hindsightinsightforesight
Untitled
2 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
hindsightinsightforesight · 3 years ago
Text
Panunuring Pampanitikan
Nobela:  Sa Kuko ng Liwanag
May - Akda: Edgardo M. Reyes
Paraan ng pagsusuri:
I. Panimula:
May-akda
1. Talambuhay ng may-akda:
Isa si Edgardo M. Reyes sa pangunahing kuwentista at nobelistang Filipino. Popular ang kaniyang Sa Mga Kuko ng Liwanag hindi lamang sa Filipinas kundi maging sa ibang bansa. Ang bersiyong pelikula ng nobelaay isa sa mga ikonong produksiyon ng pelikulang Filipino. Kabilang si Reyes sa pangkat pampanitikan noong dekadasisenta—mga manunulatna Agos—na bumago sa developmentat kasaysayan ng pagsulat ng kuwento sa Filipino. Sa sariling paglalarawan,siya ay “…isang layas, palaboy, propesyonal na tambay, salamatat hindi umabot sa pagiging taong-grasa. Atsoy rin, piyon sa konstruksiyon, tubero, manggagawa ng poso, officeboy, mensahero,bodegero at kung ano-ano pa. Halos gradweyt lang ng high school, nagtapos nang pinakabobo sa buong klase (pasang-awa) sa eskuwelah ang matagal nang nagsara,ewan kung dahil sub-standard. Naging kuwentista, nobelista,editor ng magasin at diyaryo, manunulat sa pelikula at telebisyon,reporter,photographer,kolumnista,cartoonist,komentarista sa radyo, direktor sa pelikula.Propesor sa unibersidad, tagapaglektyur sa graduateschool ng Ateneo,at sa U.P., sa mga estudyante at sa mga miyembro ng faculty. Palanca at Famas awardee, U.P. writer-in-residence, [at] bestseller sa Japan (salin sa Nihonggo ng Sa Mga Kuko ng Liwanag.)”
1. Kaugnayan ng may-akda sa kanyang nobela
Nagsimula ito sa pagiging construction worker niya matapos na siya ay mag- drop out sa kolehiyo. Hanggang sa matuklasan siya bilang isa sa mga manunulat ng pangkat na tinuturing na may bagong dugo sa Liwayway. Hanggang sa mapunta siya sa Bulaklak. Hanggang sa pagsusulat niya ng mga nobela niya kasama na ang kanyang obrang Sa Mga Kuko ng Liwanag.
A. Pamagat ng nobela
1. Kaugnayan ng pamagat sa may-akda
Matagal na tumuloy sa siyudad si Eddie. Nagtrabaho bilang tubero ngunit sa hirap ng biyahe at sa hindi sapat na kita ay umalis siya sa pinagtatrabahuhan. Isinalaysay din ang hirap na kanyang dinanas noong siya ay nasa construction bilang piyon.
2. Kaugnayan ng pamagat sa kabuuan ng nobela
Inilarawan nito ang hirap at ang pagsubok sa buhay na hinarap ng mga taong lumuwas ng Maynila dahil sa pag-asa na makakamit din nila ang maayos at masaganang pamumuhay na inakalang matatagpuan sa siyudad.
 I. Katawan
A. Tauhan, pagpapakilala at paglalarawan
1. Pangunahing tauhan
Julio – mangingisdang taga-Marinduque na pumunta sa Maynila upang hanapin ang kanyang kasintahang si Ligaya.
                          - Larawan ng mga kababayan natin na lumuwas ng Maynila dala ang pag-asang mababago ang buhay ngunit ang realidad ng buhay ang sumalubong - kahirapan at lupit ng buhay sa lunsod.
2. Katunggali
Ah Tek – isang Intsik na bumili kay Ligaya sa prostitution den; nagkagusto siya kay Ligaya kaya pinakasalan niya.
3. Iba pang tauhan
              Ligaya Paraiso - kasintahan ni Julo na lumuwas sa Maynila dahil pinangakuan siyang bibigyan ng trabaho ngunit naging biktima ng prostitusyon.
Pol – matalik na kaibigan ni Julio na laging tumutulong sa kanyang mga
problema.
Atong – mabait na kaibigan ni Julio na nakatrabaho niya sa isang construction site. Tagatakal ng graba at buhangin. Nakulong sa City Jail at napabalitang binugbog  ng isang Koronel na kapatid ni Mister Balajadia na nauwi sa pagkamatay nito.
