hi, i’m vabes! a random jeje gurl with random jeje stories with a pen name jeyvieytch. follow me as i discover more of my ka-jejehan and randomness. see you! (◍•ᴗ•◍)✧*。♡ twitter and instagram: @jeyvieytch
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Ang Corona at Ang Korona
“Ang Corona at Ang Korona”
Tila isang panaginip na binalot ng dilimang hatid ng coronang itim.
Nangangapa, nangangamba,
hindi makita ang umaga;
tila ba kinain na ng bakunawa.
Ikot ng mundo ay naapektuhan,
populasyon ay nabawasan.
Lahat ng balita ay iisa lang ang laman,
ang coronang kalaban.
Kabi-kabilang ingay ang umalingawngaw;
tulong at suporta ang isinisigaw.
Pero bakit lubid ng buhangin ang ibinigay?
Dagat pa ang tumangay.
Ang hinihingi ay solusyon,
ang ginawa ay korapsyon.
Hindi lang pala coronang itim ang kalaban,
dumagdag pa ang koronang pulang nalaban.
Kailan ba matatapos ito?
Turuan, sisihan, parang batang hindi natuto.
Na saan na ang hinihinging serbisyo?
Napunta na ’ata sa bisyo.
Nakalimutan na ba ang coronang kalaban?
Nagpokus na ’ata sa halalan.
Gustong manatili sa upuan,
isuot pa ang koronang pulang inaasam-asam.
Sana sa magiging botohan,
piliin ang nararapat para sa upuan.
’Wag nang magpatangay sa dagat ng kasinungalingan
upang hindi na maulit ang dilubyong nararanasan.
Piliin ang makatarungan,
piliin ang mamamayan.
– @jeyvieytch
#jeyvieytch #lettersjeyvieytch #filipinopoem #taglogpoem #poem #tula #tulangfilipino #tulangtagalog #filipino #tagalog #corona #korona #AngCoronaAtAngKorona
0 notes
Text
ang berdeng libro na may magugulong letra
a true-to-life story of a girl na hindi nabili ang libro ng paborito n’yang manunulat. itago na lang natin sa pangalang ate gurl ang babaeng ‘yon.
so, here’s the story. . .
isang araw, taong dalawang libo’t labing-apat, sa hindi ko maalalang buwan, may 13 year old na babae ang naglilibot noon sa isang bookstore na itatago na lang natin sa pangalang “ekspresyon”. sa hindi inaasahang pangyayari, may nakita siyang berdeng libro na may magugulong letra sa isang estante.
tiningnan n’ya nang mabuti ang libro. napatitig pa nga, eh. pero hindi n’ya talaga ma-gets ang nakasulat na title ng libro. nang hindi makatiis, hinawakan na n’ya ito at saka napatanong sa sarili. . .
“ABC ba ang ibig sabihin nito? Pero bakit ‘F’ na ang pagkatapos ng ‘A’? Mali na ba ang alam kong alphabet?”
dahil hindi n’ya talaga maintindihan ang ibig sabihin ng magugulong letra, ibinalik na lamang ulit n’ya sa estante ang berdeng libro at saka nagpatuloy sa paglilibot sa nasabing bookstore.
makalipas ang ilang araw, o buwan, hindi ko na matandaan, basta ang alam ko, sa isang grocery, nakita ulit ng babae ang berdeng libro na may magugulong letra. ngunit sa pagkakataong ito, hindi na nag-iisa ang libro. marami na sila ngayon, bundle-bundle na sila. pero dahil hindi pa rin ma-gets ni ate gurl ang ibig sabihin ng magugulong letra, at alam naman n’ya sa sarili n’ya na tama ang alam n’yang alpabeto, iniwan na lang ulit n’ya ang berdeng libro at ibinaon sa limot ang mga nangyari.
makalipas ang dalawang taon. . .
labing limang taon na si ate gurl. nagkaroon na siya ng bagong mga hilig at isa na ro’n ang pagbabasa. at dahil nahilig na siya sa pagbabasa, marami na siyang nabasang mga kuwento lalong-lalo na sa wattpad.
isa sa mga nabasa n’ya na ang 23:11 at 11/23. dahil nagustuhan n’ya ang dalawang kuwento, nang matapos n’ya ang mga ito, binisita n’ya ang profile ng manunulat na siya ring new peburit otor n’ya at ito ay si pilosopotasya. in-stalk n’ya ang wattpad profile ni pilosopotasya para maghanap ng bagong mababasa.
sa pagbukas n’ya ng profile ni pilosopotasya, ‘di n’ya inaasahang makikita n’ya ang pamilyar na magugulong mga letra.
isa lang ang pumasok sa isipan n’ya. . .
