jedmarco
Untitled
4 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
jedmarco · 4 years ago
Text
Para sa...
Tumblr media
Para sa pamilya...
Para sa kinabukasan...
Para sa magandang buhay...
Ang daming rason bakit madaming Pilipino ang nangingibang bansa upang mag trabaho. Madaming sakripisyo, pawis, walang kain, at hirap na naranasan para lang sa magandang buhay. 
Worth it nga ba? 
Ang balitang may isang OFW na namatay dahil binugbog ng amo niya. Ito nga ba ang dapat natin i expect kada may mangingibang bansa?
Ang daming mga OFW ang nakakaranas na violence at hindi kaaya ayang pangyayari sa ibang bansa, may mga binugbog, ni-rape, atbp.
Sana nama’y kahit papano, may tutulong agad sa kanila. Dun sa nangyari sa balita, nag BINGI-BINGIHAN daw ang ahensya. Tama ba yun? Ilang beses nang humingi ng tulong, ngunit hindi tinulungan. 
“Madaming nangangarap na mangibang bansa, ngunit hindi paraiso ang pangingibang bansa.” 
Madaming tao na nasa Pilipinas lang, tingin nila paraiso ang mamuhay sa ibang bansa at mag trabaho dun, ngunit hindi nila alam, doble and hirap dahil ikaw na nga lang ang mag-isa, may abuso o hirap na pagsubok na sumasalubong sayo araw-araw.
Dapat mas bigyan ng suporta ang mga OFW lalo na ang mga kasambahay at dapat silang bigyan ng seguridad.
Kung sila may rason bakit sila nag tatrabaho sa ibang bansa, dapat tayo din ay magkaroon ng rason bakit dapat silang tulungan, pakinggan at suportahan.
Suportahan sila...
Para sa kanilang pinapangarap na magandang buhay...
Para sa kanilang pinapangarap na kinabukasan...
Para sa kanilang mga pamilya na mga kababayan din natin.
0 notes
jedmarco · 4 years ago
Text
Babangon
Tumblr media
“Nabaon sa bato at tubig... ang kanilang mga pangarap.” -Atom Araullo.
Sa napanood na dokumentaryong “Hukay”, madaming tao na nasa mining site ang natabunan ng tubig, lupa at bato. Mga katawang nabalutan ng dilim. Pati ang kanilang mga pamilya ay natabunan ng dilim ang kanilang buhay.
Madami akong napanood sa mga balita na mga lugar na may naganap na “land slide”. Pati ang aking paglakbay sa iba’t ibang lugar, nakikita ko ang mga lupa na nagkalat sa daanan ng sasakyan na nagmula sa gumuhong lupa mula sa bundok o mataas na lugar.
Sa palabas na ito ko nakita kung gaano ka delikado ang mga “land slide”. Noon, natatakot ako pag nakakakita akong mga gumuhong lupa at dadaan kami sa parteng iyon dahil maaaring gumuho muli.
Sa mga taong nandun sa mining site ay naglakas loob mag trabaho kahit na ang kanilang trabaho ay delikado lalo na’t pag mimina ito.
Ginawa nila ito para sa kanilang pamilya, para may makain sa pang araw-araw, at para sa kanilang mga PANGARAP.
Hindi na natin pa maiiwasan ang mga ganitong pangyayari dahil madalas gawain ito ng mga tao, at minsan din nama’y natural itong nangyayari.
Pero gaya nga ng sabi doon, kahit mahirap, pipilitin paring bumangon.
0 notes
jedmarco · 4 years ago
Text
It comes and goes... but comes again.
Tumblr media Tumblr media
Ang sakuna ay hindi maiiwasan. Sabi nila “death and change is the only permanent thing in the world.” Eh ang sakuna? Bakit laging nasa gilid ng ating bansa na papalapit ng papalapit.
Madaming tao ang nabawian ng buhay dahil sa mga sakunang ito. Mga bata, matanda, buntis, at iba pa. Ayon sa siyensiya, may rason kung bakit may sakuna. Lahat naman ng bagay may rason.
Pati ang sobrang sakuna sa buong mundo ay may rason. HIndi ba dahil din sa ating mga tao yun? 
Sa dinami daming nabago sa mga tao, kagamitan, estruktura, gobyerno, at iba pa. Madaming tao rin ang humahabol sa mga nababagong pangyayari, ngunit hindi lang tao ang humahabol, pati ang ating kapaligiran.
Naninibago ang ating kapaligiran, humahabol sa mga pagbabago. Dahil dito, magulo na ang mundo. 
Mga sakunang tuloy tuloy, mga taong nahihirapan, mga bagay na nakakasira sa mundo patuloy paring binibili. Totoo bang huli na ang lahat? Hindi na natin pa mapapagaling ang mundo? 
Kung ganun, wag nalang natin palalain pa. Tayo ay maging maingat at maging responsable sa ating mga gagawin. 
Huli man na gumaling ang mundo, ngunit hindi pa huli na gumawa ng mabuti.
0 notes
jedmarco · 4 years ago
Text
Once Upon A Tune
Tumblr media
“Dahil gobyerno ang nagpasimula Imbes mapabuti lalong lumala Minsa'y iniisip ko, ano kaya Mas mabuting may gobyerno o wala” -Gary Granada’s Once Upon A Tune.
Ang bawat bansa ay nakakaranas ng corruption, ang ating bansa ay madalas nakakaranas ng ganito. Mula kay Pangulong Emilio Aguinaldo hanggang ngayon sa bagong henerasyon ng taong 2020, at imposibleng mawala ito sa isang bansa. 
Bakit nga ba nila ito ginagawa? Nabubulag at nabibingi, pinapangako nila noon na sila’y tutulong sa mga tao, na sisilbihan nila ang ating bansa at mga tao rito, at sila’y magiging patas. Ngunit, anong nangyari?
May nagawa bang kasalanan ang mga mamamayan upang kayo’y maging ganyan o sadyang kayo ay makasarili at uhaw sa perang pinaghirapan ng mga taong naninirahan din sa bansang tinitirhan ninyo?
Ayon sa unang parte ng kanta ni Gary Granada, “minsa’y iniisip ko, ano kaya mas mabuting may gobyerno o wala.” Kailangan bang mawala ang gobyerno para maging mabuti ang ating bansa? Ang gobyerno ay ginawa upang makontrol ang mga pangangailangan ng tao, ngunit sadyang may masamang intensiyon ang iba. 
Bakit hindi sila mahuli, na sa ating mata’y halatang halata na sila ay may ginagawang mali, dahil ba’y kakampi din nila ang mga pumuprotekta sa ating bansa, ang mga may hawak ng armas? Sila ba ay dapat katakutan, hindi ba sila dapat ang matakot sa ginawa nilang mali, matakot na sila ay mahuli ng mga mamamayan mismo, matakot na sila ay magbabayad balang araw sa nagawa nilang mali?
Naniniwala akong may mabuti pang mga tao na nais magbago nito, na hindi mabubulag sa pera at hindi mabibingi kapag nangangailangan ng tulong ang taong bayan, na hindi maglilikot likot ang kamay sa mga bagay na dapat sa mga taong bayan naiibigay. Na siya din mismo ang maglalantad ng kasamaan ng iba sa harap mismo ng taong bayan. Na balang araw ay lalabas ang totoo. 
Uunti pa man ang gumagawa nito, ngunit naniniwala akong dadating din ang panahon.
Sa panahon ngayon, ano kaya ang mas malala, corruption o virus/disease?
1 note · View note