Tumgik
invasionofmylife-blog · 13 years
Text
Minsan talaga, sobrang naiinis ako sa Mommy ko.
Lalo na pag BV sya. Wala syang nakikita kung hindi ako.
Ako. Ako. Ako. Puro na lang ako! :(
Patayin mo nga yung ilaw sa banyo!
Wala ka na ngang ginagawa, nagkakasakit ka pa.
Tumulong ka nga dito.
Kaya nga madalas akong nagkukulong sa kwarto. Ayoko kasing napapagalitan pa. Nasasagot ko tuloy sya kapag di ko na talaga mapigilan yung pagka-inis ko. Pero ngayon, tahimik na lang ako at pagkatapos aakyat ako sa kwarto ko sabay iiyak ng todo-todo. Ang sakit lang talaga kasi na kapag yung iba kong kapatid nakalimutang patayin yung ilaw di pinapansin pero ako isang beses ko lang nakalimutan.. 'ASOGSGJKRVNRK!!!!! Patayin mo nga yung ilaw sa banyo!!'.. Lagi na lang mga pagkakamali ko nakikita. Kapag yung mga positive sa akin.. *BOOGSH* nabubulag na sila.
Lahat naman ginagawa ko para maging proud sila sa akin pero parang kulang pa din. Di ko na talaga alam gagawin ko.
Yung bunso kong kapatid kaya nyang sagut-sagutin si mommy. Wala ng palag si mommy kapag sa bunso kong kapatid na.
Mommy: Patayin mo nga yung ilaw sa banyo!
Bunso: Sus! Parang yun lang nagagalit agad. Edi patayin.
Mommy: ...
Pero kapag ako .. ASDFGHJKL! Sermon aabutin ko. Nakakainis talaga!
Mommy: May uwi ako dyan sa'yo.
Ako: Oh? :) Anu yon?
Mommy: Yung short na kagaya kay bunso. Baka sabihin mo kasi na puro sya lang binibili ko.
Ako: Ah. Ok. :( *sa isip: TAE! Sana di nyo na lang ako binili! Akala ko naaalala nyo ko yun pala masama pa rin iniisip nyo sa akin na baka naiinggit ako kay bunso. TANGENA. T.T* (tapos punta sa kwarto at sabay iyak)
Wala na nga kong ginagawa minsan, ako pa rin lagi nyang nakikita. Ewan ko kung bakit ang init ng dugo nya palagi sa akin. Buti pa si daddy, kahit naiinis sa akin minsan di nya pa rin magawang magalit kasi alam nyang di na ko lalo mamamansin. Kilala na talaga ako ni daddy, kapag malungkot ako alam nyang may problema ako. Tatanungin nya pa ko kung may problema ba pero di ko sinasabi kasi ayoko lang makadagdag pa sa iniisip nila.
7 notes · View notes
invasionofmylife-blog · 13 years
Text
Pretending to be happy when you're in pain is just an example of how strong you are as a person.
still trying to make that smile when every part of you just wants to die.
2 notes · View notes
invasionofmylife-blog · 13 years
Text
Kaso wala na kami.
Minahal ko sya na para bang siya na ang huling lalaking mamahalin ko sa buong buhay ko. Minahal ko sya na para bang wala na kong hahanapin pa. Minahal ko sya dahil akala ko sya na ang lalaking nagpatunay sa akin na may kagaya pa nyang mamahalin ako di dahil sa kung ano ako, kundi dahil sa kung sino talaga ako. Akala ko sya na ang lalaking magpapasaya sa akin, magpapatawa at magpapalimot ng mga problemang dinadaanan ko sa buhay ko.
PERO NAGKAMALI AKO.
December 2010, Saturday. Nasa sasakyan ako. Magkatext kami na para bang may problema pero di ko alam kung ano yun. Parang ang lamig nya sa akin. Tinext ko yung kaibigan ko na kaibigan nya din. Sabi ko sa friend ko "parang may problema sya pakitanung mo nga kung anu. Thank You." Dami kong nalaman sa friend ko. Ako daw mismo magtanung sa kanya. So tinanung ko sya.
Ako: Ayaw mo na ba?
Him: Para sa akin, Oo. Parang ang gulo na kasi e.
