islamforalltagalog
islamforalltagalog
Islamforall.cc/Tagalog
274 posts
Ipahayag ang Islam mula sa Qur'an at Sunnah ng Propeta Muhammad -sumakanya nawa ang habag at kapayapaan-, at sa may mga katanungan ukol sa Islam ay pwede po kayong makipag-usap sa amin sa pribadong pag-uusap, mangyaring pindutin lamang ang LIVE HELP sa ibaba, maraming salamat po sa inyong pagbisita! LIVE CHAT NOW ! Promote your Tumblr!
Don't wanna be here? Send us removal request.
islamforalltagalog · 7 years ago
Quote
Pakitungohan mo ang mga tao bilang sila ay mga tao hindi dahil sa kanilang uri. hindi dahil sa kanilang yaman. hindi dahil sa kanilang trabaho (o posisyon).
Sheik Muhammad Al-'Arefe
1 note · View note
islamforalltagalog · 7 years ago
Quote
O Allah! Hinihiling namin sa Iyo ang pananampalatayang walang pag-aalinlangan, at biyayang hindi nauubos, at na makasama ang Propeta Muhammad (Sallallahu alaihi wa sallam) sa pinakamataas na antas ng walang hanggang buhay sa paraiso.
Sheik Salman Al'odah
1 note · View note
islamforalltagalog · 7 years ago
Quote
Sapat na sa mga nagtitiwala sa Allah na si Allah ay nagmamahal sa kanila. (...ipagkatiwala mo sa Allah [ang lahat]; katiyakan, ang Allah ay nagmamahal sa mga nagtitiwala sa Kanya.)
Sheik Nabil Al-Awadhy
0 notes
islamforalltagalog · 7 years ago
Quote
O Aming Panginoon… Ang Iyong kaluguran ay ang pinakamahalaga naming hangarin
Sheik Nabil Al-'Awadhy
0 notes
islamforalltagalog · 7 years ago
Quote
Paramihim mo ang paggawa ng mga KABUTIHAN, dahil hindi mo alam kung alin sa kabutihan ang magpapabigat ng timbangan ng iyong mga gawain sa araw ng paghuhukom.
Sheik Nabil Al-'Awadhy
0 notes
islamforalltagalog · 7 years ago
Quote
Ang buhay po sa mundong ito ay panandalian lamang kaya kung nais po natin ang buhay na walang hanggang kasiyahan sa kabilang buhay ay magbalik loob po tayo sa tunay na Diyos na Tagapaglikha dahil siya po ang tanging Makakapagligtas sa atin
0 notes
islamforalltagalog · 7 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
islamforalltagalog · 7 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
islamforalltagalog · 7 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
islamforalltagalog · 7 years ago
Text
Kilalanin si Allah
    Ang doktrina sa Islam ukol sa paniniwala sa Diyos ay napakalinaw, dahil ito ay mula sa aral ng Diyos, sa Kanyang mga dakilang Propeta at Sugo at marangal na mga Kasulatan, sa huling kapahayagan na tinawag na Qur’an ganito ang nasasaad ukol sa Diyos:
Sûrat Al-Ikhlâs
{Ang Kadalisayan} 
Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal
1. Sabihin mo, O Muhammad: “Siya ang Allâh na ‘Ahad’ – Bukod-Tangi na ang pagsamba ay para lamang sa Kanya, na wala Siyang katambal na kahit na sinuman.
2. “Ang Allâh ay ‘As-Samad’ – ang Bukod-Tangi na inaasahan ng Kanyang mga nilikha sa lahat ng kanilang pangangailangan, Ganap, walang kakulangan at walang pangangailangan.
3. “Kailanman ay hindi Siya nagkaroon ng anak at kailanman ay hindi Siya ipinanganak at wala Siyang asawa.
4. “At kailanman ay walang maihahalintulad sa Kanya, sa Kanyang Pangalan, sa Kanyang mga Katangian at sa Kanyang mga Gawain, na luwalhati sa Kanya na Kataas-Taasan.”
Qur’an 112:1-4
0 notes
islamforalltagalog · 7 years ago
Text
Propeta Muhammad -saw- Habag ng sangkatauhan
Sa panahon ng Propeta Muhammad –nawa'y ang pagpapala at kapayapaan ay mapasa kanya-  ay may isang Bedouin na Arabo na humila sa damit ng Propeta Muhammad sa kanyang likuran ng napakalakas hanggang sa magkaroon ng marka ang leeg ng Propeta Muhammad, at nagsalita ng mga salitang masama na hindi karapat-dapat sa katayuan ng isang Propeta at kanyang sinabi: bigyan mo ako ng pera ng Allah na mula sa iyo, at walang naging reaksyon ang Propeta liban lamang sa pag-ngiti at habag sa kanyang mukha at kanyang binigyan ito ng pera.
Tunay na si Propeta Muhammad ay isang habag sa sangkatauhan: (( At hindi ka Namin ipinadala, O Muhammad, kundi bilang Habag sa sangkatauhan )) [Qur'an 21:107]
0 notes
islamforalltagalog · 7 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
islamforalltagalog · 7 years ago
Text
Ang Pagiging mabuti at Paggalang sa mga Magulang
Isa sa mga dakilang inobliga at ipinag-utos sa atin ng Diyos ay ang pakikitungo ng mabuti at Paggalang sa ating mga magulang, Ito ay makikita natin sa marangal na Qur'an na pinagsasama sa pangunahing utos ni Allah na pagsamba lamang sa Kanya at huwag Siyang ipagtambal sa anumang bagay.
Sinabi ni Allah sa Kanyang marangal na Qur'an: (Sambahin ninyo si Allah at Huwag ninyo Siyang ipagtambal sa anumang bagay at kayo ay maging mabuti sa inyong mga magulang). Surah An-nisa: 36
At Kanyang sinabi: (At ipinag-utos ng iyong Panginoon na huwag kayong sasamba maliban lamang sa Kanya (Allah), at maging mabuti sa mga magulang..). Surah Al-israa: 23
Naiulat ni Abu Hurairah -kinalugdan siya ni Allah- kanyang sinabi: "dumating ang isang lalake sa Propeta Muhammad -sallallahu alaihi wa sallam- at siya ay nagsabi: sino sa mga tao ang pinaka may karapatan ng aking mabuting pakikitungo? Siya (Propeta) ay nagsabi: Ang iyong Nanay, ang lalake ay nagsabi: at pagkatapos sino? Kanyang sinabi: Ang iyong Nanay, ang lalake ay nagsabi: at pagkatapos sino? Kanyang sinabi: Ang iyong Nanay, ang lalake ay nagsabi: at pagkatapos sino? Kanyang sinabi: Ang iyong Tatay"
[Al-bukhari at Muslim]
0 notes
islamforalltagalog · 7 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
islamforalltagalog · 7 years ago
Quote
Ang As-Salah (Pagdarasal) ay nag-iisang uri ng pagsamba na inobliga sa Kalangitan, at bago mamatay ang ating Propeta Muhammad -alaihis salam- ay kanyang paulit-ulit na sinabi: As-Salah, As-Salah, kaya't sanayin ang iyong sarili na isagawa ito, at magtiis para rito, at asahan ang Kabutihan.
Sheik Muhammad Al-arefey
0 notes
islamforalltagalog · 7 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
islamforalltagalog · 7 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes