jamineagatha
jamineagatha
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
jamineagatha · 4 years ago
Text
Once Upon a Tune - ni Gary Granada
Ano nga ba ang kantang “Once Upon a Tune”?
Ito ay isang kanta ni Gary Granada na tumatalakay sa mga isyung politikal ng Pilipinas. Ito ay na-release sa taong 1994. Sa kantang ito ay ginamit ang mga awiting pambata upang maibahagi ang mensahe ng kanta.
https://www.youtube.com/watch?v=RlSb3J8wV_g
youtube
Ngayon na napakinggan na natin ang kanta ay tutungo na tayo sa pagtatalakay sa ilang liriko ng kanta.
1.
Bahay kubo nang tumakbo Ay naging palasyo nang nakaupo Inom at sugal, sigarilyo't babae Libreng personal na grocery
Tumblr media
Ang saknong na ito ay tungkol sa mga umuupo sa gobyerno. Sila na tumakbo sa posisyon na iyon ay ginagawa itong “palasyo” dahil sila ang mga namumuno. Dahil dito ay sinamantala nila ang posisyon nila para sa kanilang personal na gusto.
2.
Bahay tubo, Malakanyang Ang negosyo roon ay sarisari Experts, consultants, advisers at media Sa palibotlibot ay maraming tanga
Ito naman ay may kaugnayan rin sa gobyerno. Sa mga nagkakaposisyon ay ginagawa nilang negosyo ito. Nangyayari ito dahil sa mga bumoboto sa kanila. Responsibilidad ng mga bumoboto na mapunta sila sa posisyon. Kaya dapat natin isipin ng mabuti ito dahil sila ang mga mamumuno sa ating bansa.  
3.
Sampung mga daliri, panay malilikot Nangangalabit, nandidikta at nangungurakot Madudungis na ngipin ng pulitiko Luho, bisyo, pati tinga pera ng publiko
Tumblr media
Sa saknong na ito ay tungkol sa korapsiyon. Tinutukoy nito ang mga masasamang pulitiko na ginagamit nila ang kinauupuan nila sa kanilang sarili. Pinapakita ito sa simbolismo na daliri na malilikot.
4.
Kandidatong bobo, lumipad sa langit Di ko na nakita buhat nang ma-elect Sayang ang boto kong mura lang ang benta Nag-enjoy pa sana doon sa artista
Tumblr media
Ang mga tumatakbong kandidato ngayon, may ilan na “hindi na nakikita”. Bago sila ma-elect ay nagkukumpanya ang bawat kandidato kung ano ang gagawin nila kapag sila’y nagkaposisyon na. Pagka-elect ay hindi na nila nagawa ang mga pangako na binigay nila sa bayan, kaya sinabing hindi na sila nakita. Dahil doon ay nasayang ang boto sa kandidatong iyon at mas maaaliw pa sa artista.
5.
My nephew, my niece, my brother and sis My nephew, my niece, my brother and sis My nephew, my niece, my brother and sis Are all political appointees
Tumblr media
Ang political dynasty ang punto ng saknong na ito. Ang political dynasty ay ang isang pamilya ng pulitiko na namamahala at ipinapasa sa kapamilya nila ang katungkulang ito. Ang ilan sa mga political dynasties sa ating bansa ay ang mga Aquino, Roxas, Marcos, at iba pa. Ang epekto nito ay kapag tumakbo ang kapamilya ng isang pulitiko ay kaagad silang nalalamang kumpara sa ibang kandidato na walang kapamilyang nasa posisyon.
6.
Doon po sa amin, libreng pagamutan Alay ni Congressman sa may kapansanan Nabingi ang bulag, nabulag ang pipi Napipi ang pilay, napilay ang bingi
Tumblr media
Sa huling saknong, tungkol ito sa pagamutan sa ating bansa. Sinasabi dito na hindi maganda ang mga pagamutan sa atin. Lalo na ngayon na merong crisis na kinakaharap at ngayon pa hindi maayos ang pondo para dito.
Konklusyon
Ang kantang “Once Upon a Tune” ay mahusay na naisulat dahil sinasabi dito ang mga nangyayari sa kasalukuyan. Bagamat ito ay kanta noong 1994 pa ay eksakto pa rin ang mga mensahe ng kanta. 
Salamat sa pagbabasa! :>
1 note · View note