Text
SANGGUNIAN
cdadmin. (2019, January 4). Role of Internet in Education. https://www.theasianschool.net/blog/role-of-internet-in-education/
Abrenica et al. (2021) Effects of Social Media on Academic Performance of High School Students under pandemic (Covid-19) https://papers.ssrn.com/sol3/papers.cfm?abstract_id=3800085
Rusli, K., Shahibi, M. (2017). The Influence of Internet Usage on Student’s Academic Performance. 7(8).
Rahman, H. (2020). Exploring the Student’s Attitudes toward Internet Usage for Academic Excellence. https://www.researchgate.net/publication/343710006_Exploring_the_Students'_Attitudes_toward_Internet_Usage_for_Academic_Excellence
Baticulon, R.E., Sy, J.J., Alberto, N.R.I. et al. Barriers to Online Learning in the Time of COVID-19: A National Survey of Medical Students in the Philippines. https://link.springer.com/article/10.1007/s40670-021-01231-z
0 notes
Text
PANGKAT 7
by Eudela, Macariola, Manalo, Muth, Santiago, Yap
Ayon sa The Asian School (2019), ang Internet ay ang mayroong pinakamabisang pakinabang na teknolohiya sa modernong panahon. Tila nga sa paggalaw ng daliri upang pindutin ang search button, lahat ng impormasyon na kakailanganin ay masasagot ng Internet. Ang pag unlad ng populiridad nito ay umakit ng atensyon sa larangan ng edukasyon. Internet at Edukasyon, dalawang bagay na hindi mapaglalayo dala ng Pandemya. Ang Pandemyang ito ay marahas na binago ang paraan ng pag-aaral ng bawat estudyante. Mula sa face-to-face na paraan ay lumipat sa online distance learning sa tulong ng Internet. Ang Internet at Social Media ay patuloy na nagbibigay pag-asa sa kabila ng dilim na ating tinatahak.
Sa panahon ng pandemya, binigyan tayo ng pagpipilian ukol sa pag-aaral sa pamamagitan ng Internet at Social Media. Nagbigay ito sa atin ng maraming mga pagkakataon upang gawing mas madali para sa ating sarili ang paghahanap ng impormasyon at pag-aaral sa pamamagitan ng mga bidyo. Pagdating sa buhay ng mga mag-aaral, maging sa paaralan man o sa kanilang personal na buhay, ang social media ay may parehong positibo at negatibong epekto.
Ang layunin nito ay maparami ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng pag-unawa sa kung ano ang maaari at hindi magagawa ng Social Media para sa ating kalusugan sa pag-iisip, pag-aaral, at pisikal na kalusugan bilang isang mag-aaral. Sa kabila ng katotohanan na binago ng Social Media kung paano makisalamuha at nakikipag-usap ang mga tao sa isa’t isa online, mayroong positibo at negatibong epekto ito sa mag-aaral. Ayon sa Abrenica et al. (2021), sinasabi dito na ang mga mag-aaral ay gumagamit ng social media araw-araw sa loob ng isang oras at umaabot ng limang oras. Ang nag-iisa lamang na nakakaapekto sa lawak ng paggamit ng social media ay ang kasarian ng mga respondente. Sa 0.87, ang mga babae ay dalawang beses na mas nahantad sa social media kaysa sa mga lalaki.
I. Benefits
Dagdagan ang pakikilahok sa klase at ganyakin ang mga mag-aaral
Bumuo ng online na pamayanan; konektado ang mga mag-aaral sa bawat isa
II. Disadvantages
Kakulangan ng mga kasanayan sa teknolohiya o suporta
Ang pag post ng hindi naaangkop na nilalaman ay maaaring makapinsala sa reputasyon ng mag aaral o paaralan
Maaari nating sabihin na makakatulong sa atin ang social media na makipag-usap sa mga tao at hikayatin ang pakikipagtulungan sa ating gawain para mas mabilis na magagawa ng mga mag-aaral ang kanilang gawain, ngunit maaari rin itong magkaroon ng mga negatibong epekto tulad ng sobrang pagbigat sa mga pagtatasa.
Ang Internet, tulad ng Social Media, ay mayroong malaking epekto sa mga mag-aaral, lalo na sa panahon ng pandemikong ito. Dahil ang internet ay isa sa mga unang lugar na pinupuntahan ng mga tao upang makahanap ng impormasyon. Magkakaroon tayo ng mas mahusay na pag-unawa sa internet at kung paano maiiwasan ang mga bagay tulad ng pamamlahi, pekeng mga website, at iba pang mga mapanganib na website. Hindi dapat tayo laging nakasalalay sa internet at minsan ay dapat umasa sa ating sariling kaalaman. Dahil sa iba't ibang uri ng mga website na magagamit, ang Internet ay nag-ambag sa paglago ng kaalaman ng mga mag-aaral sa mga kasanayan sa pagbasa, pagsusulat, at pag-aaral.
