reflections on privilege, pop culture, and the Philippine zeitgeist by rohanne chiong
Don't wanna be here? Send us removal request.
Photo
![Tumblr media](https://64.media.tumblr.com/bdd45f06ebac5728054a2c2c89dd2b86/tumblr_oxveelQvB51twbeeuo1_540.jpg)
Noong unang panahon, sa mundo ng mga sobrenatural na nilalang, may ipinanganak na bayani. Ang kanyang misyon? Hanapin ang prinsesa at ligtasin ang sangdaigdigan.
0 notes
Photo
Sa unang sulyap sa Sherlock, hindi mo iisiping papatok ito sa mga dalaga. Noong una kong nakita angSherlock noong 12 years-old ako, nadiliman ako sa kanyang tono at inisip ko na baka masyado siyang malubha para sa akin.
Kung hindi dahil sa fandom ng Sherlock, hindi ko sasayangin ang isang oras ng aking buhay sa A Study in Pink, ang unang kabanata ng BBC series.
Ngayon, dalawang taon na ang lumipas mula noong huli kong binuksan ang Tumblr at wala pa rin ang makakapagpasiya ng panahon ng aking pagdadalaga katulad ng BBC Sherlock. At hindi ako nag-iisa dito -- tingnan lamang ang milyon-milyong mga GIF, fanart, fanfic, manip, character study, meta essay at libro (!!) na ginawa ng komunidad ng Tumblr (kung saan maraming batang babae, mas lalo na noong 2009-2015). Lahat ito ay galing sa lubos na pagmamangha para sa Sherlock Holmes na linikha ni Steven Moffat at Mark Gatiss .
Bakit nga ba ang iconic ng BBC Sherlock?
Bukod sa gwapo ni Benedict Cumberbatch...at ni Martin Freeman (at siyempre, di magpapatalo si DI Lestrade) napakagaling ng pagka-arte at pagsulat nito. Ang pagkahenyo ng BBC Sherlock ay na sa katumpakan ng pagsalin nang nito sa klasikong imbestigador ni Sir Arthur Conan Doyle sa taong 2010.
Nakuha ng palabas ang paraan ng pag-iisip ng mga tao ngayon (kahit mas mabilis nga lang ito nangyayari sa utak ni Sherlock). Katulad ng pinaliwanag ng video-essayist na si Nerdwriter1, naipakita nila Moffat at Gatiss ang pagproseso ng utak ng tao sa datos na nagmumula sa mundo at sa teknolohiya na madalas nating ginagamit para mamataan ito.
Isa sa pinakamagaling na halimbawa ng pagpakita nito sa palabas ay sa pagtagpo ng bangkay sa A Study in Pink. Ito ang unang beses na pinakita ng palabas (sa malikhaing paraan na magiging trademark ng BBC Sherlock) ang mga bagay na napapansin ni Sherlock at ang mga kongklusyon na naiisanhi niya galing dito.
Ninanakaw ng mga eksenang ganito ang hinihinga ng nanonood sa bilis ng pangyayari nito; sinusundan nito ang bilis ng pag-iisip ni Sherlock at, katulad ni John Watson, natutunganga tayo sa henyo ng mga deduksyon niya.
Pero ang talino ng palabas ay isang dahilan lamang ng pagtagal ng BBC Sherlock. Higit pa sa mga nakaka-adik na cliffhanger at aksyon, ang nasa gitna ng tagumpay at katanyagan ng palabas sa mga babae ay—
—ang relasyon ng dalawang ito. Ang pananaw sa BBC Sherlock bilang kwento ng pag-ibig ni Sherlock Holmes para kay John Watson at vice versa ay ang dahilan kung bakit tumagal ang kanyang popularidad hanggang ngayon. Ang kimika ng dalawang lalaki at ang lakas ng tiwala na — at mahalaga na pareho silang lalaki — ay nasa punto na tinitira nito ang malalalim na kagustuhan ng mga kababaihan na makahanap ng magmamahal sa kanila bilang ang kanilang totoong sarili, na kumukumpleto sa kanila.
Hindi sekreto na may kakulangan ng kaakit-akit na heterosekswal na relasyon sa mainstream na telebisyon kung saan magkatumbas ang kaunlaran ng babae at ng lalaki. At kahit kagano pa kagaling pa ang pagretrato ng isang heterosekswal na relasyon o kagano pa magkatumbas ang pag-unlad ng babae at ng lalaki dito, hindi pa rin makakalagpas ang maraming mga babae sa malalim na sapantaha na ang lalaki ay pinapaspas (kahit wala siyang kamalayan rito) ng biological need to reproduce, o, mas nakakatakot pa, ng mga hangad ng lipunan.
Ang paraan ng pag-iisip na pinapakita ng palabas ay hindi lamang sa pagpakita nito ng modernong pagproproseso ng datos; pinapakita rin nito ang modernong pagproproseso ng mga damdamin at mga ninanais sa pamamagitan ng depiksyon nito ni John at Sherlock.
Romantiko o platoniko man ang pananaw mo sa relasyon ni John Watson at Sherlock Holmes, ang tiwala nila sa isa’t isa at ang lakas ng kanilang pagmamahal ay mahirap tanggiin. Kahit hindi ang pagmamahal na ito ay hindi binibigkas sa mismong palabas, nakakasalita pa rin ito para sa isang henerasyon ng batang babae na naiintindihan at naiboboses lamang ang kanilang pinakamalalim na hangad sa pamamagitan ng panunuod at paglilikha ng fan content mula sa The John and Sherlock Show. Ito ay ang nagbibigay ng puso sa palabas, ang pumupundo nito sa popyular na imahinasyon.
— ‘The John and Sherlock Show’ at ang Kasaysayan ng Isang Henerasyon ng Kababaihan, R.C.
The Sherlock and John show | S01E01 A Study in Pink
230 notes
·
View notes