Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Happy Birthday Uyab..
Alam kong napaka nonsense na gumawa ako ng ganto. Malamang siguro galit ka sakin.. I'm sorry.. pero ayun..
Eto ung pinakafavorite kong pic natin. Kasi eto ung first night mo sa bahay. Sobrang saya ko nyan kasi welcome na welcome ka sa bahay.. Sobrang perfect ng relationship natin pero sinayang ko. Wala na akong magawa ngayon kundi magsisi ng magsisi pero alam kong wala na un magagawa.. kahit lumuha pa ko ng dugo di na kita maibabalik. You deserve someone better at imbis na gawin ko better ung sarili ko, nagsettle ako sa pagiging mabababa. Napakastupid no.
Ang dami kong gusto sabihin pero hindi ko na lalahatin. Yung iba wala ka na pake for sure.. pero sana, tapusin mo ung pag scroll hanggang sa dulo. Enjoy your day. This might be the last time na mang eepal ako. Please dont stop playing kahit bumalik na ako sa LoL. Kahit mapansin mo name ko sa garena or steam sana wag ka umalis.. I noticed na huminto ka na mag online e.. wag ka mag alala hindi na ko mang gugulo.. kung gusto mo ko iunfriend okay lang. If that will give you peace I will understand.
0 notes
Text
Pumipikit ako, habang nakikinig ng mga kanta na makakapagpaliwanag ng nararamdaman ko. at iniisip na hawak mo pa din ako katulad ng pagkakahawak mo sakin diyan..
Salamat dahil todo support mo ako sa mga kaartehan ko. Kung gusto kong magpaiksi ng buhok, kung gusto ko magpakulay, kung gusto ko magpawax, kung gusto ko magpamanicure at pedicure, go lang. Hindi mo ko hinusgahan na maarte or maluho. Salamat mahal. Hindi ka nagkulang para iparamdam sakin na sapat ako, na ako ung pinakamaganda pero sobrang insecure pa din ako. Napakatanga lang.
Pero minahal mo ako noon kahit maliit ako kahit payat kahit may pimples. At ngayon hanggang alaala nalang na matatanggap ko pa ung pagmamahal na un. Hays. Sobrang tanga ko. Sinayang ko ung pagmamahal mo.
0 notes
Text
Miss na miss na miss ko na ung mga pagkakataon na kanya kanya lang tayo ng trip. Never naging awkward ung silence satin dalawa. Kahit di tayo parehas ng ginagawa pinaparamdam mo pa din sakin ung pagmamahal mo. Di mo hinahayaan na matulog akong hindi okay. Gusto mo paguusapan agad natin kung hindi tayo okay. Miss na miss na miss ko na ung mga araw na chill lang tayo dalawa. Miss na miss na kita mahal ko. Sobrang miss na kita.
0 notes
Text
Sexy mo ohhhh haha
Favorite ko kurutin yang tummy na yan e.
Looking back at all our photos made me realize na ang gwapo gwapo mo talaga. Narealize ko kung pano ako kiligin sayo nuon.. sobrang kilig!
Kung hindi lang ako natanga, sana akin pa din yan..
0 notes
Text
Yung mga hawak mo sakin. Palagi ko na hinahanap. Napakatanga ko kasi ano ba yan.
Miss na miss ko na kung pano mo ako yakapin. Ayan ung "home" ko e. Kapag naiinis ako pinipikit ko nalang mata ko at aalahanin ko kung paano mo ko pakalmahin. Hindi mo ko pinapabayaan. Hindi mo hahayaang urat ako. Hindi mo sinasabayan ung galit ko. Hindi mo titigilan na kulitin ako hanggang pansinin na kita na katulad ng dati. Hindi mo hinahayaan na mawala ung kulit ko. At salamat. Salamat sa lahat ng pagpapasensya na hindi ko napahalagahan nuon...
0 notes
Text
Thank you for taking me out.
Isa to sa mga favorite kong dates natin.. kasi nasa labas lang tayo, nag bike, nag drawing haha! Lahat ng hilig ko ginawa natin outside. Sobrang happy ko.
Sobrang napasaya mo ko in your own simple way. Bobo ko lang talaga at hindi ko naappreciate un before..
0 notes
Text
Thank you for those days na pinaghahanda mo ako ng breakfast or midnight snack..
To be honest, hindi talaga ako comfortable kay Ate Jazel non. She's one of the reason kung bakit di ko trip pumunta sa inyo nun. Yung kilos at pananalita niya sakin non parang ayaw niya ko na nasa bahay niyo haha pero it's all over now, no need for me to complain na no.
You're the best.. thank you for giving your effort na matuto magluto.. miss kona chili hotdogs mo at ketchup na favorite mo
0 notes
Text
First morning with you..
Hanggang hiling nalang na makasama ka sa pag gising ulit balang araw..
0 notes
Text
Thank you for treating me every once in a while.. Sobrang swerte ko sayo pero sinayang ko. Alam kong hindi na ko makakabalik pa sayo kaya magpapasalamat nalang ako. You deserve all the good things in the world mahal ko. You are the best! Sayang, hindi na natin maiikot ung mga request ko sayo.. natambak nalang un sila.. hanggang sa nagbreak nalang tayo. haha
0 notes
Text
Thank you for supporting me when it comes to gaming. Kahit hindi ako magaling sinasali mo pa din ako sa mga laro na gusto mo ako kasama. Kahit nahihiya ako sa mga friends mo kasi pabigat ako. Eto ung favorite ko pag pumupunta sa inyo kasi we can play kahit gaano pa natin katagal gusto mag laro.