 Perla - kapatid ni Atong. Tumatanggap ng pagantsilyuhing kobre kama.
Ang Ama - nina Atong at Perla. Paralitiko dahil nakipaglaban sa nais kumamkam ng lupang kinatitirikan ng tahanan nila sa Quezon City kaya siya a binaril at tinamaan sa buto.
Mister Balajadia - ang lumalagda sa payroll.
Omeng -  na naghatid sa kanya sa lugar ng kanyang pagtratrabahuan, sa mga naghahalo ng simento
Imo -  ang nagtutubig at nag-uuho ng simento.        
Benny - kilalang masiyahing tao ay naaksidente habang sila ay nagtratrabaho. Di akalaing lubos  ng kanyang mga kasama na ito na ang huli trabaho nito. Ang masaklap pa ay namatay   itong dukha.
B. Banghay / Buod
Simula  
Pumunta si Julio sa Maynila upang hanapin si Ligaya. Pagdating niya sa Maynila, siya ay nanakawan. Nagtrabaho siya sa kung saan-saan gaya ng mga construction sites tulad ng La Madrid Building upang magkapera.
Kasukdulan
Namatay si Ligaya. Hinihinala ni Julio na si Ah Tek ang may gawa nito. Pinuntahan ni Julio siya sa burol. Pumunta si Julio sa bahay ni Ah Tek para maghiganti at siya’y pinagsasaksak ni Julio. Narinig ng mga tao sa paligid ang nagyayari at sila’y kumuha ng sari-sariling sandata at sinugod si Julio.
Wakas
  Namatay si Ah Tek at Julio
Uri ng Nobela:  Nobela ng Tauhan – isang akdang nasa hangarin, pangangailangan at kalagayan ng mga tauhan ang ikinawiwili ng  mambabasa.
C. Tagpuan
1.  Panahon - Dekada sisenta
2. Lugar       -   Maynila
D.  Tema / Damdamin - Ang malaking agwat sa pamumuhay ng mga mahihirap at  mayayaman. Ang pang-aabusong ginawa ng may kapangyarihan sa mahina.
E. Kabuuang mensahe ng Nobela
1.    Bisang pangkaisipan  - Nalaman ko na ang akdang Sa Kuko ng Liwanag ay may    malaking kaugnayan sa naging karanasan ng may akda.  Katulad ng marami sa ating mga galing sa hirap, hindi rin naging madali ang naging karanasan sa buhay ng may-akda. Naranasan niyang magtrabaho sa construction at hindi naging madali ito. Mababa ang sahod na hindi sapat para sa kaniya at sa pamilya.
2.    Bisang pandamdamin - Sa kabila ng hirap sa buhay, dapat ay maging matatag at   determinado na maabot ang pangarap sa buhay. Marami man ang maging hadlang,  mapakapwa tao o sitwasyon, maging matiyaga at matapang na harapin ang mga ito  para sa kinabukasan.
3.   Bisang pangkaasalan - Mayaman o mahirap dapat ay maging pantay ang turingan sa       isa’t isa. Pagdating sa trabaho, dapat ay ibigay ng employer sa manggagawa kung ano       ang nararapat na makuha nila dahil pinaghirapan at pinagtrabahuhan nila ito.
 I. Pagsusuring pampanitikan
A.  Teorya
Teoryang Marxismo
Ang layunin ng teoryang marxismo ay upang ipakita ang malaking agwat ng mayaman at mahirap, maykapangyarihan at walang lakas.
 B.  Akda
Ipinakita sa kabanata 2 ng nobelang “Maynila sa Kuko ng Liwanag” ang lantarang pang-aabuso ni Mr. Balajadia kina Atong at Julio sa paraang pagkuha niya ng malaking porsyento sa sweldo ng mga tauhan sa construction site.
C. Pagsusuri
Ipinakikita sa mga pangyayaring ito ang masaklap na katotohanan sa buhay na ang mga taong may lakas ay sadyang na mapagsamantala sa mga taong mahina. Ang harapang pagbawas ni Mr. Balajadia, ang mataas na patong sa pautang sa mga trabahador at pag-ipit sa kanilang sweldo ay ilan lamang sa mga suliranin pa rin ng ilang manggagawa sa panahong ito.
