihan. 
Maging noon o hanggang ngayon, walang "Ina ng Lahat ng Teorya" ("Mother of All Theories") o nag-iisang sistema ng kaisipan na siyang bukal ng mga pundamental na ideya na sinasandigan ang feministang kritisismo. Ito ang kanyang malaking kaibhan sa ibang kontemporanyong teoryang kritikal: walang hinahalaw na anumang solong awtoridad o baul ng mga sagradong teksto tulad ni Saussure para sa mga istrukturalista, Freud o Lacan sa kaso ng mga kritikong saykoanalitiko, Marx ng mga sosyalista, o Derrida na sinisipi ng mga dekonstruksyonista. Sa kabilang dako, kinakatawan ng feministang kritisismo ang samut-saring mga posisyon at estratehiya ng isang marubdob na debateng panloob. At ang mga ito ay nabuo mula sa iba't ibang batis gaya ng nabanggit na mga pasimuno ng mga kasangkapang analitikal. Isang sukli sa pag-aaral ng panitikan.
Bagama't sa huling bahagi ng Dekada Sisenta nagsimula ang kilusan ng feministang kritisismo, ang bandilang kaisipan nito'y iwinagayway na noon pa mang 1949 nang inilimbag ang The Second Sex ni Simone de Beauvoir. Narito ang ilan sa nilinan na mga pundamental na katanungan ng makabagong feminismo:
Sa pagtatangka ng kababaihan na bigyang-turing ang sarili, nagsisimula siya sa pagsasabing "Ako ay isang babae." Hindi ito ginagawa ng mga lalaki. Makikita rito ang kawalan ng pagkakapantay-pantay ng dalawang katuringang "maskulino" at "feminino." Ang lalaki at hindi ang babae, ang nagbibigay-turing sa kababaihan, isang anomalya na nag-uugat pa sa Lumang Tipan.
Sapagkat naikalat sa kalalakihan, walang partikular na kasaysayan ang mga babae, wala silang natural na pagkakaisa-isa. Hindi sila nakapagbubuklod na kagaya ng ibang mga grupong inaapi (halimbawa, ang mga itim, ang mga manggagawa, ang mga rasang etniko) Kung ang Lalaki ang Siya ( the One ), ang babae ang Iba ( the Othe r). At ang pamamayaning ito ng kalalakihan ay pinahihintulutan, at iginigiit, ng mga panlipunang institusyon?batas, pilosospiya, siyensiya, relihiyon, pamilya, edukasyon, politika, at iba pang bahagi ng ideolohikal na sistema. 
Samakatwid, naisaloob ng kababaihan ang ganitong kalipunan ng paniniwala na "natural" ang kanilang aping kalagayan na sa katunaya'y nagmumula sa ideolohiyang patriyarkal. Si de Beauvoir din ang nanguna sa paglahad na walang esensiyal na kalikasan na tutukoy sa kababaihan. Ibig sabihin, "ang babae ay hindi ipinanganak na babae, siya ay nagiging babae." 
Isa pang haligi ng feministang kritikal na pananaw si Virginia Woolf, ang may-akda ng mga tekstong nalahiran ng iba't ibang anyo ng feminismo katulad ng To the Lighthouse, A Room of One's Own at Mrs. Dalloway . Partikular na pagkiling ni Woolf ang mga suliranin ng manunulat na babae. Paniwala niya na kinakaharap nito ang maraming sagkang dulot ng mga puwersang panlipunan at pang-ekonomiko. Isang limitasyon niya kung ihahambing sa mga lalaki ay ang kakulangan ng edukasyon.
Tarok ni Woolf ang lalim ng pagkalubog niya sa kumunoy ng pagiging babae. Hinihingi ng ideolohiya na ang mga babae ay maging mapagbigay, dalisay at matapat. Umaabot ito, kung gayon, sa paggamit ng babae ng pagkukunwari at disimulasyon upang makasulat sapagkat bawal sa babaeng magsalaysay ng kanyang mga tunay na karanasan bilang isang babae o maglantad ng kanyang seksuwalidad.
Niyakap ni Woolf ang pagkakaiba ng pagsulat ng babae sa lalaki batay sa pagkakaiba ng kanilang karanasang panlipunan. Siya mismo'y sumulat bilang at tungkol sa babae at tumuklas ng mga teknik at wika na tunay na maglalarawan ng mga karanasan ng kababaihan sa kanyang kapaligiran. Winakasan niya ang kanyang buhay nang mabigong lagpasan ang kanyang seksuwalidad sa praktika ng androgyny. Sa isang banga'y sinasabing isang protesta ito sa marahas na patriyarkiya, samantalang may nagbanggit naman na nais ni Woolf na wakasan na ang kaakuhan batay sa gender na sinasalamin ng pabugso-bugsong pagsalaysay sa kanyang mga nobela. 