Ako: *nasa sasakyan ako. katabi ko mami ko sa front seat. Umiiyak na ko. Di ko mapigilan luha ko kaya nakaharap ako sa bintana para di makita ng mami ko* Bakit?
Him: Kasi blah .. blah .. blah ... *di ko na matandaan e. haha*
Dumaan kami sa office ni dad. Medyo ok na itsura ko. Nag-online ako saglit sa office ni dadi. Tinignan ko kung online sya. Pero wala, di sya ol. Mahilig kaming buksan ang prof. ng isa't isa at palitan ang pangalan ng chatlist na kami lang ang member. Eto ang pangalan ng chatlist ko na pinalitan nya matagal na. di ko nabasa agad kasi nawala na naman internet namin nun. Eto yung nakalagay.
"Mahal na mahal kita kahit ang sungit sungit at selosa ka pa. Sobrang mahal kita. Baka iwanan mo din ako kasi mabilis kang magsawa. Haha. :P I love you*
POTA! Ang sakit. Sobra. Bigla kong umiyak. Di ko napigilan. Pumunta agad akong CR para mag-ayos at hihiramin ko ang cp ni mami dahil empty bat na ko at kailangan ko syang itext na mag-OL sya. Habang nasa CR ako, nakaharap sa salamin, ito ang mga pumasok sa isipan ko:
SHET! Paano na to?! Wala na kong dahilan para tumawa o ngumiti.
Nagsisisi na ko. Bakit ba kasi pride pinaiiral ko nun.
Ayoko ng pumasok.
Wala ng dahilan para mag-aral pa.
Ang tanga ko.
Ayoko ng mabuhay.
Ayoko na.
Ayoko na.
Ayoko na!!
Bumalik na ulit ako sa office. Namumula pa rin yung mga mata ko. Kaso ayaw talga mawala. So lumapit na ko kay mami ng nakayuko.
Ako: Ma, pahiram ng cellphone.
Mami: Bakit? Wala na kayo?
Ako: Huhuhuhuhuh. *umiyak ako na parang batang sanggol sabay tumango na lang*
Mami: Bakit? Sabi na nga ba e! Masyado ka kasi naging in sa kaya e.
Nag-FB na lang ulit ako. Di ko kasi kayang pigilan ang pag-iyak kahit sabihin ng daddy ko na tumahan na ako. Di ko talaga magawang tumigil. Buti na lang nandyan ang kuya ko na naiintindihan yung nararamdaman ko kaya di na ko masyadong pinagsabihan nila daddy.
Sumaya na rin ako medyo nung binili kami ng daddy ko ng mamahaling shoes for Christmas. Nilibot namin ang Trinoma at SM North mahanap lang yung shoes na magugustuhan ko. *That's why I love my dad so much. He wants what's best for me eventhough he's tired walking around.*
Habang naglalakad kami palabas kinausap ako ng kuya ko...
Kuya: Anu ba nangyari? Anu ba dahilan nya?
Ako: Blah.. blah.. blah..
Kuya: Sigurado ka ba na yan talaga?
Ako: Oo, tinanung ko sya. Sabi nya yun lang daw talaga.
Kuya: Kasi lalaki ako. Ang mga lalaki di basta basta bumibitaw na ganyan lang ang dahilan lalo na kung mahal nya yung babae. Mag-usap kayo ulit. Tignan mo kung maayos nyo pa. Kasi ito lang ang pwedeng maging rason kung bakit sya nakipagbreak..
Pagod na sya.
Sawa na sya.
Di ka na nya mahal.
O ang masakit sa lahat, may gusto syang iba.
Dahil sa mga sinabi na yan ng kuya ko, bigla kong napaisip. *subukan ko kaya siyang kausapin sa monday at tanungin kung ano talaga ang dahilan nya?*
Monday, Christmas Party ng buong school namin, agkapasok ko pa lang sa school nakita ko pinsan nya na nakaupo sa may gate kasama ang kaklase ko. Napaluha ako. Sabay takbo sa corridor at sabay yakap sa kaklase ko na una kong nakita. Sarado pintuan ng room namin kaya lahat sila nasa labas. Iyak ako ng iyak hanggang sa school. Di ko talaga kinaya. Nakita ko yung teacher ko na adviser ni ex. Sinabi ko kay ma'am lahat. Sabi nya, magpakatatag lang ako.
