Tumgik
jamesflorin · 3 years
Text
FINAL EXAMINATION: FICTION
Panahon Noon, Binago ng Pandemya Ngayon Isinulat ni: James Rian Florin
Ako ay si Berto, isang simpleng bata na may kalakihan ang katawan at kayumanggi ang aking kulay. Ako ay nag iisang anak lamang at ako ay nag-aaral sa Rodriguez Elemtary School, ang aking ina ay si Rosa, siya ay namamasukan bilang isang kasambahay, at ang aking ama naman ay si Luis, siya ay isang magsasaka sa aming bayan. Kami ay mayroong simpleng pamumuhay ngunit masasabi ko na ito ay masaya sapagkat palagi kaming magkakasama.
Masaya kaming naglalaro sa bakuran nila Annie dahil sinusulit namin ang natirirang araw bago ang aming pasukan. Alam namin sa aming sarili na kami ay mahihirapan sa pag aral dahil binago ng pandemya ang sistema ng pag-aaral, kaming dalawa ay modyular ang napili dahil sa kakulangan sa pera upang makabili ng cellphone at wala rin sa amin sapat na internet o signal.
“Annie halika at tayo ay maglaro sulitin na natin ang natitira nating araw bago mag pasukan” ang tawag ko kay Annie.
“Oo nga Berto sulitin na natin, dahil alam kong tayo ay mawawalan ng oras sa paglalaro” ang sagot sa akin ni Annie.
Makalipas ang ilang araw, Nagsisimula na ang aming pasukan. Ako ay ginising ng aking ina,“ Berto gumising ka na! anong oras na at magmomodyul ka pa!” sigaw ng aking ina. Agad akong napabangon sa aking kinahihigaan, “ Opo nay, gising na po” ang aking sagot kay inay. Pagkabangon ko sa aking kinahihigaan agad akong naghilamos at tinanong ko ang aking ina at ama kung ano ang aming ulam, “ Nay,Tay ano po ba ang ulam natin?”. “Ay naku Berto! Alam mo naman kung ano ang paborito mong pagkain kapag umagahan” sagot ng aking Ama. Agad na kaming pumunta nila inay at itay sa aming hapag kainan, pagkatapos kong kumain ako ay naligo na para ako ay makapunta kaagad kila Annie, habang si inay naman at si itay ay naghahanda na sa kanilang pag-alis para sa kanilang trabaho. Makalipas ang ilang minuto ako ay nag paalam na.
“ Nay, Tay aalis na po ako, sabay na raw po kami ni Annie mag momodyul sa kubo nila” ang aking paalam sa aking magulang.
“Oh sige anak tapusin mo na ang modyul mo, aalis na rin kami ng inay mo para pumunta sa trabaho” sagot ni itay.
Sa una masaya kaming dalawa ni Annie dahil madali lang naman ang modyul namin, ngunit makalipas ang ilang araw kaming dalawa ay palagi ng nag-pupuyat kakagawa ng aming modyul. Pumunta na si Berto sa kanilang kapit bahay na si Annie.
“Luis!! Alam mo ang hirap pala ng ganitong sitwasyon ng pag-aaral yung modyular,mas maganda sana kung face- to-face dahil marami tayong matututuhan” ang sabi ni Annie sa akin.
“Oo nga Annie, malungkot lang din isipin na maraming kabataan na kagaya natin ang hindi na ipinagpatuloy ang pag-aaral, dahil sila ay nahihirapan, at ang iba ay walang wala talaga” ang aking sagot.
“Kung wala sanang pandemya hindi ganito ang ating sitwasyon” ang sabi ni Annie.
“Oo nga marami ang naapektuhan ng dahil sa pandemya, marami ang nawalan ng trabaho at maraming tao ang nagugutom, at ang malala sa lahat maraming kabataan ang natitigil ang pag - abot ng kanilang pangarap dahil hirap sila sa distance learning” ang aking sagot kay Annie.
Makalipas ang ilang buwan pahirap na pahirap na ang aming modyul, hindi na rin kaming dalawa masyadong nakakapag-usap dahil sa sobrang kaabalahan sa pag sagot ng aming modyul. Ngunit kinaumagahan nakita ko si Annie sa kanilang bahay.
“Uyy, Annie halika mag usap tayo. Kumusta ka na sa pag sagot ng modyul mo? Alam kung nahihirapan ka na rin, alam mo ba na parang gusto ko ng tumigil sa pag-aaral,hindi ko na kasi kinakaya sobrang hirap na, palagi nalang akong puyat, alam mo naman na madami rin akong ginagawa sa bahay at madami rin akong iniisip na mga problema” ang aking tawag at sabi kay Annie.
“Alam mo Berto pareho lang tayo ng sitwasyon sobrang nahihirapan na rin ako sa pag sagot ng modyul. Alam mo rin naman kasi na si Mama at Papa ay hindi ako matutulungan sa pag sagot dahil elementarya lamang ang kanilang natapos.
Gusto ko na rin nga tumigil kaso nga lang iniisip ko rin na sayang ang taon kung titigil ako sa pag - aaral” ang sagot sa akin ni Annie.