Ang feminismo sa Dekada Sisenta ay kinakitaan ng ibayong sigla sa punto ng pagtakda ng depinisyon ng panulat ng kababaihan ayon sa feministang pamantayan. Ilan sa maimpluwensiyang mga aklat na lumabas ay ang Sexual Politics (1969) ni Kate Millet,The Female Imagination (1975) ni Patricia Meyer Spacks, Literary Women (1977) ni Ellen Moers, A Literature of Their Own (1977) ni Elaine Showalter, at Thinking About Women (1979) ni Mary Ellman. Ani Showalter:
Since 1979, these insights have been tested, supplemented, and extended so that we now have a coherent, if still incomplete, narrative of female literary history, which describes the evolutionary stages of women's writing during the last 250 years from imitation through protest to self-definition, and defines and traces the connections throughout history and across national boundaries of the recurring images, themes and plots that emerge from women's social, psychological, and aesthetic experience in male-dominated cultures. 
Ang pagsusuri ng mga nabanggit na awtor ay "nagpaliwanag sa mga pamamaraang ginamit sa mga teksto sa paglalarawan sa kababaihan bilang pasibo at masokistang nilalang, na ang identidad ay nakaugnay sa kalalakihan".
Galit na nakatuon ang obra ni Millet sa itinuturing niya na marahas na sistemang patriyarkal kayat di siya nagpamalas ng paggalang sa awtoridad ng may-akda na isang aktibong pakikilahok ng isang mambabasa na isa ring babae. Pakikidigma diumano ng tauhang si Rojack (sa The American Dre am ni Norman Mailer) laban sa kababaihan ang pagpatay nito sa asawa at paggawa ng sodomy sa kanyang katulong. Puna lamang ng mga kritiko na hindi representatibo ang pinili ni Millet na mga manunulat at hindi sapat ang kanyang pang-unawa sa teorya, lalo na sa usapin ng di-malay at ideolohiya.
Mas may sopistikasyon ang Thinking About Women ni Ellman na umiinog sa tesis na umiral sa lahat ng lebel ng kultura sa Kanluran ang tinagurian niyang "pag-iisip sa pamamagitan ng analohiyang seksuwal. Makikita ito sa palasak na paggamit ng pagkakaiba ng kalalakihan at kababaihan tungo sa pag-intindi sa lahat ng phenomenon ng buhay." Layon ni Ellman na ibulgar ang palasak na paggamit ng mga salitang kaugnay ng pagdadalantao at pagluluwal sa pagtukoy sa mga gawaing pangkaisipan. Isa pang tinalakay niya ay ang konsepto ng phallic criticism o ang pagpuna ng isang lalaking kritiko sa teksto ng isang babae sa paraan ng maraming imaheng seksuwal. Bukod dito'y inilahad ni Ellman ang mga istratehiya ng mga manunulat na babae na magwawaksi sa mga istiryutipo sa paraan, halimbawa, ng siste ('humor') at parikala ('irony'). 
Ang Literary Women ni Moers ay patungkol sa mga naisulat ng mga babaeng manunulat tulad nina George Eliot, Jane Austen, Harriet Beecher Stowe at iba pa sa huling dalawang dantaon. Tinalakay niya ito "bilang dinamiko at masiglang tagalikha ng tradisyon ng pagsusulat ng kababaihan." Tiningnan ni Moers ang mga babaeng manunulat sa konteksto ng tradisyon ng pagbubuklod ng mga indibidwal na manunulat sa kanilang pagsisikap na makasulat at makapaglimbag. Ang mga paksang nadiskubre ay ang mga pangarap at pangitain ng mga babaeng manunulat, ang pagiging ina, seksuwalidad at marami pa. 
Sa Estados Unidos, isang napakaimpluwensiyal na kritiko ay si Showalter na kilala sa kanyang A Literature of Their Own . Ang uri ng kritisismo na kanyang itinaguyod ay tinatawag na gynocritics . Wika niya:
the program of gynocritics is to construct a female framework for the analysis of women's literature, to develop new models based on the study of female experience, rather than to adapt male models and theories. Gynocritics begins at the point when we free ourselves from the linear absolutes of male literary history, stop trying to fit women between the lines of the male tradition, and focus instead on the newly visible world of female culture. 
Iminungkahi ni Showalter na ang gynocritics bilang pag-aaral ng panulat ng kababaihan at pagiging malikhain nito ay naghahandog ng pinakamasiglang pamantayan para sa isang buong feministang teoryang pampanitikan. Bilang dagdag, ibinalangkas din niya sa tatlong (3) bahagi ng tradisyon na likha ng kababaihan na naglalarawan ng kanilang natatanging karanasan. Winika niya:
During the Feminine phase, dating from about 1840 to 1880, women wrote in an effort to equal the achievements of the male culture, and internalized its assumptions about female nature. The distinguishing sign of this period is the male pseudonym, introduced in England in the 1840s, and a national characteristic of English women writers. . American women during the same period adopted superfeminine little-me pseudonyms (Fanny Fern, Grace Greenwood, Fanny Forester), disguising behind these nominal bouquets their boundless energy. In the Feminist phase, from about 1880 to 1920, or the winning of the vote, women are historically enabled to reject the accommodating postures of femininity and to use literature to dramatize the ordeals of wronged womanhood. .a generation of New Women redefined the woman artist's role in terms of responsibility to suffering sisters. In the Female phase, ongoing since 1920, women reject both imitation and protest-two forms of dependency-and turn instead to female experience as the source of an autonomous art, extending the feminist analysis of culture to the forms and techniques of literature. 
Ang isang suliranin nito ay ang pamamayani ng esensiyalismo sapagkat naniniwala ito na ang esensiya o ang kalikasan ng pagkababae ay tunay na nakaugat sa kung sino ang awtor--isang babae--at sa ipinapalagay na kakaibang karanasan ng kababaihan. 
Ang feminismo sa Pransiya ay kinakitaan ng mabigat basahin at mahirap unawaing-kritikal na mga teorya. Ipinalalagay diumano na ang mambabasa at kritiko ay magkasinglalim ang kaalaman sa mga teoryang tulad ng dekonstruksyon at Marxismo kayat nababansagang elitista. Dito angat sa lawak at lalim ng teorya sina Julia Kristeva, Helene Cicoux, Luce Irigara at iba pang feminista. Tinitingnan nila na ang "feminino" ay "defined represented, or repressed in the symbolic systems of language, metaphysics, psychoanalysis, and art." Pinakaimpluwensiyal sa feministang teoryang Pranses ang mga itinuro ng Neo-Freudian na saykoanalistang si Jacques Lacan, dekonstruksyonistang pilosopo na si Jacques Derrida, at istrukturalistang kritiko na si Roland Barthes. Hinggil sa ugnayan ng usaping pangkababaihan at wika, isinaad ni Showalter na:
French feminists have described l'ecriture feminine , a practice of writing "in the feminine" which undermines the linguistic, syntactical, and metaphysical conventions of Western narrative. (It) is not necessarily writing by women; it is an avant-garde writing style like that of Joyce. However, the most radical French feminist theorists also believe thatl'ecriture feminine is connected to the rhythms of the female body and to sexual pleasure ( jouissance , and that women have an advantage in producing this radically disruptive and subversive kind of writing. 
Susog ni Julia Kristeva na ang diskursong babae na tumatalikod sa tradisyon ay isang anyo ng feministang pagkilos, isang pampulitikang pagbabalikwas. Samantala, si Helene Cicoux naman ay naniniwala na isa itong puwersang rebolusyonaryo. Kapwa impluwensiyal sina Kristeva at Cicoux sa proseso ng "rethinking the maternal" sa antas ng panulat at wika. Tinatayang magiging mahalaga ang kanilang impluwensiya sa feministang kritisismo sa Estados Unidos at Ingglatera sa Dekada Nobenta. Sa kabilang dako, binigyang-diin ni Irigaray ang pagpapatahimik sa kababaihan dulot ng mga paniniwala nina Plato, Hegel, Freud hanggang kay Levi-Strauss. Magkakaroon ng kaganapan ang kababaihang walang ari ng lalaki kung maigigiit nila ang ispesipisiti bilang babae, ang kanilang pagkakaiba sa kalalakihan, at ang mga sistema ng representasyon ng kalalakihan. Ang kahalili diumano ng ari ng lalaki ay ang buong katawan ng babae. 
Sa kabuuan, palosentrismo ( phallocentrism ) ang nangunang teorya sa feminismo sa Pransiya. Diin nito ang kasaklawan ng pamamayani ng kalalakihan bilang sabjek, na siyang nagtutulak sa kanila para itulak ang kababaihan sa kalagayang ang babae ang lahat na hindi babae. Ito ang paghahari ng phallus , ng salita ng kalalakihan bilang batas?ang kalalakihan bilang bukal ng kahulugan.