“$#!?!*CENSOR* %&*!?! Siya ang author ng librong ‘yon?!”
at dahil nalaman n’yang siya nga ang author ng librong ‘yon, dali-dali n’yang binuksan ang istoryang ‘yon sa wattpad. abot langit ang ngiti n’ya no’ng makitang kumpleto pa ito at hindi deleted.
nabasa n’ya ang first two parts ng kuwento na napag-alaman n’yang sample pala mula sa published version ng libro. patikim daw ito sabi ni otor. dalawang chapter lang ‘yon na mula sa libro pagkatapos ay prologue na ng wattpad version ang kasunod.
sobrang nagustuhan ni ate gurl ‘yong “patikim” na nabasa n’ya. ang ganda kasi, eh! dahil do’n, ginusto n’yang bilhin ‘yong published version ng kuwento para mabasa pa ang kasunod nito. kaso, may na-realize siya. 2014 na-published ang libro. 2016 na!
tatlo lang ang pumasok sa isip n’ya no’ng panahong ‘yon. . .
mag time travel,
mag time travel,
at mag time travel.
‘di n’ya alam kung anong mararamdaman n’ya sa oras na ‘yon. gusto n’yang maiyak dahil sa sobrang panghihinayang. panghihinayang na hindi n’ya agad nakilala ang manunulat para nabili n’ya sana noon ang nakitang mga berdeng libro.
ayaw naman n’yang basahin ang wattpad version ng libro dahil gusto n’yang ang unang version na mababasa n’ya ay ang published version nito. pero dahil alam n’yang wala na siyang magagawa, binaon nalang ulit n’ya sa limot ang may magugulong letrang libro at sinubukang mag move on.
makalipas ang ilang araw, nangangalkal ulit si ate gurl sa profile ni pilosopotasya. at sa kan’yang pangangalkal, nabasa n’ya ang book na may title na,
“P L S P T S Y A”.
sobra siyang nanlumo pagkatapos n’yang basahin ang librong ‘yon. lahat kasi ng nakasulat do’n ay tungkol sa berdeng libro.
dahil do’n, bumalik na naman ang kagustuhan n’yang bilhin ang berdeng libro na may magugulong letra.
natanong na lang tuloy n’ya sa sarili. . .
“Omg! Sino ba talaga kasi si Nate? Si Art? Si Cloud? At si Ianne? Bakit no’ng nabasa ko ‘yong sample chapter, *toot**toot**toot*? Ta’s sa last chapter, *toot**toot**toot*?”
(o, ‘di ba wala kang na-gets? ako rin, eh. ‘wag mo na pansinin ‘yong nabanggit n’yang last chapter. shunga kasi si ate gurl, tiningnan ang last chap. so g-r-r-r! ‘wag tularan!)
gusto na lang ulit maiyak ni ate gurl dahil alam n’yang wala na talaga siyang pag-asa pang mabili ang librong ‘yon.
ngayon, ang ginawa ni ate gurl, nagsulat na lang siya patungkol sa lahat ng hinanakit n’ya sa ‘di n’ya nabiling berdeng libro.
binalak n’yang i-send sana ang mga hinanakit n’ya patungkol sa berdeng libro kay new peburit otor. kaso shy-type si ate gurl kaya hindi n’ya na ito itinuloy. kaya ang ginawa n’ya, binaon na lang ulit n’ya sa limot ang berdeng libro at sinubukang mag move on ulit. . .
PERO!
pero. . .