Pero nung nag-usap kami after ng program, nagka-ayos na ulit kami. Nabigla lang ata siya. Di ko alam. Basta, kami na ulit.. *NOON*
0 notes
invasionofmylife-blog · 13 years
Text
I know it's wrong to have feelings for you. But I tried not to be over you. I tried not to care.I tried not to love you. But no matter what I do, I always ending up loving you.
4 notes · View notes
invasionofmylife-blog · 13 years
Text
I miss everything about you.
I miss how we laugh and it doesn't even matter if the people will think crazy thing about us.
I miss how you greet me goodmorning, takecare! i love you! before I go to school.
I miss the sweet conversations we have every night.
I miss how we imagine our future together.
I miss how we plan where we live together in the future.
I miss the song you always sing to me every time we don't have topics to talk about.
I miss the things we do when we go to the mall and play like little children.
I miss how you spend you're load just to say you love me so much.
I miss the way you tell me that you will never leave me.
I miss the way you touch my hand in front of everybody.
I miss the way you carry me like a bride when my feet are already tired.
I miss how you kiss me before you go home.
I miss the words I LOVE YOU and I MISS YOU coming from your mouth.
I miss everything about you.
I miss the way we were.
I MISS YOU
4 notes · View notes
invasionofmylife-blog · 13 years
Quote
MENSAHE *message* Habang ako’y naghihintay Sa mensaheng nagbibigay kulay Kahit puno pa ng lumbay, Sumasaya agad itong buhay. Telepono’y biglang tumunog Muntik pa itong mahulog Dahil sa kasiyahan ko, Na mabasa mensahe mo. Manginginig ang binti, Kahit gaano pa kaikli Abot tenga ang ngiti Makikita sa aking labi. Kahit pa problemado, Gumagaan agad loob ko. Mga mensahe ko, Ganun din ba nagagawa sa’yo? Mga mensahe mo, Agad kong tinatago Sana ang iyong puso Sa akin din sumamo. Binabasa ko ng paulit-ulit Mga mensaheng kay kukulit Telepono’y hawak ng mahigpit Ayaw ng mawalay kahit saglit. Magsisilbi itong alaala mo Kahit ako’y iwan mo Dahil ang iyong puso, Sa iba nagkakagusto. Mensahe’y babalik-balikan Ayaw ko ng kalimutan Dahil napapatawa ng lubusan Para bang wala ng katapusan. Sana mensahe ka na lang, Madaling kalimutan Upang itong puso’t isipan Di na muling masaktan
- erin alyanna estrella (bitter-in-love)
0 notes
invasionofmylife-blog · 13 years
Text
The story behind my true First Love.
Di sya yung una kong naging boyfriend. Sa first boyfriendko, di ko alam kung bakit wala kong naramdaman nung nag break kami. Siguro na rin ay 7 or 8 months na rin naging kami at nagkasawaan na rin siguro.
Pero after 1month, may nakilala ko. He's beyond my standards na di ko man lang malaman kung bakit ako tinamaan sa kanya. Ka-batch ko sya. Nung first year kami di naman sya masyadong pansinin. Mataba pa daw kasi sya nun at di sya mahilig lumabas ng room. Pero nung 2nd yr. na kami, September 2010, nakilala ko sya sa room nila, magkatabi kasi ang room namin.
Lunch break na at pagkatapos ko kumain ng lunch, sinauli ko na agad ang librong hiniram ko sa kaklase nya. Madalas akong manghiram ng libro sa ibang section dahil di ako mahilig magdala ng sariling kong books. Oo, tamad ako. Eh kumakain pa yung kaklase nya at sakto siya yung nasa pintuan nila. Natandaan ko pa yung sinabi nya nung nakataas yung kamay ko dahil hinihintay kong abutin ng kaklase nya ang libro nito.