Until now, un pa din ung gusto ko. Ung dream room natin. Ung mga games na gusto natin laruin I somehow still look forward for it to happen. Kahit malabo na. I still pray for it..
0 notes
Text
You're turning 26 this May 1. I know, I may have pressured you about this work thing. Alam kong isa sa mga binigay kong dahilan yan sayo bakit ako umalis pero I want you to know na hindi. Isa lang yon sa mga rason para pagtakpan ang mga kamalian ko at makahanap ng rason para magalit ka sakin at hindi maging mahirap para sayo ang kalimutan ako.
Napanuod ko yang korean drama kailan lang, nakakatuwa yan. About yan sa pag abot ng mga pangarap. About yan sa pag pursue sa mga bagay na makakapagpasaya sayo may it be work/love. Siguro nagtataka ka kung ano naman connect nyan sayo.. gusto ko lang sabihin na I secretly pray for your success. Kahit na late ka na magkawork hindi ka napagiwanan, kasi punong puno ka ng wisdom at magandang asal. Hindi naman trabaho ang pinakamahalagang bagay sa pagiging adult, ang maganda may natututunan ka at dala mo ang lahat ng aral sa buhay. Every night, i wish na nasa tabi mo pa din ako.. na kasama mo pa din akong nangangarap, ikaw pa din ung gusto ko maging tatay ng mga anak ko. They will learn a lot from you i'm sure. Alam kong magiging mabuti kang daddy sakanila, pero wala na, sa isip ko nalang yun. Kung maibabalik lang ako sa nakaraan gusto ko pa din samahan ka sa lahat ng pagsubok na darating.. gusto ko pa din manatili sa tabi mo at susuportahan ka sa lahat ng mga maging desisyon mo sa buhay. Gusto kong malaman mong naniniwala pa din ako sa kakayahan mo. Nakakainis. Sana nung napagod ako hindi ako humanap ng iba. Sana hindi ka nasaktan. Sana nagpahinga nalang ako at bumalik agad sayo kasi ikaw.. at ikaw pa din ang gusto kong makasama sa pag tanda.
Pero anong magagawa ko, huli na ang lahat. Masyado ng magulo. At masyado na kitang nasaktan. I don't deserve someone as precious as you. Nahihiya na ako. I'm a mess. Wala na kong magawa kundi umiyak nalang at magsisi sa lahat ng naging desisyon ko. Pinanindigan ko nalang mga naging desisyon ko dahil sa pride. Ayokong magmukhang tanga sa mga tao sa paligid ko na pagkatapos kitang saktan ay babalik lang ako sayo. Alam ko kung anong iisipin ng mga tao, na sasaktan lang kita ulit at wala na kong magandang maidudulot sa buhay mo. Na marami naman dyan iba na mas worth it para sayo. Na mas bagay sayo. Pero wala e, gusto kong ako pa din. Sana ako pa din. Pero ano pa bang point. Nakamove on ka na. At probably narealize mo na na sayang lang ang panahon mo sakin.
Kaya siguro, i'm just gonna pray for you. Na maging maayos ang buhay mo at maging masaya ka sa bawat pag lipas ng oras. I need to accept the fact that you'll have a better life without me because I only bring chaos in your life.. I love you.. I love you so much. And I know I need to stop bothering you..
0 notes
Photo
To my greatest love,
These are some of your pics na gwapong gwapo ako sayo, I miss that smile. Sa twing napapatingin ako sa pic na to I can somehow hear your little laugh.
I miss you. I miss you so much. I miss the feeling of being able to touch you. I know I fucked it up. I fucked up all my chances of being with you.. and now, I can only look at you through this pictures that I kept all these time. I have a lot actually, I still have all those albums of us together at gustong gusto ko tingnan ng paulit ulit.
I want you to know na pinagsisisihan kong nawala ka sa buhay ko. I think of you everyday. Every single day. Wishing na makabalik ako sa past. Na sana naging mabuti ako sayo. Sana I did everything I could to make it work. Sana nakita ko ung lungkot mo bago ung lungkot ko. Sana hindi ko pinili maging makasarili. Sana masaya pa din tayo. Sana ikaw at ako pa din. Sana tayo pa din.
Hindi ko alam kung paano ako mag aapproach sayo. It seems like you want to ignore me. Siguro nga, I don’t even deserve to get a reply from you kasi sino ba naman ako? Anong karapatan kong kamustahin ka after all this time. Pagkatapos kong saktan ka. Pagkatapos kong ipagpalit ka. Pagkatapos kong bigla nalang mawala.. bigla akong babalik at mangangamusta na parang wala lang diba? Kung ilalagay ko ung sarili ko sa posisyon mo magagalit ako e. Pero hindi ko na matiis.. gustong gusto ko na makausap ka. Gustong gusto ko na makita ka at mayakap ka at makasama ka.
Don't worry, di ko pagpipilitan pa lahat ng nararamdaman ko. Gusto ko lang malaman mo na you're the best that I ever had. The one that got away. My forever greatest love. Thank you so much for everything..
2 notes
·
View notes