D. Konklusyon
Pumili ng isang pangyayari sa nobela na sumasalamin sa iba’t ibang isyung panlipunan na naganap noong panahong nasulat ang nobela, iugnay ito sa kasalukuyang isyung panlipunang kinakaharap pa rin natin at lapatan ito ng isang panukala, maaaring isang hakbang, o batas upang matugunan ang pangangailangang ito o masulusyonan ito.
Pangyayari:  Ang lantarang pang-aabuso ni Mr. Balajadia kina Atong at Julio sa paraang pagkuha niya ng malaking porsyento sa sweldo ng mga tauhan sa construction site.
 Batas: Blg. 231 Mga Karapatan at Responsibilidad ng Manggagawa
Mga Karapatan ng Manggagawa
Bawat manggagawa ay may karapatang:  malaman ang tungkol sa mga panganib sa lugar ng trabaho, at sa kung aling mga pag-iingat ang narapat gawin para maiwasan ang pinsala o sakit mula sa mga panganib na ito
​ Edukasyon ng empleyado sa ilalim ng Sistema ng Impormasyon ng Mga Kagamitan na Mapanganib sa Lugar ng Trabaho, gayon din ang pagsasanay na partikular sa trabaho ukol sa mga produktong kemikal/kontrolado sa Lugar ng Trabaho, ay isang halimbawa ng karapatang malaman, na suportado ng ng Batas ng Kaligtasan at Kalusugan sa Lugar ng Trabaho.
Sumali sa mga gawain ng kaligtasan at kalusugan sa lugar ng trabaho, kasama ng pakikisangkot sa  komiteng magkasama sa kaligtasan at kalusugan sa lugar ng trabaho, o bilang isang kinatawan ng manggagawa, halimbawa. tumangging magtrabaho sa anumang pinaniniwalaan ng manggagawa na magsasanhi ng mga epektong kagyat at malubha, o pangmatagalan ukol sa kanilang kaligtasan at kalusugan o sa kaligtasan at kalusugan ng iba.
Gampanan ang mga tungkulin o tuparin ang mga karapatan sa kaligtasan at kalusugan, ayon sa itinakda ng Batas ng Kaligtasan at Kalusugan sa Lugar Trabaho ng Manitoba (The Manitoba Workplace Safety and Health Act), nang hindi sumasailalim sa paghihiganti.
Mga Responsibilidad ng Manggagawa
Ang mga manggagawa ay may legal na responsibilidad na:
mangalaga nang makatuwiran para protektahan ang kanilang mga sarili at ang iba na maaaring maapektuhan ng kanilang mga aksyon o mga kinaligtaan.
gumamit nang wasto ng mga pangkaligtasang kagamitan, kasuotan, at mga aparato.makipagtulungan sa komite o kinatawan ng kaligtasan at kalusugan sa lugar ng trabaho. 
Makipagtulungan sa ibang mga tao tungkol sa mga bagay pangkaligtasan at pangkalusugan sa lugar ng trabaho.
Sanggunian para sa mga legal na kinakailangan sa ilalim ng batas ng kaligtasan at kalusugan sa lugar ng trabaho:
Batas ng Kaligtasan at Kalusugan sa Lugar ng Trabaho, Seksyon 2: Layunin ng Batas na ito
Batas ng Kaligtasan at Kalusugan sa Lugar ng Trabaho, Seksyon 5: Mga Tungkulin ng mga Manggagawa
Batas ng Kaligtasan at Kalusugan sa Lugar ng Trabaho, Seksyon 7.5: Tungkulin na Magbigay ng Kinakailangang Impormasyon 
Batas ng Kaligtasan at Kalusugan sa Lugar ng Trabaho, Seksyon 40: Mga Komite at Mga Kinatawan sa Kaligtasan at Kalusugan sa Lugar ng Trabaho
Batas ng Kaligtasan at Kalusugan sa Lugar ng Trabaho, Seksyon 43(1): Karapatang Tumanggi sa Mapanganib na Trabaho
Regulasyon sa Kaligtasan at Kalusugan sa Lugar ng Trabaho, Bahagi 35: Sistema ng Impormasyon ng Mga Kagamitan na Mapanganib sa Lugar ng Trabaho, Aplikasyon ng Mga Regulasyon ng Manitoba 217/2006
Bulletin 231: Worker Rights and Responsibilities (Tagalog)
Mga Sanggunian:
https://panitikan.ph/2014/06/07/edgardo-m-reyes/
https://www.safemanitoba.com/Resources/Pages/no-231-mga-karapatan-responsibilidad-ng-manggagawa.aspx
 https://www.goodreads.com/review/show/434407936
https://journals.upd.edu.ph/index.php/lik/article/viewFile/1909/1816
0 notes
hindsightinsightforesight · 3 years ago
Text
PANUNURING PAMPELIKULA 
Pamagat: Heneral Luna  :   Jerrold Tarog 
Tauhan: 
Mga Pangunahin Tauhan
1. John Arcilla bilang si Gen. Antonio Luna
2. Mon Confiado bilang si President Emilio Aguinaldo
Mga membro ng gabinete ni Pang. Aginaldo
1. Epy Quizon bilang si Prime Minister Apolinario
2. Mabini Alvin Anson bilang si Gen. José Alejandrino
3.Nonie Buencamino bilang si Felipe Buencamino Sr.