Him: Uyy, *insert name nung kaklase nya* abutin mo naman. Nakakahiya naman sa babae, magpaka-gentleman ka naman. (well, di naman yan yung exact words na sinabi nya. But nandiyan yung thought) *sabay kuha nung libro sa mga kamay ko*
Me: Salamat. Buti naman naisip mo pa yun. :)
2weeks kaming walang internet. 2weeks walang facebook. 2weeks walang tumblr. Pero nung naayos na yung internet namin, agad-agad akong nag-log in. Inuna ko muna yung facebook. Madami kasi akong na-miss doon. Gaya na lang ng page ng section namin. Baka nagpapatayan na sila dun gamit ang mga post o comments. Baka may mga important messages yung mga relatives ko sa amin at baka may pinapasabi sa daddy o lola ko. Pero wala naman. Wala namang bago. O kahit anu pa man. Pero nagulat talaga ko. Di ko ineexpect to. Ang magkaroon ng madaming friend request. Halos natagalan din ako mag-accept. Di kasi akonag-aaccept agad. Chine-check ko muna yung pics. kung kilala ko.
Dumating sa point na nakita ko name nya. Ang sabi ko sa sarili ko *omygad! inadd nya ko agad?* So di na ko nagdalawang isip na i-accept sya dahil gusto ko rin naman sya maging friend pati na rin in person.
Nag-wall post ako sa kanya ng UYY THANK YOU SA PAG-ADD. Tapos nag-comentan na kami dun. Di na nga related dun sa wallpost ko yung comment namin e. Napunta kami kung san-san, pati na rin tungkol sa mga profile picture namin napag-usapan na.
Naka-POGI pose ako sa PP ko sa FB. Simula nun, POGI na tawag ko sa kanya. Tapos kapag tinatanung ko sya ng kung anu-ano, puro TAMAD ang lumalabas sa kanya kaya TAMAD naman ang tawag ko sa kanya.
Eto na yung time na, di ko maintindihan ang sarili ko. Tinatamad ata ako at parang gusto kong makipag-chat. Di kasi ako madalas nag-ppm. Gusto ko ako unang chinachat. Tapos ayun na nga, di online mga kaibigan ko. Gabi na rin kasi, tapos nakita ko name nya sa list kaya sya ang chinat ko. Madalas din kasi siya magpuyat. Ang dami naming napag-usapan. Mahilig syang bumanat ng mga pick-up lines. Eh sa di pa nga kami masyadong close at ayaw ko naman syang mapahiya kaya tinatawanan ko na lang. Tapos habang tumatagal ang aming paguusap, napapabanat na rin tuloy ako ng mga pick-up lines na alam ko.
Ako: Hahaha. Adik.
Him: Adik sayo.
Ako: Hahaha. Tumatawa talaga ko dito mag-isa.
Him: Lol. berigud.
Mahilig nya kong i-LOL. Ewan ko ba. Tinatamad daw sya kaya Lol na lang daw ang tina-type nya. Sabi ko di ko kasi feel na natatawa ka. Ayan tuloy, ginaya nya ko. Madalas din kasi akong mag-CAPS LOCK ng HAHA pag natatawa talaga ko. Formal din ako mag-type. Naka-capital lagi ang first letter ng sentence ko at laging may period sa huli. Ginaya nya tuloy ako.
Ako: Paano pag nagka-crush ako sayo?
Him: Edi magpapa fiesta ako.
Both: Hahahaha.
Sa chat din to. Di pa kasi kami nag-uusap ng personal. Nasabi ko yan kasi sa mga time na yun feeling ko may gusto na ko sa kanya. Crush ba kumbaga? Pero akala ko hanggang dun lang. Madalas na kami magkachat. Isang gabi ng Biyernes nagka-chat kami at sabi ko kailangan ko ng matulog. Sabi nya sige, bukas ulit? Oo naman ako. Kasi free naman ako kinabukasan nun which is Saturday.
*Kinabukasan*
Him: ui. goodmorning.
Ako: goodmorning din. Sorry aalis pala kami di ko alam. :(
Him: Nyek. Sige ok lang. Ingat.
Ako: Mag cp ka na kasi. Para magkatext tayo. (nakwento nya sa akin na nag-cp lang sya nun dahil may nililigawan sya nung gr.5 sila. pero pagkatapos nun di na daw sya ulit nag cp)
Him: Tinatamad kasi ako e.
Ako: Hahaha. Tamad ka talaga. Sige. Alis na kami.
Nasa Trinoma kami nung nag-GM yung kaibigan ko na kaibigan niya din.
GM:
Text nyo tong BOSS *HIM* ko. Wag nyong lolokohin yan. Himala nga at nag-cp sya ulit. Eto yung num. 09*********
GM
Papunta kaming CR nung nabasa ko yun. Agad-agad kong sinave num. nya at sabay text.
