jamiesalud-blog
jamiesalud-blog
Jamie's Blog
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
jamiesalud-blog · 6 years ago
Text
Barangay Hulong Duhat, Malabon City Disaster Risk Reduction
Sa kabutihang palad ay nakapanayam ko si Kagawad Ibot Cruz ng aming barangay, Barangay Hulong Duhat Malabon City, tungkol sa pagiging handa ng aming barangay laban sa mga iba’t ibang kalamidad o sakuna na maaaring mangyari sa anumang oras. 
Tumblr media
Bago pumunta sa aming barangay at makipanayayam sa isang barangay official ay nag-search muna ako ukol sa aming barangay at nakita ko sa Official Facebook Page ng Barangay Hulong Duhat na mayroon palang bagong tayo na Barangay Disaster Risk Reduction (BDRR) Command Center at mabuti na lamang ay pumayag si Kagawad Ibot Cruz na siya ay aking makikwentuhan mismo sa loob nito.
Tumblr media
PHOTO SOURCE: Barangay Hulong Duhat  Official Facebook Page
Naitanong ko kuung kailan lang naitayo ito at sabi niya ay netong buwan ng Setyembre lamang at nabasbasan noong Oktubre.
Hazard Identification (Pagtukoy sa mga Bantang Panganib)
Tumblr media
SOURCE: http://malabon.gov.ph/wp-content/uploads/2019/07/City-Development-Plan-2017-2020.pdf
Ako rin ay nagsearch ng mga dokumento ukol sa City Development plan ng Malabon City at aking nalaman na ang aming barangay ay pasok sa pagkakaroon ng mga geologic and hydro-meteorological hazards. Ang Malabon madalas na naibabanggit kasabay ng baha dahil kapag may bagyo ay lagi kaming pinakaapektado at ito ay dahil ang Malabon ay parang nagsisilbing catch-basin ng tubig baha at mga basura mula sa ibang matataas na ga lungsod. Kaya naman ay aking naitanong kay Kagawad na bukod sa baha, ano o anu-ano pa ang mag madalas na kalamidad o sakuna ang madalas na naapektuhan ng sobra o mas prone ang aming barangay at ang kaniyang sinabi ay mga sunog at lindol lamang. Bagamat ang aming barangay ay malimit na magkaroon o may maitalang mga sunog ay handa naman daw ang Barangay Hulong Duhat Fire and Rescue Volunteers na rumesponde sa mga sunog at sa kahit ano pang mga sakuna. Ang aming barangay ay laging may nakaantabay na Fire Truck at Rescue Vehicle.
Tumblr media
Sa  Barangay Disaster Risk Reduction (BDRR) Command Center ay may tatlong flat-screen TVs kung saan nila nai-momonitor sa tulong ng mga CCTVs ang aming barangay. Sila rin daw ay laging nakaantabay sa balita kapag may paparating na bagyo. 
Tumblr media
Kasama sa litrato ay si Kagawad Ibot Cruz (nasa aking tabi) at dalawang Fire and Rescue Volunteers ng Barangay Hulong Duhat.
Vulnerability, Elements and People at Risk Assessment
Tumblr media
SOURCE: http://malabon.gov.ph/wp-content/uploads/2019/07/City-Development-Plan-2017-2020.pdf
Akin rin ay naitanong na kung sa usaping baha, saan at sino-sino ang pinakamagiging apektado at ito raw ay ang mga nakatiira malapit sa ilog at sa iilang mga palaisdaan ng aming barangay at mga kalapit na barangay. Sanay naman raw ang mga taga Malabon sa baha kaya naman ang mga taong apektado ay laging handa kapag may parating na bagyo. ang sabi rin ni Kagawad ay solusyon na ginagawa ng Lungsod ng Malabon at nng aming barangay ay ang pagkakaroon ng water-pumping stations at mga flood gates upang sa panahon ng matitinding bagyo ay kung bumaha man ay hindi na ganon kataas at  kalala kumpara nnung mga nakaraang taon na kulang o wala pa halos na mga water-pumping stations. Ang mga sunog ay minsan lang raw mangyari sa aming barangay at ang pinakahuling naitala lamang daw ay iisang bahay lamang at agad naman na naagapan.
Capacity and Disaster Management Assessment
Dahil nga hindi na bago ang pagbaha sa Malabon lalo na sa aming barangay,  ay laging nakaantabay ang mga tao sa balita sa report ng mga lindo,  sunog, lagay ng panahon, signal ng bagyo at pagsuspinde ng mga klase. Sila rin daw ay nakaantabay  sa announcement ng aming City Mayor na si Mayor LenLen Oreta sa pagsuspende ng mga klase. Ang mga tao naman raw ay kusa nang nagsisiakyatan at nagtataasan ng mga gamit pagdating ng tinatawag nating “-Ber Months” at sinang-ayunan ko rin si Kagawad dahil mismo ang aking pamilya ay ito narin ang ginagawang paghahanda sa mga bagyo magmula nang lumipat kammi sa Malabon galing Caloocan.
Tumblr media
SOURCE: http://malabon.gov.ph/wp-content/uploads/2019/07/City-Development-Plan-2017-2020.pdf
Nabanggit rin ni Kagawad na kamakailan lang ay nagkaroon ng First Aid and Basic Life Support Training ang Hulong Duhat Fire and Rescue Volunteers noong ika-10 ng Nobyembre. 
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Photo Courtesy by Paolo Velasquez
Community Walk
Kasama ko ang aking nanay sa Community Walk o paglilibot sa aming komunidad at naglakad kami galing sa aming bahay hanggang sa dulo ng amig kanto bago pumunta sa aming Barangay Hall at papunta sa palengke at paaralan na kalapit nito.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Hazardous Places (Mapanganib na Lugar)
Tumblr media Tumblr media
Sa ngayon, maituturin kong isa ang aming street sa “Hazardous Places” dahil ito ay sa kasalukuyang binibitak upang gawin at ayusing ang mga kanal at saka naman ay isusunod nilanng ayusin at taasan ang mismong kalsada.
Tumblr media
Isa ring Hazardous Place and dulo ng aming kanto kung saan giniba ang dating Basketball Court at Tennis Court upang ayusin at gawing isang malaking Sports Complex na may Track Oval, Baketball Court at Tennis Court. 
Bukod sa aming street na may mga bukas at sirang mga kanal ay may iilan rin akong napansin na bukas na kanal na matagal nang hindi tinatakpan.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Delikado ang mga lugar na ito lalo na at madaming mga batang nagsisipaglaro sa aming komunidad lalo na sa aming street kahit pa na disoras na ng gabi.
Safest Spaces (Pinakaligtas na mga Lugar)
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang aming komunidad ay isang maayos at ligtas na lugar lalo na’t pag mataas ang sikat ng araw. Bukod sa kaniya-kaniyang bahay, masasabi kong ligtas na mga lugar din ang area ng aming barangay hall dahil katabi nito ay ang Police Station, Malabon National High School , Sports Complex at palengke. matatao ang mga lugar na ito kaya naman kapag may nangyari man na aksidente ay mabilis na marerespondihan. Kapag naman daw ay may matinding sunog kung saan maramming pamilya ang apektado, ang Malabon National High School ay nagsisilbing Evacuation Area.
Best Practices (Pinakamainam na Gawin)
Tumblr media
Dapat lamang na nauukol sa mga banta ng kalamidad, sakuna o anumang panganib sa ating mga sarili ang gagawin nating mga aksyon. Sa aming lagay kung saaan ang aming bahay mismo ay may pinakalamalaking butas na kanal sa tapat ng gate, kami ay naglalagay ng matitibay na tabla upang makatawid kami ng liligtas. Dapat rin na maging maingat saa paglalakad lalo na at mabato at maputik angg daan kung kaya naman ay mas delikado at kailangan ng pag-iingat kapag umuuwi kami ng gabi.
1 note · View note