4.  Leo Martinez  bilang Pedro Paterno
Mga Tauhan ni Heneral Luna
1. Joem Bascon bilang si Col. Francisco "Paco" Román
2.  Art Acuña bilang si Maj. Manuel Bernal  3.Alex Medina bilang si Capt. José Bernal 4. Archie Alemania bilang si Capt. Eduardo Rusca  5. Ronnie Lazaro bilang si Lt. García Mga Miyembro ng Magdiwang 1. Lorenz Martinez bilang si Gen. Tomás Mascardo 2. Ketchup Eusebio bilang si Capt. Pedro Janolino 3. Anthony Falcon bilang si Sgt. Díaz, mensahero ni General Mascardo  Iba pang mga sundalo ng Hukbong Sandatahan ng Republika ng PilipInas 1. Paulo Avelino bilang si Gen. Gregorio "Goyong" del Pilar 2. Benjamin Alves bilang si Lt. Manuel Quezon
Mga Sundalong Amerikano 1. Miguel Faustmann bilang si Gen. Arthur MacArthur Jr. 2. E.A. Rocha bilang si Maj. Gen. Elwell Otis 3.Greg Dorris bilang si Maj. Gen. Wesley Merritt 4. David Bianco bilang si Maj. Peter Lorry Smith 5. Rob Rownd bilang si Col. Boyd
 Mga Supporting Actor/es 1.  Bing Pimentel bilang si Laureana Luna, ina ni  Antonio Luna  2. Allan Paule bilang si Juan Luna,kapatid ni Antonio Luna 3. Marc Abaya bilang batang Antonio Luna 4. Perla Bautista bilang si Trinidad Aguinaldo, ina ni  Emilio Aguinaldo 5. Dido de la Paz bilang si Don Joaquín Luna de San Pedro,Ama ni Antonio Luna 6. Junjun Quintana bilang si José Rizal 7. Nico Antonio bilang si Andrés Bonifacio  8. Jake Feraren bilang si Procopio Bonifacio 9. Carlo Aquino bilang si Col. Vicente Enríquez
Banghay ng Pelikula: 
Taong 1898 natapos ang pananakop ng mga Kastila sa bansang Pilipinas at simula naman ng pamamahala ng mga Amerikano. Masalimoot at walang kasiguraduhan kung magkakaisa ang mga Pilipino sa pakikipaglaban nito sa mga Amerikano na unang nakita sa simula ng pelikula na kung saan ay nagtatalo ang panig ni Heneral Luna laban sa panig ng Ministro ng Ugnayang Panlabas na si Felipe Buencamino Sr. Dinagdagan pa ng hindi pagsunod ng mga tropa na galing Cavite sa utos ng Heneral na sumali sa digmaan na naganap sa La Loma. Para sa kanila ay ang dating Pangulong Aguinaldo lamang ang kanilang susundin at wala ng iba. Ngunit ipinakita rin naman sa pelikula na may mga Pilipino pa rin na tapat ang handang ialay ang buhay para sa Inang Bayan gaya ng katapangan at katapatan sa bansa na ipinamalas ng sundalong si Garcia. 
Magkaganoon pa man, sadyang namamayani ang hindi pagkakaisa sa sa bawat Pilipino sa panahong iyon na higit pang pinalala ng magkasalunat na paniniwala ng dalawang pinuno na iginagalang at sinusunod ng hukbong sandatahan ng Pilinas na sina Heneral Luna at Pang. Aguinaldo. Ang isa ay maka-bayan samantalang ang isa ay alangang maka-bayan at alangang maka-dayuhan. Maraming membro ng gabinete at heneral ng hukbong sandatahan ng Pilipinas ang sa Pangulo lamang sumusunod at may nais ding mapasakop sa Amerikano. May naganap ding hidwaan sa pagitan ni Hen. Luna at Heneral Mascardo. Ang hindi pagsunod ng huli sa utos ni Heneral Luna ang naging mitsa ng hindi pagkakaisa ng dalawa. 