Ako: Oyy, ako to si pogi. Sabi mo di ka mag-ccp?
Him: Ikaw kasi. Haha.
Ako: Ha? Anung ako? *di ko talga na-gets yung sinabi nya*
Him: Haha. Wala. Ge text na lang kita maya. Basketball lang.
Madami din kaming naging tawagan. Nung may gusto na sya sa akin pero di ko pa alam. At may gusto na rin ako sa kanya pero di pa nya din alam. Naging Chocnut-Hany ang naging tawagan na namin. Pero nararamdaman ko na may gusto din sya sa akin kaso di ako sigurado kaya di ko muna inaamin sa kanya.
Pauwi na kami. It was almost 10:00 nung nakauwi kami. Habang nasa jeep kami bigla ng nagloko yung globe. Nainis ako. Nakakainis talaga tong Globe na to sa gabi. Narereceive ko text nya, pero text ko di nya narereceive. Sumuko na ko. Di ko alam gagawin ko para mabasa nya text ko. Tinadtad ko na sya, wala pa rin. Tapos nung nasa bahay na ko, pumunta ko sa kwarto ko. Nagtext ulit sya.
Him: Chocnut di ka na nagreply. Tulog ka na ata. Sige tulog na rin ako.
*may scroll down talaga. Ewan ko ba.Sinuspense ako*
Goodnight. I love you. :*
Nashock ako. Kinilig. Di ko ine-expect na mahal nya na pala ako. Di ko talga inakala. Super kinilig ako. HAAAAAAAY. :">
At simula nun. inaya namin sya magsimba ng friend ko. Sabi nya nagsisimba na daw sila 8-9, eh nagsisimba kami ng friend ko 9-10. So magkasunod. Sabi ko edi magsimb ka ulit. Pls. Eh may gusto sya sa akin at gusto nya rin akong makita at makasama kaya gumawa sya ng paraan. Ang laki pa nga ng binigay nya sa simbahan 50. tapos nilibre pa nya ko ng 7up. tapos nung pauwi kami nilibre nya ng pamasahe yung mga kaibigan ko. Well, di pa kami nun. Kaya tanung ng tanung mga kaibigan ko kung kami na ba.
Sa school lagi nya ko sinasamahan sa recess. pero di pa sya nanliligaw. Ewan ko ba dun, pinagkakamalan tuloy kaming kami na. Ater 1week nagpaalam sya sa akin kung pwede na syang manligaw. Sabi ko, Oo naman. :">
Para kaming mga baliw, nagdate kami ng di pa kami. Kasi naman, di naman yun planado. Dapat kasama yung mga kaibigan ko. Sabi nila may practice daw pala sila ng choir. Ayan tuloy, kami lang dalawa nanuod ng sine. Di naman ako nagpaalam sa magulang ko nun. Hahaha.
Plinano namin kung kailan sya magtatanung sa sagot ko. Sabi ko sa tuesday. Maaga kasi uwian namin tuwing tuesday tapos 14 pa nun. Sakto sa Valentine's day.
September 14, 2010, this is the day. Maaga kaming umuwi. Hinatid nya ko hanggang sa gate namin. Nasira diskarte nya nung nakita nya yung mga kaibigan nya na nagba-bike tapos sinundan kami. Nahiya tuloy sya. Pero natatawa talaga ko habang sinasabi to sa akin.
*Nasa harap kami ng gate namin*
Him: *name ko*, will you be my girlfriend?
Ako: HAHAHAHAHAH.
Him: Anu ba yan? Tinatawanan lang ako. Anu nga?
Ako: HAHAHA. OO na. Oo. Hahah.
Him: Napilitan pa ata. Mahal mo ba ko?
Ako: Oo, mahal kita.
Him: YES!
Ako: Hahah. Sige na. Umuwi ka na. Baka makita ka pa ni Lolo.
*tapos inabot nya sa aking yung dalawang toblerone*
Ako: Wag na!
Him: Ok lang yan.
Ako: Baka magalit pa mama mo.
Him: Akin naman talaga yan e.
Ako: Bahala ka. Sige alis ka na.
Him: Sige I love you.
Ako: I love you too.
Haay. Na-miss ko tuloy sya lalo. :(
0 notes