May alinlangan ang ilang kritiko sa kaangkupan ng feministang kritisismo para sa lahat ng bansa. Pinabulaanan ni Gayatri Spivak ang pagiging unibersal ng aplikasyon ng feminismo. Makabubuti diumano ang paggamit ng mga teorya sa pagpapalinaw ng mga teksto mula sa mga mahihirap na bansa kung isasaalang-alang ang mga presuposisyon at kaligirang pinagmulan ng mga teorya. Subalit, may kabuluhan din ang gayong mga teorya lalo na yaong nagbibigay-pansin sa mga pagbasa ng ideolohiya sa pagbuo ng mga nilalang sa isang lipunan. Sa lahat nga ng mga larangan, ayon sa mga kritikong sina Patrocinio P. Schweickart at Eklizabeth A. Flynn, ang kilusang feminista ang siyang nasa ubod ng mga puwersang kritikal sa pagkilatis ng mga pamamaraan sa pagbasa ng paghubog ng kasarian sa karanasan at pag-uugali. Sentral sa ganitong pagbasa ang isyu ng gender. Ibig sabihin, wika ng Pilipino-Amerikano na si Schweickart, magiging tuon ng feministang teorya ang karanasan at interes ng mga mambabasang babae. Kung babalikan muli ang usapin ng kabuluhan, naninindigan si Soledad S. Reyes na mapakikinabangan ng ating bansa ang mga teoryang namukadkad sa panahon ng Postistrukturalismo sa pagpapaliwanag sa mga ugnayan ng kapangyarihan na palasak sa mga nobela at maikling kuwentong Pilipino. Giit ni Showalter:
The intellectual trajectory of feminist criticism has taken us from a concentration on women's literary subordination, mistreatment, and exclusion, to the study of women's separate literary traditions, to an analysis of the symbolic construction of gender and sexuality within literary discourse. It is now clear that what we are demanding is a new universal literary history and criticism that combines the literary experiences of both women and men, a complete revolution in the understanding of our literary heritage. 
Sadyang sa panulat ng babae nabibigyang-daloy ang problematiko ng feministang kritisismo hinggil sa pagsanib ng teoretikal at personal. Kung maituturing bilang isang indikasyon ang mismong kasaysayan ng pakikitunggali ng kababaihan na hitik sa sakripisyo ng mga babae dulot ng kanilang pagsapi sa kritikal na kilusang radikal, maaaring may katotohanan ito lalo na't kung uunawain na ang nasabing kasaysayan at pagpapahayag ay itinakda ng mga isyu ng gender at kaibhan ng seks.
4 notes · View notes
joshexmachina-blog · 10 years ago
Photo
Bonsai by Edith Tiempo
All that I love I fold over once And once again And keep in a box Or a slit in a hollow post Or in my shoe.
All that I love? Why, yes, but for the moment- And for all time, both. Something that folds and keeps easy, Son’s note or Dad’s one gaudy tie, A roto picture of a queen, A blue Indian shawl, even A money bill.
It’s utter sublimation, A feat, this heart’s control Moment to moment To scale all love down To a cupped hand’s size
Till seashells are broken pieces From God’s own bright teeth, And life and love are real Things you can run and Breathless hand over To the merest child.
Tumblr media
13 notes · View notes
joshexmachina-blog · 10 years ago
Photo
Tumblr media
Zdzisław Beksiński
655 notes · View notes
joshexmachina-blog · 10 years ago
Text
one line cuts me open past beneath thick layers of dry skin rotten flesh and brittle bones hoping to find something worth salvaging
1 note · View note
joshexmachina-blog · 10 years ago
Photo
Tumblr media
Hanemusi aka Cosuke Saco aka Coton Chaton コトン シャトン (Wakayama, Japan) - 未来跡, 2009    Drawings: Ballpoint Pen
794 notes · View notes
joshexmachina-blog · 10 years ago
Photo
Tumblr media
Makalipas ang tatlong araw na pagpapabukas ng mga gawaing-bahay, nabuo na rin ang loob kong maglaba--tutal, kailangan ko lang namang mag-taxi patungo sa "laundry shop" (hindi ako sigurado kung ano ba talaga ang tawag doon). Magagamit ko na rin yung binili kong Ariel at sa wakas, may maisusuot na naman akong itim na mga t-shirt. Nakapagbasa rin ako kanina. Sa totoo lang, buong gabi ako nagbasa, walang tigil, walang pahinga. Ang huli, ilang sanaysay at komentaryo sa postmodernismo sa Pilipinas. Napaisip ako: ano ba talagang alam ko sa postmodernismo? Paano kung tanungin ako ng pinsan, o ng kaibigan, o ng di kakilala, kung ano ang tingin ko sa pag-usbong (kung umuusbong nga ba) ng tradisyon (kung meron ngang tradisyon) nito sa Pilipinas. Kaya naman pasalamat ko at nahalungkat ko ang librong 'to sa mga inaamag na parte ng lumang kwarto. Halos dalawang oras kong nanamnamin si Derrida, ang dekonstruksyon, at ang pag-ibig ni Foucault kay Nietzsche.
3 notes · View notes