Dumalo sa Pista sa Arayat si Heneral Mascardo habang halos maubos ang tropa na nakikipaglaban sa mga Amerikano sa Bagbag. Nagkaharap ang dalawang Heneral sa Guagua ayon na rin sa kagustuhan ni Heneral Mascardo. Sa telegramang ipinadala ng Pangulong Aguinaldo, “nakulong” si Hen. Mascardo dahil sa paglabag sa utos ni Hen. Luna. Uso na rin noon ang palakasan. Ipinakita ito noong isang gabi lamang ang nakalipas ay nakalaya rin sina Mascardo, Buencamino, at Paterno. Nakarating ito kay Hen. Luna at isa sa dahilan kung bakit hiniling niya sa El Presidente na tanggapin ang kanyang pabibitiw bilang heneral sa Hukbong Sandatahan ng Republika ng Pilipinas. Ngunit hindi ito sinang- ayunan ng pangulo. Nagsagawa ng pagpupulong sina Pang. Aguinaldo at Ministro Buencamino kasama Pangulo ng Kongreso ng Malolos na si Pedro Paterno at Hen. Mascardo. Tinanong ni Aguinaldo sa mga ginoo kung ano ang kanilang masasabi tungkol kay Hen. Luna. Pawang mga kasinungalingan at paninira lamang ang ibinahagi ng mga ito.
Isang umaga habang nagpa-plano ng paglusob sa mga Amerikano, nakatanggap ng telegrama si Hen. Luna. Galing daw ito sa Pangulo at nagsasaad na nais nitong magpunta si Heneral Luna sa Cabanatuan upang pamunuan ang bagong itatatag na gabinte. Masayang nagtungo sa Cabanatuan ang Heneral kasama ang ilan sa mga tapat na tropa nito. Subalit hindi niya nadatnan ang Pangulo ni gabinete nito roon. Ang naroon lamang ay sina Felipe Buencamino at Janolito. 
Nasa gitna na ng mainit na sagutan sina Hen. Luna at Buencamino nang biglang may narinig na isang putok ng baril ang Heneral. Agad siyang lumabas upang hanapin kung saan nagmula ang pagputok ng baril. Lumapit sa kanya si Janolito na nanlilisik ang mata sabay taga sa pisngi ng Heneral. Pinalibutan at pataksil na pinagbabaril siya ng tropa ng mga Pilipino na naroroon.
Tema / Paksang Diwa: 
Ipinakita ang naging buhay ni Heneral Luna at pagtataksil sa kanya ng kapwa Pilipino na humantong sa kanyang kamatayan. Umiikot sa kagitingang ipinakita ni Heneral Luna sa panahon ng Digmaang Filipino at Amerikano. Ang mga aksyong kanyang isinagawa upang mapagkaisa ang mga Pilipino laban sa Amerikano. Ang magkaibang paniniwala ng Heneral at Pangulong Aguinaldo.
Pamagat: 
Akmang-akma ng pamagat na patungkol sa naging buhay ng magiting na heneral atg itinuturing na pinakahenyong heneral ng Hukbong Sandatahan ng Republika ng Pilipinas
Genre: Historikal at trahedya Pagganap ng mga 
Tauhan: Matagumpay na naisabuhay ng mga nagsipagganap ang bawat karakter sa pelikula na iisipin mo na kung ganoon ba talaga kung kumilos, magsalita at mag-isip ang mga taong naging bahagi ng ating kasaysayan. Diyalogo: Punong-puno ng aral ang mga salitang binanggit ni Hen. Luna sa pelikulang ito na patungkol sa pagiging tapat sa lupang sinilangan. 
Direksyon / Direktor: Tunay na hahangaan ng mga manonood ang pelikulang ito dahil sa matagumpay na direksyon at matalinong direktor. 
Sinematograpiya: Kumpleto sa elemento at pagkamalikhain ang pagkakagawa sa pelikula. Kitang-kita ang effort at panahong inilaan upang maging makatotohanan at maisabuhay ang nangyari sa kasaysayan.
7 notes · View notes