PERO!!!
mapagbiro talaga ang tadhana. feeling nga n’ya, pinaglalaruan na talaga siya nito, eh.
bakit?
paano ba naman, noong ika-10 ng hunyo, taong dalawang libo’t labing-anim, nakakita ulit siya ng something related sa berdeng libro! isang post na nagsasabi kung gaano kaganda at dapat bilhin ang berdeng libro!
ngayon, naiiyak na talaga si ate gurl! beast mode na siya! parang ganito:
(ノಠ益ಠ)ノ彡┻━┻
(chour, oa lang xD)
pero naiiyak na nga talaga siya! gusto na lang n’ya maghanap ng time machine para makapag-time travel. pero imposible ‘yon! kaya ang ginawa na lang ni ate gurl, no’ng ika-11 ng hunyo, sa ganap na madaling araw, sinulat n’ya ang mala-MMK n’yang kuwento tungkol sa berdeng libro at binabalak na i-post sana sa group ni new peburit otor ang makabagbag damdaming istorya n’ya. gagawin n’ya ito upang tuluyan nang maka move on at para ma-share na rin sa iba ang super nakakaiyak talagang pangyayari sa buhay n’ya (seryoso!). ang kaso, wala siyang internet nang madaling araw! ngayon, hapon na lang n’ya binalak na i-post sa group ang makabagbag damdaming kuwento n’ya.
nang sumapit ang hapon ng araw na ‘yon, may nangyayari na naman!
dahil pagkabukas n’ya ng peysbuk, nakakita na naman siya ng post patungkol sa berdeng libro!
ang sunod na nangyari?
nabaliw si ate gurl sa sobrang inggit sa berdeng libro.
ang berdeng libro na may magugulong letra na hanggang ngayon ay hindi pa rin napapangalanan.
- the end -
chour.
to be continued lang! gusto ko lang talaga ilagay ‘yong “the end”. xD
‘de jk! “the end” na talaga dapat ng istoryang ito. ang kaso, may nangyari na naman kay ate gurl sa paglalakwatya n’ya! o ‘di ba, ang daming ganap ni ate gurl! xD
ready na ba kayo sa part two ng istorya?
kung ready na, here’s the story. . .
noong ika-9 ng oktubre, taong dalawang libo’t labing-anim, pumunta siya sa suki niyang si pareng booksale para maghanap ng berdeng libro na matagal na n’yang hinahanap. nakakita kasi ulit siya ng post about sa berdeng libro. may post kasi na nagsasabing mayroong nabibiling berdeng libro for 200 pesos tapos book one and book two na! (yez, may pag-asa pa!)
after ‘yon makita ni ate gurl, sugod agad siya sa mall! pero binigo siya ng suki n’yang si pareng booksale pati ng iba pang bookstore na pinuntahan n’ya. :((( wala siyang nabiling berdeng libro! pero para ‘di siya umuwing luhaan, at para may masabi na may nabili siya, bumili na lang siya ng libro na hindi naman n’ya alam kung maganda ba o hindi.
anyways, after what happened, hindi sumuko si ate gurl sa paghahanap sa berdeng libro na may magugulong letra. (yaz, gurl! gooooo! xD)
nagpabalik-balik siya sa mall para humanap ng berdeng libro. ang kaso, lagi na lang siyang bigo!
hanggang sa. . .
noong ika-28 ng oktubre, sa pareho pa ring taon, pumunta ulit si ate gurl ng mall. siyempre, ate gurl as ate gurl, dumiretso agad siya sa suki n’yang si pareng booksale! iniwan n’ya ang nanay n’ya na kasama n’yang pumasok ng mall at dumiretso kay suking booksale. (hala, grabi siya, oh! xD) paano ba naman, kapasok mo ng mall, bungad si pareng booksale. sino ba namang hindi matutuksong sumilip? xD
so ayon nga, sumilip si ate gurl!
at sa hindi inaasahang pangyayari. . .
sa estante ng suki n’yang si pareng booksale. . .
nakita n’ya ang pamilyar na berdeng libro na may magugulong letra!
“hala, shux! ito na! omg, iz diz real?!”
dalawang naka-bundle na berdeng libro ang nakita n’ya. at kagaya sa nasabing post, 200 pesos lang ang magkasamang book one at book two! yey!