“Yan din ang naisip ko bukod sa sayang ang taon mapapatagal din ang pag abot ng ating pangarap,alam mo naman na gustong gusto ko ang makapag tapos ng pag-aaral para makakuha ako ng magandang trabaho at makatulong sa aking pamilya.
Alam mo Annie ipagpapatuloy nalang natin malapit na rin naman matapos ang ating pasukan. Kunting tiyaga nalang matatapos na ang ating pag hihirap” ang aking sagot naman kay Annie.
Lumipas ang ilang buwan, hindi namin napansin ni Annie na dalawang buwan nalang pala kami ay makakapag tapos na ng Elementarya.  
Matapos ang dalawang buwan, dumating na ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni Annie. Ito ay ang pagtatapos namin bilang Elementarya, sa wakas kinaya namin ni Annie ang hirap ng modyular at distance learning. Kinaumagahan pumunta ako sa bahay nila Annie.
“Oh diba Annie sabi ko naman sayo na kayang kaya natin ito. Tignan mo nalagpasan natin ang hirap na dinanas natin” ang aking sabi. 
“Oo nga Berto, masayang masaya ako na napagtagumpayan natin ang bagong sitwasyon ng pag-aaral” ang sagot sa akin ni Annie.
“Tama nga ang sinasabi ng ating mga nakakatanda na "Kapag may tiyaga may nilaga" at "Walang umaani ng tuwa,na hindi sa hirap nagmula" aking aking sabi kay Annie.
Masayang masaya ang kaming dalawa dahil napag tagumpayan namin ang hamon ng bagong sistema ng pag-aaral, Worth it ang aming pagod at pagpupuyat. Kaming dalawa ay minsan ng nawalan ng pag-asa at nawalan ng gana sa pag-aaral, ngunit palagi naming iniisip ang aming mga pangarap at hindi hadlang ang kinakaharap na problema ng ating bansa sa ngayon.
Marami man ang taong hindi na muna ipinagpatuloy ang kanilang pag-aaral dahil sa hirap ng sitwasyon at sistema, ngunit hindi natin maipagkakaila na maraming kabataan ang gustong ipagpapatuloy ang kanilang pag-aaral kahit na ang iba ay sobrang hirap ang pinagdaraanan. Bawat tao at mag aaral ay may iba't-ibang pangarap. Mga pangarap na nagsisilbing isa sa ating inspirasyon kung bakit tayo ay determinado at nagsusumikap sa ating mga ginagawa. Ang pangarap ay hindi madaling makamit ngunit tiyak mo na maaabot ang pangarap kung ikaw mismo ay mayroong pagtatiyaga at pagsisikap. Pagtatiyaga at pagsisikap sa buhay ang isa sa mga sagot upang maabot ang pangarap. Idagdag mo pa ang determinasyon at tamang diskarte sa buhay sa pagkamit ng pangarap mo sa buhay.
0 notes
jamesflorin · 3 years
Text
MIDTERM EXAM: FREE VERSE POETRY
                                                      HALALAN                                         
                                          Halalan? Ano nga ba ito?                                        Ba’t kaya ganito ang epekto,                                    Sa bawat tao sa bansang Pilipinas,                                Animo’y hatid higit pa sa ating dinaranas.
                                Mga fake news sa TikTok ay laganap,                                Mga trolls sa Facebook ay nagkakalat,                                      Pati kulay ng partido pinupuna,                                  Ba’t di na lang plataporma ang iuna.
                                           Kutya dito, kutya doon,                                          Saan ka man pumaroon.                                      Salitang halalan pinag-uusapan,                                       Dahil sa nalalapit na botohan.
                                      Kung ako, ikaw, kayo o tayo,                                       Ba’t di na lang magkaisa-isa,                              Tiyak bansang Pilipinas tunay na aasenso,                                     Ano kaya ang sa palagay ninyo?
                                  Salitang halalan kung ating aalamin,                                         Dito ay ating masasalamin,                                Pagpili nang mga taong ihahalal natin,                              Upang bansa natin matulungan paunlarin.
0 notes
jamesflorin · 3 years
Text
PC:
 CREATIVE CAPTION WRITING PROJECT
0 notes
jamesflorin · 3 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
Name: James Rian SJ. Florin 
Theme: Family 
Entry No: 1 
Lima sana kami sa laog kang samong harong pero kami maogmahon. Mayo  man ang sakong Ama yaon man an sakong Ina, lola, asin mga pinsan na  sakuyang padaba.
0 notes
jamesflorin · 3 years
Photo
Tumblr media
Name: James Rian SJ. Florin 
Theme: Nature 
Entry No: 2 
Hilinga an perpektong hugis ni Mayon sa likod kang bukid na berde an kolor, daing hambog na Magayon.
0 notes
jamesflorin · 3 years
Photo
Tumblr media
Name: James Rian SJ. Florin 
Theme: Food
Entry No: 3 
Sisig na paborito kong kakanon, lalo na kung ini maharangon. Tunay na mapapakakan kang dakol, lalo na kung ini maragamuon.
1 note · View note