Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
"ML o AKO?"
-heartbreaker
Short story
---
Nakakainis na talaga siya. Ilang buwan na ba niya kong nababalewala? Tuwing mag aaya akong kumain sa labas kahit libre ko na ayaw niyang sumama.
Nung una akala ko may ibang babae na siyang kinababaliwan but it turns out na hindi pala yun ang dahilan kaya ako nababalewala.
One day sa school
"Love can we talk" -tanong ko sa kanya.
"Later trisha" - sagot niya sakin habang busy kapipindot sa cellphone niya.
"Gusto lang naman kitang makausap"
Pero imbes na pumayag siya nagalit pa siya sakin. "Storbo ka kase eh!". Habang dinuduro duro niya ko. "Ayan natalo tuloy kami. Sabi na kasing mamaya na"
Then he walk out. Haaay
Paulit ulit na ganun ang nangyayare. Kahit studies niya napabayaan na niya. Kung dati kasama kami sa top 10. Ngayon may tendency pa na maging repeater siya.
"Love bakit ba hindi mo na ko pinapansin? Hindi ka na rin nagpapasa ng mga projects . Love bumabagsak ka na sa ilang subjects natin". Sabi ko sa kanya habang busy na naman siya sa kapipindot ng cellphone niya.
"Pwede ba trish wag kang magulo. Naglalaro ako eh!"
Diko na talaga kaya. Tao din ako napupuno din ako noh. "Ano ba kasi yang kinabubusyhan mo jan ha?". Sabay agaw ng cellphone niya.
"T*ng *na naman trish!"
"Tinatanong nako nila tita anong nangyayari sayo. Bakit nagkakaganito sa school. Wala akong maisagot sa kanila bryan!" -sigaw ko sa kanya habang pinipigilang tumulo yung luha ko.
"Edi sabihin mo break na tayo!"
Nag init ang dugo ko sa sinabi niyang yun. Magkahalong sakit at galit.
"Bryan mamili ka. AKO O YANG ML NA YAN!" -sigaw ko sa kanya habang umiiyak.
"Akin na nga yang cellphone ko!" -sabay agaw ng cellphone sakin. "Bahala ka sa buhay mo"
The walk away. Again.
So, he chose that game over me? Ganun ba? Mas napapasaya siya ng larong yun kesa sakin? Mas nauna akong nagpasaya sayo bryan.
Sino ba kase nagpauso ng larong yan at papatayin ko.
---
Sa gabi iniiyak ko lahat ng sakit. Diko matanggap na yun lang ang dahilan kung bat kami nagkaganito.
Sa chat siniseen niya lang ako. Sa text naman minsan na lang siya magreply at kung magreply pa
~wag ka muna mag chat or text. Busy ako~
Busy saan? Sa laro na naman?
Sa umaga naman pagpasok sa school tinitingnan ko lahat ng kaklase kong naglalaro din nun. Pero bukod tanging si bryan lang kinain na ng ml na yan. Halata na nga eyebags niya kapupuyat.
Pero wala eh. Ayaw na niya sakin break na talaga kami.
"Ma, pwede pa ba ko lumipat dun sa school na sinabi ni papa na lilipatan ko dapat?" -tanong ko kay mama pag uwi ko isang hapon.
"Lilipat ka?" -tanong niya sakin na tinanguan ko nalang. "Akala ko ba ayaw mo lumipat dahil gusto mo sabay kayong gagraduate ni bryan dito ng senior high? May nangyari ba?"
Kinwento ko kay mama ang lahat at pumayag naman siya kaya agad naming inasikaso ang paglipat ko.
---
"Bryan's POV"
"Oy pre. Di ka ata kinukulit ng jowa mo ah" -asar sakin ni rey.
"Oo nga. Balita ko lilipat na raw ng school" -napatigil ako sa sinabi ni mike.
"Anong sabi mo?"
"Sabi ko lilipat na raw siya ng school" -ulit ni mike.
"Bat ngayon mo lang sinabi?"
"Akala ko ba wala na kayo?" -tanong sakin ni rey.
"O-o-oo wala na nga"
Umupo ako ulit at nilingon kung san ang upuan ni trisha pero hindi siya pumasok.
Siguro mga 1 week ng hindi siya pumapasok kaya nagbakasali akong pumunta sa kanila. Pero ang sabi wala na raw sila dun magdadalawang linggo na.
Umuwi ako ng bahay at inisip ang lahat ng nangyare. Bakit siya umalis. Bakit sila lumipat. Akala ko ba sabay kaming gagraduate dito?
"Bryan. Mag usap tayo" -kinabahan ako sa tono ng pananalita ni dad kaya sumunod nalang ako sa kanya. "Tumawag sakin ang teacher ninyo at sinabi ang nangyayari sayo. Gusto mo pa bang mag aral? O maglaro nalang?"
Hindi ako nakasagot agad. Ito rin yung huli naming pinag usapan ni trisha 3weeks ago. Kung kelan ako nakipag break sa kanya.
"Pumunta dito si trisha last 3days ago at sabi niya ibigay ko daw to sayo"
Napatingin ako sa kahon na binigay ni mom. Laman nito lahat ng regalo at loveletters na binibigay ko sa kanya mula nung nanliligaw palang ako.
Napaluhod ako at humagulgul nalang.
Ano bang ginawa ko? Sinayang ko ang 3years namin.
"Yang ml na yan o ako!" -bumabalik saking isipan ang araw na pinapili niya ko.
Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko. Trisha mahal ko. 😭 Im sorry. Naging kampante ako na di mo ko iiwan kahit anong mangyari. Naging kampante ako dahil alam kong mahal mo ko. Love bumalik ka na. 😭
Pero lahat ng yun ay ibubulong ko na lang sa hangin. Hindi ko na siya mahanap. Kahit sa social media diko na siya mahanap.
Im sorry Love. Pangako aayusin ko na ang buhay ko.
---
Wakas.
Please follow my page on facebook 👉👉https://www.facebook.com/tangraceanne/
Thank you. ❣️❣️❣️
1 note · View note