ANG KASO, MAY PROBLEMA!
WALA SIYANG DALANG PERAAAAA~ PAMBILI. PAMBILI SA MUKHA MONG MAGAN-- jk, iba pala ‘yon. PERO WALA NGA SIYANG DALANG PERANG PAMBILI!
wala siyang dalang pera no’ng araw na ‘yon! :( as in, wala. zero!
hanggang sa naalala n’yang may nanay nga pala siya!
yez! may nanay siya at kasama n’ya! buti na lang, yey!
ang kaso, out of sight si mader! iniwan nga kasi n’ya,’di ba? para pumunta kay pareng booksale? xD
para mabili n’ya na ang hawak-hawak na berdeng libro na ayaw na n’yang bitawan para ‘di makuha ng iba, t-in-ext na n’ya ang ina n’ya. nanghihingi ng 200 pesos para mabili na nga si berdeng libro na may magugulong letra
ang kaso ulit, malayo ata ang pinuntahan ng ina n’ya kaya hindi siya mapuntahan agad para maibigay ang hinihingi n’yang pera.
isang oras tuloy siyang nakatunganga sa loob ng booksale, binabantayan ang berdeng libro para walang ibang makakuha kahit hawak-hawak naman na n’ya. sa sobrang tagal na n’yang nananatili sa loob ng booksale, puwede na ngang isipin ng mga nagtatrabaho ro’n na naghihintay lang si ate gurl ng pagkakataon para mag-shoplift. xD
pero hindi gano’n si ate gurl! kaya matyaga n’yang hinintay ang ina.
at hindi naman siya binigo ng ina sapagkat dumating ito bago pa siya maisipang palayasin ng mga nagtatrabaho ro’n. finally, binigay na sa kan’ya ang hinihingi n’yang sapat na pera para mabili ang berdeng libro!
umuwi ang babae nang masaya at kinikilig. may bonus pa nga, e! ito’y dahil napansin siya ng new peburit otor n’ya! nag post kasi si ate gurl sa twitter ng mga feelz niya about sa berdeng libro. siyempre, sa hindi ulit inaasahang pangyayari ay nakita ito ni new peburit otor! kiligszx, ‘di ba? hihi.
curious na ba kayo kung ano ‘yong berdeng libro na may magugulong letra?
ako rin, eh. ano kaya ‘yon?
hmmm. . .
0 notes
Photo
hi! it’s me, vabes! former JVH The Reader. and i’m back, yey!
nagbabalik ako hindi lang bilang isang reader kun’di bilang isang babae rin na mayroong napakaraming random na kuwento. sa sobrang dami ng random kuwento, nag-decide na magsulat na lang para i-share sa mga interesado. xD
alam kong ginawa ko ‘tong account for book reviews last 2018 at hindi natuloy-tuloy dahil busy.
busy pa rin naman hanggang ngayon pero push pa rin natin ‘to dahil naisip ko na puwede namang hindi lang reviews ang isulat ko rito, e. that’s why i decided to change this page’s name to Letters Jeyvieytch kasi naisip ko na hindi lang ako reader. gusto ko rin magsulat. magsulat ng kung ano-ano. kagaya nga ng sinabi ko, random stories! maraming random stories! random stories about the books i’ve read, the movies/dramas/animes i've watch, random stories about my pets and many more!
i want to write my thoughts, my random thoughts na may kasamang kuwento. that's it. xD
kaya ikaw na nagbabasa ng post na ‘to, gusto mo bang mabasa ang mga random kuwento na ‘yon? nacu-curious ka na ba? kung gano’n, i-follow at i-stalk na ang accounts ng jeje gurl na ito! xD
kung gusto ako mas makilala, hanapin lang si @jeyvieytch sa IG, twitter at tumblr para sa mga aesthetic-kuno shts--i mean shots at super-duper-ultra-mega random kuwento, yey!
kung tamad ka maghanap (like me), i-click na lang ang mga link na ‘to:
instagram.com/jeyvieytch
twitter.com/jeyvieytch
facebook.com/jeyvieytch
chalamat!
