Text
PAMILYA
Kahit di man kami kumpleto sa aming tahanan kami ay masaya,ramdam mo ang lungkot dahil hindi kumpleto ang iyong pamilya dahil kailangan magsaripisyo ng iyong ama para sa inyong kinabukasan at sa iyong mga pangangaylangan. Kahit hindi man kami kumpleto andiyan naman ang aking ina upang gumabay at mag-alaga sa amin, dahil isang buwan sa isang taon lamang nagbabakasyon ang aking ama,pagkatapos ng isang buwan ay kailangan na naman niyang bumalik sa kanyang trabaho sa ibang bansa nakakalungkot na kailangan na naman niyang umalis upang magsakripisyo para sa amin. Kahit hindi man kami kumpleto sa loob ng tahanan may ama naman akong masipag at mapagmahal kahit siya ay nasa malayo, may ina naman akong maalaga at may kapatid akong supportado sa lahat ng bagay bagay. Hindi man kumpleto basta ramdam mo ang pagmamahal at supporta ng iyong pamilya sa iyo. Kaya tandaan natin na ang ating magulang ang nagturo sa atin ng magandang asal at ano ang tama sa mali.
0 notes
Text
Setyember Ika-9, 2005 ipinanganak akong malusog at masayahing bata.
Noong ako ay bata pa tanging ang nag-iisang kapatid ko lang ang aking kalaro. Hindi ako lumalabas ng bahay tulad ng ibang mga bata, upang makapaglaro sa labas.
Nagsimula akong sumulat at bumasa noong ako'y tatlong taong gulang, tinuruaan ako ng aking mga magulang kung paano bumasa at sumulat. Noong umalis ang aking ama upang magtrabaho sa ibang bansa tanging ang aking ina ang nag-alaga sa amin ng aking kapatid.
Nakilala ko ang aking nag-iisang matalik na kaibigan na si Kassandra, siya ang lagi kong kasama noon, siya ang lagi kong kalaro at naging kaklase ko siya noong kinder hanggang Grade 6 natutunan kong maging masaya sa dahil sa kanya.
Noong tumuntun ako ng Grade 7 nahirapan pa akong mag-adjust dahil wala pa akong kakilala noon tanging si Kassandra lamang ang kasama ko noon dahil naning kaklase ko rin siya ng Grade 7, mas naging masayahin at mapagbiro ako noong makilala ko sina Delfin, Cherrylee at Juliene sa kanila ko natutunan kung paano makihalo biro sa iba, nagtutulungan kami kung may problema ang isa't isa, mas naging masaya ako dahil sa kanila at hanggang ngayon kami parin ang makakasama at kami parin ang magkakasama hanggang sa pagtanda dahil ang pagkakaibigan hindi kumukupas.
Noong ako ay bata pa pangarap kong maging isang doktor pero kailangan ko munang mag-aral ng mabuti para matupad ko ang aking pangarap, pero kailangan muna nating sumabak sa mga pagsubok para maabot natin ang ating mga pangarap sa buhay para maibalik natin ang mga sakripisyo ng ating mga magulang sa atin, ginawa nila yun upang mabigyan tayo ng magadang buhay para makatapos tayo ng pag-aaral at makahanap tayo ng magandang trabaho, kaya nagpapasalamat ako sa diyos na binigyan nila ako ng magulang na gaya nila na mapagmahal at supportado tayo sa lahat ng bagay bagay.
Ako po si Hannah Alleia Laygo Filarca, labing-apat na taong gulang, kasalukuyang nag-aaral sa Divine Word College of Vigan ng Ika walong baitang at pangarap ko maging doktor balang araw.
5 notes
·
View notes