Ayon sa Baticulon, R.E., Sy, J.J., Alberto, N.R.I. et al. (2021) Kabilang sa 3670 mga mag-aaral na medikal, 93% ang may smartphone at 83% ang may laptop o desktop computer. Upang makakuha ng pag-access sa mga pinagkukunang online, 79% ay mayroong isang postpaid na subscription sa internet, habang 19% naman ang gumamit ng prepaid mobile data. 1,505 na mga mag-aaral lamang (41 porsyento) ang nag-iisip na sila ay may kakayahang pisikal at utak na makisali sa online na pag-aaral sa ilalim ng kasalukuyang mga kondisyon.
I. Benefits
makipag-usap at ipahayag ang kanilang mga opinyon sa ibang mga mag-aaral.
Naa-access ang Internet ng 24x7
II. Disadvantages
pang-aabuso ng pagkuha ng impormasyon online
madaling madistract ang mga mag-aaral
Totoo na ang internet ay lubos na tumulong sa atin upang makamit ang ating mga gawain. Hinihimok nito ang mga mag-aaral na matuto nang higit pa sa pamamagitan ng paggamit ng internet.
Ang social media ay isa sa mga kinakapitan ng mga mag-aaral pagdating sa pag-aaral. Malaking tulong ang inihahatid nito sa mga mag-aaral dahil malawak ang mga pagpipilian ng mga materyales na maaaring magamit sa pag-aaral. Natutulungan nito ang mga mag-aaral na mas mapadali ang kanilang mga trabaho. Dati, kailangan pang hanapin ng mga mag-aaral ang tiyak na libro na makakatulong para sa kanilang gawain. Ngayon, isang pindot lang ng mga mag-aaral ay kanila na agad makikita ang mga impormasyon na kanilang kailangan para sa kanilang mga takdang aralin.
Sa sitwasyong kinakaharap ng mundo ngayon, malaki ang papel na ginagampanan ng social media. Ito ay ang pangunahing tulay ng mga paaralan upang maihatid ang mga aralin sa kani-kanilang mga estudyante. Patuloy pa rin ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga modyul at online meetings. Napatunayan nito na mahalaga ang paggamit ng Internet sa pag-aaral. Kung wala ang Internet, magiging malabo at mahirap ang pag-aaral ngayon.
Ang Internet ay isang materyal na maraming potensyal na gamit. Ukol kay Rahman (2020), 94% ng mga mag-aaral ay ginagamit ang Internet upang makatulong sa kanilang mga pananaliksik at takdang aralin. Sa isang pag-aaral na isinagawa nina Rusli at Shahibi noong 2017, kanilang napatunayan na nakatutulong ang paggamit ng Internet upang mas mapabuti ang pag-aaral. Mas mapapabuti nito ang pag-aaral ng mga mag-aaral dahil maraming mapupulot ang mga ito sa Internet na mga kaalaman at impormasyon.
Malaki ang epekto ng paggamit ng Internet sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Ginagamit ito ng mga mag-aaral upang maghanap at matuto ng mga bagong kaalaman. Bukod pa rito, maaari rin nilang buksan muli ang mga modyul at aralin pagkatapos ng kanilang mga talakayan upang mas malinawan sila sa mga paksa. Sa kabilang banda, pwede rin itong abusuhin ng mga mag-aaral. May mga mag-aaral na mas pinipiling hindi mag-aral at mangdaya sa pamamagitan ng paghahanap ng sagot sa Internet. Ito rin ay isa sa mga posibleng maging abala sa pag-aaral.
Sa pang araw-araw ay ginagamit natin ang teknolohiya. Marami na rin itong tulong at pagkakataon na ibinigay sa mga estudyante na makapag aral nang mas mabuti sa tulong internet. Sa kabila ng mga mabuting dulot ng Internet o Social Media sa mga mag-aaral, kasalukuyang kailangan pa rin natin mag-ingat upang wasto natin itong magamit.
Tips and Tricks!
1. Huwag basta-bastang magbigay ng personal na impormasyon.
Tangkain natin na limitahan ang impormasyon na ating ibinibigay kahit na madalas ito hinihingi dahil maari nitong mapahamak ang ating kaligtasan.
2. Magpakita ng mabuting-asal sa social media.
Ang internet ay mayroong malayang access sa lahat, nararapat na magpakita tayo disenteng nang ugali para sa mga taong makakakita nito.
3. Gamitin ang Internet para sa mga mabuting bagay.
Sa panahon ngayon, marami na ang gumagamit nito para sa mga hindi magandang dahilan kaya’t ito nagiging masama para sa atin.
Ang paggamit ng teknolohiya ay madaling abusuhin kung hindi natin alam ang ating limitasyon. Para sa wastong paggamit natin ng Internet, dapat nating alalahanin na maging responsable at disiplinado sa mga gagawin.
Bilang pagwawakas, napagtanto natin na ang paggamit ng Internet o Social Media sa mga akademikong gawain ay may malaking benepisyo sa kalidad ng pag-aaral ng bawat estudyante lalo na sa panahon ngayon. Sa kabila ng mga masasama nitong epekto, napagpasiya na mas marami pa rin itong mabuting dulot na ibinigay sa atin. Gayon pa man, maiiwasan ang masamang epekto ng Internet kapag meron tayong tamang pagdidisiplina sa sarili.
SANGGUNIAN
0 notes