hindi ko maipapangakong may sense ang mga kuwento ko but i think i can somehow entertain you with my random stories. kaya hala, ano pang ginagawa mo? hanapin na si jeyvieytch! xD
so again, i’m vabes! a random jeje gurl with random jeje stories with a pen name jeyvieytch. follow me as i discover more of my ka-jejehan and randomness.
see you! (◍•ᴗ•◍)✧*。♡
0 notes
Photo
ang simula ng “blag-blag-an”
ulan, my favorite author, suggested that i should start blogging. kahit for fun lang daw. kasi sa tingin n'ya, may future ako sa blogging. kiligszx, 'di ba?!
at ako, bilang simpleng kyot lang e naniwala kay ate ulan (pilosopotasya) na may future nga ako sa blogging.
siyempre, paano magkakaroon ng future kung ‘di sisimulan?
kaya heto ako ngayon, nagsusulat. xD
anyways-toothpaste, never pumasok sa isip ko na mag-blog. as in! so no'ng sinabi n'ya 'yon, na-excite ako sa idea.
kaya heto nga ako ngayon, nagsusulat. xD (ulit-ulit?!)
i like the idea of writing my thoughts din kasi. hindi ako madaldal pero 'yong utak ko, sobrang ingay! ang daming gustong sabihin pero hindi masabi kasi hindi organize? ‘yong feeling na hindi mo alam sasabihin mo kasi hindi maayos ‘yong thoughts mo. gano’n ako kaya gusto kong isulat na lang. sa pagsusulat kasi, puwede kong i-delete 'yong na-type ko kapag nagkamali ako. sa pagsasalita, hindi. walang backspace. touch-move!
tsaka i think blogging can also help me enhance my writing skills. hihi.
balak ko i-challenge ang sarili ko na magsulat ng isang post na purong filipino ang pagkakasulat. filipino major kasi ako kaya kailangan ko maging matatas! skl naman. xD
anyways-mayonnaise. . .
ngayon, ano nga bang balak ko sa pag-b-blog?
wala naman, puro randomness ko lang. charot! HAHAHAHA.
balak ko lang magkuwento. ang dami kong random kuwento, e. ang dami kong gustong i-type! kaso tinatamad lang talaga ako. so baka ngayong may "blog" na ako, baka sipagin ako mag-type. xD
pero tbh, 'di ako nag-e-expect na magkaroon ng readers. kasi unang-una, ginawa ko 'to para sa sarili ko. xD sobrang vain lang. HAHAHAHA.
pero seriously, ginawa ko talaga 'to para sa sarili ko. para ilabas 'yong thoughts ko. kapag may gustong magbasa, salamat! kapag walang gusto, okay lang din. hihi.
pero, pero, pero, 'di ko nililimitahan na para sa sarili ko lang 'yong mga sinusulat ko. gusto ko rin naman na may magbasa. pero like i said, okay lang kung wala. oks lang sa akin. xD gulo ko, 'di ba? HAHAHAHA.
anyways, ang isusulat ko lang naman mostly rito ay about sa mga books ko. mga fav books. mga kuwento kung paano ko nabili, paano ko na-discover, puwede ring kung anong say ko sa book. reviews siguro? hmmm. . . let's see. haha!
anyways uleyts, some may find my posts boring kasi TMI ako madalas. you know, too much info. haha! gusto ko, bawat detalye, naikukuwento ko. TMI nga kasi. xD
marami rin makikitang wrong grammar so, sorry na agad. xD isa talaga 'yon sa weaknesses ko.
anyways ulit, ulit, baka i-share ko rin dito mga bago kong natutunan and all. BASTA, BASTA, BASTA! madami akong gusto i-share! pati mga thoughts ko sa anime and k-drama, gusto kong i-share.
basta, eksayted na akong simulan 'to. xD
so lezgirit!
hi, i’m vabes! a random jeje gurl with random jeje stories with a pen name jeyvieytch. follow me as i discover more of my ka-jejehan and randomness.
see you! (◍•ᴗ•◍)✧*。♡
1 note
·
View note